Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Shortcut Dream

🇵🇭Mielay
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.2k
Views
Synopsis
Hindi sa lahat ng pagkakataon palagi syang nanjan para ikaw ay tulungan at pasayahin at masasabi mong tunay syang kaibigan pero lahat pala ng ito ay pwedeng magbago dahil sa maling pagmamahal na dimo inaakala na masisira ang lahat dahil sa konektadong pakiramdam. Mali pala ako ng pinagsabihan ng tunay kong nararamdaman dahil dito kasalanan ko pa kung bakit hanggang ngayon hindi kami nagpapansinan. Kung mababalik ko ba ang panahong nagmahal lang ako pero hindi sa tamang tao… kakapit pa kaya ang tadhanang hawak nya ang salitang kaibigan lang o hawak ko ang magpapabago ng salitang kaibigan nya lang. Masasabi kong pinanganak ako ng aking ina ng normal na lalaki kaya nga tuwang-tuwa sila lalo’t nag-iisa lang nila akong anak pero bakit habang tumatagal meron akong nararamdamang hindi maganda sa akin. siguro nasisiraan na ako ng bait dahil kahit nga sarili ko kinakausap kona sa harap ng salamin at pakiramdam ko hindi na ito gawain ng straight na lalaki. Sobrang nakakatawa kase hanggang ngayon kausap ko ang sarili ko.
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1: The Mysterious Figure

Sa isang tulay ako laging nadaan sa tuwing papasok ako lalo't pakiramdam ko ito ay daan para mabilis akong makapunta sa aking pinapasukan, isang shortcut yun pala ang tawag. Nilalakad ko lang ito dahil laging kapos ang aking mga magulang at dahil nga galing ako sa isang mahirap na pamilya syempre tumutulong narin ako sa kanila kahit papaano meron akong pinapasukang trabaho at sa murang edad kong ito ako lang ata nakakagawa nito sa lugar namin kase nga mahirap kami pero masaya di nga lang maiwasan na nasasaktan ako dahil sa ibang taong mapanghusga at minsan ng may nangahas na sapakin ako sa loob ng school.

Umiiyak ako at halatang diko kayang ipagtanggol ang sarili ko habang nagtatago sa isang madilim na silid na nakasiksik sa loob ng table. Habang may mga taong sinisigaw ang pangalan ko. "Axel.. sigaw ng mga lalaking diko naman kilala." Patuloy ako sa pagtago habang tinatawag ko ang pangalan ng aking magulang. Nang bigla kong ikinagulat ng may lalaking sumigaw. "Hoy.." sigaw pa nito.At nung oras nayun narinig ko ang mga yapak ng mga nagtatakbuhan at ako ay napasilip at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at may suot na itim na damit ng bigla itong napasulyap sa loob ng silid at bigla akong napabalik sa aking pwesto. " Sino kaya ang lalaking iyon?"

Ano bang gagawin mo kung may ala-ala kang sobra mong kinatatakutan pero may taong tumulong sayo at alam mo sa sarili mo na dika nito pinagtanggol o tinulungan? Atleast nung time nayon nabuhayan ako ng loob na halos ikinamatay kona sa sobrang kaba at ito nanaman ako kinakausap ko nanaman ang sarili ko habang paulit-ulit ang mga katanungang sino kaya yun?

Ilang taon narin ang nakalipas at ito ako ngayon isa ng ganap na kolehiyo at bonus nadin ang pagiging gwapo.

" Axel...". Napakatining na sigaw ng mga kabatch ko nung high school" nakaramdam ako ng kaba dahil sa sigaw na ito kaya ako ay napatakbo.

" Anong nangyari doon?." Nagtatakang

binanggit nito sa kanyang mga kasama.

Pawis na pawis ako ng makarating sa library at dito nga balak kong magpahinga.

" Di kana pwedeng pumasok!." pagpigil sa akin ni kuya na diko naman kilala at mukang baguhan lang. "Bakit?." pabalik kong sagot habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.

" Marami ka ng record dito at ang ginagawa mo lang ay mag pa aircon at matulog kaya di na uubra yang dahilan mo na magsauli ng libro kaya akin nayan." bigla nitong kinuwa ang hawak hawak kong libro.

"Kuya diko pa po tapos yan basahin." mga ngitiang labas na ang ngipin pero ubod parin ng kagwapuhan.

