Chereads / From Enemies to Lovers? / Chapter 2 - Chapter 2: Bente

Chapter 2 - Chapter 2: Bente

Kenneth's PoV

"KENNY!" masiglang bati sa akin ng matalik kong kaibigan na si Aurora. Kenny is her endearment for me, palayaw kumbaga.

"Taas ng energy! Nakabonakid lang Au." pagbibiro ko at inilapag ang bag ko sa upuan. Natatawa naman siyang umupo sa tabi ko.

"So how's your weekend? Anything special that happened?" tanong niya habang may kinakalikot sa bag niya.

"Wala naman. You know naman na ang boring ng buhay ko. Ikaw ba, kumusta weekened mo?"

"Here" nakangiti niyang ani at ibinigay sa akin ang isang box ng chocolate.

"Ano to?" nahihiya kong tanong

"Tae" sarkastiko niyang ani. "Syempre chocolate ignorante lang?"

"I mean bakit mo ako binibigyan nito?" tanong ko.

"Maybe, because I want to give it to you? Come on Kenny, we're friends and it's normal for friends to give each other gifts." hindi ko naman mapigilang hindi matouch dahil sa sinabi niya.

"Thank you" nahihiya kong ani dahilan para magkatinginan kami at matawa.

"Have you guys heard?" rinig kong ani ng isang kaklase namin.

"About what?" tanong naman ni Helli, ang babaeng kinaiinisan ng lahat.

"May bagong transferee daw" muli kaming nagkatinginan ni Aurora ng marinig namin ang sinabi ng kaklase namin. Nagpalitan kami ng makahulugang tingin at inilapit ang ulo namin sa isa't isa.

"Let's make a bet. If he's handsome ipagluluto mo ako ng prinitong talong. If he isn't I'll buy everything you want" pabulong na ani ni Aurora.

"Au, beauty is subjective"

"Don't give me that bullsh!t. Huwag maging banal, alam mo ang tinutukoy ko paggwapo o pangit. Tigilan mo ako sa pabeauty-is-subjective mo na iyan at maghunting na tayo ng Pogi!" naeexcite niyang ani. Natatawa kaming nag-apir dahilan para mabaling sa amin ang atensyon ng buong klase.

"Transferee? YOU MEAN ANOTHER POOR SCHOLAR?" pagpaparinig ni Helli.

"Yes, but I'm not sure if he's poor. I heard it's a scholarship for an athlete--you know--a basketball player" sagot ng isa naming kaklase kay Helli.

"Kahit ano pang scholar yan for sure mahirap yan. Sino ba naman kasing mayaman ang mangangailangan ng tulong sa pagaaral?"

"Me!" malakas na sigaw ni Lassy, ang matalik na kaibigan ni Helli. Agad na napakunot ang noo ni Helli dahil sa ginawang iyon ni Lassy. Nakakatawa na walang kaalam alam si Lassy na insulto ang sinabi ni Helli. Minsan naiisip kong may sira ata sa utak itong si Lassy.

"Shut up Lassy" pagpapatahimik ni Helli kay Lassy "You're different, even you're a scholar you still came from a rich family"

"Pero--Sabi mo kahit anong scholar payan--"

"Shut up Lassy" Helli said while gritting her teeth.

"But--"

"I said shut up Lassy!--"

"Tumahimik ka daw kasi Lassy napapahiya yang bestfriend mong anak ni Satanas" biglang sambit ni Aurora nagpagulat sa akin. Inis siyang binalingan ng matalim na tingin ni Helli.

"Aurora, her father's name is Santi---Wait--Tito Santi's name and Satanas--OMG!---Helli! Your Dad's name really sounds like Satanas name!---Oh Gosh I can't believe it!" parang inosenteng batang ani ni Lassy dahilan para magtawanan ang mga kaklase namin.

"SHUT UP!" sigaw ni Helli na pulang pula na dahil sa inis at pagkapahiya.

"OMG!--Helli!--Your name---Your name!---Your name sounds like Hell. Helli and Hell---OMG!---AMAZING!" excited na ani ni Lassy na napapapalakpak pa na hindi alintana ang namumula na sa galit niyang kaibigan. Umalingawngaw sa buong room ang nakakabinging halaklak ng aking mga kaklase dahil sa sinabi ni Lassy. Kahit ako ay hindi ko maiwasang hindi matawa! Laughtrip talaga itong si Lassy. Hindi ko talaga alam kong bakit nagtagal yung pagkakaibigan nila ni Helli.

"Why are you laughing poor scholar?" inis niyang baling sa akin.

"Bakit bawal? Bawal nabang tumawa mayamang impyerno?" sarkastiko kong ani. Kulang nalang ay umusok ang ilong at tenga niya sa galit.

"You!--What did you say? How dare you! This is all your fault! You filthy scholar!"

"Kanina poor lang ngayon filthy na. Iba rin! Tsaka bakit parang kasalanan ko? Bakit kasalanan ko pang naging scholar ako? Ganoon kaba kainggit sa pagiging scholar ko?" nakangisi kong ani. Inis siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at nilapitan ako.

