Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 53 - 7.15 Grab Every Opportunity

Chapter 53 - 7.15 Grab Every Opportunity

Lumipas ang ilang oras ay napagpasyahan na ng doktor na sumuri kay Maki na ipabatid sa kanya ang balitang paniguradong babago sa takbo ng kanyang buhay.

"I don't know kung good news ba ito sa'yo o hindi pero base kasi sa pagsusuri namin ay hindi ka talaga eligible o pwedeng makabuntis ng babae." She explained it carefully for him to understand.

"Paano pong hindi pwede?" tanong ni Maki sa kanyang ninang. Pinapupo ni Dra. Azure si Maki nang makapag-usap sila ng masinsinan.

"Kapag naoperahan ka kasi sa parte ng thyroid mo, maaari ding maapektuhan ang sperm quality ng isang pasyente para sa mga lalaki. At dahil nga sa pinaopera mo na ang thyroid mo noong nakaraang mga taon, maliit na lang ang chance o baka imposible ng bumalik sa dati ang lahat." paliwanag ng doktor sa kanya.

Isa din marahil sa pinapangarap ng sinuman ang makabuo ng sariling pamilya sa piling ng kanyang minamahal ngunit tila hindi na umaayon sa plano ni Maki ang takbo ng buhay na gusto niya para sa kanyang sarili. The bachelor was not enthusiastic upon hearing the news kaya nagbakasakali siya na mapunan ng doktor ang kanyang haka-haka.

"Sigurado po kayo? May iba pa po bang paraan para maging masigla ulit ang alam niyo na po...?" sabi ni Maki na medyo ikinatuwa pa ni Dra. Azure dahil sa interes nitong matuto.

Napabuntong hininga na lang ang doktor sa tinuran sa kanya ng kanyang pasyente. "Hindi ko na pahahabain pa ang paliwanag para maevaluate mo ng husto ang mga expectations mo. Milagro lang ang makakaresulba diyan sa problema mo."

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" pangunguwestiyon ni Maki sa kanya.

"Pwede naman kitang bigyan ng reseta for taking synthetic thyroid hormone replacement na kailangan mo for a lifetime. There are risks regarding this as a matter of fact. It might be irregular heartbeats na tipong tinitibok ng puso mo ang pangalan ng crush mo kaya feeling mo para kang aatakihin sa puso. Alam mo naman na kawalan ng sinuman ang matanggalan ng alinmang parte ng iyong katawan lalo na kung hindi iyon naagapan ng maaga." paglilinaw ni Dra. Azure kay Maki.

"Nagbibiro po ba kayo?" wika ni Maki na hindi kumbinsido na umasa sa milagro para magpatuloy ang kanyang buhay.

"Well obviously not iho. Mahalaga rin kasi ang estado ng lifestyle sa sexual health kaya mas mainam na ingatan mo ang sarili mo. Tigilan mo na ang pag-inom ng alak kung gusto mo pang humaba ang buhay mo." biglang natahimik si Maki sa sinabi ni Dra. Azure dahil guilty siya for not taking care of himself for the past few days.

"Huwag mo sana ako kagalitan dahil dito inaanak lalo na at concern lang ako sa'yo. Maaga na akong nalunod sa sarili kong pangarap kaya halos ako na lang mag-isa at ayaw ko naman na mawala ka sa mundo ng maaga dahil lang sa bisyong alak mo na iyan." paalala sa kanya ni Dra. Azure.

"Hindi ninang... kasalanan ko din naman na nangyayari sa akin ito." sambit ni Maki sa kanyang kabulastugan.

"No! Don't blame yourself sa mga bagay na sadyang nang- yayari at wala tayong kontrol para mapigilan iyon. Your thyroid condition is a genetic problem itself. Namana mo sa magulang mo ang sakit nila but if there's anything certain about your situation right now ay imposibleng maging anak mo ang dinadalang-tao ng self-proclaimed girlfriend mo." paliwanag ng doctor kay Maki na lubos pinagpasalamat ang blessings in disguise sa buhay niya.

Samantala ay biglaan ang pagpunta nila ni Kozue sa mall kaya pinaalam na ni Sandy ang kanilang kinaroroonan kay Maki na kakatapos lang din sa kanyang evaluation mula sa doktor. "Hindi ko alam kung anong oras pa kami makakauwi ng bahay pero mukhang magtatagal kami rito ni Kozue sa mall. Siya kasi ang nag-insist na mamili ng gamit niya kaya huwag kang masyadong mag-alala sa amin. Ako ng bahala sa kanya rito." sabi sa text ni Sandy na tila nabubwisit pa rin sa ginawa ni Kozue sa kanya. Tutugon rin sana muli si Maki noong mga oras na nasa biyahe pa siya ngunit bigla naman namatay ang battery ng kanyang cellphone.

"Masyadong abusado rin si dad na utusan niya pa akong puntahan ang iba pang negosyo niya sa ibang bayan. Hindi na- man nila ako binabayaran para sa mga oras na ginugugol ko sa trabahong sila naman dapat ang gumagawa. Gustuhin ko mang mamahinga saglit pero hindi ako napagbibigyan sa kahilingan ko. Mag-ingat ka sana Sandy sa babaeng iyon dahil masyadong mapanganib ang karakas niyan." komento ni Maki sa kanyang sarili habang nag-aalala sa posibleng mangyari na di kanais nais.