"Ibibigay ko sayo to pero don ka nalang magbasa sa canteen." binigay ulit sa akin ni manong.

"Ah.. dina po ba talaga ako pwedeng pumasok? Magpapalit lang sana ako ng libro". Makulit kong sinasabi sa kanya.

Paalis nako at daladala ang librong diko naman talaga binabasa dahil ito naman ay binabasa lang ng matatalinong tao. Di pa ako nakakalayo sa library ng makasalubong ko ang lalaking may dalang libro.

"Ah.. teka lang." Nakakahiya pero tama ba na bigla bigla ko nalang kausapin ang lalaking napakaporma at diko naman kakilala.

" I don't know you." sagot ng astig at pormal na lalaki. Diko alam kung makikipag-usap pa ba ako o kailangan ko munang basahin ang hawak kong libro.

"Ah.. wait lang wag ka munang umalis". Pag pigil ko sa kanya ng nakahawak sa kanyang braso. Nakatingin parin ito sa akin na parang naghihintay ng sasabihin ko at medjo hindi maganda ang titig nito.

"Diba pupunta ka naman din ng library makikisabay narin ako, pakisauli narin nitong libro." makapal na mukha kung inutos sa kanya pero di nya ako pinansin at nagpatuloy na sya sa paglalakad.

"Silly.." sigaw ko sa kanya. Diko alam na nakahinto na pala sya at nakatingin sa akin na parang mananakit ako kaya ako ay kumaripas na ng takbo.

Nang naglalakad ako papunta sa second destination ko at ito ang canteen hindi ko napansin na 30 minutes na ang nakakalipas at sobrang late na ako para sa next subject ko.

"Shit.. late na pala ako." kabadong-kabado ako dahil ito ay gawain ng mga taong nag cu-cutting class at diko gawain yun kaya ako ay napatakbong muli papunta sa aking room.

Nakarating na ako at ako ay nasa gilid na napasilip sa bintana at nakita kong nakakalahati na sila sa lesson na tinuturo ng aking prof ng biglang nakita ako ng babae kong kaklase.

"Sheee. Wag kang maingay." gamit kamay kong binabanggit sa kanya. Nang biglang tumaas ito ng kamay at tinawag ng aking prof at ito ay may sinabi na nagdulot ng aking pagkakaba kaya ako ay napatago. Nang biglang ang lalaking nakausap ko sa library ay napadaan at papalapit sa akin.

"Oy.. ikaw, ikaw yung lalaking nasa library bat nandito ka?."

"Tabe." seryosong sinabi nito.

"Kanina pa ako dito, bakit pinapatabi mo ako.. Tapang mo ah." tapang tapangan kong sinasabi sa kanya. Bakit ganto itong lalaking to para sya na ata yung nakilala kong lalaking tahimik pero parang laging manununtok.

Tinitignan ko sya na parang nanghihina at nanlalambot na parang may sumasakit sa kanya.

"Hoy.. Wala pakong ginagawa sayo!." Nagtataka kong sinabi.

"Plss.. tumabi ka muna.." pagmamakaawa nyang sagot na parang may dina magandang nangyayari sa kanya kaya ako ay tumabi ng biglang ang kinatatayuan ko pala ay pintuan ng CR at biglang karipas ng pasok ng lalaking naiihi na pala.

"CR pala ito." Banggit ko pa habang nakatingala sa taas ng pintuan at pagpapanggap na parang walang nangyari. At ng bumukas ang pinto ako ay nakatalikod na pilit nagbibingihan habang nagkukulubutan ang gilid ng aking mga mata sa sobra kong pagpikit. "Sorry.. diko naman alam na naiihi kana. Bakit hindi mo kase agad sinabi?."

"Mr. Axel Montero." boses ng prof ko na diko alam sya na pala ang nasa likuran ko. Biglang mulat at laki ng mga mata ko.

"Ano bang kamalasan to?." Tanong ko sa aking sarili habang nakatalikod.

Unti-unti akong humarap ng nakatingin sa ibaba at una kong nakita ang sandals na laging suot ng aking advisor sabay tingin sa nangangalit nitong mga mata.

"Hi. Maam, Good Morning po." ngiting walang kapalit. Napasulyap ako sa likod ng advisor ko at wala na nga sya.

"Mr. Axel, Hapon na at morning ka pa din. May paguusapan tayo kaya pumunta ka mamayang 4:30PM. Mr. Montero? Kung dika pupunta bukas na bukas kailangan ko na ang parents mo."

