Chapter 9 - Chapter 8

Tumigil kami sa tapat ng mataas at malaking tarangkahan na kinakalawang na sa sobrang luma na, isang sipa lang siguro dito ay bibigay na. Tarangkahan ito ng pinakadelikadong Lungsod dahil dito lumulungga ang mga masasamang tao o bihasang kriminal sa bansa.

''Wag kayong hihiwalay sa akin, maraming kriminal dito at hindi ko kasundo ang iba sa kanila'' Seryosong bilin ni Bastian sa amin ni Laura. Pagpasok pa lang namin ay naramdaman ko na ang kakaibang pakiramdaman na matagal ko ng hindi nararamdaman simula ng mapunta ako sa mundong ito. Hmm, I smell somethi---

''stay behind me!'' Naging mabigat at nakakatakot ang aura ni Bastian nang harangin kami ng isang grupo sa daan

Mukhang silang adik sa mga hikaw nila sa iba't ibang parte ng kanilang mukha. Well, anong aasahan ko sa lugar na'to? Kaya nga tinawag na Death City dahil katapusan mo na kung mapapadpad ka dito pero maswerte ka kung alam mong makipaglaban

"Hindi pwedeng makalapit ang mga yan sa Prinsesa, naiintindihan mo ba, Bastian?!" Kahit si Laura ay seryoso na rin habang nakatingin sa mga lalaking nakangisi sa amin ngayon.

"Hi, miss!"

"Ang Ganda mo, miss!"

"At ang sexy pa"

"Mukhang masarap to, mga pre"

"Hayop ka rin pumili ng ikakama mo, Bastian ang ganda na nga se--"

Napaatras ako ng sinuntok ni Bastian ang lalaki na parang Leader ng grupo. Nagsimula na rin umatake  ng suntok ang iba kaya nakisali na rin si Laura habang ako ay prenteng nakatayo lang at pinagmamasdan silang nag-aaway

I can tell na bihasa si Bastian sa ganitong ganap kaya hindi na ako nagulat ng hindi man lang siya pinagpawisan matapos mapatumba ang mga kalalakihan, si Laura naman ay balik sa pagka-poker face ang mukha.

"Let's go"

Ang Death City ay malaki ang lupain na mahahalintulad na na sa Lungsod na pagmamay-ari ng mga Royal Family.

Ang Death City ay mahahalintulad sa pinakamayamang Lungsod noong hindi pa nagkaroon ng digmaan ang Arcadia at Warkinles—ang pangatlong bansa na maunlad.

Ang Lungsod ng Death ang napinsala ng grabe dahil kulang sila ng gamit para sa panlaban, huli na ng malaman ng karatig Lungsod ang pagsugod ng bansang Warkinles dahil sira-sira na ng maabutan nila ang Death City, maraming namatay na matataas na opisyal ng Death City kaya hindi na naayos ang Lungsod dahil sa kakulangan ng budget.

Ang mga natirang mamamayan ng Death City ay binigyan ng kaunting tulong ng mga nakatataas ngunit pansamantala lang kaya natuto ang mga ito na gumawa ng krimen para mabuhay.

Noxus ang totoong pangalan ng Lungsod na pinamumunuan noon ng pamilyang Noxus, napalitan lang ito ng kumalat ang mga krimen na gawa ng mga nakatira dito.

Ang tumatayong Leader nila ngayon ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Noxus na lalaki—at siya ang kailangan kong kausapin para magtagumpay ako sa unang yugto ng aking plano.

Pumasok kami sa bahay na dalawang palapag ang taas, ito lang ang nakita kong buong buo at walang sira na bahay dito kaya nasisiguro ko na nandito ang taong kailangan ko.

"Wait here" Pumasok si Bastian sa nag-iisang pinto dito sa pangalawang palapag kaya naiwan kami ni Laura dito sa labas at naghihintay kung kailan pwedeng pumasok.

