Chereads / THE BOOK OF SARANG HAE(해 사랑) / Chapter 10 - EPISODE 9

Chapter 10 - EPISODE 9

Kinabukasan...sa mismong kaarawan ng anak nya habang ang lahat ay nagkakatipon at nagkakasaya ay biglang... may sumabog na malakas na kung ano man sa dulong sentro ng Eteryal at iyon ay di kalayuan sa palasyo ng pinuno at mga kunseho.

Pinuno ang tawag nila sa namumuno hindi hari, di tulad sa Human Realm.

Kaya ang pagsabog ay rinig sa may gate ng palasyo, nang marinig ng mga ibong tao iyon kaagarang lumipad kung nasaan ang hari, kung baga ang mga taong ibon ay mga mensahero at kawal.

Kamahalan, Bilis! Bilis! Bilis!~nagtrespassing sa silid ng hari kahit alam nilang ipinagbabawal ng hari ang pagpasok sa silid pag sya'y nakikipagtalok sa Reyna.

Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!~sigaw ng Reyna.

Na ikinagulat ng mga nakarinig.

Ipagpaumanhin kamahalan...ngunit mayroon lamang balita kaming nais ipaalam.

Opo, syang tunay wag nawang inyong ikagalit!

Hmmm...siguraduhin nyong talagang importante iyan kung hindi...

Nakaabot na sa aming kaalaman na ngayong kaarawan ng inyong anak isasagawa ni Heneral Do Gwi ang pagaaklas laban sa inyo!

Pagaaklas laban sa akin?

Siya at ang kanya isang data-ang hukbo ay nagtitipon sa labas ng palasyo. Ang paligid ay wasak na wasak, maraming inusenteng buhay ang nadamay...mga bata, matanda, babae o lalaki, mayaman o mahirap man... Ang masigla at masayang pamumuhay ay napuno ng dilim, takot at nabalot ng dugo. Maraming bangkay ang nagkalat sa paligid.

Nagdilim ang paningin ng hari...dahilan upang magdilim ang paligid. Biglang mayroong tubig na tumakip sa buong Bayan. Nang makita ng mga mamamayan ang tubig dagliang pinikit ang mga mata sa takot na lamunin sila ng tubig ngunit mayroong shield na nagprotekta sa kanila...

Mabuhay ang Pinuno! Mabuhay!

Ngunit biglang umatake ang grupo ni Heneral Do Gwi. Nang mga panahong iyon ang anak ni Hae Dal na susunod na magiging pinuno ay binibihisan dahil kanyang kaarawan ng mga alipin at kanyang ina...

Biglang binuksan ng isang alipin ang silid ng prinsipe ng walang pakundangan...

Nagulat ang mga nasaloob...natigilan saglit.

Dahil sa gulat nakamura tuloy ang asawa ng pinuno.

Kamahalan, ipagpatawad mo ang aking kapangahasan...Kung iyong mamarapatin ay hayaan akong makapagsalita bago tanggapin ang parusang iyong ipapataw.

Ngunit nagbuntong hininga lang ito sabay sabing "sige, iyong ituloy!"

Sa mga panahon ngayon nagkakagulo na sa labas ng palasyo.

Sapagkat si Heneral Do Gwi at ang kanyang mga alagad ay nakapasok na sa ating teritoryo malapit sa palasyo. Sa ngayon ay nasa Parallel sya st doon naghahasik ng laghim.

Kung ganoon, nasaan ang Pinuno?

Naghahanda na po upang kalabanin ang Heneral tinitipon nya lahat ng mga kawal upang magensayo, maging ilabas ang mga armas para sa darating na labanan. Ang mga pulbura na gagawin sanang paputok ay inilabas upang gamiting armas rin.

Bagamat equipped at handang handa sila sa labanan ay natalo pa rin ang pwersa nila dahil sa palakas na palakas na hukbo ni Heneral Do Gwi sapagkat marami syang nahihikayat. Nangako ito ng mas maganda at magiging higit na maunlad sila sa oras na maupo sa trono ang kanyang Plataporma ay sakupin ang Human Realm sa pamamagitan ng pagkuha ng loob ng mga ito at kaibiganin sabay saksak patalikod at iba pang plataporma na maganda at kaakit-akit sa pandinig nila.

Sa kabila ng matatamis nito at mabubulaklak na pananalita ang lihim nitong adyenda na maranasang, animo'y sinasamba, pinaglilingkuran, pinagsisilbihan at inggit sa narating ni Hae Dal.

Kung baga tingin nya sa sarili nya ay isa lang syang aninong laging nasa dilim, nasalikuran. Ngunit ang totoo ay isa syang halimbawa na nais tularan ni Hae Dal.

