Chereads / THE BOOK OF SARANG HAE(해 사랑) / Chapter 11 - EPISODE 10

Chapter 11 - EPISODE 10

Nang kakaunti na ang kalaban ay naisipan ng salamangkero na magbukas ng Portal upang ipadala ang pinuno sa Heavenly Realm.

"Astabarbarus Portalesa Diha Mundo Tao Milagros Dalhin Hae Dal" ang sinabi nya kaya sa mundo sya ng mga tao dinala.

Dapat ang sinabi nya ay "Astabarbarus Portalesa Diha Mundo Dios Milagrum Dalhin Har Hae Dal."

Nang magbukas ang Portal ay si Hae Dal lang ang hinigop nito dahil pangalan nya lang nabanggit ngunit pinipilit nyang labanan.

Nang pinipilit nyang labanan ay itinutulak sya ng kanyang mga kapanalig... Pumasok ka na! Hindi! Pasok na! Hindi! Hindi! Nang pahakbang na ito papasok ng portal ay mayroong balak sumaksak sa kanyang likuran ngunit sinangga iyon ng kapanalig nya na kanyang ikinasawi. Hae Dal pasok ka na! Nanghihina na ako, malapit nang msgsara pagmamakaawa ng salamangkero! Hanggang sa muli mga minamahal ko! Ngunit mayroon nanamang balak sumaksak sa kanya sinanggahan nanaman ng kapanalig na loyal dito. Kitang kita iyon ng kanyang mata at ang huli ay ang pagpatay sa salamangkero habang papasok sya. Sa lugar na madilim... o tinatawag ring kawalan ay lumuluha sya nang may kapaitan kasabay ang pagngiwi sa kirot na nadarama. Ipinikit nya ang kanyang mga mata. Nang makarating ito sa Human Realm ay naging fox sya dahil nga mahina at sugatan... Habang ito ay nakahiga sa lupa ay may narinig syang yabag "Tigidig! Tigidig!" ngunit di sya makaalis. Isang nagmamadaling kawal ang sakay ng kabayo. Habang nagmamasid masid sa paligid si Seong Hwa at hila-hila ang kariton ay nadapa ito. Tumunghay at tumayo ito pagtalikod nakita nya ang kaakit-akit na sugatang fox. Kukaty pula at asul ang balahibo samantalang ang mga mata ay itim. ... Sinunod nga ni Hae Dal ang sinabi ng prinsesa...liban sa isang bagay, ayun ay ang saksakin ng totoo ang sarili. Bagamat gumaling na ang sugat niya ay di pa rin magaling ang internal part at ang Chi niya ay mahina pa. Inutusan ng prinsesa ang kanyang mga katulong na huwag itong sundan nais nitong mapagisa tutal kasama nya ang loyal nyang katulong. Di naman sila nagreklamo o tumutol.

Hinanap nya si Hae Dal at nang makita ay ibinangon...

Hae Dal! Hae Dal! Anong nangyari sa iyo?

Sinong may gawa nito sa iyo?

Hae Dal, sumagot ka Hae Dal!

Huwag kang matakot, ako...sisisinaksak ko ang sarili ko! Para magmukha akong nasaksak tapos tinulungan mo!

Kung ganoon...

Oo, syang tunay! Handa akong magbuwis ng buhay para lamang mabuhay sa mundong ito. Sa ibabaw ng lupa. Sa mundo ng mga tao. Kahit alipinin man ako o magpakahirap rito.

Shhhhhhhhhhttttttttt! Hinawakan ni Seong Hwa ang labi ni Hae Dal. Hangal! Tandaan mo basta at ako'y nasa tabi mo di mo kailangang matakot sa lugar na ito.

Pangako!?

"Pangakong di mapapako!"~sagot ni SeongHwa.

Saglit tila...mayroon akong naalala.

Ano iyon?

"Sinabi nya iyon sa anak nya!"

Ha? Kanino?

Di ko alam...basta sa bata.

Tapatin mo nga ako...sa mundo nyo ba may asawa at mga anak ka na?

Di ko alam.

Pagkasabi noon ay biglang lumabas ang alaala nya at ni Dashi...sabay sabing sino ang babaeng iyon?~sa isip nya. Sabay pikit ng mata.

Kinabukasan...

Araw ng kasal nina Seong Mwa at Choi Chosung...

Anak...Alam mo bang kinakabahan ako ngayon, tila di makanali ang kalooban ko!

Ngunit ngiting may pangamba ang sunlight nito...

Biglang pumasok ang isang alipin...

Binibini...si Lady Seong Hwa ay binibisita ka, papapasukin ko ba?

Sige...malumanay nitong tugon.

Ate...natatakot ako!

Pinitik ni Seong Hwa si Seong Mwa...sa noo!

Tarantado ka pala eh, gagawa ka ng kahangalan tapos di mo kayang panindigan!

