Nakatulala lang ako habang naka dungaw sa tanawin, kitang kita ang mga ilaw na nanggagaling sa labas. ilang taon na rin ng hindi ako bumalik dito sa pilipinas at tumira nalang sa canada. si archer lang ang pinagsabihan kong nakauwi na ako dahil gusto ko sanang isurpise ang iba.
"zel.." napalingon ako ng tawagin ako ni archer, naka tuxedo na ito habang inaayos ang buhok niya.
bumuntong hininga ako bago tumayo, kinuha ko ang silk dress ko na light pink at ang heels na pink may glitter din ito kaya kitang kita kapag gabi, tinanguan ko nalang si archer bago ako mag bihis.
pumasok ako ng cr para mag shower ng matapos na ay humarap ako sa salamin bago ayusan ang sarili, suot suot ko na ang dress bago ito ayusin ulit. nag light make up lang ako dahil hindi naman ako sanay na minimake upan ang sarili ng bongga. kinuha ko na rin ang kumikinang na pink na shoulder bag ko.
"ganda talaga ni izel..." inirapan ko si archer bago ayusin ang buhok. mahaba ito na tuwid na hanggang baywang kaya natatakpan din ang likod ko.
"tigilan moko cher" tumawa naman ito bago ako alalayan. tinulungan niya akong bumaba ng hagdan habang hawak hawak ang ibaba ng dress ko.
nag lakad na ako palabas at sumakay sa kotse, si archer na raw ang mag dadrive. may reunion kaming mag kakaibigan ngayon kaya panigurado nandon silang lahat kasama ang mga asawa't anak nila.
"nag iba ka ngayon izel" napataas ako ng kilay ng mag salita si archer.
"trip mo nanaman ako archer" irap na sabi ko. tumawa naman ito sabay nag patugtog.
"mas gumanda ka nga zel, ano sabon mo? pahingi naman oh para mag amoy canada na rin ako"
hindi ko rin mapigilan ang pag tawa dahil sa sinabi niya, natural na maputi na ako simula bata palang siguro mas pumuti lang ngayon.
"nasa bahay ung pasalubong niyo, kunin niyo bukas kapag may free time kayo" ngising saad ko, pumalakpak naman ito sabay hiyaw ng 'yes'
nang iparada niya ang sasakyan ay bumaba na rin ako, inaalalayan parin ako ni archer hanggang sa pag pasok. sobrang elegante sa loob amoy mayaman.
"cher... amoy mayaman dito" hagikgik ko, tumawa naman ito sabay tanggo din.
nag lakad kami papunta sa mesa kung saan nandon sila neiva at aeris. nagulantang naman sila ng makita ako, pareho silang napatakbo bago yumakap saakin.
"tanginang yan, umayos nga kayo" umalis si archer at pumunta kila harvey na ngayon ay naka tingin saakin.
"grabe ganto na ba amoy sa canada"
sinisinghot nila ako kaya naman napatawag nalang ako, i missed them. mas tumangkad na ako sakanila kumpara nung nandito pa ako.
"celeste..." humakap si harvey saakin ng kumawala ang dalawa. tinapik ko naman ang likod nito.
"hindi naman halatang miss niyoko..." inirapan nila ako. nakangiti naman si aeris ng lumingon ako sakaniya.
inayos ko ang dress ko bago ko kunin ang phone na hawak ko. lumingon ako kay neiva namay hawak ng bata sigurado akong anak niya iyon.
"celeste!" napalingon ako ng makita si amari na tumatakbo papunta saakin, hawak hawak niya ang batang lalaki na tumatakbo rin.
ngumiti ako dito habang kumaway sakaniyaa, nasa likod naman niya ang isang lalaki kaya napalingon ako don.
"amari" ngiting tawag ko bago yumakap dito. lumingon ako sa batang hawak hawak niya kanina.
"good evening" napatigil ako ng marinig ko ang boses na yon. tumaas ang tingin ko sa lalaki bago tumango.
"good evening too" sabi ko sabay baba ng tingin sa batang lalaki. hawig na hawig niya si dash.
