Chereads / Embracing the Sky / Chapter 3 - Kabanata 1

Chapter 3 - Kabanata 1

"laro laro laro!" sigaw ni archer itinaas niya pa ang phone niya bago kami ayain mag laro.

"dali na toy.." pamimilit niya kay harvey na ngayon ay natutulog. lagi naman antukin ito, hindi ko pa ata nakikitang nag aaral eto o maski makinig sa teacher e.

inirapan ko ito bago buksan ang phone, binuksan ko ang codm bago sumali sakanila na hanggang ngayon ay pinipilit si harvey na sumali sa laro.

"dali na totoy.." pang aasar niya pa kaya wala namang magawa si harvey kundi sumali din.

ilang minuto palang ay tinigil ko na dahil mag aaral pa ko. kinuha ko ang libro ko at nag basa basa, nakita ko namang sinamaan ako ng tingin ni archer dahil sa ginawa ko.

"minsan lang naman e" rinig ko ang pag tatampo sa boses niya kaya natawa ako at tinuloy ang pag babasa.

tumaas ang tingin ko kay kaizen na nakikipag tawanan sa tropa niya, nakatingin ito saakin kaya kaagad din niyang iniwasan pag tingin ko.

"ayain niyo nga si kaizen laro lang dali" pang aaya ni archer na ngayon ay tinitignan ang lalaki.

"kaizen! laro daw kayo" sumigaw si amari sabay turo kay archer na ngayon ay umiling na dahil sa hiya.

tumawa si kaizen sabay lakad papunta sa pwesto namin. umupo ito sa upuang nasa tabi ko sabay tingin kay archer na ngayon ay kinakabahan at pulang pula ang mukha sa hiya.

"laro par" saad nito kaya tumango si kaizen.

lumipad ang tingin nito saakin kaya tinaasaan ko lang siya ng kilay. ngumisi siya sabay kuha ng phone.

"nag cocodm ka?" tanong niya kaya napatango ako.

"minsan lang" tipid na sagot ko kaya tumango naman ito. nag laro sila habang ako ay nag babasa lang.

hindi ko alam pero wala sa sarili akong napalingon sakaniya. seryoso ang itsura niya habang nag lalaro.

"pre sa likod mo dalawa!" sigaw niya sabay mabilis na pinipindot ang kung ano sa phone niya.

"tangina neiva barilin mo na, ikaw babarilin ko dyan tamo" inis na sabi ni archer.

napatingin ako sa mukha ni kaizen, kayumangi ang kulay ng balat niya, mahaba ang pilik mata at bumabagay sakaniya ang ilong niya. kulay kayumanggi naman ang mga mata at maganda ang hugis ng bibig.

"matutunaw ako nyan" tumawa siya kaya napabalik ako sa pag babasa. napapikit ako sabay basa ulit.

nang dumating ang teacher ay kaagad din silang bumalik sa upuan katabi ko si aeris at nasa bandang harapan naman sila amari at nieva.

nag notes ako habang nag tuturo ang teacher, todo iwas naman ako kapag mag tatawag ang teacher, kunwari ay iinom ng tubig o nag susulat ng kung ano ano.

"sipag naman" nagulat ako ng nasa tabi ko na ulit si kaizen na kanina lang ay nakikipag tawanan sa tropa niya.

"hi crush" kumaway siya saakin kaya napataas ako ng kilay.

iniwas ko ang tingin ko sakaniya dahil naka titig lang ito saakin, sinulat ko ang nasa board bago iligpit ang gamit.

"hulaan ko anong favorite mong color" sabi niya pa sabay tingin sa gamit kong halos lahat ay kulay pink.

"pink yan no?" saad niya sabay tingin sa gamit ko "tama? tama?" tumataas baba pa ang kilay niya kaya napailing ako.

"green" nag laho ang saya sa mukha niya bago tignan ang gamit ko. may ibinulong pa ito sa sarili kaya hindi ko masyadong rinig.

matalino si dash palaging mataas ang nakukuha niya kahit na nga ba ay hindi siya mag review ay masasagot na niya lahat sa exam. kapag may recitation naman kapag tinawag siya ay nakakasagot naman kahit dinadaldal niya ang katabi niya.

"kung ang english ng araw ay sun, bakit mahal na ata kita?" daldal pa nito. napatigil ako sabay lingon sakaniya.

nakangiti pa ito kaya inirapan ko nalang, anlakas ng tama. iniwas ko ang tingin bago siya lingunin dahil kinuha niya ang kamay ko.

"basa" tinuro niya ang kamay ko sabay kuha ng panyo at pinunasan ito bago ibalik ang panyo sa bulsa ng uniform niya.

"palakihan ng kamay!" excited na saad niya sabay kuha ng kamay ko at idinikit sa kamay niya. ramdam ko naman ang koryenteng dumaloy dahil sa ginawa niya.

tinikom niya ang kamay namin kaya naging mag holding hands na ito at sakto naman ang pag dating ng kaibigan niya.

"inang yan valderama! pumaparaan" saad ng tropa niyang si ace, umiwas naman ako sabay tingin kung saan at hinayaan nalang siya sa kung ano gusto niya.

"tigil mo yan tutoy, hindi pa tayo tuli" asar pa ng kaibigan niya, nang lumingon ako sakaniya ay naka taas ang gitnang daliri niya sabay buka ng bibig at may sinabi sa kaibigan.

"ay sorry po" sabi pa niya sabay baba ng kamay niya at sumimangot.

"inaaway nila ako" lumungot pa ito na parang batang aping api na. ngumisi naman ako bago umiling.

kinuha niya ang phone niya nang hindi inaalis ang kamay namin sa isa't isa, ramdam ko naman na kinukuhanan niya ako ng picture kaya hindi ako lumilingon.

"itigil mo yan valderama, pda pda! nasa school pa oh" natatawang sabi ng isa pa niyang kaibigan kaya lumingon ako dito at naramdaman ang pag bitaw niya sa kamay ko.

"i'm sorry" malungkot sa saad pa nito kaya ngumiti ako. "ayos lang..".

nang umalis siya ay agad pumunta sila nieva sa tabi ko at inaasar ako. pinakita pa nila ang picture na mag kaholding hands pa kami.

"sweet niyo gagi naol" saad ni nieva sabay tingin ulit sa picture.

lumingon ako kay dash at kumindat naman ito kaya bumilis ang tibok ng puso at napapikit nalang. tinutulak ako nila amari dahil sa nangyari.

"gago talino ng nasungkit mo ah" ngising saad ni archer bago ngisihan ang lalaki.

"edi may kalaro na ako palagi neto? 1v1 kamo kapag nanalo magiging jowa mo na siya" desisyon nito.

"tanginamo cher" inis na saad ni amari sabay suklay sa buhok ko. idk kung anong meron at bakit ako ang nagustuhan niya.

hindi naman ako maganda, simpleng tao lang. mataba nga rin ako at hindi pala ayos, kaya hindi ko maiwasang isipin kung bakit ako? bakit ako ang gusto niya?

________________________________________________________