ONE WEEK HAD PASSED ay abala kami for preparation. Ayos na ang church at venue ng reception namin kahit may lagpas isang linggo pa bago ang kasal.
Ngayong araw din idedeliver ang invitation cards namin. Marami kaming pinagawa lalo na si Daddy dahil marami daw siyang i-invite na business partners niya.
Ngayon rin dadating ang mga kahon kahong wedding favors na red wines para sa bisita. We ordered 100 boxes nun every boxes ay may lamang 50 bottles of wines.
Bale 5,000 bottles lahat since 5,000 lang rin ang maximum ng mga bisita na kakasya sa reception. 5 thousands invitation cards rin ang inorder namin.
Ewan ko kung paano sabay sabay na natapos iyon for only one week pero baka ginawan na ng paraan ng seller.
Yung cake ay sa mismong kasal pa darating. Ang gown at suit namin ay sabay na darating yun sa araw ng kasal namin kapag aayusan na kami.
This week ay wala na masyadong gagawin dahil nagawa na namin lahat, maliban sa pre-wedding photoshoot.
"Jax let's go na!" Sigaw ko bago lumabas ng kwarto.
Di na ako nag-ayos kasi sa pupuntahan namin ay aayusan namin kami doon.
Narinig ko naman ang pagsara ng pinto at paglapit ni Jax. Umakbay siya sa balikat ko kaya umakbay ako sa bewang niya.
Ngayong araw ay sa isang studio kami pupunta for the photo shoot.
Ang alam ni Jax ay dito lang sa Pilipinas but the truth is may chopper sa labas dahil sa Seville Spain kami pupunta.
12pm na dito sa Pilipinas at 5am pa lang sa Spain.
Paglabas ng gate ay nagulat siya dahil may chopper na nagaabang.
"Let's travel the world together." Sabi ko at hinila siya papunta doon.
Pinagbuksan kami ng pilot ng pinto at sumakay na kami doon. Speechless pa rin si Jax dahil sa gulat.
Hindi maririnig ang ingay ng chopper na ito kapag nasa loob na kami.
"Akala ko ba dito lang?" Tanong ni Jax when he snapped back to reality.
"Wala naman akong sinabi na sa Pilipinas ang shoot. I told you na sa isang studio tayo pupunta but of course that's lie pa rin kasi hindi naman studio yun. Pupuntahan natin ang mga tourist spot sa Seville Spain.
16.6°c ang temperature sa Seville Spain ngayon. Hindi naman yun masyado malamig, cozy lang sa pakiramdam.
Usually 15 hours ang travel time papunta sa Seville but we are using a choppe and mabilis rin ang chopper na gamit namin so nakarating kami ng halos 5 oras lang. So 10am pa lang sa Spain.
Paglapag ng chopper sa rooftop ng hotel na tutuluyan namin ay bumaba na kami.
Nagiintay naman doon si Cindy kasama nung dalawang kaibigan ni Jax na sina Reem and Lancer.
"Hello, couple! Welcome to Seville Spain!" Sabay na sabi nilang tatlo kaya natawa kami ni Jax.
"Oh yan mag-jacket kayo." Inabot naman ni Cindy ang jacket kaya sinuot na namin iyon.
Ramdam kasi talaga na medyo malamig pala talaga.
"Tara na. Kain muna tayo. Nakakagutom mag-intay." Sabi ni Reem kaya sumakay na kami sa elevator at pinindot naman ni Cindy ang ground floor kung saan may restaurant doon.
Kahapon pa sila nandito at siguradong nakapag-ikot na sila. May mga kasama sila kahapon na mga photography staff na pumunta dito so I assume na nakahanap na sila ng magaganda spot for the pictorial.
Sila rin ang nagdala ng mga gamit namin for 3 days lang. Since nauna sila pumunta dito ay mauuna rin silang makauwi.
Pagbaba ay sinalubong kami ng staff na may ngiti sa mga labi nila.
Tinuro naman nila kung saan kami uupo at nagulat pa ako nang makita ang isang table na naka-ayos. May mga pagkain at may bulaklak pa sa gitna ng table.
Parang date lang.
"Enjoy doon lang kami." Sabi ni Cindy at nakipag-beso at umalis na sila.
Umupo sila sa mahabang upuan na hindi masyadong malayo samin.
"Let's eat?" Tanong ni Jax kaya tumango ako at nagpray na muna kami then kumain na kami.
May apat na Spain dishes na nakahain sa mesa namin. Unang una na diyan ang Paella, Gazpacho, Tortilla Española, at Gambaz al ajillo. May pahabol pa pala na Cochinillo.
