Si Sage na siguro ang pinaka-kalmado sa kahit anong sitwasyon dahil prenteng umiinom lang naman siya at kumakain habang mamatay na ako sa kaba habang kaharap ang kaniyang mga magulang na sina King Sager at Queen Seina Cantonese.
Silang matatanda lang naman ang nagkakaintindihan sa kanilang pag-uusap habang kaming mga kabataan ay tahimik lang na kumakain. Katabi ko ngayon si Gilbert at Helbert na katabi naman si Phoebe na kanina pa irap ng irap sa akin in a secret way. sa kabilang side naman ng mesa ay nakaupo ang Pamilyang Cantonese na sina King Sager, Queen Siena, Sage, at ang bunsong Prinsesa na si Seah na ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siya dahil hindi naman ito nabanggit ng otor ng nobela. Tahimik lang ito na akala mo ay shy type pero mahahalata sa ekspresyon niya ang pagkaboryo sa mga taong nasa paligid niya. Same
''Tama nga ang nababalitang ibang-iba ka na, Princess Thana'' Napaayos ako ng upo ng mapansin na ako ng Reyna matapos ang mahaba-habang usapan nilang matatanda
''Ang totoo po niyan ay para kay Sage ang pfft-- pagbabago ko'' napainom agad ako sa aking baso matapos kong sabihin ang korning salita na pumasok sa aking isipan.
*AHEM* *AHEM*
Narinig kong ubo ni Sage habang nagpupunas ng Table Cloth sa kaniyang mukha na parang naluwa niya ang iniinom niyang tubig.
*Smirk*'
''Careful, Sage. May matamis na bibig ang inibig mo'' Bulong ni King Sager sa anak niya na umabot sa aking pandinig
''oh! HAHAHA I like you na, Hija for my son'' The amazement was evident in her expression
'me too, Queen Siena. I'm slowly starting to like your son.' Gusto kong isatinig ang nasa aking isipan ngunit natatakot ako sa mangyayari kung sakali mang umibig ako sa isang lalaki na sa libro lang nag-e-exist at hindi sa totoong buhay.
''Dapat lang, Mom Because she's already my girlfriend.'' Nakangising saad ni Sage na kanina pa hindi pinapansin ng kaniyang ina
''Dapat kayo ang magkatuluyan kung ayaw mong mawalan ng mamanahin'' Seryosong sabi ni Queen Seina kay Sage na halos ikalaki ng aming mga mata
''M--mom!''
''Q--queen Seina...''
Sabay pa ang aming pagreact na ngiti lang ang sinagot ng reyna sa amin
''You should start calling me Mom, Hija'' nakangiting pahayag ng Reyna na kinatango ko na lang
''Dad is better than King or Tito'' Dagdag naman ni King Sager
''May I go out?'' Bored na tanong ni Seah na hindi na hinintay ang sasabihin namin dahil lumakad na siya paalis ng dining room
''Ang batang yun talaga! Pagkatapos ng nangyari sa kaniya ay nag-iba na ang ugali. Haist!''
''can i go out too?'' Tanong ko na kinabaling ng atensyon sa akin ng Reyna at bahagyang tumango bago bumalik sa paghahapunan at pakikipagkwentuhan sa aking mga magulang. Tanggap ko na sila bilang aking magulang sa mundong ito.
Bumalik ako sa aking kwarto at kinuha ang bagay na kailangan ko bago pumunta sa garden kung saan ko nakitang pumunta si Seah. Natagpuan ko siyang nakaupo sa damuhan at nakasandal sa malaking puno habang nakapikit ang mga mata
''Seah'' pagtawag ko sa kaniyang pangalan dahilan para imulat niya ang kaniyang mga mata
''What do you want and doing here?'' Malamig niyang tanong. Kapatid talaga ni Sage
''Just want to know you'' Napaikot na lang ako ng mga mata at naupo sa kaniyang tabi na agad din naman niyang iniwasan na parang may nakakahawang sakit.
''You're annoying!'' asik nito sa akin
'' Maganda naman'' balik ko dito na kinaikot ng mata nito
''Tsk!'' sagot na lang nito na hindi ko na pinansin dahil nagsimula na akong mag-strum ng dala kong gitara na paborito kong tugtugin.
