Chapter 4 - Chapter 3

NAGISING ako at nang imulat ko ang aking mata naging malabo ang aking vision, kinusot kusot ko iyon at paulit-ulit ko pang pinikit-pikit ang aking mata hanggang sa unti-unti na itong naging maayos.

Kung ano-anong scenario ang pumasok sa isipan ko kanina pero alam kung kulang pa 'yon.

"Faith! Salamat naman at nagising ka na" Isang malakas na boses ni mommy ang bumungad sa akin animong nabunutan ng tinik, tulad ng una sinugod niya ako ng isang mahigpit na yakap. Nanuot sa ilong ko ang isang mabangong halimuyak niya.

Nakita kung nakatayo rin si Annie sa gilid kasama ang lalaki, tiyak akong family doctor siya namin. Monarch's Personal Family Doctor.

"Hindi naman siguro taon ang itinulog ko diba?" Pagbibiro ko para kahit papaano gumaan ang atmosphere sa loob ng silid na ito.

Ngumiti naman si Annie at ang lalaki na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan. "Hindi nga, dahil halos ilang araw ka ring natutulog." Saad naman nito.

Natigilan naman ako at napakurap. "Bakit?" Tanong ko at naramdamang nagsalubong ang dalawa kung kilay.

Nagkibit balikat naman ang lalaki "I suggest you to stop thinking about your past, babalik rin naman 'yan" Saad nito.

Ngumiti lang ako sa kanya "Hindi na kailangan, Dahil unti-unti na itong bumabalik" Ngiting saad ko rito, nanlaki naman ang mata nila at bigla akong nilapitan ni Annie.

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang saad nito habang nakapaskil ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Alam ko na ang ilang detalye ng pagkatao ko" Ngiting saad ko. Tumili naman siya kaya natigilan ako. Bakit parang ansayasaya nito.

Napabaling naman ako kay mommy nang hawakan nito ang aking kamay, naluluha siyang tumingin sa akin. "I am glad that you already know some of your past even though it's just a single thing" She whispered.

Alam ko kung sino ako, at alam ko kung bakit nandirito ako....

NAKAUPO ako sa kama habang pinagmasdan ang isang pusa na naglalaro ng maliit na bola sa loob ng silid na ito nang biglang magsalita si Annie.

"Balita po namin, bukas na ang pagbubukas nang pasukan sa Academy na pinasukan ng ate mo" Saad nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano!? Hindi ko man lang napirmahan ang imbitasiyon nila?" Biglang taas boses na saad ko. Nakita kong napatalon ng mahina sa inuupuan si Mommy.

"Faith, bakit ka naman pipirma sa imbitasiyon nila?" Takang tanong ni Mommy, binalingan ko naman siya at nginitian.

"Home school ang pinaattend sayo ng nakakatanda mong kapatid at hanggang ngayon hindi pa rin namin alam ang dahilan non tapos maririnig ko nalang na gusto mong pirmahan ang imbitasiyon ng paaralang 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy.

"Gusto kung tuklasin ang pagkamatay ng Supreme Princess" Magalang na saad ko, nangunot naman ang noo nito at napabuntong hininga.

Ngumiti ito sa akin, "Naaalala mo si Miora?" Gulat na tanong nito, nangunot naman ang noo ko. Ini-expect ba nitong hindi ko makikilala ang nakakatandang kapatid ko.

Sinuklian ko naman ang ngiti nito "Opo, siya lang naman ang nakakatanda kung kapatid" Ngiting saad ko, naging seryuso naman ang aking mukha at napakuyom ng kamao ng may maalala ako.

Alam kung lumapat ang mga paningin nila sa nakakuyom kung mga palad pero wala akong pakialam, isa lang ang gusto at alam ko. "Gusto kung pagbayarin ang pumaslang sa kanya" Seryusong saad ko sa kanila.

Nakita ko namang dumaan ang gulat sa kanilang mga mukha. "Pero Faith! Wala pang nakakatuklas kung sino 'yon na kahit ako na mataas ay hindi mahanap hanap ang pumaslang sa nakakatanda mong kapatid" Depensa agad ni Mommy. Naiintindihan ko siya pero hindi sapat na rason 'yon para hayaan ko na lang ang pagkamatay ng aking nakakatandang kapatid.

Nag init naman ang magkabila kung mata.

Bigla namang nagsalita si Annie "Ngunit wala tayong katibayan na nasa paaralang 'yan ang pumaslang sa Supreme Princess" Magalang na saad nito.

Huminga ako ng malalim at sinagot siya "'Yon ang aalamin ko, Hindi pwedeng pabayaan lang ang taong lumapastangang pumatay sa kapatid ko. Hindi ko matatanggap 'yon" Seryusong saad ko.

