Chereads / I'M IN LOVE WITH A PRISONER / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

"Beatrice mahal na mahal kita bukas ulit" ani sa akin ng taong mahal ko, sabay halik sa noo.

"Mahal din kita, Luther" ani ko na nakanguso ang mga labi na tila ba naghihintay na halikan ako sa aking mga labi.

Nang biglang batukan ako ni mama dahilan para magising ako.

Si Luther lang naman ang aking long time crush na kapitbahay din namin at ang malala pa magkaklase kami oh diba.

Gaganahan ako nito sa pagpasok ih kaya naman nagmamadali na ako.

Nang biglang nagsalita si mama ng kong ano-ano.

"Ano na naman yang kalandian yan, Beatrice? At may panguso-nguso pa talaga sa labi ha?" Pagalit na sabi sa akin ni mama.

"What? Panaginip lang iyon? Gosh! it can't be" saad kong mahina sa aking sarili sabay kamot sa aking ulo.

"Bilisan mo na dyan, baka ikaw ay mahuli pa sa klase" ani sa akin ni mama na tila ba bad mood itong gumising.

"Hindi siguro sila nagmake love ni daddy chars AHAH" naglalarong ani ko sa aking isipan sabay ngiti.

Nagdali-dali na akong bumangon at tsaka nagligpit ng pinaghigaan ko.

Nang matapos ako ay dali-dali na ako pumunta ng banyo upang maligo.

Nang matapos akong maligo ay pumunta na ako ng kusina upang makakain ako ng agahan para naman may lakas ako, paghumarap si crush iste para may maisagot ako kung sakaling may biglaang quiz.

Nang matapos akong kumain ay dali-dali na akong pumunta kay mama at papa upang magpaalam at pumunta ng paaralan.

Nakarating na ako ng paaralan.

Nakaupo ngayon ako sa isang bakanteng upuan.

Kunwari shy and introvert person.

Wala pa si Luther kaya tamang antay lang ako dito baka tumabi siya sa akin.

"Diba ang kapal ko sobra kala mo naman sobrang ganda para tabihan" ani ko sa aking isipan, nagbabakasali lang naman diba? Dagdag ko pang ani sa aking isipan.

Lumingon ako sa aking paligid.

Kitang kita kong ang kakapal ng make up ng mga kaklalase kong babae.

Kala mo naman sasali ng clown contest sa sobrang kapal ng blush on.

Naisip ko, sino ba namang hindi talaga mag aayos kong magiging kaklase mo si Luther Xiao Maude isang campus crush.

Kilala si Luther sa nakaparaming babae at take note isa talaga ako sa nahumaling sa kapogian niya.

Sino ba namang hindi malalaglag ang panty kong si Luther lang naman ang magiging kaklase mo diba?

Gaganahan ka din mag aral kong sa bawat pasok mo siya palagi mong makikita.

Oh diba! Grabe talaga tong nasa isip ko, lakas sa ganito pero pag pinasagot walang maisip.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa mga imahinasyong na nabuo sa aking isipan.

Nang biglang nasa harap ko na si Luther na nakatingin din sa akin.

Unting unting nawala ang ngiti ko sa labi nang mapagtanto kong si Luther ang nasa harapan ko para akong nilamon sa hiya.

Agad kong iniwas ang tingin ko kay Luther ng makaharap ko ito.

Nang mapansin niya ang aking pag iwas ay agad itong nagsalita.

"Hi binibini maaari ko bang malaman kong ano ang iyong iniisip" ani niya sa akin na mas lalo akong nahumaling sa malaginoo nitong tono sa kanyang boses.

"Natulala muna ako na nakatitig sa kanya na para bang gusto ko sabihin na mahal na ata kita ginoo" ani ko sa aking isipan habang nakatitig sa kanya.

Nang mapansin niyang nakatulala na ako at para bang nahuhumaling talaga sa kanyang mukha ay bigla niya akong kinindatan na mas lalong nagpakilig sa akin.

"Ms. Grabe kana ang pula na nang mukha mo sa sobrang kilig" Diretsahang ani sa akin ni Luther.

Natahimik ako saglit bago magsalita.

"A-anong n-namumula ah, S-sinasabi mo?" Utal utal kong ani kay Luther dahil para na akong nilamon ng hiya.

"Bakit ba kasi namula pa tong mukha ko, napaghahalataan tuloy na kinikilig ako" ani kong mahina sa aking sarili.

"Ms. Halata naman kasi na kinikilig ka" ani niya sa akin na tila bang mang aasar ito.

Sasagot na sana ako nang dumating ang professor namin.

Kaya naudyok ang pinag usapan namin ni Luther.

" Salamat professor you save me HAHAHA" ani kong mahina sa aking sarili buti nalang talaga kasi nilamon na talaga ako ng hiya ngayon.

"Good morning Sir" Bati naming lahat sa prof namin.

Pinaupo na kami at tsaka pinakilala niya ang kanyang sarili.

Good morning everyone, I'm Darius Bruce Montejo or you can call me Sir Darius". Pagpapakilala sa amin ni prof.

"So let's start, by introducing yourself. Are you ready everyone? So let's start at the back" Sunod na sunod na ani ng prof namin.

Nagreklamo naman yong nasa likod at sinabi nilang sa harapan muna ang mauna.

"Mygod! wag naman sana kasi nasa harap ako at lutang pa ako dahil sa nangyari kanina" ani ko sa aking isipan sabay kamot sa ulo.

So, sige mauuna tayo sa harapan" Diretsahang ani ng prof namin.

Napanganga naman ang nasa harapan.

"Your name, age and course that you will take soon" ani ng prof namin.

"Mygod kabado pa ako nito, wala pa din akong maisip kong maging ano ako para akong walang pangarap sa buhay nito. Mapapahiya ako kay Luther na toh, bahala na nga si batman" Mahina kong ani sa aking sarili.

Nagsimula na ang introduce yourself at ako kabado pa rin.

Ang bilis nilang matapos sa pagkakakilala samantalang ako kabadong kabado talaga.

Para namang kukunin ako ni papa god pero charot lang ih noh.

Tapos ng magsalita ang katabi ko at ako na ang kasunod.

Tumayo na ako at pumunta sa harapan.

Tiningnan ko silang lahat at kitang kita ko sa mata ko ang pag irap ng mga babae sa akin dahil ata toh sa pagpansin ni Luther kani-kanila lang.

Habang si Luther naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin.

Bumuntong huminga muna ako habang iniisip ko ang aking sasabihin at bahala na kong ano ang lalabas sa bibig ko.

Tumingin muna ako ulit sa aking mga kaklase pati narin kay prof na nakatingin sa akin at hinihintay na magpakilala ako.

Magsisimula na akong magpapakilala ng hindi ko alam ang sasabihin.