Samantala, habang nagsasaya silang lahat sa pasko ay tila bago sa paningin ni Yuriko ang mga kaganapan sa kanila ng tatay niya.
"Mukhang hindi naman ako pwede rito. Makaalis na nga lang..." bulong ni Yuriko sa kanyang sarili at lumingon siya sa gate na palabas sa naturang bahay ngunit natigilan siya sa mga binitawang salita ni Kozue sa kanila.
"Oo nga pala. Gusto ko lang din po magpasalamat sa inyo na tinanggap niyo rin ako bilang parte ng pamilyang ito kahit sa ganitong klase ng pagkakataon lang. At bago sana natin pag-usapan ang issues niyo with me, may sinama nga po pala ako rito na tiyak na ikatutuwa niyo din." ngiting sabi ni Kozue at sinamahan na ni Sandy si Yuriko papunta sa kanila.
Taliwas sa inaasahan ni Yuriko na ikasusuklam pa rin siya ng step mother niya sa pagkakataong iyon, tila pumanig na ang kapa- laran sa ikakabuti ng kapakanan ni Yuriko nang maramdaman niya ang sinserong yakap mula sa isang magulang.
"Yuriko, ikaw na ba talaga iyan?!" wika ng nanay ni Shinichi Maki. "My gosh! Patawarin mo sana ako sa nagawa kong kasalanan sa'yo." Niyakap na ni Mrs. Maki si Yuriko sa harap ng kanilang hapagkainan.
That was kinda quick development ngunit mahirap ibalik kay Yuriko ang tiwala sa mismong tao na nakasakit sa kanya mula pa nang makilala niya ang ibang pamilya ng kanyang ama. "Ma'am, tahan na po kayo. Lalamig na po ang fried chicken sa lamesa." birong sabi ni Yuriko kay Mrs. Maki.
"Amupin, ninu wari ita?" (Teka lang, sino ba iyon?) tanong ni Maki na tila naguguluhan pa sa nangyayari sa nanay niya.
"Tabalu pero kaluguran ne y Kozue." (Ewan pero kaibigan niya si Kozue.) tugon ni Sandy na tinutukoy si Yuriko sa kanilang usapan.
"Hoy! Ishare niyo naman sa akin kung may pinagchichismisan kayong dalawa dyan." sabi naman ni Kozue na tila sinisita pa ang malasecret conversation nila ni Sandy at Maki na nakaupo sa dulo ng lamesa.
They break the momentum of dealing with their personal issues at kumain na muna silang lahat ng hapunan. It was as solemn night unlike sa expectations ni Sandy na medyo controversial ang ipinakitang asal ni Kozue sa harapan nilang lahat sa wedding ceremony nina Jin and Via.
"Hay! Salamat na lang at hindi siya tinopak ngayon. Mukhang hindi na rin siya masyadong clingy kay Maki dahil sa taxi driver na iyon na medyo tumatapat na rin sa level of hotness ni Maki." pangiti-ngiting bulong ni Sandy sa kanyang makulay na imahinasyon.
Paglingon ni Maki sa kanyang ama ay tila nakakapagtaka ang pamumutla ng pisngi nito. "Dad, sino po ba iyon?" tanong ni Maki at pagkalapit mismo ni Yuriko sa tapat ng upuan ni Maki ay doon na naisiwalat ang nakaraan niya.
"Siya si Yuriko. Anak ko siya sa una kong girlfriend." biglang sabi ni Mr. Maki na nagpasamid kay Sandy habang umiinom ng soda.
"Talaga po? Kung ganon eh bakit hindi po siya kilala ni Shinichi?" nag-aalalang tanong ni Sandy at sinagot naman siya ni Mrs. Maki.
"Matagal ng panahon ang lumipas mula ng pinalayas ko ang ibang pamilya niya sa bahay namin noon. Dahil siguro sa depression ko noon kaya hindi ko na naisip ang mga sumunod na sinabi at ginawa ko sa kanila." nalulungkot si Mrs. Maki habang inaalala ang plano nitong pagpapapatay sa mga malalapit na kaibigan ng nanay ni Yuriko.
"Bakit po ma?" nag-aalalang tanong ni Maki ngunit hindi sila makapagsalita ng maaayos kaya itinuloy ni Kozue ang kwento.
"Okay lang naman sa'yo mamsh kung ako na ang magtutuloy sa kwento?" ani Kozue at sumang-ayon na lamang si Yuriko.
"Aside kasi sa pagpapalayas sa kanya, pinagmamalupitan pa siya ng mismong kamag-anak niya doon sa Osaka. There was also a time na nakita ko yung mama mo sa harap ng apartment namin doon na may kausap na mga grupo na mukhang masasamang loob." panimulang kwento ni Kozue.
