Chereads / Daydream Of Us / Chapter 17 - The Black Phone

Chapter 17 - The Black Phone

CHAPTER 15

"Pasok ka, damon"

Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko habang nilalapag ang mga gamit namin ngayon sa sahig.

"dito nalang ako sa sahig matutulog, baka may extra foam ka dyan?" saad niya at mukhang pagod na rin ang mga mata niya.

binuksan ko ang cabinet ko habang hinahanap ang naka tuping foam bago ibinigay sakaniya iyon, medyo makapal naman at alam kong hindi rin siya lalamigin.

"mag shower kana.. ako na ang mag aayos nito" ngumiti ako sakaniya bago tumango, kumuha ako ng sleepwear bago pumasok sa cr.

nang matapos na ay nakita ko naman siyang naka upo sa gaming chair ko habang naka yuko sa mesa, mukhang pagod at halatang gusto na mag pahinga.

"damon.. shower kana rin muna para makapag pahinga na tayo.." saad ko at unti unti niya naman dumilat at tumingin saakin, kinuha niya ang damit niya sa bag niya at pumasok na sa cr.

inayos ko ang sarili ko bago ako humiga, malambot ang kama kaya pumikit na ako para mag hintay sakaniya.

"Chiara.. gising na" isang mata lang ang kaya kong idilat ngayon bago lumingon kay damon na naka tayo na sa harapan ko.

gulat akong napaupo habang nakatingin sakaniya, naka ayos na rin ang kama niya at siya naman ay naka ayos na dahil mukhang bagong ligo na siya.

"nag luto na ako ng breakfast mo ha, sila tita raw ay aalis muna baka mamayang gabi pa raw ang uwi"

lutang akong tumingin sakaniya kaya naman tumawa lang siya bago umupo rin sa kama at tumingin saakin.

"pretty parin talaga" saad niya kaya napatayo ako para pumunta sa cr, naka tingin lang ako sa salamin habang iritado dahil may muta pa ako at sobrang nakakahiya.

"Haharanahin ka't araw-araw kang susulatan"

rinig ko ang pag kanta niya ngayon sa harapan ko habang naka upo sa kama ko, hawak hawak niya rin ang ukulele na pinabinili ko noong bata pa lamang ako.

"Ipagpapaalam ka't dadalhin kita sa sayawan"

tumingin siya saakin bago ako bigyan ng matamis na ngiti, umiwas ako ng tingin bago tumingin sa salamin para suklayan ang buhok ko.

"Wag kang mag-alala

Ihahatid ka bago mag-alas otso y medya"

tumayo pa siya habang kumakanta parin papunta sa pwesto ko, ngayon ay nasa gilid ko na siya habang ako naman ay nag iiwas sakaniya.

"Gusto kita, tanggapin mo

Ang pagmamahal kong makaluma"

isang ngisi ang binigay niya sakin ngayon kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, maganda parin ang boses niya kaya naman napairap ako. Binaba niya na ang ukulele bago ilagay sa case niya ito at nilagay ulit sa isang gilid.

"Narito ako upang manligaw na binibini.." saad niya pa bago ibigay saakin ang mini bouquet ng peonies kaya naman napasimangot ako dahil sa effort nanaman niya.

yumakap ako sakaniya kaya naman ng pakawala siya ng hininga bago ako yakapin pabalik, mabango siya at ako naman walang ligo.

"i'm sorry, hindi ko namalayan kagabi na naka tulog na ak-" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko ng ilagay niya ang index finger niya doon.

"its okay baby.. goodmorning" saad niya sabay ipit ng kumakawalang buhok ko sa likod ng tenga ko, hindi ko maiwasan ngumiti kaya naman aasarin na naman niya ako.

"kinikilig ka nanaman" saad niya kaya naman pinalo ko ito ng mas lalong nag pa halakhak sakaniya.

Bumaba na siya para raw doon nalang siya mag hintay pag tapos ko maligo. Pumasok na ulit ako sa cr para maligo at nag suot lang ng pambahay dahil hindi naman ako aalis ngayon.

