Isang araw bago ang naturang pagpunta sa gubat...
Kinaumagahan mga bandang alasyete panahong kumakain na ang magiina sa hapag...
Tila tahimik kayong dalawa.
Ikaw Seong Mwa, bagya nang makakain.
Ikaw nama Seong Hwa, nasaan ang iyong asal sa pagkain...nalimutan mo na ba?
Tahimik lang si Seong Mwa bagamat gayon ay may pait sa lalamunan itong nararamdaman dahilan upang di ito makakain. Samantalang sumagot si Seong Hwa kahit may laman ang bibig..."Sa totoo lang ganito ako kumain sa labas ng palasyo, tanong mo pa kay Seong Mwa!"
Anak...anong kalukohan ang tinuturan nito?
Totoo ina...sa labas ng palasyo nakikipaginuman yan sa mga siga, kumakain ng kung paano kumain sila, nakikipaglaro sa mga madudungis na bata, nakikipagkwentuhan sa mga mamamayan, nakikipagpayabangan sa mga siga, nakikipagtalo sa mga manloloko at higit sa lahat tumutulong sa nangangailangan...
Grabe ka naman sabi ko, umoo ka lang!~sabi habang may laman ang bibig.
Ang tawag nga sa kanya doon Dae Hwa
Dae - in Korean is Great!
Napanganga lang ang ina...
Jusko anak, proud ako sa iyo.
...buti pa si Hwa mayroong bagay na maipagmamalaki, samantalang ako...wala para bang isang shell ako na walang laman; ganon ang aking pakiramdam...
Anak...
Ate...Kung talagang nais mo sya, Palit tayo sa araw ng aming kasal ikaw magsuot ng aking pang kasal!
Maaari ba?
Oo!
Di ka magagalit.
Sabi ko kay ama...handa akong magparaya para sa iyo. Isa pa, kapatid lang ang turing ko sa kanya.
Sya nga pala mamaya, magkikita kami mamaya...ipagtatapat ko sa kanya na, ikaw ang mapapangasawa nya at hindi ako!
Talaga?
Ngunit sa isang kundisyon huwag kang gagawa ng kalokohan bago ang naturang kasal...
Madusunod!
Ngunit di sinunod ni Seong Mwa si Seong Hwa, kinagabihan sinundan nito ang kapatid...
Sa usapan...
Chosung may sasabihin ako sa iyo...
Ako rin...pero pwede ako muna?
Oo naman, walang problema...sabay halik sa dalaga.
Kitang-kita iyon ni Seong Mwa at lubos na nasaktan ito kaya sinabi nito sa sariling..."tuloy ang plano!"~sabay ngisi(smirked).
Umalis na ito at naghanda para sa plano nya...
Nang makaalis ito sabay tigil ng halik. Itinulak ni Seong Hwa si Chosung at pinagmumumura...
Ano, tapos na ba? Ayun lang ba sasabihin mo?
Mamamahal kita!
Ano, tapos na ba?
Ah...
Oo! Nakatulalang nagtataka sa asta ng prinsesa.
Kung ganon magsasalita na ako...
Paumanhin, si Seong Mwa ang umiibig sa iyo at hindi ako!
Nang marinig ito ay niyakap nito ng mahigpit si Seong Hwa at sabay patak ng mga luha nito.
Hindi, hindi ikaw ang iniibig ko!
Ayaw mo akong bitawan!
Bitawan mo ako!
Hindi! hindi, dahil mahal kita!
Ayaw mo talaga akong bitawan?
Binalibag nito si Chosung at nagulat ang mga katulong ng prinsesa at Court Lady napasigaw sila nang masaksihan ang pangyayari...
Tapos wala na akong alam na nangyari sa kanya...
...
Nung kinabukasan habang kami'y naglalakbay sa kampo kung saan mangangaso kami ang mga anak ng hari...nang mga panahon na yon sakay kami sa kabayo. Marahan lang ang aming pagpapatakbo noon.
Nagimbal ako sa pumutok na balita pagdating sa kampo.
Ang balita...
Ang kapatid kong si Seong Mwa ay nakipagtalik sa anak ng isang opisyal bago ang kasal. Bagamat nagkagayon tanging ang hari lang bumalik ng palasyo at kami naman ay nagensayo nang ikatatlong araw ay pangngaso. Nang makita kita ay magbubukangliwayway na para sa pangapat na araw at kinuha kita, pinagaling sa kampo at pinainom ng gamot. Tapos inuwi kita rito at matapos ang tatlong sraw salamat sa maykapal ika'y gumaling.
