Chereads / Daydream Of Us / Chapter 19 - CONGRATULATIONS

Chapter 19 - CONGRATULATIONS

CHAPTER 17

"congrats mga kapatid!" sigaw ni hael habang hawak hawak ang isang kaniyang certificate na ibinigay saamin kanina.

"uy pogi congrats!" sigaw niya kay damon na ngayon ay kabababa lang ng stage pag tapos niyang mag valedictorian speech sa harapan.

graduation nila ngayon pag tatapos ng senior highschool at paniguradong mag hihiwalay hiwalay na kami, kanina lang din ay recognition namin.

"congrats mav! flowers for you" ibinigay ko sakaniya ang bulaklak kasama rin ang paper bag dahil doon ko inilagay iyon, ginawa ko iyan ng isang araw lang mga satin flowers dahil mas gusto kong mag effort para sakaniya.

"flowers for you too, bebi" kinuha niya ang isang bouquet ng peonies bago ibigay saakin, ngumiti siya bago ako yakapin ng mahigpit.

"Congrats M ko! i'm so proud of you!" masaya niyang sabi at tumatalon talon pa. narinig ko naman ang sipol ng mga kaibigan ko kaya napailing nalang ako.

"ako mismo gumawa niyan because you also deserve to have flowers" ngumiti ako sakaniya bago tignan ang bulaklak na gawa ko, ngumiti naman siya habang tinitignan iyon.

"hmp! ako rin ang pumili niyan!" ayaw niya talaga mag patalo kaya naman tumango tango naman ako, hinatak niya ako kung saan at napatigil kami sa harapan ng dalawang tao.

"mommy, si chaira" pakilala saakin ni damon halos manlaki ang mata ko dahil doon at nakita ko naman ang ngiti sa mukha ng babae bago bumeso saakin.

"ang pretty nga!" natatawang saad ng mommy niya, nakita ko ang pag yayabang na tingin niya sa dad niya kaya naman tinapikan nalang siya nito sa braso.

"hello po" nag mano ako sakanila pareho bago tumingin sa daddy niya.

"same taste" bulong niya sa anak bago siya tumingin saakin, natatawang umiling si tita bago tumingin ulit saakin.

"let's celebrate our achievements bebi!" tumango ako bago mag lakad papunta kila mommy. nakipag kamay pa sila mommy sa parents ni damon.

"i'm so proud of you two" saad ni mommy kaya ngumiti lang ako sabay baling kay damon na ngayon ay kinakausap ni daddy.

sumakay kaming sasakyan tag isa at tumigil kami sa isang resort, mahangin rin ang simoy ng hangin kaya at kitang kita ang liwanag ng buwan.

bumaba kami at pinag masdan ang ganda at ang vintages design nito. mukhang mamahalin ang mga pagkain at nasa gilid pa ng dagat.

"upo na po kayo" tumango sila sabay upo sa mga bakanteng upuan, mukhang nag kakasundo sila kaya naman napangiti ako.

"hep hep!" lumingon ako sa isang lalaki habang nakatingin sa isang bata na hawak niya, kinuha ni damon iyon bago iupo sa kandungan niya.

"pamangkin ko" saad niya sabay laro sa bata, hinawakan ko naman ang kamay nito para laruin at tumawa rin naman siya.

"picture! picture!" ngumiti saad ni tita habang hawak hawak ang phone niya ngumiti naman ako bago tumingin sa camera niya.

"dito naman" sigaw ng pinsan niya hawak hawak ang camera ni damon, nang matapos na ay tinutok niya naman ito saamin.

"hoy anak ko yan ha! bakit mas mukhang magulang niya pa kayo" natawa naman ako bago kunin ang bata para ikalong sa kandungan ko.

"hi baby" saad ko sa bata nakita ko namang lumingon saakin si damon bago laruin ang dila sa loob ng labi niya.

"bakit baby?" saad niya nakita ko namang lumingon si daddy bago tumingin kay damon na ngayon ay nag iiwas tingin.

"joke lang tito" saad nito sabay peace sign pa, tumawa naman ang daddy niya at mukhang aasarin pa siya.

nang kumain na ay kaagad kaming pumunta sa tabi ng dagat ni damon para mag pahangin. hawak niya ang camera habang pinicturan ang paligid.

"picture chiara" kinuha niya ang phone niya at kaagad niyang itinapat saamin iyon, nag selfie pa kaming dalawa bago umupo sa isang gilid.

"ganda talaga" tumawa ito kaya sinamaan ko ito ng tingin. nag scroll siya sa phone niya bago ito ngumiti tsaka patayin iyon.

"ang ganda ng langit" wala sa sariling saad ko habang tingin tingin sa langin. maganda ang buwan buong buo habang ang iilang bituin ay kumikinang na.

ang hampas ng alon ay nag papalamig ngayong gabi, tahimik ang paligid at para bang may sarili kaming mundo ni damon ngayong gabi.

"sobrang ganda" lumingon ito saakin bago pag masdan din ang malaking buwan na ng sisilbing ilaw ngayong gabi.

pagod kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya hinawakan niya naman ang kamay ko at ipinatong din ang ulo niya sa ulo ko.