"bless ka kay ninang para may pamasko na ikaw" rinig kong bulong ni amari kaya tumawa ako sabay iling. lumapit saakin ang batang lalaki bago mag bless.
"nangnang ko po siya?" tanong niya sa nanay niya tumango naman si amari.
pinisil ko ang pisngi niya bago lumuhod, pinantayan ko siya bago tumaas ang tingin sa dalawa.
"nangnang ganda.." sabi neto kaya napatawa rin ang iba. pinisil ko ang ilong niya kaya bumusangot ito.
lumapit ito at yumakap saakin, niyakap ko ito pabalik. "ganda ganda" ulit niya kaya napangisi ako.
"alam na kung saan nag mana" hiyaw ni archer kaya sinamaan naman eto ng tingin ni amari.
"what is your name love?" matamis na tanong ko. ngumiti naman ito sabay lapit at bumulong saakin.
"caelestis.." bulong niya ng ikinatigil ko. mapait akong ngumiti bago tignan siya.
"heavenly" bulong ko kaya tumaas ang tingin ko sa lalaking nasa likod niya.
si dash... ang lalaking dapat kasama ko sa lahat, kasama ko mag plano at kasama ko tumanda.
"i want to marry u nang nang" bumaba ang tingin ko kay caelestis ng sabihin niya ito.
"lagot... gusto na agad pakasalan si celeste, kaizen oh" asar sakaniya ni neiva.
tumawa lang ako bago kurutin ang pisngi niya. malaki ang pisngi niya at gwapo ang pag mumukha.
"you look like a prince baby" saad ko sabay tingin sa lahat ng parte sa mukha niya. namula naman ito bago lumingon sa lalaki.
"my mom look like a queen?" pag tatakang tanong niya kaya tumango ako.
"and your daddy looks like a king..." ngumiti pa ako sabay tayo dahil nangalay na ang paa ko. tumaas ang tingin niya saakin.
"can you be my princess nangnang? i want to marry you e" naka simangot na ito.
kinuha ni archer si caelestis para hindi na ako mahirapan yumuko. lumapit ako sakanila.
"love.. when u grow up, u will find your own princess" ngiting saad ko. "like your daddy, look oh he found his own queen and now they have their own prince na"
mapait akong ngumiti, ramdam ko naman ang pag pulupot ng kamay ni archer sa baywang ko.
"ulol ka archer bastos neto" asar ni harvey ng makita iyon. hindi naman bumitaw si archer at mas lalo pa akong hinawakan.
tumaas ang tingin ko kay dash na ngayon ay nakatingin saakin. ngumiti ako dito bago ito umiwas ng tingin nag igti naman ang pangga nito kaya napatango ako sabay iwas din ng tingin. binaba ni archer si caelestis kaya kinuha ito ni dash at binuhat din.
"ayos ka lang?" nakiliti ako ng bumulong si archer sa tenga ko.
kita ko ang pag tayo ni harvey sabay sipa sa pwet ni archer at pinalo pa itong kamay neto.
"easy pre.. miss ko lang talaga to" tumawang saad ni archer. ganyan naman sila kahit dati pa lagi nag aaway at sobrang protective.
lumingon ako kay caelestis ng kumaway ito saakin. kumaway din ako bago ngitian. umupo na ako sa upuan bago tignan sila.
"neiva" itinaas ko ang dalawang kamay ko para sana kunin ang anak niya. tumawa naman ito sabay bigay saakin kaya ipinatong ko ito sa hita ko.
"mag anak kana rin kasi zel.." bumusangot ako bago tignan si archer.
"basta ikaw magiging tatay ng magiging anak ko." biro ko kaya nasamid ito ng juice na iniinom niya.
"hala gago..." gulat niyang tinignan sila aeris sabay inom ng tubig. "ilan ba gusto mo"
halos sumakit ang tyan namin ng sabihin niya ito. pinipisil pisil ko ang bata sabay tawa parin.
"hoy celeste izel alcantara! seryoso ko.. kelan mo ba gusto? ngayon na?" natawa ako sa itsura niya kaya napa hagikgik ako.
__________________________________________________