Ben (New Leader of Alpha) POV
''Ben!''
Nagpalinga-linga ako sa hindi pamilyar na paligid para mahanap ang nagmamay-ari ng boses babaeng tumatawag sa aking pangalan. Kanina pa, mag-iisang oras na nga yata akong nag-iikot ikot ngunit wala akong ibang makita kundi puro mga puno na may iba't ibang kulay na dahon. Hula ko'y nasa mahiwagang gubat ako na tanging sa telebisyon lamang makikita at sa libro lamang mababasa.
''Sino ka?! Magpakita ka!'' Nag-e-echo ang aking boses sa paligid na nagpatindi ng aking takot na minsan ko lang nararamdaman. Hindi ko na alam ang nangyayari basta ang natatandaan ko'y natulog ako sa aking tent sa loob ng kampo ng militar tapos wala na...PANAGINIP! Oo panaginip lang 'to kaya kailangan kong magising upang matigil na ang aking imahenasyon sa mga bagay na ito.
Kinurot-kurot ko ang aking sarili ngunit nakakaramdam ako ng sakit sa tuwing inuuli-ulit kong saktan ang aking sarili. Shit! Bakit ako nasasaktan kung panaginip ito? Nababaliw na talaga ako kakaisip ng kung ano-ano simula ng mamatay si JN. ahh! Gusto ko ng magising sa kabaliwang ito.
''Ben! Nandito ako!''
Narinig ko na naman ang boses na malamyos sa pandinig at parang nakakahalina sa tuwing maririnig ng kahit nino man. Sa dulo ng gubat nanggagaling ang tinig kaya hindi na ako nag-dalawang isip na tahakin ang daan papuntang katapusan na siguro ng gubat.
Laglag panga ako ng makalabas ako ng gubat. I--isang palasyo ang bumungad sa akin na hindi ko mawari kong gaano ka-taas at ka-laki dahil hindi ko man lang makita ang hangganan ng taas nito. Is this some kind of a prank?
''Why the hell I'm seeing this kind of place?" nai-usal ko na lamang habang namamangha pa ring nililbot sa paligid ang tingin.
Parang may nagtutulak sa akin na pumasok sa loob ng palasyo kaya't dahan dahan kong hinakbang ang aking mga paa papasok sa palasyo. Isang Modern Victorian style ang disenyo ng loob ng palasyo kaya mas lalong napahanga ako sa nagawa ng imahinasyon ko. Wow! ang creative ko pala pagtulog.
May nakita akong malaking liwanag sa pader kaya nilapitan ko ito dahil sa kuryosidad na lumukob sa aking katawan. Malapit na...malapit ko ng maabot ng biglang umikot ang paligid ko matapos kong mahawakan ang umiilaw sa pader.
''Ahh!''
Parang hinihigop ang enerhiya ko ng bagay na yun at hindi maiwasang sumakit ng aking sintido. Ilang minuto lang ay umayos na ang aking pakiramdam sa p[aligid pero ang pakiramdam ko sa sarili ko ay parang matutumba ako ng wala sa oras. Ilang minuto ko pang pinahinga ang sarili bago napagpasyahang idilat ang aking mga dahilan upang mabugaran ko ang mala-dyosang ganda ng babaeng nakatayo sa aking harapan habang nakangiting nakatingin sa akin. A fucking blue eyes
''Ben'' She's smiling while approaching me. Hindi ako makagalaw habang pinagmamasdan siya
''W-who are you?'' Kinakabahang tanong ko at bahagya pang umatras ng tangkain niyang hawakan ako. She's beautiful but I sense that she's dangerous.
''It's me'' naluluha ang kaniyang mga mata habang sinasabi iyon
''Huh?'' Naguguluhan ako sa sinasabi niya na 'its me' na hindi man lang nakatulong upang mabigyan ako ng clue
''Seryoso, Ben. Ako 'to si Jane'' Umikot pa ang mga mata niya na parang naiinis na gawain ng Dati naming Pinuno. Kinakabahan man ay nagawa ko pa rin siya taliman ng tingin
''Shut the fuck up! Wag mong idamay ang taong patay na.'' Malamig na aniko sa kabila ng pangingin ng aking katawan
''Hmm? Nandito ka sa teritoryo ko, Ben. 'Wag mo akong minumura dahil ako pa rin ang Leader mo!'' Seryosong aniya ngunit may ngisi naman sa kaniyang mga labi na gawain din ng Leader namin sa tuwing nasisiyahan siya sa reaksyon ng isang tao
''Stop! Hindi ako maniniwala sayo. Hindi pa ako kinukuha ni San Pedro o ni kamatayan kaya di ko pa siya makikita!''