"kahit mag kalayo tayo sa isa't isa.. asahan mong dito lang ako, sayo at hindi sa iba"

napanguso ako sa sinabi niya ng maalala na

mag iibang school na siya ngayon, wala na akong makikitang damon tuwing umaga at mag susundo saakin kapag uwian.

"gagawa ako palagi ng paraan, makapunta lang sayo ha" saad niya at pinantay ang tingin saakin, tumango lang ako bago yumuko.

hindi ako makaimik sa mga sinabi niya, binigyan niya ako ng assurance ngayon na panghahawakan ko rin ng matagal.

"tara na sa loob.. malamig dito baka sipunin ka" tumango ako bago hawakan ang kamay niya at tumayo.

nakita naming nag tatawanan sila mommy na ngayon ay naka tingin na saamin. ngumiti ako bago lumingon kay damon na ngayon ay nakatayo sa tabi ko.

"inom muna kayo" pang aaya ni tita habang tinuro ang mga baso ng shake. umupo naman kami samay gilid nila at kumuha, nilagyan niya pa ng straw iyon bago iabot saakin.

"thank you mav" maikling saad ko bago tignan ang baso.

sumimsim ako ng shake at lasang mangga ito. masarap at malamig, matamis din medyo pero sobrang asim ng mismong mangga kaya natatawang pinapanood ako ni damon at baka iniisip niyang ngayon lang ako naka tikim ng ganito.

"asim mo" biro ko sakaniya pero tumatawa lang ito bago sumimsim din sa shake at tumango tango.

"alam mo ba mare ganyan na ganyan ako noong kabataan" kwento ni tita kay mommy ng ikinatawa naman nito, natigilan kami ni damon bago palihim na natawa.

"naalala ko pa nung nililigawan ako ni virgilo ay todo gawa pa siya ng love letters saakin noong highschool"

tumawa naman ako sa kwento ni tita ng mapagtantong kinikilig talaga siya, inakbayan naman siya ni tito bago niya ito hampasin.

"aba'y ganon din ang asawa ko, noong highschool palagi siyang bumibisita saamin tapos may dala dala siyang baon para saaming dalawa!" ngiting kwento pa ni mommy na ngayon ay naka akbay si daddy sakaniya.

nag kwekwentuhan lang sila habang kami ni damon ay tahimik lang at nakikita tawa sa mga kwento nila, tahimik akong uminom ulit at himeram ang camera niya.

"bakit ka nga pala may ganito" turo ko sa picture ko noon, alam kong elementary pa iyon dahil sa buhok at uniform ko.

"sinabi ko naman sayo, bago tayo mag kakilala ngayon ay kilala na kita" ngumisi siya sabay tingin sa picture ko na para bang mas gusto niya iyon kesa saakin ngayon.

"ano nga palang kukunin mo hija?" tumingin ko kay tita bago umayos ng upo at binitawan ang camera ni damon.

"tourism po tita pero kung papalarin pa baka pwede na rin mag nursing" casual kong saad tumango tango naman ito.

ang sabi ko nga ang puso ko ay nasa aircraft habang ang isip ko nasa medical.

gusto kong ibigay kila daddy ang gusto nila katulad ng ginagawa nila saakin ngayon. ibinigay nila lahat ng kung anong gusto ko at kung anong deserve ko.

"you want to be an flight attendant huh?" ngumiti ako at marahang tumango. i want to drive a plane too.

"I want to pursue flight attendant pero baka hanggang nursing lang ako dahil masyadong mahal ang tuition" ngumuso ako kaya tumango naman siya.

"Whatever you take, I'll support you" pinisil niya ang pisngi ko bago sumimsim ulit sa drink na iniinom niya.

nakatitig lang kami sa isa't isa nang tumaas ang tingin ko, his eyes might be the color of mountain pero parang naiinitan ako at napapaso kada tingin niya.

"uwi na tayo" tumango ako bago lumingon kay mommy na inaayos ang gamit nila. tinulungan ko naman ito bago hawakan ang ibang gamit papunta sa sasakyan.

"thank you love, tita, tito nag enjoy po kami sobra" ngumiti naman ako kaya napatango sila bago kumaway saamin, nakikipag usap pa si damon kila mommy bago tumingin saakin at kumaway.

"bye chiara!" ngumiti ako bago kumaway sakaniya at pumasok sa sasakyan, nang maka uwi na kami ay nakita ko si seb na nakaupo sa sala habang naka nguso.

"congrats ate!" sigaw niya at may pag tatampo pa sa boses dahil hindi siya sinama kanina.

"pakiss nga" saad ko kaya naman lumayo na ito ay hinawakan pa ang dalawang pisngi niya, natawa naman ako bago umiling.

kinuha ko ang phone at nag scroll nakita ko naman ang picture ko kanina. naka talikod ako sa camera habang naka tingin sa langit, hindi ko maiwasan mahiya at mapangiti ng dahil doon.

'congrats my pretty bebi you did well, i'm so proud of you'

________________________________________________________________________________