Chereads / I'M IN LOVE WITH A PRISONER / Chapter 6 - CHAPTER 6

Chapter 6 - CHAPTER 6

Naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa eksenang nagaganap ngayon.

Nang bigla nagsalita si Luther kaya natahimik ang lahat.

"Don't you dare, hurt my girl or else" ani ni Luther tila ba nagbabanta ito.

Nang biglang hinila ako ni Luther tsaka naglakad patungong silid.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya.

Nang makapasok na kami sa silid ay pinaupo na niya ako.

Tinatanong niya kong may masakit ba sa akin.

"May masakit ba sayo?" Pag aaalalang ani niya sa akin.

"Wala" Deretsahang ani ko, ang oa naman pala nitong Luther na ito.

"Sigurado ka ba? Dahil kong hindi tatawag ako ng private doctor" ani nito sa akin.

"Tsk... Luther wag ka ngang oa d'yan" ani ko sa kanya sa maarteng boses.

"Paano pag hindi ako dumating ih hindi lang yan ang aabutin mo" ani nito sa pabebeng boses.

"Tsk... grabe umalis ka nga sa harap ko, ang oa oa mo" ani ko sa kanya.

"Okay!" ani nito sa malungkot na boses.

Sakto rin na dumating ang first subject namin.

Kaya umupo na si Luther sa kanyang upuan.

Magsisimula na ang first subject namin.

Pero yong isip ko parang pa fly fly lang.

Hindi man lang ako nakinig sa tinuturo ng guro namin.

Kasi iniisip ko parin ang nangyari kanina.

"Paano kaya kong papaalisin ako sa school nito? Paano pag pinahirapan ako? Paano na lang ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa aking isipan na tila ba nababaliw.

Kong hindi lang talaga siya anak ng may-ari ng paaralan na ito, papatulan ko talaga yong clown na yon.

Buti nalang talaga isang taon lang ako magtitiis sa clown na ito.

"Bakit ba kasi nagustuhan ko si Luther eh sa daming babaeng naghahabol nito at isa pa yong Nayah na yon na hindi makamove on." ani ko pa rin sa aking isipan.

Mababaliw na ata ako kakaisip nito.

Matatapos nalang ang first subject namin wala man lang akong naintindihan kahit isa dahil sa kakaisip ko ng kong ano-ano.

Makalipas ang ilang oras ay recess time na.

Gusto ko sanang bumili ng snacks kaso baka pag lumabas ako pag initan ako ng ibang babae.

Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay nandoon agad si Luther.

"Pero patuloy lang ba akong ganito? Magtatago nalang? Hindi pa naman kami pero parang gusto na ako pahirapan ni Nayah" Sunod na sunod na ani ng aking isipan.

Nagugutom na ako ngunit bahala na si batman sa bahay nalang ako kakain ng marami nito.

Sa rami ng iniisip ko para na akong baliw na nakatingin sa bintana.

Nang may biglang nag abot sa akin ng snacks.

Tumingin ako, si Luther lang pala.

Tsaka ko nilibot ang aking mata sa loob ng silid baka sakaling nandito na naman si Nayah.

Ngunit ng tumingin ako ay wala si Nayah tanging ibang babae lang na kaklase namin.

Tumingin ito sa gawi namin ni Luther sabay irap.

Akala niyo talaga sobrang ganda ih clown naman.

Bumalik ako ng tingin kay Luther na ngayon ay kaharap ko.

Tinaas ko ang kilay kong nakatingin sa kanya.

Kunwari galit pero kinilig ako mga bhe.

"Magkukunwari ako para mas lalong mainggit sila tsk..." ani ko sa aking isipan.

"Ano?" ani ko kay Luther.

"Pagkain malamang" Pilosopong ani niya.

"Alam ko" Ani ko sa maarteng boses.

"Eh alam mo naman pala bat nagtatanong ka pa?" Tanong nito sa akin.

Ewan ko ba parang gusto ko na sumabog, napipikon na ako sa ka pagkapilosopo ni Luther.

