Chereads / From Enemies to Lovers? / Chapter 3 - Chapter 3: Ice Cream

Chapter 3 - Chapter 3: Ice Cream

Kenneth's PoV

"BENTE?" hindi makapaniwala kong ani nang makita ko ang bente pesos na ibinigay niya sa akin. "Seryoso ba siya?BENTE!" inis kong tiningnan ang pigura niyang unti unti nang nawawala.

"Hoy! Tumigil ka! HOY!" sigaw ko at tumakbo papalapit sa kaniya. Agad ko siyang hinarang nang maabutan ko na siya. Napahinto siya at nagtataka akong tiningnan.

"Ano to?" itinaas ko at ipinakita sa kaniya ang benteng ibinigay niya sa akin.

"Bente" direkta niyang ani at pinukulan ako ng walang ganang titig.

"Alam kong bente to! Ang pinagtataka ko kung bakit bente lang yung ibinigay mo? Isang bilao! ISANG BILAONG TALONG YUNG NASAYANG DAHIL SAYO TAPOS BENTE LANG IBIBIGAY MO!" inis kong bulyaw sa kaniya.

"Sa pagkakaalam ko dalawa lang yung nadurog ko yung iba nasayang dahil sa katangahan mo" hindi makapaniwala akong natawa dahil sa sinabi niya na walang bahid ng pagaalinlangan ang mararamdaman.

"Anong sabi mo?"

"So you aren't just stupid you're also deaf" naikuyom ko ang bente pesos na ibinigay niya dahil sa sobrang inis.

"Sumusobra kana!" sigaw ko. Nagpakawala ako ng suntok pero agad siyang nakailag. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang kamay ko. Sa isang iglap ay bigla niyang inikot ang kamay ko kasabay nang pag angat ko sa ere, pagkatapos ay inihagis niya ako sa kalsada. Nakaramdam ako nang sobrang sakit sa aking likuran dahil sa malakas na pagkakatama ko sa kalsada. Agad siyang pumaibabaw sa akin at inilapit ang mukha niya sa akin.

"Kung susuntukin mo ako, siguraduhin mong tatamaan mo ako dahil sa oras na magkamali ka at maubos ang pasensya ko kaya kitang lumpuin." mahina niyang bulong na nagbigay nang kakaibang kilabot sa aking katawan. Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko nang tumayo na siya. Mula sa kinahihigaan ko ay kitang kita ko ang kakaibang awra na bumabalot sa kaniya habang nakatayo siya at walang emosyon na nakatitig sa akin. Walang boses na lumalabas sa aking bibig---labis din ang pawis na lumalabas sa akin---rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng aking puso--ang lahat ng ito ay nararamdaman ko dahil sa nakakatakot na presensya ng lalaking nasa harapan ko. Nakapako ang paningin ko sa kahit anong kilos na gagawin niya. Dinukot niya sa bulsa niya ang isang wallet at kumuha ng limang daan dito. Inihagis niya sa aking mukha ang perang iyon kasabay ng nakakatakot na ngisi. "Ayan panggamot mo. I don't want to hear you whining again over money. Huwag na huwag mo na akong lalapitan, naiinis ako sa mga katulad mo" walang pagaalinlangan siyang naglakad paalis hindi alintana ang kalagayan kinakaharap ko ngayon. Hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil sa sinabi niya. Inipon ko ang lahat ng lakas ko at namimilipit sa sakit na tumayo.

"Akala mo naman lalapitan kita ulit. Sayo nayang bente at limang daan mo." sigaw ko at ibinato ko sa kaniya ang naikuyom kong bente at limang daan. Akala ko ay hihinto siya dahil sa ginawa ko subalit nagpatuloy lang siya sa paglalakad paalis. Napasigaw at napasabunot nalang ako sa sarili ko out of frustration and anger. Paikaika akong naglakad, dinukot ko ang lumang cellphone ko na basag na ang screen mula sa bulsa ko. "Bruha?" nanghihina kong bungad kay Jay.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang nanghihina ka?" nagaalala niyang tanong. Narinig ko ang kalabog ng mga pinggan at kalansing ng mga kubyertos. Mukhang nasa trabaho pa siya.

"Pwede bang sa inyo muna ako makitulog?" tanong ko habang inaalalayan ng kamay ko ang balakang kong napuruhan sa malakas na pagkakabagsak ko.

"O--Oo naman---Pero---Ano bang nangyari sayo? May problema ka ba?" nauutal niyang ani. Halata sa tono ng pananalita niya ang labis na pagaalala.

"Mamaya ko nalang ikwekwento sayo" ani ko at pinatay na ang cellphone ko.

