Buksan ang tarangkahan! Sigaw ni Yunuko Choi.
Nang marinig iyon ay binuksan nga nila kasabay noon ay ang paghanay ng mga kawal mula sa tarangkahan. Bali mga 10 hanay, Sampo sa kanan at kaliwa at nagbigay pugay sila rito.
Mabuhay ang mahal na hari at pagpalain ang iyong panunungkulan!
Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay!
Dali-daling pumasok ang hari at di na bumaba sa kanyang kabayo!
Saan kaya patungo ang hari?
Malamang sa...
Ah, oo, oo nga pala.
Naku siguradong malaking iskandalo yan!
Sya kang tunay.
Sa silid ni Seong Mwa...
Nakabihis na nang disente ang dalawa...pinapaypayan pa rin ang Reyna dahil nawalan ito ng malay.
Kamahalan!~sigaw nang mga katulong!
Seong Mwa! Sigaw ng hari makalapag, matapos
Ama! Paanong?!.
Lumapit ang hari at sinampiga ang prinsesa at pinagmumumura...kaharap si Yunuko Choi.
Pinagmumumura naman at binugbog ng yunuko ang anak nito.
Di kita pinalaki upang maging ganyan, mahabaging...langit, jusko anong nangyari sa anak ko! Pinadala kita sa military para maging mahusay at desiplinado, ngunit ano ito?
Ama, di ko alam ang tangi ko lang naaalala ay binalibag ako ni Seong Hwa at tinulungan ako ni Seong Mwa, uminom kami ng tsaa tapos...di ko na maalala.
Seong Mwa, totoo ba iyon!?~galit na galit na sabi ng hari.
Oo, kamahalan...
Kung ganon, ipatawag ang mga katulong sa kusina ng palasyo ng prinsesa at pugutan lahat sila ng ulo!
Nagmakaawa ang prinsesa..."Ama, maawa at mahabag ka sa kanila maging sa pamilya nila!"~umiiyak niyang sinabi habang nakalupagi at nakahawak sa binti ng ama.
Kung ganon...sabihin mo na ang totoo, huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa.
Ama, opo! Ngunit sinabi nito na palabasin ng hari ang magama maging ang ibang tao. Tanging silang dalawa ang magusap.
Sinabi naman iyon ng hari. Maging ang Reynang nahimatay ay pinalabas rin.
Sa labas...
Ama, totoo ang tinuran ko! Maniwala la sa akin, di ko iyon ginusto. Alam nyo namang si Hwa ang iniibig ko!
Ngunit kay Mwa ka nakipagtalik.
Eh di aasawahin ko pareho!
Binigwasan ni Yunuko Choi ang anak...
Gung-gong ka palang putang ina ka! Tandaan mo prinsesa sila di anak ng kung sinong ponsyo pilato na pwedeng basts-bastusin. Sila ang mukha ng kaharian, sila ang susunod na pinuno ng bansang ito. Ikaw nga bata ka tapatin mo ako, yan ba ang natutunan mo sa pagmimilitar? Ha? Sumagot ka!
Ano bagang matututunan ko sa mga himatluging iyon, laging ako tagalinis ng kanilang kalat.
Anong sinasabi mo?
Totoo naman eh, anong matututunan ko sa mga himstluging nagpapalaki lamang ng kanilang dinadala at gamitin iyon sa mga babaeng bayaran na pinapupunta doon ni Kumander Do Tak Sui. Sa totoo lang kaya kakaunti ang natira sa hukbo natin, kulang sila sa insayo at mga patabaing baboy lang sa kampo. Kapag walang signal walang paghahanda. Bilang lang sa daliri ang tunay na gumagawa ng tungkulin nila.
Nang marinig iyon ay lalong kumulo ang dugo nito at hinila ang damit nang anak patayo, kasi nakaluhod, at kinaladkad pauwi sa kanila. Saksi ang mga katulong at ilang kawal sa pangyayaring iyon.
Sa kabilang banda ang prinsesa at ang hari ang naguusap naman sa loob...
Ano, imik!
Ang totoo ama ay binigay iyan sa akin ng katulong ko, sabi kung gusto ko raw mapaibig ang ginoo ay ihalo ko raw sa tsaa iyon at may mimilagro daw na magaganap...tapos kwinento lshat ng pangyayari.
Kung ganon...
Sa loob ng ikaapat na araw ay magpapakasal kayo.
Masusunod sabi nito.
...
Habang lumalabas ng palasyo hanggang makarating sa bahay...
Mur! Mur! Mur!~ang mga tao ay naguusap-usapan.