It's almost lunchtime na para sa karamihan ng mga office workers at swak naman ang chance na ito para kay Maki na bumawi kay Sandy sa pamamagitan ng pagsasabi rin ng katotohanan dahil nang makahagilap na sila Jin ng mga dokumento tungkol kay Kozue ay agad na rin nila itong ipinaalam sa kanya.

According to their sources, Kozue's behavior is kinda fraudulent act at maaari siyang makasuhan sa korte dahil sa pagsisinungaling. Ang sinabi niyang anak nila ni Maki ay dinoktor rin pala sa pamamagitan ng in-vitro fertilization o IVF method kung saan ang capable na sperm donor at ang kanyang sariling egg cell ay pino- proseso sa laboratoryo para makabuo rin kalaunan ng sanggol.

Napatunayan rin sa isang Fertility Clinic sa Osaka na sumailalim na si Kozue sa sinasabing IVF bago pa sila nagkakilala ni Maki kaya ganun na lang ang pagtataka nila ngayon kung bakit nagbabalat-kayo si Kozue tungkol sa kanyang tunay na motibo sa panghihimasok sa pribado pamumuhay nila ni Maki.

[Kozue Tsuchiya…]

I guess it's my only first and last time to shine and make things right. After all, ilang tulog na lang ay pasko na kaya sobrang dami na ng nakapila sa fast-food chains para sa kanya-kanyang advanced genuine celebration with their loved ones.

"Hoy babaeng hitad, saan mo ba gagamitin itong mga basura na ito?" Sandy really has the guts to make flagship brands look cheap through her words which makes me irritated.

"Itatambak ko lang naman ang mga iyan sa bunganga mo so shut up you witch." I said to her in reply and that was so hilarious of me to tell her the reality of her fate.

The lines formed on her forehead remind me that I'll become much younger in appearance than her. Although we were born in the same year, Sandy proves to me that her real age doesn't resonate too much with her looks. In fact, she would probably age faster than Shinichi Maki who is commonly mistaken as a sports trainer or a grandfather from a common stranger's point of view.

At that moment ay huminto muna kaming dalawa sa pagbrisk walking ni Sandy na halata naman sa mukha niyang parang tinunaw na yelo sa arawang binabayo ng malakas na ihip ng hangin ang pagod from the countless hours of shopping.

"Oh my gosh! Is this finally the Louis Vuitton dress that I've been waiting for?" I exclaimed and that fulfilment of shock which I've experience was really one of a kind kaya hindi na ako nagpatumpik pa at sinugod ko na agad ang sales lady na nakaasign sa brand na iyon.

I was too preoccupied sa limited edition nilang products until someone tries to steal my attention from it's beautiful sight dahil sa isang familiar face na never kong malilimutan kahit kailan.

"Yuriko?! Ikaw na ba iyan mamshie?" sambit ko na may halong galak sa aking puso nang magkita kaming muli after niyang umalis sa Osaka.

"Tadhana nga naman... ang galing talagang maglaro. Kamusta ka na? Mukhang nag-glow up ka na ng todo ah!" binobola niya pa talaga ako as usual.

"Of course, I'm always inspired by you." ngiting sabi ko sa kanya at mukhang out of place na si Sandy sa kwentong ito. Buti nga sa kanya.

"Hoy! Konting courtesy naman diyan oh. Akala mo ba iki- naganda mo iyang kaartehan mo?!" Highblood ka na naman sa akin Sandy? Okay fine dahil masyado kang umeeksena, mabuti pa sigurong pakitaan kita ng hourglass shape ko nang matameme ka diyang mag-isa.

"Ugh... tutal nandito ka na rin naman mamsh pwede mo ba akong tulungang mamili ng isusuot ko sa date ko?" Nirequest ko iyon kay Yuriko at sinigurado kong nilakasan ko ang boses ko nang pagselosan ako ng babaeng mukhang basahan sa pagiging gusgusin niya.

"Woah! Big time ka na talaga." puri sa akin ni Yuriko kahit alam kong deep inside her heart ay may kulang pa rin sa kanya.

Bumulong ako sa tenga ni Yuriko habang wala namang ideya si Sandy sa pinag-usapan namin. "Actually, may surprise din ako sa'yo kaya pakiusap ko sana kung may iba ka pang appointments, please icancel mo muna ang lahat ng iyon for this day." pakiusap ko sa kanya and I'm kinda worried na baka humindi siya sa akin. Mukhang hesitant kasi si Yuriko sa pagtango niya sa akin kaya activated na naman ang pag-ooverthink ko.

Since I somehow cross the line in blackmailing Shinichi's family, sa palagay ko ay tama lang rin sa kanila ang nangyaring stress sa puso't isipan nila dahil hindi nun matutumbasan ang pinagdaanang hirap ni Yuriko na kababata ko pa at sarili nilang kadugo. Ang masaklap pa nito ay initsapwera siya ng nanay mismo ni Maki dahil anak lamang siya ng tatay niya sa labas.