"Pwede mong pirmahan ang binigay sayong imbitasiyon at ipapasa ko kaagad 'yon ngayon mismo at ihahanda namin ang mga kakailanganin mo para bukas pagpasok mo nalang ang iyong iintindihin" Magalang na sabi ni Annie kaya napabaling ako sa kanya.

Bigla namang nagsalita ang lalaki "Alam mo naman dibang walang masyadong nakakakilala sayo" Tumango naman ako sa sinabi nito.

"Wag kayong makampanti na walang nakakakilala sa iyo Faith. Malay mo kilala ka pala nang iilan" Sabat naman ni Mommy.

"My decision is final I will attend to that academy and find the person who's behind of my sister's death." Sagot ko.

"Faith naman! Ikaw nalang ang natitirang alas nang pamilya natin, pano nalang kung pati ikaw mawala pa? Alam mo ba ang Academiyang 'yon?" Taas boses na sambit ni Mommy.

"They are teaching self defense and some of them are aware of killing because they came from those highest family like us. But the difference between them and us is we use peace and they use power. They came from assasin's family Kirsten!" Taas boses pang saad nito. Bigla naman siyang inawat ni Annie.

"Huminahon po kayo, Mahal na Reyna. Decision po 'yan ng Mahal na Prinsesa" Magalang na saad naman ni Annie dito kaya bumaling ito sa kanya.

Pinikit ko ang mata ko at nagsalita "I won't turn my back, I will hide my background and lie for the sake of my safety. Hahayaan ko silang unti-unting malaman kung sino ang binangga nila." Seryusong saad ko at tinitiyak kung matitigilan sila sa naging saad ko.

"Hindi ako papayag! Nawala na si Miora ayaw kung pati ikaw ay mawala pa!" Saad ni Mommy na siyang ikinamulat ko ng mata.

Binalingan ko ito ng tingin "Hindi naman ako mawawala, pagbabayarin ko lang ang hampas lupang pumatay sa kapatid ko" Sabat ko rito pero may himig pa rin nang pagrespeto ang boses ko. Aangal pa ito ng biglang sumabat ang lalaki

"Sasamahan ko siya" Magalang na saad nito. Tiningnan ko naman siya at nginisihan.

"Wag na, Ayaw kung maging kaklase kita. Masyado kang matanda para maging kaklase ko" Sambit ko, tinaasan naman ako nito ng kilay.

"At sinong nagsabi sa 'yo na magiging kaklase mo ako? Every people know me as a Loyal Doctor of the Respected House of Monarch, at diba sabi mo gusto mong ilihim ang iyong kataohan? Mag aaply ako bilang isang nurse doon para hindi sila magtataka" Saad nito, kaya napatango-tango naman ako at nagsalita naman si Annie.

"Sasama rin ako, babantayan lang po kita" Magalang na saad nito. Tumango naman ako sa kanya at ipinikit ang aking mga mata, wala na akong narinig na tugon kay Mommy.

Isang buntong hininga lang ni mommy ang narinig ko.

I guess I'm back to let those asshole pay for the pain they release to us.

ALAM kung hindi pa buo ang alaala ko, maglalaan ako ng oras para do'n hindi ako makakapayag na hindi pagbayarin ang taong pumaslang sa kapatid ko. Hindi ko kayang sikmurain na maging masaya ang taong pumaslang sa kanya samantalang nakahiga at walang buhay na ang aking nakakatandang kapatid.

"Nakarating na po tayo" Biglang saad ni Annie at lumabas naman ang isang lalaki at pinagbuksan ako ng pintuan.

Sinuot ko ang backpack ko at lumabas sa sasakyan. Pagbaba ko sa sasakyan pinanatili ko ang aking inosenteng tingin at nilibot 'yon sa paligid.

Wala akong kasamang nga mahaharlikang guwardiya, tanging itong lalaking butler, ang doctor at si Annie lang ang aking kasama. Tumabi si Alexa sa akin kinapitan ko naman ang braso niya na ikinagulat niya.

"Mahal na Prinsesa?" Mahinang bulong nito, sininyasan ko naman siyang tumahimik baka may makarinig sa kanya.

"Quiet, someone might hear you" Paalala ko rito. Tumango naman siya. Napatingin-tingin pa ako sa paligid. Mga kapwa estyudante ko lang na bagong dating ang nandirito.

"Quit looking at them Princess, it's not obvious? We are in the parking lot of this Academy" Sarkastikong sabi naman nang lalaking Doctor namin, binalingan ko naman ito ng isang masamang tingin.

Napansin ko ring may distansya siya sa amin. "I was just appreciating this parking lot" Sarkastikang saad ko naman dito pabalik. Narinig ko naman siyang tumawa pero palihim.