"Anong nangyari sa kanya noong panahong iyon?" nag-aalalang tanong ni Maki kay Kozue. Nang mapalingon si Maki ss kinauupuan ni Yuriko ay tila ramdam sa kanyang emosyon ang trauma na sinapit.
"Sa katunayan, nasa grade school pa lang kami noon ni insan. Hindi kami sigurado kung anong napag-usapan nila ng mama mo dati kasama ng mga goons sa labas ng apartment pero at that certain night matapos ang negotiation nila, nakita namin ni Atsushi si Yuriko na pinalilibutan ng mga lalaking hindi namin kilala sa mismong kwarto niya. Hindi ako makakibo noon dahil sa sobrang takot pero never nagpatinag si Atsushi at humingi na ng saklolo sa mga kapitbahay namin bago pa tuluyang malapastangan si Yuriko sa kamay ng mga strangers na iyon." paliwanag ni Kozue at tila nauunawaan na ni Sandy kung bakit siya inampon ng magulang ni Maki.
"So, if that's the case, kaya niyo po pala ako inampon eh para makalimot somehow na may ginawa kayong hindi makatao kay Yuriko na mismong anak ng asawa niyo? Tama po ba ako sa hula ko?" nakokonsensiyang tanong ni Sandy kina Mrs. Maki na ikinagulat ng mismong asawa nito.
"Kaya pala medyo balisa ka nung hindi ko pinayagang ampunin noon si Sandy dahil hindi kayang akuin ng konsensya mo ang ginawa mo sa anak ko. Pagkatapos ay itutuon mo ang pagbabayad sa kasalanan mo sa pamamagitan ng pagbibigay atensyon at pagmamahal sa anak ng ibang tao? Ano bang klaseng kahibanagan iyang nabubuo diyan sa utak mo ha?" Di na mapigilan ni Mr. Maki na sigawan ang kanyang asawa na sobrang guilty sa kanyang pagkamakasarili.
All of them was shocked about the realization ng ginawang palabas ni Mrs. Maki kaya hindi na nakakapagtaka na kasuklam- suklam na pagdududa at pagkamuhi ang nararamdaman ngayon ni Maki sa kanyang magulang.
"TAMA NA HO IYAN!" suway ni Yuriko sa kanila. "Hindi niyo naman ako kailangang pag-awayan pa kung sino ang mas tama tungkol sa desisyon niyo para sa akin." humihikbing sabi ni Yuriko sa kanila.
"Dapat nga eh nagagalit ako sa inyo dahil pinabayaan niyo ako noon pero hindi ko na magawa na magkimkim pa ng sama ng loob dahil ayaw ko mang dumating ang araw na magkakaharap harap tayo rito pero wala na akong magagawa sa mga nangyari na. Namuhay akong mag-isa na hindi umaasa sa kalinga niyong pareho at naging successful naman ako kahit wala kayo kung kaya't salamat na lang sa wala." dagdag na pasaring ni Yuriko at tumayo na ito sa kanyang kinauupuan.
"Wait Yuriko, aalis ka na?" gulat na pahayag ni Kozue at tila hindi na nakatiis si Yuriko sa mga kaganapan sa kanyang pamilya.
"Pasensya ka na Kozue pero may kailangan pa akong asikasuhin sa bahay. Ayoko man pong maging bastos pero kailangan ko na pong umuwi. Maraming salamat po sa pagkain." pagpapaalam ni Yuriko sa kanila ngunit bago siya umalis ay binigay niya ang kanyang calling card sa kanyang nakababatang kapatid ngayon.
"Ikaw pala ang bunso ni papa. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako o kaya puntahan mo ako sa address na ito." bilin ni Yuriko sa kanya at saka niya niyakap si Maki ng mahigpit mula sa likuran.
"Mag-ingat ka ate." mahinang tugon ni Maki sa kanya at medyo nagpangiti iyon kay Yuriko.
"Dibale magkikita-kita pa din tayo." sabi ni Yuriko ng may assurance at tuluyan na siyang lumisan sa kanilang bahay. Bago pa man tuluyang makaalis si Yuriko ay sinundan naman siya palabas ni Mr. Maki.
"Patawarin mo sana ako anak kung hindi kita ipinaglaban noon." mahinang sabi ni Mr. Maki kay Yuriko.
"Sorry din po kung nasira ko ang Christmas celebration niyo." walang ganang sabi ni Yuriko at tila lumisan siya na wala ng tinatagong sama ng loob sa kanyang pamilya.
"Napagtanto kong masyadong ipokrito ang mga magulang natin. Wala na rin naman silang obligasyon sa akin dahil may sarili na akong pamilya pero ikaw na muna ang bahalang sumita sa kanila hangga't hindi ko pa sila kayang mapatawad." Ito ang mensaheng iniwan ni Yuriko sa likod ng calling card na binigay niya sa kanyang kapatid.