Paumanhin na nga eh!

Walang paumanhin, paumanhin. Imbis dapat gumawa ka ng aksyon o hakbang upang isaayos mga gulong iyong pinasok. Maging handa ka sa magiging kahahatnan ng yaong mga ginawa o hakbang na gagawin. Huwag kang maging padalos-dalos. Isipin mo muna bago sambitin. At higit sa lahat...pakisamahan mo silang mabuti, ugali nila, ngunit huwag ka namang paaalila. Tandaan mo anak ka ng hari at Reyna!

Nauunawaan ko, salamat sa mga payo.

 ...

Samantalang sa Silid ni Seong Hwa...

Nagising si Hae Dal....

Ginoo, sya ay nasa bahay ng kanyang kapatid!

Dal...dalhin mo ko sa kanya!

Kung hindi...

Kung hindi, ano?

Hahaha pinipilit ko sya!

Ginoo, di ka maaaring lumabas.

Bitawan mo ako!

Po?

Nagtatakbong takot na takot tapos hinahanap si Seong Hwa...

Seong Hwa nasaan ka!

Hagad-hagad naman ni Dal ito, kung saan ma ito magpunta...

Mga nakakakita?

Sino kaya yung hagad-hagad ni Dal?

Hae Dal sandali, histamine mo ako...hindi diyan ang papunta kay Lady Seong Hwa. Wala sya riyan...

Hehehe, anong akala mo sa akin tanga, naaamoy ko ang kanyang bakas dito. Marahil nagdaan sya rito.

Teka sandali...huwag kang magsuot kung saan-saan.

Sino ba yung hangal na iyon?

Ewan.

Balita ko kagabi nagpuntang kakahuyan ang prinsesa tapos pagbalik nya may kasams na syang lalaking duguan.

Eh?

Tapos ngayon parang bata na hinahanap ang yakap ng isang ina.

Nakakaawang nilalang...

Tsk! Tsk! Tsk!

Anong ingay yang naririnig ko?

Ah...ang punong mayor Doma!

Mayroong gwapong hinahabol si Dal, kaso parang may kulang-kulang...

Paano mo ika naturan iyan?

...~sinabi ang nasaksihan.

Kung ganon, siya ang iniligtas na lalaki ng prinsesa kagabi.

Mur! Mur! Mur!

Sa wakas nakarating na rin sila sa palasyo ni Seong Mwa...

Tumigil ito sa pinto ng silid ni Seong Mwa...

Mga katulong sa Mansion ni Seong Mwa...

Natigilan lang sila nang makitang hinahabol ito ni Dal, ang loyal na tagapaglingkod ni Seong Hwa.

Sino kaya iyan?

Di ko alam!

Napakagwapo....

Baka manliligaw ni Lady Seong Mwa!

Di maaari, susulytin ba naman nya si Heneral Choi Chosung kung may mahal o nagmamahal sa kanya.

Sabagay!

Lady Seong Hwa, nariyan ka ba sa loob?~kumakatok, nagmamakaawa.

Ha? Si Lady Seong Hwa ang hanap!

Rinig nyo ba yun!

Di kaya iyan yung lalaking tinulungan niya kagabi.

Sabi-sabi mayroong dinala itong duguang lalaki kagabi galing kakahuyan.

Marahil niligtas nito ang prinsesa, dahil doon bilang utang na loob ay dinala nya rito ang lalaki upang gamutin.

Ngunit tila isang misteryo kung saan ito nagmula.

Maypunto ka, hindi naman sya mukhang ordinaryong mamamayan.

Baka isa syang heneral.

Imposible kilala at saulado ko sng pangalan lahat ng batang heneral at walang Hae Dal na pangalan...

Lubos namang nakapagtataka...

Di kaya espiya sya mula sa ibang bansa o tribo?

Hala, kung ganoon dalikado ang hari...

Mabuti pa'y ipaalam na ito sa hari.

Ummm...

Eeeeeeeeehhhhhh!~hinarqngan ni Dal.

Saan kayo pupunta?

Sa hari!

Dyan lang kayo!

Bakit baga, nagmamadali kami!

...

Sa loob ng silid...

Hwa, maraming salamat sa payo mo! Pangako susubukan kong maging magaling este mabuting manugang.

Pangako?

Pangakong di mapapako!

~sabay yapan silang dalawa...

Biglang mayroon silang narinig na katok sa pinto.

Sa labas...

Kasi, sya yung ni ligtas ni Lady Seong Hwa kagabi, pagkagising ayan nagsisigaw at nagwawala na.

Ah, ganon ba!

Kaya nga...huwag nyo nang ipakalat o sabihin sa hari. Baka lang malagot sya. Di pa tapos ang issue ni Lady Seong Mwa at Choi Chosung.

Panditango naman sila...

Ummm! Ummm!