Chapter 8 - Chapter 7

''May napili ka na ba, hija?''

Mula sa pagtingin sa mga armas na naka-display nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa Early-40s ang edad na siyang may-ari ng tindahan ng mga armas. Naagaw lang ng tindahang ito ang aking atensyon habang naglilibot ako sa lungsod, may kakaiba akong naramdaman ng pumasok ako at sinalubong ng  lalaking ito na para bang inaasahan nya na ang pagdating ko.

''Wala pong nakaagaw ng atensyon ko eh'' Kamot-batok kong sabi sa kaniya na kinatawa nya at kinuhang isang bagay sa likod nya na hindi ko man lang napansin na nakatago sa likod nya

''A-ano po ito?'' Takang tanong ko habang sinusuri ng tingin ang kahon na gawa sa kahoy at hindi kaliitan ang laki.

''Magagamit mo yan sa mga laban na kahaharapin mo, Hija.''  may double meaning ang kaniyang sinabi ngunit hindi ko iyon pinansin dahil abala ako sa pagbukas ng kahon. two blue daggers were inside the box when I opened it. It's not just an ordinary blue but its blade is made of blue diamond and the handle is black.

''H-How much is this?'' ang mga Royal family lang ang may ganitong mga ari-arian kaya hindi na ako magugulat kung mala---

''iyan ay libre para sa iyo--'' Gulat akong tumingin sa kaniya at sa hawak ko ng sabihin niyang libre lang ito. Is this for real?

''--Mahal na Prinsesa.'' Pero mas nagulat ako sa huling sinabi niya at wala sa sariling napatingin ako sa hawak ko pero binalik ko agad ang tingin sa kaniya para sana tanungin kung paano niya nalaman na isa akong prinsesa pero isang ginang ang tumambad sa akin na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Where is the old man?

''Hoy babae, kung hindi ka bibili, umalis ka sa tindahan ko! malas!'' Sigaw nito sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin at nagmamadaling lumabas habang nagbabakasakali na maabutan ko ang lalaki ngunit bigo ako ng walang bakas ng lalaki sa kahit anong anggulo ng lugar. 

Who is he?

Bakit kilala nya ako?

Bakit ang bilis niyang umalis?

Pabagsak akong nahiga sa malambot na kama na binayaran ko ng $10,000 para sa isang gabi. Well, the hotel is a Five-star , that's why.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng silid hanggang sa dumako ang aking paningin sa nightstand kung saan nakapatong ang kahoy na kahon na bigay ng lalaki sa tindahan na pinagkamalan kong tindero doon.

Naupo ako sa kama at kinuha ang kahon, luma na ang lalagyan ngunit kung titignan ang laman ay mapapanganga ka na lamang sa ganda. May napansin akong papel na nakaipit sa loob ng kahon na hindi ko nakita kanina nung unang buksan ko ito. Kinuha ko ang papel at binasa ang sulat na parang makalumang istilo.

Mahal na Prinsesa Hellevi,

Natutuwa akong makita ka sa personal kaya tanggapin mo. Ang bagay na ito ay dapat na sa iyo. Matagal ko na sana itong binigay pero hindi ko makakuha ng tiyempo lalo na't maraming nakamasid sa'yo ng palihim hanggang sa nakita kitang papalapit sa tindahan na iyon kaya inunahan kitang pumasok at nagpanggap na ako ang may-ari ng tindahan habang nasa loob ng bodega ang totoong may-ari, umalis na agad ako pagkabigay ko dahil nakaalis na ang tindero sa bodega at masama ang tingin na pinupukol niya sa atin.Paumanhin kung hindi ako nakapagpaalam dahil sa pagmamadali kong umalis.

Sa oras na may kailangan ka o kakailanganin mo ang aking tulong para maisakatuparan ang iyong plano, maaari mo akong puntahan sa aking tirahan na nasa pinakamataas na bahagi ng Death Valley Forest  na kinakatakutang puntahan ng lahat dahil sa napapabalitang hindi na nakakalabas ang mga pumapasok sa gubat. Sa iyo ang desisyon kung pupuntahan mo ako sa oras na kakailanganin mo ako sa iyong plano.

Hindi ko maipaliwanag ang kaba na naramdaman ko matapos kong basahin ang sulat na nakapaloob sa papel. D-death Valley Forest? No Freaking way!

Kilala ang Death Valley bilang isa sa pinaka-mapanganib na kagubatan sa mundo kaya sinong tanga ang maninirahan doon? at kahi sa pinakamataas na bahagi pa talaga kung saan hindi na naaabot ng sinag ng araw o buwan dahil sa naglalakihan at nagtataasang mga puno sa pinakamataas na bahagi ng kagubatan, maraming mailap at mabangis na hayop sa kagubatan kaya walang nakatakas na buhay.

Sa balita kasi kinain na sila ng mga hayop sa gubat pero mali ang mga ito dahil hindi hayop ang pumapatay ng mga tao na pumupunta sa gubat na iyon kundi mga tao rin, pinapakain lang ng mga mamamatay tao ang mga bangkay sa mga hayop sa loob ng gubat para hindi makakuha ng impormasyon o ebidensya ang mga politiko. Pero ako si Jane alam ko ang lahat sa mundong ito.

Hindi ko maalala na may nabanggit na lalaking tulad niya sa loob ng kwentong ito, Pero isa lang ang nabubuong katanungan sa aking isipan. 

Ano ang papel ng karakter niya sa loob ng nobelang ito?

++++++++++++

''Mahal na Prinsesa, kanina pa po siya nasa loob.''

Sabi ni Laura pagpasok ko sa restaurant kung saan kikitain si Bastian. Dinala niya ako sa isang VIP room na pina-reserve ko pa sa kanya para sa aming pribadong pag-uusap. Pumasok na ako sa loob habang nakasunod si Laura sa aking likuran.

''Bastian'' Tawag pansin ko sa lalaking nakaupo sa mahabang sofa pagpasok ko sa loob ng silid, nag-angat siya ng tingin at tumayo ng makita ako.

''Who.Are.You?'' May diin ang bawat pagbigkas niya ng mga salita dahilan ng pag-angat ng gilid ng aking labi.

Pilit niyang inaaninag ang aking mukha sa ilalim ng kalahating itim na maskarang natatakpan ang itaas na bahagi ng aking mukha kaya nakita niya kung paano umangat ang gilid ng aking labi.

''I'm Jane Necton.'' Pormal kong pakilala at naupo sa bakanteng upuan kaharap niya.

''Sinabi na sa akin ni Laura ang pangalan mo'' Pinukol ako nito ng masamang tingin at padabog na naupo sa dati niyanng upuan.

''I know you have trust issues with people like me, but please differentiate me from them'' Mataray kong Sabi at kinuha ang beer na nasa mesa

''you are still like them no matter what happens'' walang emosyon ang mga mata ni Bastian habang nakatutok ang tingin sa akin

''I became like them without even knowing it.'' Tanggi ko bago inisang lagok ang alak na hawak ko ng hindi pinuputol ang tingin sa kaniya. ''Isipin mo na lang na isa lang akong ordinaryong tao na gusto makausap ang Pinuno nyo''

''Iyan ang sinasabi ko. Hindi kita kilala pero inuutusan mo akong dalhin ka sa aming lungga, paano kung alagad ka ng batas?'' Maybe he's just concerned about his colleagues

''believe what I say.'' Kunti na lang at mauubos na ang pasensya ko sa taong kaharap ko pero kailangan kong kumalma dahil malaki ang magiging ambag nya sa plano ko

''Tsk, Fine! Damn it!''