Pero aminin na nating kinikilig ako mga bhe.

"Gusto ko lang lambing na may kunting sampal sa kanyang alaga charoot lang HAHA" ani ko sa aking isipan na medyo nagpangiti sa akin.

"Kinikilig ka ba?" Takang tanong ni Luther ng makita niya akong ngumiti.

"Bat naman ako kikiligin? May iniisip ako na ikinangiti ko lang noh wag ka ngang feeling d'yan" ani ko sa maarteng boses.

"Dahil ba ito kahapon?" Deretsahang tanong niya sa akin.

"Luh hindi ah wag ka ngang feeling" ani ko sa maarteng boses.

"Okay, kainin muna tong snacks" ani ni Luther sa akin.

"Ayaw ko n'yan" ani ko sa pabebeng boses.

"Ano gusto mo?" Tanong nito na nakanguso.

Tumingin ako sa pa baba ng pantalon niya.

Bakat na bakat mga bhe.

Nang mapansin niyang nakatingin ako ay tumingin din siya at natawa.

Habang nakatingin ako ay napakagat ako ng labi.

Dahil sa mala halimaw nitong alaga.

"Pakiwasak ng aking kweba mahal kong Luther" ani ko sa aking isipan.

Nang magsalita si Luther dahilan para tumingin ako ulit sa mata niya.

Iniwas ko muna ang tingin sa halimaw at nakinig sa kanyang sasabihin.

"Ito ba?" tanong sa akin ni Luther na sininyasan ako papuntang baba niya.

Dahilan para tumingin ako ulit sa kanyang alaga.

"Ahm, Oo" Mahinang ani ko kay Luther ngunit narinig niya ito.

"Mamaya na, wasak yan" ani sa akin sabay ngiti.

"Luh? Huy joke lang baliw ka ba?" ani ko na kinakabahan.

"Baliw sayo, kumain kana d'yan. Mamaya ka lang sa akin pag uwi. Mapapaiyak ka talaga" Sunod-sunod na ani sa akin ni Luther.

"Tsk... akala mo naman kalakihan eh maliit naman yan" ani ko sa maarteng boses.

Chars kinakabahan na ako kahit ang arte ng boses ko bhe.

Halata naman kasi na malaki ito nang bumakat ito.

"Lagot ako nito baka pagbantaan na naman niya ako" ani ko sa aking sarili na kinakabahan.

Kumain na ako sa binigay ni Luther na snacks dahil nagugutom na rin ako.

"Napaisip ako habang kumakain. May gusto kaya siya sa akin? O baka nagbibigay lang siya ng motibo para matikman ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa aking isipan.

Gossshh pag ganun masasaktan ako mga bhe.

Pero kong may pinaplano man siyang ganun.

Hinding hindi ako papayag.

Pinag iinitan na nga ako ng mga babaeng clown na yon.

Sasaktan pa niya damdamin ko pag umasa ako. No way!

Kong gusto niya ng laro, edi paglalaruan ko din siya.

Pero paano pag natalo ako? Paano pag nangibabaw yong pagmamahal ko? Sino ba naman kasi hindi talaga maiinlove lalo na't hinalikan niya ako ng sagad.

He was my first kiss.

Ngayon lang ako nagkagusto sa lalaki at malabong mananalo ako kong makikipaglaro ako sa kanya.

Nababaliw na ako kakaisip ng kong ano-ano.

Maya-maya pa ay nagpatuloy ang klase.

Pero niisang lesson ngayon wala man lang akong maintindihan dahil sa aking mga iniisip.

Bagsak aabutin ko nito mga bhe pag patuloy ako nito sa pag iisip ng kong ano-ano.

Uwian na at dali-dali akong lumabas baka abutan ako ni Luther.

Takot ako sa binitawan niyang salita kanina na "Wasak ka pag uwi". Ito yong tumatak sa isip ko na hindi ko maalis.

Kaya naman ng makalabas ako ay agad akong sumakay ng sasakyan para makauwi na ako sa amin.