Chereads / From Enemies to Lovers? / Chapter 1 - Chapter 1: Talong

From Enemies to Lovers?

introvert_wizard
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 20.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Talong

Kenneth's POV

"Talong!" paulit ulit kong sigaw habang naglilibot sa buong palengke. Nasa itaas ng aking ulo ang isang bilaong naglalaman ng hindi bababa sa benteng talong. Halos mag-iisang oras na din akong paikot-ikot sa buong palengke ngunit, kahit ni isang talong ay wala parin akong naibebenta. Panigurado ay bubungangaan na naman ako ni Nanay mamaya, lalo na't malapit na ang due date ng bayaran sa kuryente.

"Aling Julie gusto niyo ba ng talong? Sariwang sariwa po ito." Alok ko kay Aling Julie na madalas bumili sa akin ng talong.

"Sorry Kenneth pero may nabili na akong talong"

"Ganoon po ba? Basta next time Aling Julie sa akin kayo bumili ng talong, huh?" nakangiti kong lintaya at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Pssst Pogi!" inis akong napalingin nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Tumahimik ka bruha badtrip ako ngayon" Inis kong sambit sa kaibigan kong bakla na si Jay.

"Gara ang gandang bungad! Iba pa goodmorning mo sa akin ngayon bruha. Inexpect ko pa naman na babatuhin mo ako ng talong mo. Jusko niready ko pa naman bunganga ko ngayon." mapagbiro niyang ani at excited na yumakap sa akin.

"Tumahimik ka baka isungalngal ko ito sayo" Inis kong ani at itinapat sa kaniya ang isang talong.

"Bet!~Charot HAHAHAHA" Umalingawngaw sa buong palengke ang halakhak ni Jay dahilan para mapatingin at matawa ang mga tinderang malapit sa amin. Bahagya ko siyang tinapik at agad naman siyang tumahimik.

"Asar ka naman bruha! Dahil sayo hindi ako pwedeng tumawa ng malakas at lumandi. Bakit kasi kailangan mo pang itago ang pakpak mo? Jusko! disesyete kana hindi ka parin nag-aout sa parents mo. Ewan ko ba diyan sa pamilya mo kung bakit hindi nahahalatang binabae ang anak nila. Bruha alam na ng buong purok na BAKLA ka!" agad kong tinakpan ang bibig niya nang lakasan niya ang pagkakabigkas sa salitang bakla. "Bakit ba kasi ayaw mong itry na magconfess sa pamilya mo? For sure tatanggapin ka ng mga iyon."

"Matagal ko na yang gustong gawin bruha kaso nga lang ay inuunahan ako ng takot. Hindi naman ata lingid sa kaalaman mong ayaw ni Tito sa mga katulad nating bakla" napabuntong hininga ako at muling napatingin sa talong na ibinibenta ko.

"Matumal ba benta ng talong mo ngayon?" tanong niya nang makitang labis ang atensyon na ipinupukol ko sa mga talong na aking ibinebenta. Napalingon ako sa kaniya at tumango.

"Malapit na kasi ang due date sa bayaran ng kuryente at may kailangan akong gastusin para sa project namin."

"Akala ko ba palagi kang may itinatabing pera? Bakit hindi muna iyon ang gamitin mo?" suhestiyon niya.

"Nagbirthday kahapon si bunso kaya hiniram muna ni Nanay para panghanda" sagot ko.

"Hiniram? Ibabalik ba sayo? Hindi naman diba? Yan kasi ang problema sa ating mga Pilipino,maghahanda ng marami para sa birthday o anumang okasyon pagkatapos ubos ang pera." napapailing na ani ni Jay.

"Once a year lang naman nangyayari yung birthday hayaan muna" pahayag ko.

"Once a year nga lang pero jusko bruha anim kayong magkakapatid.Isama muna yung nanay, tito, lolo at lola mo, halos buwan buwan may birthday sa inyo. Akala mo mayaman kulang nalang pati kapitbahay niyo ipaghanda niyo." sarkastiko niyang ani dahilan para bahagya akong matawa.

"Nahiya naman ako sa inyo. Tigilan mo ako dahil pati aso niyo pinaghahanda niyo. Yan ang mayaman! Hinihintay ko na ngalang na pati ipis ipaghanda niyo. Tsaka bruha, nakalimutan mo atang hindi ako ipinaghahanda ni Nanay tuwing birthday ko. Kaya minus ako sa gastos." bawi ko sa kanya.

"Ayan pa! Mabuti pinaalala mo sa akin. Iba rin yang pamilya mo! Whooooo! Idol! Biruin mo disesyete ka palang ikaw na bumubuhay sa inyo. Pera mo yung ginagamit panghanda sa mga kapatid mo pero ikaw, never hinandaan. Shuta! Perfect! Makapal! Makapal! Iba pamilya mo bruha. Minsan nga tanungin mo si Tita kung ampon ka. Spoiled na spoiled ka eh. Spoiled sa daming responsibilidad na nakaatas sayo. Shuta! Santo lang ang peg ni bruha!" napapalakpak pa siya habang nagsasalita.

