Chapter 2 - Chapter 1

SERENITY

"KAILANGAN mong mamatay Kirsten! Kailangan mong bumalik!"

Isang sigaw ang nagpahinto sa akin sa paglalakad at napabaling sa kanya.

Kunot noo ko siyang tiningnan at natawa ng pagak "Tinanggap ko ng buong puso ang misyon at ngayon 'yan ang sasabihin mo?" Hindi makapaniwalang saad ko rito.

Nakita ko naman siyang bumuntong hininga. "Makinig ka Kirsten, kailangan mong pagbayarin ang kumitil sa buhay ng kinakamataas na prinsesa 'yon ang misyon mo at... kailangan mong mamatay... ULIT! Para pagbayarin ang nasa likod ng pagkamatay niya" Diniinan pa niya ang salitang 'Ulit'.

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong mamatay ulit?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"You have to turn back and face the real you" Bakas sa tono niya ang pagsusumamo at parang desperadang nakikiusap sa akin.

Napahawak ako sa aking ulo at napatingin sa kanya. "Turn back? Face the real me? Hindi kita maintindihan, tinanggap ko ang weird mong pinag-uutos, ngayon... gusto mo akong mamatay?"

"That's not what I've mean Sakura Kirsten Almante! Ang misyon mo ay hanapin ang pumaslang sa dating pinakamataas na prinsesa." Maikling ani niya habang lumalapit sa akin.

"Alam ko 'yan, Iyan ang totoong hangarin ko kaya nandito ako ngayon" Walang ganang saad ko.

"Hindi kasi ganon iyon, Nagkamali ka kaya wala kang maalala. Burado lahat ng ala ala mo at ngayon pinapabalik na kita para malaman mo ang totoong pumaslang sa dati mong kadugo." Malambot niyang saad.

Naestatwa naman ako sa aking narinig, kadugo? Wala na akong mga kamag-anak o pamilya man lang.

"Annie?" Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Alam mo namang wala na akong mga kamag-anak" Madiing saad ko rito.

Umiling-iling naman siya.

"Diyan ka nagkakamali Kirsten, Nanggaling na mismo sa bibig mo na hangarin mong malaman ang pagkamatay ng pinakamataas na prinsesa, na siya ring kapatid mo"

Magkasalubong ang mga kilay ko habang kaharap siya "Diretsohin mo nga ako Annie, Hindi kita maintindihan"

"Hindi mo talaga ako maiintindihan, masasagot lahat ng katanungan mo sa pagbabalik mo..... sa totoo mong katawan" Makahulugang sabi niya at hinawakan ang aking dalawang balikat.

Nasa likod ko ang isang malalim na balon kaya pinapakiramdaman ko ang mga kilos nito.

Tumawa naman ako sa sinabi niya at napahawak pa sa aking bibig. Hindi ko akalain na marunong na pala siyang mag joke, sumama naman ang mukha niya sa inasta ko.

"I get you, parang sinasabi mong Reincarnation?mamatay ako at sasapi sa ibang katawan?" Natatawang saad ko rito, tumango naman siya.

"Makinig ka Faith" Sabi nito, Hindi ko mapigilang umangal dahil ibang pangalan ata ang narinig ko mula sa kan'ya.

"Wala akong kilalang Faith" Sarkastikang ani ko.

Parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. "Uulitin ko, may pagkakamali ka kaya wala kang maalala. Ang kailangan mo ay... Bumalik sa dati mong katawan, wala kang ma'aalala pag nakabalik ka na sa dati mong katawan tanging mukha at pangalan mo lang ang mananatili sa iyong isipan. Pati itong mga sinasabi ko ay malilimutan mo rin. Pero wag kang mag-alala babalik paunti-unti ang mga nangyayari ngayon." Mahabang lintaya n'ya.

"Hindi ka sasapi sa ibang katawan, ibabalik lang kita sa totoo mong katawan"

"Ang totoo mong pangalan ay Kirsten Faith Seville Sakura Monarch at ikaw ay nabubuhay bilang isang dugong bughaw na babae at ang misiyon mo ay panagutin ang pumaslang sa nakakatanda mong kapatid" Mahabang sabi pa niya.

"Nasaan na ang badass na babaeng kilala ko?" Nahihimigan ko ang pagkalungkot sa kanyang boses. Kumurap ako at tiningnan siya sa mata.

"Nasa harapan mo lang" Tugon ko rito.

"Annie, from the first place you know that I don't believe in fantasy. Reincarnation is pure Fiction" Saad ko pa rito, animong pinapaintindi 'yon sa kanya.

"Then let me prove it"

Akmang tatanggalin ko ang kanyang mga kamay sa aking balikat ng bigla niya akong malakas na itulak.

Nanlaki ang mga mata ko at parang nag slow motion ang paglaglag ko, Wala akong makapitan tanging ang malamig na hangin lang ang dumadampi sa katawan ko.

Biglang nag flashback sa akin ang mga sinabi nito at...