I would say that their family history was really messed up. Hindi ko na matandaan kung ilang beses ng umiyak si Yuriko dahil sa pagmamalabis ng mga kamag-anak ng tatay ni Maki sa Osaka dalawampung taon na ang nakakaraan and since mukhang maayos naman na siya ngayon ay masaya ako para sa kanya na namatay na ang past self niyang mas fragile pa sa glass of wine.

At some glimpse of reality, I can also say that any minute ay sasabog na rin si Sandy sa inis ng pagwawalang bahala ko sa kanya kaya nilubos ko ng sagarin ang pasensya niya dahil naboboring ako sa life ng walang nang-aaway sa akin. I don't know why pero mas na attach ako sa mga taong aggressive towards me dahil lalo akong nachachallenge na makipagbanatan ng maaanghang na salita sa kanila.

"Huwag ka lang basta tumayo dyan Sandy. Pumili ka na ng isusuot mong damit sa counter dahil ayokong sabihin ng iba na wala rin akong taste sa pagpili ng personal alalay ko." utos ko sa kanya at mukhang musika iyon sa pandinig niya dahil at least napagtanto niyang may angelic side naman ako kahit hindi pa iyon aabot sa scale of one percent.

- BACK TO SCENE -

For almost half a day ay nagkaroon ng bonding time ang tatlong girls that they would never expect na magkakasundo rin sila sa bandang huli. They were also shocked kung gaano kagaling si Kozue na laruin ang halos lahat ng games sa arcade center.

"Aydamong bolang! Mauubos ang pera natin sa mga tinataya mo." warning ni Sandy at tila wala namang pakialam si Kozue sa kanyang sinasabi.

"Tsk! Ito lang ang sasabihin ko sa'yo Sandy. Hindi rin magtatagal ang lugar na ito hanggang pasko dahil I will make sure na ubos lahat ng mga papremyo dito." Saying such a firm and strong declaration of victory from Kozue seems unbelievable to the management.

"Pagpasensyahan mo na siya. Ganun lang talaga ang li- bangan namin noong bata pa kami. Adik lang talaga iyan sa laro kaya minsan napapaaway rin iyan sa mga mas nakakatanda sa kanya." paliwanag ni Yuriko kay Sandy.

"Kaya pala ganyan siya kabrutal sa akin. Ako ang buhay na patunay sa kinukwento mo sa akin Ms. Yuriko." bwelta naman ni Sandy habang nakatitig silang pareho mula sa labas kung gaanong kabaliw si Kozue pagdating sa paglalaro.

Base sa ipinapakitang kilos ni Kozue ay tila naging parte na sa kanyang buhay ang pagsusugal ng higit sa anupamang kaya ni- tong ibigay na kaligayahan sa sinumang nahuhumaling rito. Mula sa claw machine, basketball arcade, air hockey, at billiards ay wala siyang pinalampas at winning streak lahat ang inabot niya. Matapos ng kanilang di malilimutan na tagpo, imbis na pera ang iuuwi nila ay kulang pa ang sako ni Santa Claus para isilid lahat ang mga laruan na kanyang napanalunan sa supot nito.

"Huwag na kayong babalik dito!" bulyaw sa kanila ng man- ager makalipas ang halos apat na oras nilang paghihintay na matapos si Kozue in dealing with her business inside the arcade.

"Never again talaga dahil ang chicheap ng mga jackpot prizes niyo. Tinatangina niyo lang ako eh. Bleh !" tawang- tawang sabi ni Kozue at tila one time millionaire ang kanilang awrahan sa gabing paparating.

"O ngayong natapos ka na sa paggamit ng perang hindi naman sa'yo, saan mo balak itabi ang lahat ng mga laruan na dala namin?" naiinis na tanong ni Sandy kay Kozue habang dala niya ang ibang prizes na napanalunan niya.

Lumingon si Kozue sa kanila at sinabing, "Sus! Edi ipamigay sa iba. As simple as that." She flipped her hair again para umpisahan ang pagbabago sa buhay ng ibang tao.

"Himala! Dahil lang ba nanalo siya ng winning streak sa arcade eh ganyan na siyang kagalante mamigay?" napapangiting bulong ni Sandy sa kanyang sarili at tila inumpisahan nilang magpanggap bilang Mrs. Claus na mga love of his life ni Santa Claus.

"Talaga bang buntis ka? Parang sinaniban ka ng malamig na simoy ng hangin kaya namamanhid ang utak mo." birong tanong ni Sandy at tila nabahala naman si Yuriko sa bangayan nilang dalawa ni Kozue.

"Hindi ka nga nakakaintindi. Psychology major ka pala sa college sabi ng mama niya tungkol sa'yo tapos hindi mo nagegets ang behavior ko? Ipapaliwanag ko lang ito sayo ng isang beses Sandy kaya makinig ka. Kung gusto mong malaman kung sino ang mga tunay na kaibigan, hindi ka nila pagtataksilan o iiwanan sa ere kahit gaano pa kasama ang bad side mo para sa kanila." sabi ni Kozue at bumalik sila sa dating gawi bago sila umuwi.