''Wish that you could build a time machine''
Sa pagkakaalam ko ay nakidnap siya nung nakaraang buwan ng mga kalaban ng Cantonese sa Business at natrauma kaya naging iba na ang ugali na dating sweet at masayahing bata. Hindi ko siya masisisi kung ganyan ugali niya. Tulad rin pala siya ni Seah.
''So you could see the things that no one can see
Feels like you're standing on the edge''
She was just a 14-year-old girl with an innocent mind before but now...
Looking at the stars and wishing you were them
What do you do when a chapter ends?
Do you close the book and never read it again?
Where do you go when your story's done?
Looking at her right now parang gusto niya ng sumuko sa buhay ngunit hindi niya pinapahalata dahil sa ekspresyon na palagi niyang pinapakita sa ibang tao.
''You can be who you were or who you'll become-oh-oh, oh-oh-oh-oh, if it all goes wrong-oh-oh, oh-oh-oh-oh, darling, just hold on''
Sa pagkakataong ito ay nagiba ang kaniyang ekspresyon at yun ay pagtataka, siguro ay dahil sa kantang kinanta ko na hindi pamilyar sa mga taong nasa mundong ito dahil Sa earth nanggaling ang kantang yun.
''The sun goes down and it comes back up
The world it turns, no matter what''
May mga luhang pumatak sa kaniyang pisngi na ngayon ko lang nalaman na umiiyak na pala siya dahil sa mumunting hikbi na lumalabas sa kaniyang bibig sa hindi ko malamang dahilan. Ganun ba kalungkot ang pagkanta ko kaya siya'y nadala? Sinawalang bahala ko na lang at ipagpapatuloy na sana ang huling leriko ng siya na ang nagpatuloy nito na kinatigil ko
''Oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh, if it all goes wrong
Darling, just hold on''
''H--how?'' Kinakabahang tanong ko ngunit sa gulat ko ng bigla niya akong niyakap ay nabitawan ko ang hawak kong gitara
may sinabi siya sa mahinang boses ngunit Halos manigas ang aking katawan at manghina dahil sa kaniyang tinawag sa akin habang siya'y nakayakap sa akin
''W--what?'' Unti-unti na rin nagsipatakan ang mga luha sa aking pisngi dahil isang tao lang ang alam kong tumatawag sa akin sa pangalan na iyon
No...hindi siya si Seah
''alam ko pong ikaw yan! ako 'to si Jalyn!'' Tuluyan ng natigil ang aking paghinga dahil sa kaniyang sinabi na hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya sa sitwasyon ngayon. Ayoko man tanggapin pero alam ko sa sarili ko na matagal na siyang kinuha ng Diyos sa akin. Matagal ng nawala ang buhay ko sa sandaling kinuha niya si Jalyn.
A--ng baby Jalyn ko!
"what happened?'' Mabilis kong kinalas ang yakap ni Seah sa akin at hinarap ang taong dumating
''Wala. Kinikilala lang namin ang isa't isa'' Pagsisinungaling ko sa kaniya na kinataas ng kilay niya
''Nagkwento ba si Seah ng nangyari sa kaniya kaya nag-iiyakan kayo?'' Pansin ko lang na napapadalas na ang pag-tagalog niya kapag walang ibang tao
''Y--yeah!''
''I don't want a lying girlfriend.'' basta na lang na sabi niya
''I'm sleeping, Kuya. Good night!" Matapos humalik ni Seah sa pisngi ng Kuya niya ay naglakad na siya palayo ng hindi man lang nililinaw ang kaniyang mga sinabi kanina lang
Another Problem!
''Hellevi.'' madiin na bigkas niya sa aking pangalan
''H--huh?'' Kinakabahan na ako sa mga oras na ito dahil ako ang naipit sa sitwasyon ngayon
''Anong pinag-usapan nyo? Bakit umiyak kayo? Bakit ganun kayo ka-close?'' sunod-sunod na tanong niya na hindi ko inabalang sagutin
''Napapadalas na ata ang pagtatagalog mo?'' Pagiiba ko ng usapan
''Napapadalas na rin ata ang pagsagot mo ng pabalang?'' taas kilay na tanong niya
''Bye!'' Kumaripas na ako ng takbo ng akma niya akong lalapitan
''Hellevi!'' Pagtawag niya sakin ngunit hindi ko na pinansin at tumakbo na papuntang kwarto ko.
Manigas siya!
My Mind: Baka iba ang manigas, Hellevi''