"Here try this," inalok ko kay Jax yung Gambaz al ajillo na tinatawag na Garlic butter shrimp sa Pilipinas, iba lang ang lasa pero masarap naman.
Sinubo naman niya yung kutsara ko at kinain ang inalok ko.
"Masarap?" I asked.
"Hmmm! Masarap!" Nakangiting sabi niya kaya napangiti ako lalo.
Kumain na kami ng sabay at in-enjoy ang masarap na mga ulam. Minsan pa ay sinusubuan niya ako ng Paella niya.
Nang matapos kaming kumain ay agad na tinanggal ang mga pinagkainan namin at pinalitan ng wine glass at isang bote ng red wine na nakalagay sa ice bucket.
Binuksan ni Jax ang red wine at sinalinan ako sa baso at sa baso rin niya.
"Cheers," sabay na sabi namin at nag-cheers at sabay na uminom ng wine.
Nilabas ko ang phone ko at pinicturan ang wine glass ko na may laman pa ring wine. Nakasama sa picture si Jax na walang alam na napicturan siya. Akala niya siguro ay yung baso ko lang ang pinipicturan ko.
I smiled when I checked the photo and he's using his phone.
Ang pogi mo talaga, no wonder I am getting more obsessed to you.
Hindi ko iyon pinost dahil akin lang ang picture na iyon.
Chineck ko yung dump account ko kung saan chinat ko yung account ni Jax na si Elena ang may hawak.
Pero di na ako nagulat nang makitang deleted na ang account. Chineck ko rin ang account ni Elena at wala ng mga photos doon na kasama si Jax. Pero may isang lalaki na kasama niya na currently her profile picture.
Ito siguro yung anak ng Mayor. Di naman pala pogi. Tanga niya nag-cheat siya at pinagpalit si Jax sa lalaking mukhang tambay.
Dahil deleted na rin naman ang account ni Jax na hawak ni Elena ay dine-activate ko na rin ang dalawa kong dump account.
JAX'S POV
Masaya ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit basta masaya ako.
Napatingin ako kay Elvira na nagcecellphone rin kaya pinicturan ko siya ng tatlong beses.
Binilhan niya kasi ako ng phone nung magkasama kami last week. Ilang beses akong umayaw pero bumili na rin siya ng isa pa kaya pareho na kami ng cellphone.
Pinost ko yun sa Instagram ko at pinublic ang post.
May caption rin ang post ko na; What a beautiful view🥀🌸
Wala talaga akong IG noon pero simula nung nailabas sa TV ang balitang ikakasal na ang heir ng La Cuesta clan ay maraming na-curious.
Ginawan ako ni Elvira ng IG account at nagpost siya doon ng isang picture lang ng kamay niya na may singsing.
Yung picture ay yung araw na magkasama kami dito sa bahay nila at uminom ng wine. Pinicturan ko yung kamay niya na nasa mesa at kitang kita ang singsing.
Sa una kaunti lang ang nag-like nung post pero nang lumabas sa balita yung picture namin minsan na magkasama na hindi rin namin alam kung sino ang kumuha ay doon dumami ang likes sa post na yun at dumami rin ang followers ko.
At kinabukasan nung araw na yun ay ni-reveal na ng Dad ni Elvira na ikakasal na nga kami.
"Oh wala na finish na trabaho natin dito! Picturan na lang nila isa't isa. Si boy tamang flex lang ng beautiful view niya, si girl naman pinagdamot na yung picture." Dinig ko ang maingay na boses ni Reem at tawanan nila na magkakasama sa isang mesa.
"Oo nga di na tayo kailangan dito." Dinagdagan pa ni Lancer.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Elvira kaya napangiti ako.
"Pinost na ni Ate gurl kaso isa lang, madamot pa rin pero at least may biyaya." Sabi rin ni Cindy at nagtawanan sila.
Chineck ko ang IG account ni Elvira at pinost na nga niya ang picture na kuha niya rin kanina.
And you are my best view📸
"Best view amp. Sana all po best view. How to be you po?" Rinig ko nanamang pagpaparinig ni Reem.
Pero di ko siya tinignan at nakatitig lang ako kay Elvira na hindi na yata nawala ang ngiti niya.
I admit that I am starting to like her new personality. But syempre she's still a brat, using her cuteness to me just to make me allow her of whatever she wanna do and whatever she wanna buy.
But for now. I am still learning to like her romantically.
Not yet. But who knows? Maybe someday, one day I'll just realize that she's really important to me to the point that I don'r want her to leave.