''Pano ba yan? Hindi ako sinundo ni San Pedro at Kamatayan.'' Nagkibit balikat siya sa sagot niya at naupo sa malaking kama na hula ko ay pagmamay-ari niya
''Sit down, Ben'' Iginaya niya ako sa malapad na sofa na hindi kalayuan sa kamang kinarorounan niya
''Pano ba kita mapapaniwala nito?'' Parang sarili niya lang ang tinanong niya dahil nakahawak siya sa kaniyang baba na wari mo'y nag-iisip ng malalim
''Let's start with this...ahm? Hindi talaga ako tuluyang namatay nung binaril ako ni Anthony. Masamang damo kaya 'to!'' Mayabang niyang wika
''And then...Nagising ako sa lugar na 'to na nasa ibang katawan. Reincarnation..Reincarnated ika nga ng nasa libro'' Simpleng paliwanag niya at hindi naman ako ganun ka-bobo kung hindi ko pa siya papaniwalan
''My step sister is my rival?'' Wika ko ng matandaan ko ang librong sikat na sikat ngayon sa mga kabataan at isa na kami roon ni JN, kahit matanda na kami
''How'd you know?'' Nagtatakang tanong niya na nginisihan ko lang
''Sino kasama mo magbasa ng librong yun?" Tanong ko dahilan upang ma-realized niya ang aking sinabi
''How come I forget that you're my Parther in crime?'' naiiling na tanong niya
''Explain ka naman kung bakit ako nandito oh?'' Kinakabahan na talaga ako kasi baka nagaya na ako sa kaniya na mapunta sa kwentong ito. Baka mapatay ako wala sa oras ng mga Male Lead eh
''May tanong muna ako. Nabasa muna ba yung katapusan ng Nobelang ito? Anong nangyari?'' sunod-sunod niyang tanong
''Hindi. Actually, hindi na tinapos ng author ang pagsulat ng kwento dahil na-coma ito at hanggang ngayon hindi pa nagigising''
''What? Paano nangyari yun eh may nabili nga ako kaso hindi ko alam kung nasaan napadpad yun matapos kong maramdaman na nahulog ako sa isang portal!'' Kinakabahan aniya at ginagawa niya na naman ang kaniyang manerism na magpatunog ng mga buto niya sa kaniyang kamay sa tuwing nalulungkot, kinakabahan, natatakot o kaya naman nagagalit siya.
''Nagsisimula na ba ang kwento?'' Tanong ko para makakalap ng impormasyon sa mga nangyayaring kababalaghan
''Hindi dahil tatlong buwan pa ang hihintayin bago magsimula ang daloy ng kwento. Dalawang buwan na ako rito''
''Anong plano ang ginagawa mo?'' Tanong ko dahil alam ko naman na Genious na siya sa paggawa ng plano kahit anong problema
''Linisin ang pangalan ni Hellevi, magkapera ng marami at umalis sa bansang ito at mamuhay ng matiwasay sa malayong lugar'' kibit-balikat niyang sagot
''Hindi madali ang ginagawa mong plano'' May babala sa aking boses na kinangisi niya
''Kung alam mo lang ang reaksyon nila ng makita ang ayos ko sa katawan ni Hellevi ng magising ako dito Hahaha epic yung mga mukha, laglag panga amp'' Natawa na rin ako sa kwento niya. Akalain nga naman, ang isang Jane Necton na hinuhusgahan ng nakararami sa Earth ay nasa katawan ng prinsesang kina-iinisan naman ng lahat dito sa Devuniake.
''Nandito si Lolo Juanito'' 4 words 20 Letters but enough for me to shiver in Nervous. T--that old man!
''H--how? matagal na siyang patay diba? Parang hindi pa naiisip yung istorya patay na siya. Tsaka bata palang tayu noon'' Matagal na kasing patay ang Lolo niya at sa panahong yun ay hindi pa nasusulat o naiisip ang nobelang ito.
''He explained everything to me. Ni expect niya nga na si Janine or Jino ang mapupunta rito pero ako talaga yung minalas.'' Nagtataka akong nakatingin sa kaniya na nahulaan naman niya
''May sumpa ang pamilya namin at yun ay may pinipili sa pamilya namin na mapupunta sa lugar na ito. Mga nauna pang ninuno ni Lolo, si Lolo at ako pero nakakapagtaka ang nangyari kagabi...'' Tinigil niya ang kaniyang sinasabi at natulala sa kawalan
''Anong nangyari?'' Tanong ko dahil kating-kati na akong malaman yun. pa-suspense pa kasi
'' May nagsabing siya daw si Ja~~''
''Ben!''
''Kapitan!''
''Gumising ka! binabangongot ka!'
Hindi ko na napakinggan ang mga sinasabi ni JN dahil sa mga ingay sa paligid at pagmulat ko ay mga nag-aalalang mukha ng ka-grupo ko ang unang bumungad sa akin. Naupo ako't sinandal ang aking katawan sa Headboard. Binigyan ako ni Kyle ng isng basong tubig na agad kong nilagok dahil sa uhaw na nadarama.
''What happened?''
''Anong napanaginipan mo?''
''Si Captain JN ba?''
Sunod sunod na tanong nila ngunit isang tango lang ang sinagot ko bago magkwento sa kanila ng nangyari
''Napanaginipan ko siya, not literary na panaginip kasi alam kong totoo yun.'' Nanghihinang saad ko dahil hindi pa humuhupa ang nararamdaman kong pagod
''Pare-pareho lang siguro tayong napanaginipan siya'' Nanghihinang napaupo sa sahig si Alex at sumubsob sa kaniyang tuhod
''Mag-iisang buwan na rin pala nung mawala siya kaya siguro naisipang dumalaw''
''At talagang bongga pa ng lugar na napuntahan natin para lang makita siya''
Nagtawanan na lang kami sa kabila ng panaginip na pare-pareho naming napanaginipan kasama ulit ang pinakamamahal namin Leader. Ngunit nagkatinginan kami dahil sa malamyos ngunit seryosong tinig na aming narinig kasabay ng malakas na ihip ng hangin na dahilan upang manginig kami hindi sa lamig kundi sa takot na naramdaman namin.
''I will come when you need me.''