"Anong magagawa ko? Alam mong wala na si Tatay, baldado narin si Tito. Si Nanay naman walang mahanap na trabaho."

"Walang mahanap na trabaho? o ayaw maghanap ng trabaho? Tinalo pa ni Tita mga mayayaman sa soap opera. Bet na bet ko role ni Tita walang ginagawa. Senyora Melding! Oh bet mo yun? Pangalan palang akala mo katulong na umahon sa hirap at naging mayaman. Senyora Melding ang mayamang katulong. Now Showing!" sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya.

"Sama ka sa akin may alam akong pagbebentahan natin ng talong mo" tila nabuhayan naman ako ng loob nang sabihin niya iyon. Agad kung ipinatong ang bilao sa ulo ko. Nakita kong may nahulog na talong at gumulong ito sa daan. Habang hawak hawak ng isa kong kamay ang bilaong nasa ulo ko, pinilit kong abutin ang gumulong talong. Nang aabutin ko na iyon ay hindi ko napansin ang bike na dumadaan papunta sa gawi ko. Nagulat ako sa bike dahilan para ma-out of balance ako at mahulog sa kanal. Ramdam na ramdam ko ang malagkit at malapok na kulay itim na tubig sa kanal. Tila nabara ang ilong ko dahil sa masangsang na amoy nito dulot ng iba't ibang basurang itinapon. Marahas kong pinahiran ang malagkit na tubig na napunta sa mukha ko. Napansin kong napahinto yung taong sakay ng bike.

"Jusko! Bruha okay kalang ba?" nag aalalang tanong ni Jay sa akin. Iaabot na sana niya ang kaniyang kamay sa akin ngunit agad niya itong binawa. "Bruha alam mong kaibigan kita pero shuta ang baho talaga!" nandidiri niyang ani at humakbong palayo.

"Kaibigan nga kita" sarkastiko kong ani at inis na tiningnan yung muntik nang makabunggo sa akin. "Bulag kaba?" inis kong bulyaw sa kaniya. Mas lalong dumagdag sa inis ko nang mapansin tila wala siyang paki sa sinabi ko. "Naririnig mo ba ako?" ani ko pero wala akong narinig na response mula sa kaniya. Inis akong sumampa sa parang tapakan ng kanal para malapitan ko yung lalaki. Nagulat ako nang pagkatapak ko sa kalsada ay bigla siyang sumakay sa bike niya.

"Saan ka pupunta?" mabilis akong pumunta sa harapan niya para harangin siya.Walang gana niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Move" malumanay niyang ani. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano daw? Move? Tarantado ba siya? Wala ba siyang kaalam-alam sa nangyari sa akin.

"Anong move move ka diyan! Hoy! hindi mo ba alam yung nangyari sa akin? Iremind lang po kita na nahulog ako sa kanal at dahil iyon sayo! Ikaw! Opo. Baka kasi natutulog ka nung muntik mo na akong mabunggo kaya wala kang pake sa nangyari. Kaya ireremind lang kitang ikaw ang may kasalanan kong bakit ANG BAHO KO!" galit kong ani. Hindi ko talaga magets kung anong nilaklak ng lalaking ito. Parang wala siyang pake sa lahat ng sinabi ko. Jusme! Muntik na akong maputulan ng ugat sa sobrang inis ko sa kaniya pero siya? Wala siyang pake. Jusme! Ang sarap niyang kaltukan!

"Nahulog ka dahil sa katangahan mo" Hindi makapaniwalang tumawa ako nang marinig ko ang sinabi niya. A-ah---ano daw? Dahil sa katangahan ko? Seryoso ba talaga siya? AHHHHHHHH Gusto ko siyang sapakin! NAKU! Gustong gusto ko siyang tirisin! "Move you stink" walang pag-aalinlangan niyang tinapakan ang pedal at mabilis na pinaandar ang bike niya. Dahil sa bilis ng pangyayari na malayan ko nalang na napaupo na pala ako sa kalsada. Naiirita akong pinagmasdan siyang magbike paalis. Nanlaki at napaawang ang bibig ko ng makita ko ang durog na durog nang mga talong ko. "YUNG TALONG KO! BUMALIK KA DITO! YUNG TALONG KO!" paulit ulit kong sigaw. Pinilit ko siyang habulin ngunit masyado na siyang malayo. Hindi makapaniwala akong umupo sa kalsada. Lagot ako nito. Lagot ako kay Nanay! Pag makita ko ulit yung lalaking yun, sisiguraduhin kong babaliin ko yung mga buto niya! Humanda siya sa akin. Ipaparamdam ko sa kaniya ang higante ng isang baklang inapi charot~ Seryoso, pag makita ko talaga ulit iyong lalaking yun sisiguraduhin ko talagang makakaganti ako sa kaniya!

"Bruha!" naputol ang pag iisip ko nang tawagin ako ni Jay. Inis akong napatingin sa kaniya. "Okay ka lang ba?" pigil hininga niyang ani.

"Lumayo ka muna" ani ko at sinenyasan siyang lumayo. "Aware ako na sobrang baho ko ngayon kaya lumayo ka muna" pag uulit ko nang mapansing hindi parin siya gumagalaw. Nag-aalinlangan naman siyang umatras at pinulot ang bilaong pinaglagyan ko ng mga talong.