"Maam, Sige po bukas na bukas tatawagin ko ang mga magulang ko."nabigla kong sagot na tuluyan nyang ikinagalit. "Maam, Ecap sorry po!." Naglalakad na si maam ecap pababa ng hagdan.

3:30 na kaya ako ay naglakad na papunta sa aking silid kung saan ako naka pwesto at naka upo at palaisipan parin sa akin kung sino ba ang misteryosong lalaking iyon kaya bigla ko nanamang naalala ang nangyari sa akin nung ako ay grade 7 na panghanggang ngayon iniisip ko parin ang lalaking iyon. Nakatungo ako sa aking inuupuan ng biglang ang mga babaeng nasa likuran ko lang ay naghihiyawan at parang nakakita ng lalaking sikat na nag udyok sa akin para tumingala at ilibot ang aking mata sa paligid ng makita ko ang lalaking dumaan sa aming silid at nanlaki ang aking mata ng makita ko na sya ang lalaking nasa cr. "Sya nga yun." Pabulong kong sinabi pero narinig parin ng isa kong tropang lalaki.

"Kilala mo yun." sirit ng tropa kong kalog.

"Oo.. kilala ko sa mukha pero diko kilala ang pangalan. Sino bayun?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Ah. Yun ba, sya si Dylan Santillan yan yung lalaking hanggang ngayon ay kinaiinggitan ko dahil sa kagwapuhan nya kaya ganyan nalang yung mga babae pag nakikita sya bago lang yan dito at balita ko dito natin sya sa section papasok at sobrang magagalit ako kung mangyari man iyon."

"Dylan.." pabulong ko ulit na sinabi na siguradong ako lang ang nakakarinig.

"Tama. sya si Dylan.. bakit mo tanong? Teka lang Axel wag mong sabihin nagkakagusto kana din don?." Sagot nito sa sinabi kong akala ko ako lang ang nakakarinig.

"Tanga, hindi. Ang weird nya lang kase tignan parang hindi sya estudyante."

"Kaya nga. Piling ko nga nagpapabibo lang yan dito." naiinis nitong binanggit dahil alam nya na malalamangan na sya nito kahit wala naman itong ipagmamalaki.

Tumunog na ang pangmalakasang siren ng school na ito kaya ako ay diretso na sa paglabas ng aking silid at pababa na mula sa 3rd floor at bigla kong naalala ang librong hiniram ko lang sa library kaya binalikan ko ang aking room at wala na doon sa table ko at dito nanaman naguumpisa ang problema.

"Bullshit naman san ko ba nailagay yun." Hawak sa noo habang iniisip kung saan ko nilagay ang librong hiniram ko lang sa library. Naalala ko na nakarating ako ng canteen at malakas ang pakiramdam ko na doon ko naiwan ang libro kaya pumunta ako ng canteen kahit na ilang metro ang layo nito sa building na pinapasukan ko kaya naisip ko na mag shortcut.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa aking dinadaanan papuntang canteen at sa mahaba-haba kong paglalakad nakarating na ako sa main canteen at nagumpisang maghanap at ilibot ang aking mata sa paligid.

\"Ate wala ba kayong napansin na libro dito sa table?.\" Tanong ko sa babaeng nagtitinda malapit sa kinaupuan ko.

\"Wala akong napansin na libro pero may lalaking umupo jan at may hawak na libro kaso umalis din sya agad.\"

\"Nakita mo ba kung ilan yung librong dala nya?.\"

\"Diko na napansin.\"

Nawalan na ako ng paga-asa lalo't dumidilim na kaya uuwi nalang ako at baka madaan pa ito sa paghingi ng tawad kay manong. Lumabas na ako ng canteen at malapit na ako sa gate ng bigla ko nanamang naalala ang 4:30 faculty na wala ng pag-asa kaya wala na akong ibang naramdaman kundi halo halong pakiramdam.

\"Shit.. ano ba to? Bakit naman gantong problema pa? Ayoko naa..\" sigaw ko pagkalabas ko sa gate ng makita ko sa di kalayuan na lalaking nakatayo at may hawak na dalawang libro di ko lang sya naabutan dahil sumakay na ito sa sasakyang kulay puti na pangmayaman talaga at napaisip ako na baka sya ang naka kuha ng libro.