Eh, sya ba yun...Yung anak ng opisyal na nakipagtalik sa prinsesa?
Baka!
Ewan!
...
Sa lugar kung saan mangangaso...
Hi, Lady Hwa!
Hi, anong pangalan mo?
Ako po si Ashou. Huling anak ng hari.
Ikinagagalak kong makilala ka! Sabay ngiti.
Chaegyongi, sino sila?
Itinuro isa-isa habang sakay ng kabayo... ito si Waki- anak sa mangingisda., Ito Dahon- anak sa manggagamot., ito si Jayun- anak sa mayari ng Brothel-ama rin ni Dokki., Ito naman si Sayong- anak sa mangangalakal na mayaman.
Ito naman si Wenho- anak sa panadero, Xue Yue-anak sa pinakamayamang Tsino sa Silla., Bajar- anak sa Barbaric Queen. at Ashou- anak sa hapones.
Si Bajar, Ashou at Xue Yue ang nanatili sa palasyo.
...
Akala mo, kung sinong makapagsalita porket nakatira sa palasyo!
Shhhhhhhhhhttttttttt wagkang magsabi ng ganyan.
Teka nga sino ba kayong mababang uri ng mga tao?
Ako si Dahon, isa sa anak ng hari rin.
Bakit ganyan ka makaasta Bajar, bakit anak ka rin ba ng prinsesa?
Ako si Waki anak ng hari sa...di pa man ito natatapos ay nagsalita si Bajar. Oo, anak ako...ng Reyna ng mga Barbaro mayroong reklamo?
Wala po, kakakamahalan!
Hmm, ano tanggal ang yabang!~sabi sa isip...
Lumapit si Seong Hwa...
Ano ang naririnig ko?
Wala, wala simpleng di pagkakaunawaan lang!
Kung ganon, maaari nating pagusapan para madaling magkaayos.
Di na kailangan!
Bakit binibining Bajar!
Dahil babawian ko na lang ng buhay sa oras na kantiin ako nino man.
Nakakatakot ka naman.~sarkastikong sabi ni Seong Hwa. (Sa isip..."Edi, wow!")
Haha, takot pala kayo sa dayuhang tulad ko eh!
Napikon si Seong Hwa...
Anong sabi mo?
Mga duwag! Sige kung hindi hinahamon ko kayo sa dwelo.
Nagdwelo nga sila at sa bandang huli si Bajar at Seong Hwa na lang natira, nang magdadapit hapon na ay pinatigil na sila sapagkat oras na upang magpahinga...
Sa Tent ni Bajar...
(Ang bawat prinsesa at prinsipe ay mayroong kanya-kanyang tent samantalang ang iba ay nagsasalo-salo sa tent na malaki.)
Bajar sayang akala ko pa naman...
Ano ka ba Ashou may bukas pa naman.
Tama ka, Xue Yue.
Salamat sa supportable nyo.
Napaka swerte ko nakahanap ako ng kaibigang tulad nyo handang sumoporta sa akin!
Anong kaibigan, mga kapatid mo kami.
Ay oo nga pala!
Ayaw mo noon kapatid mo kaibigan pa!
Maganda, maganda!~sabi nung dalawa. Sabay tawa nilang tatlo.
Kinabukasan...
Itinuloy nila ang laban kahit di lingid sa kaalaman ng hari.
Naging mainit ang labanan ng magkapatid halos magkasing lakas lang sila, ngunit sa bandang huli ang nanalo ay si Seong Hwa.
Dahil don nagkalapit sila...
Dahil natalo mo ako...nais ko pa ikaw higit na makilala at paano yung moves na iyon? Ngayon ko napagtanto na marami pa akong dapat na matutunan...ako si Bajar mula sa Barbaric Country na Persia. Malayo pa ang aking nilakbay upang masilayan at makilala ko pa ang ama ko ngunit hanggang ngayon di ko pa sya nakikilala~malungkot nitong sabi.
Walang problema, mamayang gabi tuturuan ko ikaw, pangako!
Mainam!~masaya nitong tugon.
Lumapit ang isang komander
Maghanda kayo ng tubig, pana at itutudla, matapos ay kunin nyo ang inyong kabayo at pumila rine.
Matapos nilang makuha ay pumila nga sila...at hinati sa tigaapat na grupo.
Unang grupo
Seong Hwa
Bajar
Hee San
Dahon
(mga kawal)
Ikalawa
Xue Yue
Ashou
Waki
Chae Hyong
(mga kawal)
Ikatatlo
Jayun
Sayong
Wenho
(mga kawal)
Tapos humayo na sila.