"Anong sinabi mo? Ako maiingit sayo!" hindi makapaniwala niyang ani habang napapatawa pa ng mapait.

"By the looks of it, I assume that you really are jealous of me being a scholar. Jusko Impyerno, Kung inggit ka sa pagiging scholar ko magapply karin bilang scholar--Teka wait!--Hindi ka pala papasa pagmagapply ka for academic scholar dahil--nevermind. Why not a scholarship for an athlete?---OHHHH you're also not sporty. Huwag kang magalala. Once na magkaroon ng international competition para sa chinese garter at jackstone, ako mismo ang maglilista sayo. Sisimulan natin ang athlete journey mo sa pagsali sa baranggay contest. When mo want? Ready akong maging manager mo!" mahaba kong lintaya na nagresulta sa kaliwa't kanang tawa ng aking mga kaklase. Kitang kita ko naman ang galit na galit nang si Helli.

"I HATE YOU!" galit niyang sigaw at tinalikuran ako. Naglakad siya paalis na sinundan naman ni Lassy.

"Ayaw mo ba ng chinese garter at jackstone? Pogs? Text? Hindi mo ba bet? Ayaw mo bang sumali sa Lawlawan ng Suso 2021 may pacontest baranggay namin! Ayaw mo ba? May isa pa! Binubuni ng Baranggay San Andres 2021 bet mo? Isasali kita ako manager mo. Sabihan mo lang ako." pahabol kong pangaasar dahilan para tumawa na naman ang aking mga kaklase. Agad naman kaming tumahimik ng biglang dumating si Teacher Sam. Nakatuon ang atensyon ng lahat ng kaklase ko sa lalaking nasa labas ng room. Kung hindi ako nagkakamali siya ata yung sinasabi nilang transferee.

"What's wrong with Ms. Helli?" bungad na tanong ni Ma'am habang inaayos ang gamit niya sa desk niya.

"Nagprepare lang po yun para sa contest na sasalihan niya" biglang bulalas ni Aurora. Nakita ko na halos lahat ng kaklase namin ay nagpipigil ng tawa.

"Ganoon ba? Anyway, I think you already heard that we have a new transferee" panimula ni Ma'am na sinundan ng kabi-kabilang bulungan ng aking mga kaklase. Pasimple naman akong yumuko habang kinakalikot ang bag ko. Nakangiti kong binuksan ang box ng chocolate na ibinigay ni Aurora. Kumuha ako ng isang piraso at agad itong nilantakan.

"Luke, go to the center and introduce yourself" rinig kong ani ni Ma'am na sinundan ng yapak papasok ng room namin. Narinig ko ang hiyawan ng mga babae kong kaklase, for sure gwapo. Jusme, mukhang talo ako sa pustahan namin. Iwinaksi ko muna iyon sa isipan ko at pinagpatuloy ang pagkain ng chocolate habang nakayuko parin para hindi ako makita ni Ma'am. Naramdaman ko ang pangangalabit ni Aurora.

"Au! Oo na, panalo kana. Wait lang" ani ko habang pinapahiran ang bibig kong nadumihan. Dahan dahan akong lumingon kay Aurora na ngayon ay nakatulala at nakatingin sa harap. Curious akong napalingon sa harapan, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ng bagong transferee.

"I'm Luke Lacson. It's nice to meet you" walang emosyong ani nung transferee.

"Ang pogi Kenny!" kinikilig na sambit ni Aurora.

"YAHHHHHHHH!-IKAW!-YUNG TALONG KO!" sigaw ko sa bagong transferee na walang iba kundi yung lalaking muntik ng makabunggo sa akin sa palengke. Nagtatakang napatingin sa akin ang aking mga kaklase pati narin si Ma'am. Nakapako lang ang aking tingin sa transferee na ang pangalan ay Luke. Nakaramdam ako nang labis na inis dahil tila wala siyang pake sa sinabi ko.

"Mr. Yasu watch your words!" sigaw ni Ma'aam. Doon ko lang narealize na baka na misinterpret nila ang sinabi ko. Nanlaki ang mata ko at paulit-ulit na pinagkokruss ang kamay ko pahiwatig na mali ang iniisip nila.

"Ma'am hindi po ganoon ang ibig kong sabihin. Yung talong ko po kasi dinurog--"

"I said watch your words Mr. Yasu!" napatahimik ako nang mapansin na galit na galit na si Ma'am. I don't know pero nakakaoffend lang. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba na ganoon yung pagiisip nila? Yung totoo, hindi naman kasi yung sinabi ko yung mali. Yung mali yung pagiisip nila, akala nila lahat ng salitang lumalabas sa bibig ng isang bakla ay purong kabastusan lang. Kaya ang hirap magout, ang hirap mahusgahan ng dahil lang sa kasarian mo. Ito marahil ang dahilan kung bakit sa school lang ako nagoout kasi hindi ko naman personally kilala ang lahat ng estudyante dito. Walang epekto sa akin ang sasabihin nila. Iba kasi ang epekto pag ang mga salitang iyon ay marinig mo mula sa pamilya mo sa oras na malaman nila ang totoo mong kasarian. Naputol ang malalim na pagiisip ko nang marinig ko ang kalabog ng upuan sa tabi ko.