"kumain kana ng breakfast.. uuwi na muna ako ha" ngumiti ako bago tumango, hinatid ko siya sabay labas ng gate bago kumaway dahil nandyan na rin daw ang pinsan niya.

pumasok na ulit ako para kumain, nakita ko naman namay itlog at tocino roon kaya naman sumandok na ko at sinimulang kumain. Uminom na rin ako ng gatas bago ako mag hugas at umupo samay sofa.

"Napaka init naman sa labas" napalingon ako ng makita si joy at bea ngayon samay pinto, ngumiti naman sila saakin bago paunahan umupo sa sofa.

"Bakit kayo nandito ha!" Singhal ko bago umayos ng upo at tinignan silang dalawa, tumayo naman si bea at dumiretsyo sa ref bago siya kumuha ng gatas at uminom.

"Boring sa bahay.. dito na muna kami" saad naman ni joy at tumungo ring kusina para naman uminom ng tubig.

Kinuha ko ang remote bago umupo, nakita ko naman ang kapatid kong kinukuskos pa ang mata bago bumaba ng hagdan. Napatigil siya ng makita ang dalawang kaibigan ko bago dali daling tumakbo pabalik.

"Natakot sainyo.. kukurutin niyo raw kasi ang pisngi niya" natatawang saad ko sabay tingin kay seb sa taas.

sumilip si bea at joy, mukha silang may pinaplano kaya naman pumunta sila sa gilid para mag tago. Si seb naman ay bumaba na kasi akala niya ay umalis na sila.

"Huli ka!" saad ni bea sabay pisil sa dalawang pisngi niya at hawak hawak naman siya ni joy sa dalawang braso.

"Ate!" pag mamaktol niya at sabay takbo para kumawala. natatawa naman akong tumingin sakanila dahil sa pinag gagagawa nila bago tumakbo dahil pupunta saakin si seb.

"Ganyan kayo! ayaw niyo na saakin" mag dadrama niya sabay hawak pa sa dibdib na wari bang nasasaktan na talaga siya.

nang dadaluhan ulit siya nila bea ay bigla niya naman akong hinila pantakip sakaniya. hawak hawak niya ang braso ko habang nag tatago sa mga kaibigan ko.

"Kumain kana doon, nag luto si kuya damon mo kanina" saad ko kaya naman tumango lang ito at pinanlakihan ko naman ng mata sila joy para naman tumigil na sila.

nag peace sign naman sila pareho bago tumingin kay seb na ngayon ay nag lalakad na papuntang kusina. umupo na kami bago tignan ang nasa tv.

"horror!" rinig kong sigaw ni hael na ngayon ay kakapasok lang din sa pinto.

kumunot ang noo ko dahil hindi lang siya ang nandito kundi silang lahat. nandito rin si Isaiah at kelly na ngayon ay pagod na umupo sa sofa.

"desisyon ka naman! ako ang pipili" pag mamayabang ni bea sabay kuha ng remote saakin. nag lipat lipat siya at nakita naman niya ang isang horror movie.

'Connection to death'

"kumakain yung tao ganyan kayo!" rinig kong sigaw ni seb na ngayon ay dala dala na ang plato papunta saamin.

"laki laki mo na takot ka pa seb!" saad ni Isaiah kaya naman sinamaan siya ng tingin nito.

ngayon ay nandito na rin sa sofa si seb dahil daw natatakot siyang kumain mag isa roon. natatakot din naman ako kaya siniksik ko ang sarili ko sa gilid ng sofa.

"gago! puro lalaki kinukuha niya" takot na saad ni hael na ngayon ay naka takip ang isang mata at ang isa naman ay naka dilat ng kaunti.

"kabahan na kana pre, baka ikaw mauna kunin dito" pananakot ni kelly sabay sandal kay joy na ngayon ay naka pikit na.