Itinuring niya itong kaibigan ngunit ngayon...dahil sa kaguluhang nagaganap sa loob at labas ng kahariang maraming inusente na ang nadadamay.

Tila nabura na ang paghanga ng pinuno at ang respeto nito sa Heneral. Napalitan ito ng puot at galit.

(Kinamumuhian ng mga mythical creatures ang mga tao sa kadahilanang walang habas na pagpaslang nila sa mga tao sa kanila. Sapagkat ang tingin ng mga tao sa kanilang lahat ay masasama bagamat tulad rin sila ng mga tao na may good at bad nature. Dahil doon gumawa ang Panginoon ng isa pang Realm para maihiwalay ang tao sa Mythical Creatures. Simula noon wala nang nakaapak na tao sa lugar kung nasaan sila at nanatili na lamang silang isang kwentong bayan o alamat; at gayon din naman walang mythicalcreatures ang nakaapak sa Human Realm. )

...

Kamahalan...ang anak mo at ng pinuno ay pinagmamadali nyang tumakas hanggat may pagkakataon pa!

Hindi, hindi, hihintayin ko si Papa!

Ako rin, hihintayin ko si Mahal...hanggat di sya kasama di rin ako aalis.

Habang sila ay nagtatalo ay pinasok sila ng mga armadong creatures at ginawang bihag ang magina.

Sa harapan nila ang mga katulong sa silid na iyon ay pinagpapapaslang.

Dinala ang magina sa labas ng palasyo upang dalhin kung nasaan ang pinuno...

Noong una, pinatanaw lang nila ang mga ito sa malayo.

Kitang-kita ng mga mata nila kung paano unti-unting nauubos ang mga kawal, parami ng parami ang mga nasusugatan.

Meron namang mga lumalaban kahit sugatan na para sa pamilya at bayang tinubuan.

Paano ba yan...Dashi, ang hukbo ng iyong asawa ay paunti ng paunti, ano sa palagay mo bakit ika, ikaw at iyong anak dinala ko rito?

Para makita ang pagkamatay ni Papa?

Magaling, matalinong bata! Isa lang naman ang gusto ng Heneral...ang palitan ang nakaluklok na pinuno. Ngunit ayaw iyon ng Pinuno at nagmatigas ito. At ang pagaaklas ay isinakatuparan sa panahong abala ang lahat at masaya...

Napakasama mo! Napakasama nyo!

Masama? Wahahahaha! Heto ang tunay na masama! Hinila ang damit ng magina at inilapag sa lupa na puno ng dugo. Hae Dal, pagmasdan mo ang asawa mo at anak ay nasa aking mga kamay.

Arghhhhhhh! Sa sobrang galit tinudla niya ang kanyang palaso! Dagliang namatay ang nakamaskarang taong kuneho na iyon.

Nagyakapan ang magasawa, magama...ngunit di pa man sila nakakapagdiwang sa muling pagtatagpo ay sabay papalapit unti-unti ang mga kalaban.

Umalis na kayo! Bilisan nyo! Paparating na ang kalaban.

Ngunit nagmamatigas ang magina...

Ayaw pa rin.

Hudo, Akil, Hiyas, Liwa, Gayong, Haera, Habal, Yukong, Seunghee, Wenji, Gayoo, Seukko, samahan nyo ang asawa at anak ko sa pagtakas!

Bagamat sugatan ang naturang mga nabanggit dahil sa labanan ay sinunod nila utos ng pinuno.

Pwersahan nilang inilalayo ang magina.

Nagpupumiglas ito at na0bitiwan ng may hawak samantalang si Dashi ay pinindot ang acupuncture points para ito ay mawalan ng malay pansamantala.

Ammmma! Ama! Sumama ka na sa amin!

Anak, di maaari! Huwag kang magalala kay Papa, ayos lang si Papa. Naiiyak nitong sabi. Habang hihinga-hinga dahil sa pagod.

Anak dadalhin kayo nila sa Del Luna, isang mapayapang lupain. Malayo rito! Pangako ni Papa na sa oras na si Papa ay manalo sa laban...magsasama-sama na tayong lahat.

Pangako?

Oo, pangakong di mapapako!

Sige sumama ka na sa kanila!

Opo, Papa! Sabay takbo niya sa may buhat sa ina.

Nang mawala na sa paningin niya ang magina nya ay nagpatuloy sya sa pakikipaglaban...

Dumating na ang hukbo ni Do Gwi at lalong humina ang pwersa ng pinuno dahil sa sila ay mga pagod na at sugatan.

Habang naglalabanan ay kinausap ng salamangkero sa isip ang dalawang pinakaloyal na tauhan ng pinuno.

"Tulungan nyo ako magbubukas ako ng Portal patungong Heavenly Realm upang kausapin ang panginoon at idulog rito ang ating suliranin."

Tumango lang ang dalawa...