"Naiintindihan ko na... Ang hangarin ko ay malaman ang totoong pumaslang sa Highest Princess at malalaman ko lang 'yon sa pagbabalik ko"

"See you soon, Mahal na Prinsesa"

Huling salita'ng narinig ko bago nagdilim ang aking paligid...

__

Faith(SERENITY)

MAINGAY na boses ang siyang nagpagising sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang paligid kung nasaan ako ngayon. Puting kisame at puting mga kurtina ang siyang bumungad sa akin.

"Pwede siyang mawalan ng ala-ala dahil sa malakas na pagsabog" Boses ng lalaki ang una kung narinig.

Isang humihikbing boses naman ang nagsalita "Kakagising pa lang niya mula sa coma" Hindi ako pwedeng magkamali boses iyon ng babaeng tumawag sa akin na anak.

"Wala tayong magagawa, Hindi pa natin sigurado kung mawawala nga ba ang ala-ala niya at nahuli na rin ang walang pusong naglagay ng Bomba sa likod ng silid niyo"

Binalingan ko ang kaliwang bahagi at nakita ko ang dalawang anino na magkaharap. Dahan dahan akong bumangon at napatingin sa gilid ko. Nang makakita ako ng isang salamin mabilis ko yung hinablot at itinutok sa aking harapan.

Nagulat ako sa nakita ko, nanlaki ang mata ko sa nakita kung repleksiyon ko sa salamin na hawak. Hinawakan ko ang gilid ng aking ilong, tandang-tanda ko may maliit akong nunal dito na siyang nagpabagay pa sa aking dating mukha.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng masaksihan ko ang ibang pagmumukha ko, Hindi naman nasunog ang mukha ko kanina. Mistulang pati ang aking buhok ay nag-iba, ang dating dark brown na buhok ngayon ay blonde na! Ang mga mata kong Amber ay iba na rin naging ocean blue na ang kulay ng mga 'yon.

Mabilis kung inihagis sa sahig ang hawak na salamin na siyang lumikha ng malakas na ingay ang pagkabasag 'non.

Narinig ko ang paghawi ng kurtina pero nasa nabasag na salamin pa rin ang atensiyon ko at lumapat lang iyon sa kanila ng makita kung lumapit silang dalawa sa harapan ko "Bakit iba na ang mukha at kulay ng buhok ko? Hindi ako ito!!!!" Malakas kung hiyaw at umiling-iling pa sabay hawak sa mukha ko.

Narinig ko ang paghawi ng kurtina pero nasa nabasag na salamin pa rin ang atensiyon ko at lumapat lang 'yon sa kanila ng makita kung lumapit silang dalawa sa harapan ko "Bakit iba na ang mukha at kulay ng buhok ko? Hindi ako 'to!!!!" Malakas kung hiyaw at umiling'iling pa sabay hawak sa mukha ko.

"Faith! Huminahon ka! Ano bang pinagsasabi mo!" Natatarantang saad ng babae. Napapikit ako at umiling sa kanya.

"Ibalik niyo ang dati kung mukha, Hindi ako ito!!!" Malakas na saad ko.

"Kunin mo ang syringe sa aking opisina!!!" Sigaw naman ng lalaki sa babae, mabilis namang tumayo ang babae at tumakbo papalabas.

Hinawakan ako sa balikat ng lalaki at pilit na pinapaharap sa kanya, Hindi naman ako umangal. Nang magtama ang mata namin nababasa ko ang isang emos'yon sa kanyang mukha. Kasiyahan.

"Natutuwa ako at nakabalik ka na,Kirsten Faith Seville Sakura ! Ikaw ay nakabalik na sa tulong ni Annie" Ngiting saad nito, napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman kung kumirot ang bahaging 'yon.

"Faith! Anong nangyayari? Faith" Nag'aalalang saad nito.

Napakurap-kurap ako at naramdaman kung may kung anong tumutulo sa aking ilong, mabilis ko yung hinawakan at napangiwi ako sa lapot na dala non. Nang tingnan ko ang aking kamay nanlaki ang mata ko ng makitang dugo ang malapot na bagay na 'yon.

Nataranta na rin ang lalaki at mabilis na kumuha ng tissue na may lamesa at mabilis na pinahid iyon sa aking ilong. "Anong nangyayari sa iyo Faith?" Nag-aalalang tanong nito.

Hindi ko siya sinagot dahil sobrang sakit na talaga ng aking ulo, nakaramdam ako ng pagkahilo kaya ibinagsak ko ulit ang aking katawan sa malambot na higaan.

Narinig ko naman ang boses ng babae kanina. "Nakuha ko na" Mahinang sambit nito.

Hindi ko mapigilang mapapikit at hayaang kainin ako ng sakit.

Nang magdilim ang paningin ko, narinig ko pang nagsalita ang lalaki. "Hindi ko na kailangan iyan, siya na mismo ang nahimatay"

___