"Sit down Mr. Yasu" agad akong umupo. Kalahating dipa ang pagitan namin ni Luke, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatuon lang ang pansin nito sa blackboard.

"Kenny, kilala mo si Luke?" pasimpleng ani ni Aurora habang nakatuon ang pansin kay Ma'am na ngayon ay nagsisimula ng magturo. Nakatuon lang din ang tingin ko sa harapan.

"Muntik niya na akong mabunggo kaninang umaga at tsaka nadurog niya yung mga talong na ibenebenta ko." mahina kong sambit.

"Pero Kenny napansin mo ang gwapo niya. Ang manly niya tingnan with his moreno skin. Pinoy na Pinoy." kinikilig na sambit ni Aurora na kinakagat ang dulo ng ballpen niya. Pasimple akong napatingin kay Luke na nasa kanan ko.

Matangos ang ilong.

Mahaba at pakurbang pilikmata.

Makapal na kilay.

Straight at mayabong na buhok.

Gwapo nga kaso yung labi niya, halatang naninigarilyo siya. Yung kutis niya naman pinoy na pinoy, and I must say it suits him. Tsaka hindi maikakaila na lalaking lalaki siya tingnan. Admirable din yung katawan niya halatang athlete. Siya yung tipo ng lalaking mabilis magugustuhan ng magagandang babae at bakla. Pero hindi ako! Matapos ng ginawa niya sa mga talong ko! Humanda talaga siya sa akin! Babawian ko siya sa kahit anong paraan.

©introvert_wizard

"Asan na ba yun? For sure dito yun dadaan. Kung nandoon siya sa palengke namin sigurado akong kabaranggay ko lang siya na bagong lipat. Bakit ba ang tagal niyang lumabas? Matagal ba talagang magpractice ang mga basketball player? May gagawin pa ako sa bahay hindi pwedeng mahuli ako sa paguwi" nagaalala kong ani habang tinitingnan ang bawat estudyanteng lumalabas. Agad akong tumago sa may pader nang makita ko ang taong kanina ko pa hinihintay. Humanda ka sa akin Luke. Isinandal ko ang sarili ko sa pader habang hinihintay na dumaan si Luke. Napangisi akong naglakad sa likod niya nang makalampas na siya sa akin. Dahan dahan kong kinuha ang itlog na binili ko kanina. Walang pagaalinlangan ko itong itinaas sa ere at buong lakas na ibinato kay Luke. Nagulat ako nang bigla siyang huminto at hinarap ako. Tila kidlat sa bilis niyang hinawakan ang kamay kong may itlog at itinapal sa noo ko dahilan para mabasag ang itlog sa buong mukha ko.

"What the hell are you doing?" inis kong bulyaw sa kaniya habang hindi makapaniwalang kong iwinawasiwas ang durog na itlog paalis sa kamay ko.

"Shouldn't I be the one to ask you that question? Akala mo ba hindi ko alam yung gagawin mo? I just defended myself." nakangisi niyang ani at itinaas ang kaliwang kamay niya na may hawak na sigarilyo. Humithit siya at ibinuga ang usok sa mukha ko." Next time if you're planning something bad against me, make sure that your body won't reflect so that I won't see you lurking around following me." tinuro niya ang salaming pader ng isang restaurant na katabi ng school namin.

"Ang kapal din ng pagmumukha mo ano? Matapos ng ginawa mo sa akin kaninang umaga nakuha mo pa talagang gawin ito sa akin ngayon! Hindi kana nakuntento nang dinurog mo yung mga talong ko pati yung itlog na binili ko binasag mo." pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Humakbang siya palapit sa akin at dahang dahan inilapit ang ulo niya.

"Kung sayo hindi ko lalakasan yung boses ko at baka mapakamalan ka na namang bastos" ikinuyom ko ang kamao ko nang marinig ko ang sinabi niya. Susuntukin ko na sana siya nang bigla niyang nahawakan ang kamay ko. "Alam mo ang pinakaayaw ko sa lahat yung masugatan ang gwapo kong mukha" maangas niyang sambit at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Dahil sa sobrang sakit ay napilitan akong ibuka ang kamay ko para makawala sa pagkakahawak niya. Nang ibinuka ko ito bigla siyang may inabot sa akin pagkatapos ay sapilitan niyang ipinakuyom ang kamao ko

"Ayan ang bayad ko sa talong na pinagmamalaki mo" agad niya akong tinalikuran at naglakad paalis. Ang sarap niya talagang kutusan! Pagkaalis niya ay ibinuka ko ang kamay ko para tingnan ang halaga ng perang ibinigay niya sa akin.

"BENTE!?"

©introvert_wizard

✒End of Chapter 02 : Bente?