Naiinis parin talaga ako doon sa lalaking yun! Luke! Humanda ka talaga sa akin. Hindi man ngayon alam kong makakabawi ako sayo. Nabali ata yung buto ko sa likod dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya sa akin. Akala niya ba sapat na yung bente tsaka limang daan niya? Hindi naman kasi yun yung kailangan ko kundi sorry lang. Hindi man lang niya magawang magsorry sa akin dahil sa ginawa niya. Hindi na nga siya nagsorry, sinabihan niya pa akong tanga. Hinding hindi ko kukunin yung pera na ibinigay niya, wala akong pake kung may taong kumuha nun sa daan.

©introvert_wizard

"Bruha!" rinig kong sigaw ni Jay mula sa labas ng bahay niya. Mangiyakngiyak itong tumakbo papasok sa bahay niya at yumakap nang mahigpit sa akin.

"Ang OA! Hindi naman ako namatay bruha." pambabara ko habang hinahanda ang kakainin namin ngayon gabi. Sinabihan kona si Nanay na hindi muna ako makakauwi. Mabuti nalang ay pinayagan niya ako pero hindi ko sinabing sa bahay ni Jay ako makikitulog. Alam kasi ni Nanay na bakla si Jay kaya ayaw niyang sumasama ako rito. Ginawa kong excuse si Troy, kababata namin ni Jay na ngayon ay hindi na namin alam kong saan nagaaral. Nakakamiss din yung lalaking iyon. Actually, siya ang naging dahilan kung bakit ko nalaman na bakla ako. Siya kasi ang pinakaunang lalaking nagustuhan at pinagnasaan ko charot~.

"Ano ba kasing nangyari sayo?" interesado niyang tanong at umupo sa upuan sa may kabilang dulo ng lamesa.

"Yung lalaki sa palengke"

"Ano naman kinalaman ng gwapong lalaking yun?" nagsalubong ang kilay ko nang sabihin niya iyon.

"Yung gwapong sinasabi mo lang naman ang dahilan kung bakit ang sakit ng katawan ko!"

"Jusme bruha! Shuta ka! Huwag mong sabihing---Oh Em Gee!---" agad ko siyang binatukan dahil sa OA na reaksyon niya.

"Anong akala mo sa akin pokpok?"

"Medyo Charot~" pabiro niyang hirit at tumawa nang malakas. "So ano nga ang ginawa sayo ni Pogi?"

"Kinausap ko kasi siya kanina pagkatapos ng klase tungkol sa nangyari doon sa palengke. Akalain mo ba namang laitin ako. Argh! I really want to punch him so badly! Another thing, He toss me over? Shuta! Bruha pinagpraktisan ba naman ako. Inihagis niya ako na parang papel!" gigil na gigil kong lintaya. Napansin kong nadurog na ang talong na prinito ko dahil makailang ulit ko ito hinampas ng kutsara.

"So ibig mong sabihin kaklase mo siya?" tinanguan ko siya bilang sagot. "Oh Em Gee! Bruha it must be love! He's your destiny!" kinikilig niyang ani.

"Destiny? Tete yan! Tigilan mo ako Bruha, masyado kang nagpaapekto sa mga nobelang nababasa mo. Wala akong nararamdaman na kahit katiting na paghanga sa lalaking yun. Gusto ko siyang suntukin at durugin nang pinong pino kagaya nang pagdurog niya sa mga talong ko." makailang ulit ko na namang hinampas ang talong na nasa pinggan ko.

"Pepe mo! For sure maattract ka kay Pogi. Kahit hindi siya maputi aminin mong ang lakas ng sex appeal niya charot~ Lalaking lalaki yung aura niya. Jusko pagmakita ko siya ulit bubukaka ako agad HAHAHAHA" umalingawngaw ang nakakabinging tawanan naming dalawa dahil sa sinabi niya.

"Kumain na nga tayo ayokong maalala ang pagmumukha ng lalaking yun." putol ko. As usual napuno ng katarantaduhan, kalandian at tawanan ang hapunan namin ni Jay.

©introvert_wizard

Nagulat ako nang bigla kong nakita si Luke sa entrada ng room namin. Nakangisi siyang napatingin sa ice cream na kinakain ko dahilan para mapakunot ang noo ko. Maglalakad na sana ako papasok at napagdesisyunan kong hindi nalang siya pansinin nang harangin niya ang doorway.

"Problema mo?" mataray kong ani. Hindi parin nawawala ang nakakairitang ngisi sa labi niya. Napalunok ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang kabuoan ng mukha niya. Hindi nga nagkakamali si Jay. He's almost my type. Kung mabait lang siya matagal ko na siyang nagustuhan.Kung hindi lang sana nangyari sa amin yung sa palengke, mukhang magugustuhan ko nga siya.

"Ginastos mo ba ang perang ibinigay ko sayo para sa ice cream nayan" natigilan ako sa sinabi niya. Dahan dahan niyang inilayo ang mukha niya habang may nakaloloko paring ngisi ang nakaukit sa labi niya.

