Chereads / Daydream Of Us / Chapter 21 - Official

Chapter 21 - Official

CHAPTER 19

pumasok kami sa room number na binigay nila kanina. naka dikit sa pinto ang mga list ng mga dancer kaya naman kabado kong binuksan iyon at nakita kong madami pala ang sumali.

"may limang araw kayo para mag practice, kukuha na kami ng kailangan at dapat na masali dito"

napalunok ako ng sabihin iyon ng babae. tinignan ko ang malaking salamin sa harapan namin habang ang ibang mga dancer naman ay sumasayaw na.

"welcome sa dance club! galingan niyo at alam naming kaya niyo yan" umupo ako sa sahig bago makinig sakanila ang tingin nila ay para bang sabik na sabik na sa pag sasayaw.

"gusto namin mag pakilala kayo at kung bakit kayo sumali dito"

tumaas ang kilay ko ng sabihin nila yon dahil sa kaba. gusto ko ng tumayo at umalis na ngunit parang naka pako na ang paa ko dahil hindi ko magawang igalaw to, sila joy naman ay excited pa dahil tinatamad pa nila ang kamay nila para raw sila ang mauna.

"ikaw na miss" saad saakin ng isang babae kaya naman tumayo na ako at pumunta sa harapan.

"I'm Chiara, pinush lang po ako ng kaibigan ko na sumali dito pero parang maeenhance kaalaman ko pag dating sa dancing tsaka dati na rin naman po akong sumasayaw"

rinig ko ang palakpakan ng lahat at rinig na rinig ang boses ng mga kaibigan ko kaya naman kaagad akong yumuko dahil sa hiya.

"pst ganda" sitsit saakin ng isang lalaki kaya naman napataas ang kilay ko.

"ako po?" tanong ko sabay turo sa sarili ko. tumayo ako habang papunta sa harapan dahil ipupwesto raw nila kami.

pumwesto na kami at binaba ang gamit para mag stretching. nang lumingon ako sa isang side nakita ko naman ang mga senior na sumasayaw sa isang gilid.

"pota!" rinig kong saad ni joy ng daganan siya ng isang dancer para mas lalong ma stretch ang katawan niya.

pinuyod ko ang buhok ko bago itaas konti ang pants na suot ko bago igalaw ang katawan para masundan ang galaw ng iba.

"hirap naman neto" angal ni bea ng makita ang pag sayaw ng mga senior namin.

masaya pa ito kanina noong nagets niya ang sayaw na itinuro sakaniya.

"kaya mo yan bhe" saad ko ng makitang hirap na hirap na ito sa footworks. tumawa ko ng makita ang pawis niya na tumutulo na sa mukha niya.

"hoy paturo na kasi" pangungulit niya ng makita ang pag galaw ko. sumimangot ito kaya naman mas lalo akong natuwa.

"uwi na! uwi na!" saad ng mga senior bago sila mag si uwi. naiwan naman kami na naka tunganga ngayon sa harap bago umupo.

hingal akong umupo sa sahig bago kunin ang tubigan ko. ramdam ko ang malamig na tubig na dumaloy sa lalamunan ko bago ko tignan si annie na sumasayaw parin.

"Okay guys! mag iingat kayo!" saad ng co-dancer ko.

tumayo ako bago ayusin ang gamit. hawak hawak ko ang malaking paper bag bago isukbit ang backpack likod ko.

"sabay sabay na tayo" saad ni annie na ngayon ay nag hihintay saamin.

While I was walking, I immediately glanced at the man in front of me. He has a gentle face and tall.

"Hi," pinilit kong tignan siya habang ang ulo ko ay naka tagilid na, naka suot siya ng uniform habang tinitignan ako harap harapan.

"uy damon!" nakipag fist bump pa to sa mga kaibigan ko, ni hindi ko namalayang naka tulala lang ako sakaniya kanina pa.

gusto kong umiyak sa harapan niya dahil ilang buwan din kaming hindi nag kita, lumapit ito saakin bago ako yakapin.

"hindi mo ba ako namiss? hmm?" malambing na saad niya, mas humigpit ang pagkakayakap ko sakaniya ng makita siya ngayon.

"let's eat? Jollibee?" unti unti akong tumango bago sumulyap sa sasakyan niyang nakasakay na ang kapatid ko.

"i missed you so much" saad ko sabay tingin sakaniya, mas tumangkad na siya saakin kesa noong huli naming kita.

ngumiti lang ito at bahagyang tumawa dahil sa sinabi ko, totoo naman e sobra sobra ko siyang namiss dahil antagal na rin noong huli naming kita.

"I missed you so much more, baby" saad niya bago ako alalayan sumakay.

"bakit ka na pala napa bisita ha" Singhal ko sakaniya kaya naman ngumisi lang ito bago iabot saakin ang isang bouquet ng peonies.

nakita ko naman ang kapatid kong nag pphone lang sa likod kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"namiss kasi kita kaya vinisit kita" saad niya saakin bago mag drive, kinuha ko ang phone ko bago picturan ang flowers na ibinigay niya kasama siya.

ngayon nalang ulit ako nakatanggap ng flowers galing sakaniya dahil alam kong busy din siya sa pag-aaral niya.

"thank you, mav" saad ko sabay tingin ulit sa flowers na ibinigay niya. ilang minuto rin ay nag park na siya dito samay Jollibee kung saan kami palagi kumakain noon.

"humanap na kayo ng uupuan natin" saad niya pa sabay gulo ng buhok ko, tumango ako bago humanap ng mauupuan.

nakita ko naman ang iilang babae na nakatingin sakaniya kaya naman napa nguso ako.

"ate, aalis din ako pag kakain ha" ngiting saad ng kapatid ko bago may kapain sa bag niya at ipinakita saakin ang maliit na box kaya binuksan ko iyon.

kunot noo kong tinignan iyon dahil puro tsokolate lang naman ang laman noon, ngumisi naman ako dahil alam kong may nililigawan na ito.

"may pinopormahan kana?" pareho kaming napalingon kay Damon na ngayon ay binababa ang tray sa lamesa. kaagad din tinago ni seb ang box bago umiling.

"binata kana nga e, ayos lang yan tsaka papayag din naman sila tito" pag kunsinti niya pa kaya sinamaan ko ito ng tingin, ngumiti lang siya bago tumabi saakin.

ganun parin ang amoy niya, sweet vanilla parang kahit madaling araw na ay hindi parin ito matatanggal sa balat niya.

"sayo parin boto ko kuya" saad ni seb na ngayon ay nag uusap sila sa harapan ko, natahimik lang ako buong mag kasama kami hanggang sa pag tapos kumain.

iniayos ko muna ang gamit ko bago tumayo, nag paalam na rin ang kapatid ko dahil may pupuntahan pa raw siya.

"ayos ka lang?" tanong ni damon ng makarating kami sa sasakyan niya, ngumuso ako bago yumakap sakaniya.

ramdam ko naman ang buntong hininga niya bago ako yakapin ng mas mahigpit pa, tumingala ako para mag pantay ang tingin namin kaya naman tinaasan niya ako ng kilay.

"i love you, let's make it official na" saad ko kaya naman hindi kaagad siya nakagalaw.

ilang minuto rin niya ako tinitigan bago siya ngumiti, natawa naman ako sa reaksyon niya kasi tinakpan pa niya ang mukha niya.

"i love you more baby" saad niya, habang hawak hawak ang dalawang pisngi ko, ngumiti lang ako bago siya titigan.

"Happiness is the art of never holding in your mind the memory of any unpleasant thing that has passed." - Unknown

____________________________________________________________