"tangina mo! takbo!" sigaw ni bea at pinag hahampas pa ang unan na hawak niya, palihim naman akong natawa dahil doon bago pumikit ng kaunti para makita ko rin ang pinapanood ko.

"ayan! bobo ka ah" saad ni seb na ngayon ay naka siksik saakin habang naka tingin sa screen ng tv.

napasigaw ako ng mahuli siya at dinala siya sa basement at mukhang soundproof iyon at alam kong mahihirapan siya.

"Hoy! patayin niyo na yan" naiiyak na saad ni joy dahil ayaw niya na raw manood. naka siksik lang ito kay kelly na seryoso na ngayon nanonood.

"bobo ampota! soft drink sa umaga" saad ni isaiah sabay turo pa sa pagkain non, tinakpan ko ang dalawang mata ko bago sinubukang manood pa.

"boo!" gulat kaming lahat ng may sumigaw kaya kaagad akong napalingon at si damon iyon, sumimangot ako kaya naman tumabi na siya saakin.

"namo!" sigaw ni hael sabay turo kay damon na ngayon ay natatawa dahil sa itsura namin.

tumingin siya saakin bago ako bigyan ng matamis na ngiti, sinuklian ko naman iyon bago manood na. seryoso kaming nanonood ng biglang mag ring ang phone kahit sira na iyon.

"hala gagi! naiihi ako" sigaw ni kelly na ngayon ay naka takip parin ang mukha niya. gulat akong napasigaw ng makita ang isang lalaking duguan sa likod niya.

ito ang mga victims nung lalaki, siguro ay tinulungan niya ang lalaki para makatakas o hindi kaya para maka ganti.

"wahh! potca" parang batang sigaw ni damon ng makita niyang may lumulutang sa likod nung lalaki habang naka tingin lang.

naka takip na ang unan sa mukha niya sabay mahigpit na kumapit saakin, seryoso lang ako nanonood kahit na takot na takot na rin.

ilang oras pa ay natapos na, sila naman ay tulala at naka tingin lang kung saan saan, maski si seb ay hindi na maka puntang kusina dahil doon.

"kuya, samahan moko roon" aya niya kay damon na ngayon ay naka tulala parin. isang tango lang ang binigay niya sa kapatid ko bago sila umalis at pumuntang kusina.

"Hala! sino yan seb" asar niya bago tumakbo para asarin pa. napahiyaw naman ang kapatid ko bago tumakbo at iniwan lang ang plato roon.

"joke lang.. halika na, mag hugas ka at baka pagalitan ka riyan ng kapatid mo" aya niya pa bago akbayan ito, kumamot naman si seb sa ulo niya.

sila kelly naman ay nag pphone na at aalis na raw dahil may family lunch sila kaya tumango nalang ako bago sila ihatid sa gate.

"pst pst" saad ko sabay tingin sa kapatid ko at kay damon na ngayon ay nag huhugas parin, lumingon lingon sila kaya naman nag tago pa ko sa isang gilid.

"pst pst" pananakot ko pa, natawa naman ako ng makita ang bakas na takot sa mukha nila bago tumakbong sala kaya napatawa ako ng malakas.

"baby!" asar na saad ni damon na ngayon ay namumutla na at ganon rin ang kapatid kong may bula pa sa kamay.

hindi ko parin mapigilan ang pag tawa kaya naman sinamaan nila ako ng tingin at napa peace sign nalang ako bago lumapit sakanila.

"ansama mo talaga.. chiara" bulong ni damon at rinig na rinig ko naman iyon. namumutla na ang mukha niya kaya naman lumapit na ako bago siya yakapin.

malakas ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa ko kaya naman tumingin ako sakaniya para mag pantay ang tingin namin.

"nandito lang naman ako" saad ko sabay gulo sa buhok niya. umalis na rin si seb para daw makapag hugas na siya ng maayos.

"dito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo" saad ko pa bago mas humigpit ang yakap niya saakin.

"paano na to, chiara.. hulog na hulog na ko sayo" malambing na saad niya bago suksok ang mukha sa leeg ko.

________________________________________________________________________________