Chereads / Daydream Of Us / Chapter 22 - Kiss

Chapter 22 - Kiss

CHAPTER 20

pareho kaming natahimik ng ilang oras bago niya ako iuwi sa bahay, maaga pa naman kaya pinapasok ko muna siya sa loob.

"wala sila mommy ngayon, nasa davao" saad ko bago siya paupoin sa kama ko, kumuha muna ako ng damit bago mag palit sa cr namin.

pag labas ko ng kwarto ay nakita kong nag dadrawing siya, ayun ang drawing notebook ko noong highschool kami dahil nahilig ako sa pag guhin ng kung ano man.

"marunong ka parin mag drawing ha" saad niya bago tignan ang mga drawing ko dati at iilang drawing ko ngayong taon.

hindi ko na rin naman pinursue ang pag dadrawing dahil alam kong hobby ko lang iyon lalo na kapag may free time.

"come here," saad niya sabay tapik ng kama para umupo roon, umupo ako sa unahan niya bago siya titigan.

"smell so good ha" saad pa niya ng makalapit ako sakaniya. ramdam ko ang kamay niya sa bewang ko na pumulupot kaya naman humarap ako sakaniya.

"let's kiss" saad ko sakaniya kaya naman napakurap kurap pa ito. hindi niya alam kung gagawin niya ba o hindi.

tumayo ako sa kama bago umupo sa kandungan niya dahil naka sandal lang ito sa kama, gulat niya akong tinignan bago umiling saakin.

"please baby, stand up" saad niya bago umiwas ng tingin saakin, napanguso ako dahil ayaw niya.

mas nilapit ko pa ang mukha ko sakaniya kaya mas lalong namula ang buong mukha niya. hindi ko alam kung bakit ganon ang naging reaksyon niya dahil normal lang naman mag halikan ang nasa relasyon na.

"ayaw mo ba?" saad ko at akmang tatayo na pero ramdam ko ang pag ayos niya ng upo at pag hawak niya sa baywang ko.

"my baby wants, my baby get" saad niya bago inilapit ang mukha ko sa mukha niya, ramdam ko na ang kaba sa inaasta niya kaya napatigil ako.

ngumisi naman siya ng makita ang mukha kong pulang pula na, hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman tinitigan ko lang siya.

"let's kiss na baby" asar pa sa tono niya bago mas nilapit ako sakaniya, nanghina ako sa ginawa niya ng siilin niya ang labi niya sa labi ko.

malambot ang mga labi niyang nag lalaro sa mga labi ko, hindi ko mapigilan ang kaba sa puso ko dahil sobrang lakas ng tambol noon.

"open your mouth" saad niya kaya ginawa ko naman iyon, nilalaro niya ang dila ko gamit ang dila niya kaya mas lalo akong nababaliw sa ginagawa namin.

huminto ito saglit bago tignan ang itsura kong pulang pula na bago patakan ulit ako ng halik sa labi.

"how was it?" tanong niya pa bago ako buhatin para umupo ako sa kama, tumayo pa siya bago kumuha ng tissue para punasan ang mga labi ko dahil sa ginawa namin.

"sarap," lutang kong saad kaya naman tumawa ito, pinunasan niya ang mga laway na nag kalat sa labi ko bago umupo sa tabi ko.

"i love you, my chiara" saad niya sabay patong ng mukha sa leeg ko, ramdam ko naman na may pumatak na halik doon kaya mas lalong hindi ako makagalaw.

"i love you baby" tumaas ang halik niya sa panga ko kaya napalunok ako.

"i love you so much, my love" saad niya ng makarating ang halik niya sa pisngi ko kaya napalingon ulit ako sakaniya.

"i love you so much more, mav" ako na ang sumagot bago halikan ang labi niya bago tumayo at ligpitin ang mga gamit ko.

nakita ko namang kinuha niya ang ukulele ko kaya naman umupo na ako sa gaming chair ko para gumawa ng activities na kailangan ipasa bukas.

nakita ko namang kinuha niya ang ipad niya sa bag niya bago lumingon sa ginagawa kong ppt. medyo nahihilo na rin ako kaya pumikit muna ako.

"mag sleep kana muna dito, ako na ang gagawa nyan.. may report ba kayo?" sunod sunod sa sabi niya, tumango ako bago ituro ang mga lesson na kailangan namin I report bukas.

hinatak niya ako para humiga sa kama at siya naman ang umupo roon, tinignan niya ang libro ko bago tumango tango.

"mag pahinga kana muna, goodnight Chiara ko" saad niya bago ako pumikit, ni hindi ko na siya masagot dahil sa sobrang antok ko.

Sinend ko na sayo ang ppt mo at sinulat ko na rin sa notebook na to ang mga words and definitions na nasa powerpoint para mas lalo mong maintindihan, kumain ka ng marami bago pumasok.. i love you baby

napatayo ako kaagad bago dali daling bumaba ng hagdan, nakita ko naman si mommy na nag kakape kaya napatingala ito saakin.

"nakatulog ka raw kagabi sabi ni damon, nag paalam na rin siya na uuwi na" saad ni mommy bago ibigay saakin ang isang box.

"kumain ka raw ng marami at wag na mag pagutom, nang hihina ka raw kagabi" saad niya pa kaya naman tumango ako bago bukasan ang box na ibinigay niya.

nakita ko roon ng iilang biscuits at drinks na gusto ko pero bago ko pa naman iyon isara ay nakita ko na ang kamay ni mommy para kumuha.

"mommy!" saad ko sabay masamang tignan siya, nag peace sign naman ito bago isubo ang tinapay.

"nag kausap na kami kagabi, sinabi niyang kayo na raw" ngumiti siya ng nakakaloko na para bang inaasar niya ako.

nang init ang mukha ko dahil sa sinabi niya bago kunin ang box para ilagay sa loob ng kwarto ko. may letter pa pala na naka lagay doon.

ubusin mo lahat to ;)

- damon

naligo na ako at nag bihis dahil mag hahanda na rin para sa report namin mamaya, kumuha ako ng biscuits at drinks para kainin mamaya pag pasok.

"ate let's go na!" sigaw ni seb kaya naman iniayos ko na ang sarili bago bumaba at humalik kila mommy at daddy dahil nag mamadali rin ako.

saktong pag dating namin sa school ay nakita ko na sila kelly na nakikipag daldalan sa ibang classmate namin. sumisigaw pa ito habang naka akbay kay beatrice na mukhang rinding rindi na.

______________________________________________________________