"Asa ka! Hindi mo ba naalalang binato ko sayo yung perang ibinigay mo." madiin kong pagtanggi. Bigla niyang dinukot sa bulsa niya ang mamahalin niyang smart phone. Huwag mong sabihing ipinagyayabang niya sa aking ang smart phone niya. Napako ang paningin ko sa phone niya ng itinaas at itinapat niya ito sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang video na nagplaplay. Nasa video yung nangyari kahapon.

~Flashback~

Akala niya ba sapat na yung bente tsaka limang daan niya? Hindi naman kasi yun yung kailangan ko. Sorry lang. Hindi man lang niya magawang magsorry sa akin dahil sa ginawa niya. Hindi na nga siya nagsorry, sinabihan niya pa akong tanga. Hinding hindi ko kukunin yung pera na ibinigay niya, wala akong pake kung may taong kumuha nun sa daan.

Limang daan? Bente?

Napalunok ako at napalingon sa likuran ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang perang itinapon ko na nakahandusay lang sa kalsada. Hindi naman ata masamang kunin ko ito. Mas mabuti nang sa akin mapunta ang pera kaysa naman sa masamang tao diba? Tama! Tama okay lang na pulutin ko iyon. Sayang rin yun! Pamasahe ko na iyon lalo na at nahihirapan akong maglakad. Tama! Tama lang itong desisyon ko.

Para akong tangang naglakad nang pahinto hinto papunta sa kinalalagyan ng pera. Napahinto na naman ako at kinausap ang sarili ko."Tama ba talaga itong gagawin ko? Tatanggapin ko ba talaga yung pera mula sa taong kinaiinisan ko? Hindi! Hindi to tama! Hinding hindi ko tatanggapin ang perang mula sa taong kinaiinisan ko. Tama! Tama! Never! I am a gay with a pride. A gay of my word." sigurado ako pag may nakakita sa akin ay aakalain akong isang baliw dahil pabalikbalik akong naglalakad.

"Hindi eh. Nasaktan niya ako. Dapat lang niyang bayaran yung pagpapagamot sa akin. Tama? Tama diba! Kenneth, may responsibilidad siyang pagamutin ka dahil sa ginawa niya, diba? Tama lang na kunin ko yung perang ibinigay niya sa akin! Tama!" pangungumbinsi ko sa sarili ko at pikit matang pinulot ang pera sa daan. Napangiti ako nang makita ko ang pera na hawak hawak ng kamay ko. Parang bata akong nagtatatalon paalis.

~End of Flashback~

Nakatulala akong napatingin sa cellphone niya. Nakangisi niya itong ibinalik sa bulsa niya at natatawa niya akong tiningnan. Nanghina ang katawan ko dahil sa kahihiyan. Agad niyang iniangat ang kamay kong may hawak ng ice cream.

"Masarap ba?" pangiinis niya. Sinadya niyang isagi sa mukha ko ang ice cream dahilan para may maiwang ice cream sa pisngi ko. Nagulat ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya. Bumalik ako sa ulirat ko nang mapagtanto ang gagawin niya. Agad akong umatras palayo sa kaniya ngunit hinawakan niya ang kamay kong may hawak na ice cream at hinatak niya ako palapit sa kaniya. Pakiramdam ko ay naestatwa ako dahil sobrnag lapit ng mukha niya sa akin. Wala sa wisyo akong napalunok habang nakatingin sa mukha niya. Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa biglaan niyang paghila.

"Ano bang ginagawa mo?" nauutal kong ani. Nakangisi siyang kumagat ng ice cream na binili. "Masarap nga. Thank you" nakangiti niyang ani at tinapik ang balikan pagkatapos ay iniwan akong nakatulala.

What the hell did just happened?

Agad kong inikot ang katawan ko para makita ko siya. Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang malapad niyang balikat na nagpapadagdag sa taglay niyang alindog. Hindi maipagkakailang kahit likod lang niya ay nakakaattract na. Hindi ko inaasahan na may taong magpapatahimik sa akin. Hindi ko inaasahan na may taong kaya akong gulatin at pakabahin nang ganito. Yung nararamdaman ko ngayon ay malayo sa pagkakagusto. Alam niyo yung feeling na nabuhay yung competitive spirit mo dahil sa isang tao? Ganiyan yung nararamdaman ko ngayon. Gusto ko rin siyang gulatin, patahimikin at pakabahin kagaya ng ginawa niya sa akin. I am Kenneth, a gay who won't back down without fighting.

"Kenny!" naputol ang pagiisip ko ng marinig ko ang boses ni Aurora." Ohhhh Ice Cream" excited niyang sambit at kumagat ng ice cream. Hindi parin nawawala ang atensyon ko kay Luke na ang imahe ay unti unti nang naglalaho sa paningin ko. "Luke, sisiguraduhin kong makakabawi ako sayo" nakangisi kong ani at kinagat ang apa na tangi nalang natitira sa ice cream ko.

©introvert_wizard

✒End of Chapter 03 : Ice Cream