"Yeah right, whatever. Umalis na po kayo baka malate kayo" Biglang saad naman nito, tanging tango naman ang sagot ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad ni Annie.

"Kailangan pa ba nating, puntahan ang Dean?" Takang tanong ko habang nakabaling sa kanya, iling naman ang isinagot nito.

"Hindi na kailangan mahal na prinsesa, kilala ka na nang Dean dahil isa ito sa kaibigan ng Mahal na Reyna" Tugon nito. "Ang kailangan lang natin ngayon ay pumasok at maayon sa plano mo ang lahat."

Huminga ako ng malalim at pinanatili ang inosenteng mga mata.

Napahinto naman kaming dalawa sa paglalakad nang mahagip ng mata ko ang isang lalaki na kinaladkad ang isang babae.

Tinanggal ko ang pagkakapit nang aking kamay sa braso ni Annie at nilapitan ang lalaki.

I really hate seeing those men treating a girl like that.

Huminto ako sa likuran nito. "She's a girl, don't treat her like a trash" Malamig na saad ko rito, napahinto naman ang lalaki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Ngumisi naman siya sa akin. "I bet your a new student here? Well, I see you doesn't know me? Let me introduce my self to you" Ngisi-ngising saad nito sa akin at tinuro pa ang sarili. Sobrang yabang.

"I am Kyle Jio Suarez, Young Miss. And I am the re-" Pinutol ko ang sasabihin nito.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa "I don't care who the heck are you! Just leave that woman and we are good, gets?" Saad ko rito at tinuro pa ang babaeng nakatingin sa akin.

Tumawa naman ito ng pagak at hanggang sa naging malakas ang pagtawa nito, nakuha naman niya ang attention ng iilang estyudante. May kanya kanya akong naririnig na mga bulungan ng mga estyudante'ng nakatingin sa amin.

Kalaunan ay naging seryuso ang kanyang mukha "Are you aware who's this person in front of you, Young Miss? Are you aware what's my position in this Academy? Kilala mo ba ang binabangga mo? I can do whatever I wanted, Hell I can own this woman and I don't need a permission from you!" Mariing saad nito at parang nang-gigigil.

Nginisihan ko lang ito at tiningnan ang kanyang mga mata "A permission from me? Well? As far as I remember I told you to get rid that woman and we are good. I didn't mention that you need my permission" Taas noong saad ko rito. Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin.

"Ha! You! You are getting into my nerves woman! How dare you to talk back to me I am the Respected highest prince in the house of Suarez, you don't have the right to disrespect me. I wanted to cut that goddamn tongue of yours!" Nang-gigigil na saad nito pero nilapitan ko lang siya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay at ang braso ng babae.

Pwersahan kung pinaghiwalay ang kamay nito sa braso ng babae. "That's not the right thing to treat a woman, Mister." Saad ko sa kanya ng tuluyan ko nang mapaghiwalay ang kamay niya sa braso ng babae, ako naman ang kumapit sa babae. "And once again, I don't really care who the heck are you" Walang galang pa na saad ko at hinila ang babae papunta sa nakatulalang si Annie.

Nabalik lang sa wisiyo si Annie nang nakatayo na ako sa harapan nito. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin "D...did you just talk back to the Respected Prince of Suarez?" Hindi makapaniwalang saad nito. Binitawan ko naman ang babae at humarap dito.

Nakayuko siya kalaunan ay nag angat rin ng tingin. "Thank you, Young Miss. You save my ass from that bully" Ngiting saad nito pero hindi ko 'yon sinuklian. Nandito ako para hanapin ang nakapaslang sa aking nakakatandang kapatid hindi para makipagkaibigan.

At isa pa hindi ko naman sila kilala, baka mga masasama ang kanilang mga hangarin kaya kailangan kung dumistansiya. Tanging tango lang ang itinugon ko rito.

Nakangiti siya nang pilit "Salamat ulit, mauuna na ako kasi late na late na ako. Just tell me how I can repay your kindness and toughness" Saad naman nito. Tinalikuran ko lang ito at hinarap si Annie.

"You don't have to repay me, just don't let that man do that thing again to you, know your position" Saad ko rito habang nakatalikod sa kanya. "Let's go Annie" Seryusong saad ko naman kay Annie, bigla naman siyang tumango.

Inihakbang ko ang aking paa papaharap, Nakita kung may pag aalangan sa mukha ng babae pero hindi ko na 'yon pinansin nagsimula na ang maglakad at nakasunod lang si Annie sa aking likuran. Nagtama ang mata namin ng lalaki at nasa kanya ang pinakamasamang tingin, tiningnan ko lang ito na walang pakialam.