Sumabat si Dal, alam mo bang halos sa library na makatulog ang prinsesa para sa paghahanap ng lunas sa iyong sakit.
Dal!~naiiinis na sabi ng prinsesa kasabay ang paghampas ng kamay sa kabinet na malapit sa kama.
Napatulala sa kanya ang alipin na may malungkot na expression sa mukha.
Sya, sya, sya tama na baka kung saan pa tumungo iyan. Maraming salamat talaga mahal na prinsesa utang ko sa iyo pangalawa kong buhay.
Kung ganon ikaw naman magkwento!
Paumanhin Binibini nais ko man ay mayroon akong isang suliranin. Matapos kong mapunta sa mundong ito halos karamihan sa alaala ko ay naburang tunay. Wala akong maalala liban sa eksenang bago ako mapunta rito.
Gayon ba kung ganon... di na lamang kita pipilitin. Iintayin ko panahong ikaw mismo magsabi sa akin.
Pangako?
Pangako!
...
Gabi matapos sampalin ni Seong Hwa si Chosung, kaagad na lumabas si Seong Mwa mula sa mga halaman. Walang sinuman nakakakita ni gwardya ay wala nang mga panahong yon.
Nang mga panahong iyon nakaramdam ng pagkalabo ng mata si Chosung nang iminulat nya ang mata nya akala nya si Seong Hwa ang kaharap nya.
Seong Hwa bakit mo ako ibinalibag iyak nito.
Inabot naman ni Seong Mwa ang kanyang kamay rito at tsaka sinabing "Patawad!~na ang boses ay nakakatakot."
Dinala sa kanyang silid at pinainom ng tsaang mayroong lahok na aphrodisiac...
Sorry, sa nagawa ko sa iyo!~sa mapangakit na tinig.
Tila nagalab naman ang pakiramdam nito at nais ilas ang init ng katawan nang marinig ito, walang kaalam-alam alam na umiepekto na aphrodisiac na powder na inilagay ni Seong Mwa sa tsaa.
Nais kong mahiga!
Gusto mo ihiga kita?
Sige, sige!
Sa umpisa nang makahiga ito ay unti-unting nananakit ang dibdib nito animo'y mayroong pinipigilang ilabas.
Ayos ka lang ba?~tanong ni Seong Mwa rito.
Ngunit nahimatay lang ito...
Nang mahimatay ay panandaliang umalis si Seong Mwa at ininom ang buong laman ng teapot na tsaa, at ito'y nakadama rin alab. Pumunta ito sa kama habang unti-unting sumasakip ang dibdib.
Doon ay nahimatay rin siya sa tabi ni Chosung
Pagmulat ng kanyang wala na silang parehong saplot at ang tanging saplot lang nila ay ang kumot sa kama na gawa sa balat ng Tigre.
Makalipas ang ilang minuto...
Nagising na rin si Chosung...nang makita na ang paligid at ang katabi ay di si Seong Hwa ay sumigaw ito ng napakalakas na dahilan upang mabasag ang katahimikan sa residence ni Seong Mwa nang marinig ito nang mga katulong na gumagawa ng kimchi ay dali-dali silang nagtungo at tumambad sa kanila ang dalawa ay...
...walang saplot, iba't iba ang kanilang naging reaksyon hinggil sa bagay na iyon.
Mayroong nashock, kinilig, nahimatay at palihim na tumakas upang ipagkalat ang balita kaya mabilis itong kumalat sa loob ng palasyo.
...reaksyon ng mga tao sa palasyo.
Mayroong tumpok ng mga katulong sa damuhang namamahinga.
Dahil sa panahon ng pamumuno ni Haring Lee Taek Jyu ay maykarapatang mamahinga ang mga trabahador ng 1 oras pagkakain tuwing tanghali, at 2 oras tuwing gabi kasi shifting ang trabaho roon may pang maga at pang gabi.
Katanghaliang tapat matapos kumain ng mga katulong...
Isang tumpok ng mga kadalagahan...
Hoy may bago akong chika!
Ano naman yong chika mo?
Kanina raw umaga si Lady Mwa natagpuang walang saplot pati ang isang anak ng opisyal na malapit sa hari.
Ano!
Weh?
Di nga!
Ay naku, ay kahit ipagtanong nyo pa sa mga kawal at sa iba. Nahimatay nga ang Reyna nang mabalitaan...hayon binabantaysn ni Lady Mwa.
Malaking gulo to!
Di lang napakalaki, riot!
...
Nakaabot na nga sa kaalaman ng hari ang bagay na ito. At dali-dali itong nagbalik sa palasyo.