"Bruha, hindi ba may pasok ka ngayon. Alas otso na oh!" nag aalala niyang ani at ipinakita sa akin ang relo niyang ngatngat na ang gomang nakapalibot dito. Agad naman akong napatayo at kinuha sa kaniya ang bilao.

૮ ˶ᵔ ᵕ ᵔ˶ ა

-©introvert_wizard-

"Bruha pakiabot nga nung shampoo" sigaw ko kay Jay na ngayon ay nasa sala namin. Inis kong tinatanggal ang masangsang na amoy sa aking buhok dulot ng mabahong tubig sa kanal.

"Nasaan?" tanong niya pabalik.

"Tingnan mo sa labas!" sigaw ko. Ilang segundo ang lumipas ay narinig ko ang yakap ng paa ni Jay. Nakita ko ang isang sachet ng shampoo na isiniksik niya sa maliit na butas.

"Bruha, bakit wala pala sina Tita dito?" rinig kong tanong ni Jay. Binuksan ko ang shampoo gamit ang ngipin ko at pinahid sa palad ko ang kalahati ng isang sachet ng shampoo. Marahas kong kinukos ang buhok ko pagkalagay ko ng shampoo.

"Baka nagpunta sa paaralan ni bunso" sagot ko habang binabanlawan ang buhok ko.

"Ganoon ba. Bruha, nakita mo ba yung mukha nung lalaking muntik nang makabanggo sayo?Ang pogi hindi ba? Shuta talaga bruha. Malapit na akong maglaway kanina! KYAAAAHHHHH!" kinikilig na ani ni Jay na ikinairap ko naman.

"Gwapo ba iyon? Ang itim nga!" pangungutya ko doon sa lalaking muntik nang bumunggo sa akin.

"Moreno yung tawag doon, hindi kaya siya maitim. Palibhasa mga mapuputi yung nagugustuhan mo kagaya ng kutis ng mga nagugustuhan mong korean actors at korean idol. Sinasabi ko sayo bruha ang sarap niya! WAHAHAHAHA" umalingawngaw sa buong bahay ang nakakabinging tawa ni Jay.

"Hinaan mo nga yang boses mo baka biglang dumating sina Nanay." suway ko sa kaniya at bumuhos ng isang tabo ng tubig.

" Pero seryoso talaga bakla inlababo na ata ako doon sa lalaking iyon. Jusme! Ang gwapo gwapo niya talaga bruha! Tsaka nakita mo ba? nakita mo ba?--KYAAAHHHHH! Nakita mo ba yung papandesal niya! Jusko! Ang yummy! WOOOOOOOH!"

parang baliw niyang ani.

"At nakuha mo pa talagang makita yung sinasabi mong papandesal niya" natatawa kong ani habang nagbibihis ng uniporme ko. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng Cr.

"Naman! Paanong hindi ko makikita eh may paslit yung suot niyang damit." kinikilig niyang ani at kinuha ang bag ko sa may upuan. Agad ko namang inabot ang bag ko at isinukbit ito sa likuran.

"Basta ako naiinis parin talaga ako sa lalaking iyon! Pag kami talaga magkita dudurugin ko siya kagaya ng pagdurog niya ng mga talong ko."

"Ay bet! May durugan ng talong na mangyayari. HAHAHAHA" mapagbiro niyang ani at naglakad palabas ng bahay.

"Itigil na natin yang kalindaan mo. Siya nga pala nagreready kana ba para sa scholarship next year? Siguraduhin mong inaasikaso mo iyon. Huwag kang mag alala pag makapasok ka sa pinapasukan ko. Sigurado akong mas malaki ang tyansa nating makuha sa disenteng trabaho." pagpapaalala ko sa kaniya.

"Oo naman. Huwag kang mag alala bruha. Alam mo namang ipinangako ko kay Nanay bago siya mamatay na makakapagtapos ako ng sekondarya sa Labrador High School."

"Next week na hindi ba yung death anniversary ni Tita? Sasama ako sayong dalawin yung puntod niya" ani ko at pumara ng isang traysikel.

"Oo. Sige na sigurado akong late kana." paalam niya at kumaway sa akin habang paalis ang traysikel na sinasakyan ko.

Ako nga pala si Kenneth Yasu, isang baklang tinatago ang tunay na pagkatao sa aking mga magulang. Isa akong magaaral ng prestihiyosong paaralan ng Labrador High School. Tanging mula sa mayayamang pamilya lamang ang nakakayang pumasok sa paaralang ito. Sa awa ng diyos ay nakapasa ako bilang iskolar kaya nagawa kong makapag-aral dito. Nakangiti akong lumabas ng traysikel na sinasakyan ko at hinarap ang malaking gate ng paaralan. Malalim akong huminga at masiglang naglakad papasok.

Dito sa paaralang ito, magsisimula ang aking kwento.

A story that proves that love transcends gender.

A story of my youth.

©introvert_wizard

*End of Chapter 01: Talong*

(\ (\

(„• ֊ •„) ♡

━O━O━━━