Lumapat ang mata ko sa nakakuyom nitong kamao. Napangisi naman ako.

He's angry but I don't care. He deserve it after all, a jerk bully.

Kyle Jio Suarez's POV

HINDI ako makapaniwalang nakatingin sa babaeng walang galang. Nakatingin rin siya sa akin at wala akong mabasa sa kanyang emosiyon tanging ang kanyang simpleng tingin na walang pakialam. Binalingan ko naman ang babaeng hila hila ko kanina.

I can't accept this thing! She just disrespect me in front of this student. Napapikit ako sa sobrang inis at napamulat ulit. Diretso pa rin siyang nakatingin at walang pakialam.

I gritted my teeth, lumapat ang mata nito sa bilog at nakakuyom kung kamao. She didn't show some single respect, binangga niya lang ako nang ganon'ganon akala mo kung sino. I'm perfectly sure that my family is way more higher than her.

Naglalakad ito papalapit sa akin. Parang nabato ako sa kinakatayuan ko dahil sa inis, ayaw kung sirain ang umaga ko pero sinira na agad ng babaeng 'to. I hate her, I really hate woman with a Badass attitude.

Mali ang binangga niya. You may act as a badass woman but the truth will remain the fact that you are a female. A useless female.

Nilagpasan niya lang ako at naamoy ko kaagad ang halimuyak nito. A sweet scents for a Badass woman. Napahinga ako ng malalim at napapikit sa inis. Hindi ko kayang matanggap na ganon na lang ang pinakita sa akin ng babaeng 'yon.

Napagdisesiyonan kung tahakin ang daan papunta sa aming private room. Habang tinatahak iyon todo bati ang ibang mga estyudante sa akin pero kahit ni isa sa kanila hindi ko sinuklian.

"I CAN'T believe this! A woman disrespect me! She disrespect me! Damn her, I wanted to punish her! She doesn't have the right to Disrespect a Prince like me! I am the Highest Prince, I may not be the Supreme but still I have a position and I'm fvcking sure that her position cannot beneath mine." Umalingaw'ngaw ang malakas kung boses na siyang kinabaling ni Eros na nasa loob nitong silid na ito.

Kakapasok ko palang sa loob ng kwarto'ng 'to.

"The heck...Jio, You're ruining the bright morning" Reklamo kaagad ni Eros na nakaupo lang sa sofa nang private room na ito. I give him a sharp look he just raise his hands.

"What happen?" He ask, umupo naman ako sa tabi niya at kinuha ang isang maliit kutsilyo, pinunasan ko 'yon ng malinis na puting tela at bigla 'yong tumapat sa araw na siyang naging dahilan kaya kuminang ang talim 'non.

Hindi maganda ang araw na 'to "You don't have to know what happen, I am tired to discuss it. She's just a weak girl who's acting like a Badass woman in front of me! Gusto ko siyang yayaing makipaglaban sa akin, gusto kung malaman kung hanggang saan siya tatagal"

"Woah, Calm your self man. It won't work if you let your anger win rather than your sanity" Saad nito sabay tapik sa balikat ko, mabilis ko namang hinawi ang kamay nito at pahagis na binitawan.

I look at him with a emotionless eyes "I don't have a sanity for a girl like her"

Faith's(SERENITU) POV

I WAS comfortably sitting in my chair when a woman interact with me. Iniangat ko ang tingin ko at lumapat 'yon sa babaeng tinulungan ko kanina.

She was smiling from ear to ear, I raised my brows at her "Hi! Tungkol pala kanina, Thank you again. You save my as-" Sinenyasan ko naman siyang tumigil.

I look at her "Kakasabi mo lang niyan kanina, Ayaw ko nang paulit ulit" Kunot noong saad ko. Napakamot naman siya sa kanyang batok at ngumiti ng hilaw sa akin.

"I was just amaze by your Badass mode. Mistulang Highest prince of the house of Suarez pinatulan mo. Hindi lang ako makapaniwala, no one dare to fight back or talk back to that Suarez only you! Ano pala ang position mo and your Family Surname?" Mabilis na saad nito.

Hindi ko pinansin ang huli nitong tanong at sinagot ang una nitong sinabi. "I hate seeing woman, who's been treated like a trash, he doesn't have the right to act like an animal in front of a woman" Walang ganang saad ko. Mas lalo siyang ngumiti.

"You remind me of the girl I adore three years ago, sadly she's no longer here but that's okay. By the way I like your Badass-mode. You are just like her copy specially when talking about your attitude" Sambit pa nito. Tinanguan ko nalang siya, ayaw ko talaga sa madaldal.

"Thanks for your compliment" Isang simpleng ngiti lang ang tinugon ko sa sinabi nito. Tumawa naman siya ng mahina.