Maraming bantay ang nakapalibot sa bahay na ito kung nasaan ang kanilang Pinuno para maiwasan na makapasok at makalapit sa Pinuno ang mga traydor ng kanilang samahan.

''Pwede na kayong pumasok'' ang maliit na siwang ng pinto ay nilakihan ni Bastian para makapasok kami sa silid ng kanilang Pinuno.

Isang kama ang una kong nakita pagpasok ko sa loob at nakahiga doon ang kanilang pinuno na namamayat na at hirap ng huminga. Sa gilid naman ng kama ay may mahabang sofa na may Dalawang babae at isang lalaki ang nakaupo.

''Who is she?'' Tanong ng lalaki habang ang dalawang babae ay sinusuri ako ng tingin.

''My name is Jane Necton'' Kaswal kong pakilala dahilan kong bakit mapamulat ng mata ang kanilang pinuno na nanghihinang nakahiga.

''J-jane?'' Nanghihinang tawag nito sa pangalan ko

''Glad that you still know me'' pagkasabi ko ay naupo ako sa isang silya na malapit sa kinahihigaan niya at naupo doon

''then you're the one like me, I thought it was either Janine or Jino.'' may panghihinayang sa boses nito na kinataray ko na lang

''I'm the unlucky one, Grandpa'' naiiling kong sabi rito

''G-grandpa?''

''What the Hell?''

Rinig ko ang mga komento ng mga kasama namin sa loob kaya di ko maiwasang mapangisi. Bata pa lang ako ay namayapa na ang aking Lolo at nalaman ko sa kauna-unahang paggising ko na nasa katawan ni Hellevi,nalaman kong na-reincarnate siya sa katawan ni Fred Noxus--ang kasalukuyang pinuno dito sa Death City.

Kung paano ay pinadalhan niya lang ng sulat si Hellevi which is ako na, alam niya na siguro na may marereincarnate din tulad niya at nasa pamilyang Finnegan ito.

''here'' inabot ko sa kaniya ang gamot na sariling gawa ko dahil wala naman dito ng ganitoong gamot tulad sa earth

''May dala ka talaga nito dito sa Devuniake?'' tanong niya at mabilisang ininom ang gamot na ibinigay ko

''Pinagpuyatan kong gawin yan, Grandpa'' reklamo ko dito na tinawanan lang nito. Hindi pa naman siya matanda dahil nasa mid-30s pa lang ang edad ni Fred pero ang kaluluwa ay lagpas isang daan na ang katandaan

''just rest there so you can kill the person who poisoned you'' Seryoso kong sabi rito at binalingan ng tingin ang kasama namin sa loob na takang taka sa nangyayari.

''My real name is Hellevi Thana'' pagpapakilala ko dito at hinubad ang suot kong maskara 

''W-what?''

''F-fuck!''

''I'm dreaming, right?''

''Explain please''

''Jane Necton ang pangalan ko kapag malayo ako sa Royal at Noble Families'' pagpapaliwanag ko sa mga ito which is lies

''Prinsesa, L-lolo mo ba talaga siya?'' naguguluhang itinuro ni Laura ang lalaking mahimbing ng natutulog

''Hind. Grandpa lang ang tawag ko dahil para sa akin ay matanda na siya'' walang emosyon kong sabi

''Ano ang ipinainom mo sa kaniya?'' nagtatakang tanong ni Bastian

''gamot sa lason na inimbento ko. Bismuth subsalicylate ang pangalan ng gamot.''s--shit! sa impyerno talaga ang punta ko nito sa kakasinungaling

''nalason siya?'' takang tanong ng babaeng may pink na buhok

''Oo at nasa torture room na ang may gawa, pahirapan nyo lang pero wag niyong patayin'' nakangiting sabi ko sa kanila at tinuon na ang tingin sa aking Lolo na mahimbing ng natutulog.

Narinig ko ang mga papalayong yabag nila at ang pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na sila.

''get ready whoever ordered him because by the time I get home his time on Devuniake will be over.''