Naglalakad na ako para makauwi na lalo't dumidilim na at ayokong maglakad sa shortcut kung madilim dahil ako ay may takot din. Habang naglalakad ako mararating ko na ang tulay at natatanaw ko na ang aming bahay.

\"MaPa nandito na ang gwapo nyong anak.\" pabiro kong sigaw sa kanila. Walang sagot akong naririnig at napansin ko na parang ang dilim ng bahay kaya mabilis akong pumasok at tinawag ang pangalan ng mga magulang ko.

\"Axel wala sila jan, sinugod kase ang tatay mo sa ospital matapos atakihin.\" sagot ng kapit bahay namin.

\"Teka po.. saang ospital po ba?.\" naiiyak at natataranta kong sagot. Di pa man nasasagot ng kapit bahay namin ang tanong ko agad na akong tumakbo habang tinatawagan ang nanay ko.

Nilakad ko lang mula bahay hanggang ospital kung saan sinugod si itay dahil wala din akong pera para mamasahe at ng makarating na ako agad akong nagtanong at tumungo sa room kung saan sila naka pwesto.

\"Ma.. anong nangyari? Ok na po ba si papa?.\" Hingal at pagod kong tanong habang naluluha.

\"Axel.. anak!.\" banggit ng nanay ko.

Tuuuuuuuuuut.

\"Pa.. ma anong nangyayari?.\" Nataranta kong sigaw.

\"Doc..\" sigaw ng nanay ko na hindi narin mapakali.

Sumugod na ang mga doctor para asikasuhin si tatay at doon na kami pinalabas ngunit dirin nag tagal namaalam na si tatay na sobrang kinalungkot ko at nagsanhi rin ng pagkahimatay ni nanay.

\"Ma.. ma.. Tulong! Nurse..\" hagulgul kong sinigaw sa mga nurse. Ito yung araw na sobrang bumagsak ang lahat sa akin.

\"Nurse. Ok na po ba si mama.?\" matamlay kong sagot sa mga nurse na nag aasikaso kay mama. \"Ok na ang nanay mo.\" Sagot ng nurse.

Habang ako ay nakaupo sa labas sa tabi ng pagitan kung saan nakahiga ang dalawa kung magulang kinausap na ako ng doctor at nagmabuting loob na hindi nya na ako pinapabayad ng bill para sa ospital dahil sa ulila na ako.

"Doc. Si papa lang po ang nawala. Ok pa po si mama at ginagamot na sya ng mga nurse sa loob." Diko mapigilang isigaw ito sa pagmumuka ng doctor.

"Pasensya kana. Pero patay narin ang nanay mo!." Naaawa nitong binanggit. Habang nakikitaan ko ang ibang nurse na napapaiyak dahil sa aking sitwasyon.

"Anong patay? Niloloko mo naman ako nyan doc, buhay pa si mama." sabay takbo at pasok ko sa loob ng room 113 at nakita kong nakatabon na ng kumot ang buong katawan nito.

Sa oras na ito diko na alam ang gagawin ko kaya marahan akong naglakad palabas ng pintuan palayo sa room 112 at room 113 kung saan nakahiga ang magulang ko na nakatabon ng puting kumot.

"Teka..." Tawag sa akin ng doctor.

Tumakbo na ako ng mabilis habang umiiyak at diko na alam kung san na ang nararating ko ng biglang nandilim ang paningin ko sabay pagkamanhid ng buong katawan ko. Nakikita ko pa ang liwanag ng isang mukha na parang binubuhat ako at doon na nga ako nawalan ng malay.

Sumulyap na ang liwanag at ako ay nagising sa isang malambot na higaan at malawak na kwarto na parang walang nangyari pero bakas parin ang mga luhang dumaloy sa aking mukha matapos ang lahat ng nangyari. Tumayo na ako sa aking kinahihigaan at sabay bukas ng marahan sa pintong pangmayaman at nakita ko ang isang babaeng naghahanda ng mga pagkain sa malaking lamesa at lalabas na sana ako ng makita ko ang lalaking hawak-hawak ang librong kinuha ko sa library.

"Mom. Papasok na ako." banggit pa nito sa kanyang ina. Mukha namang mabait ang lalaking ito at sa porma nya ibang-iba ang suot nya nung nagdaang mga araw na laging nakaitim at ngayon parang papasok sya ng naka complete uniform at mas astig at gwapo nga sya tignan.

"Kumain ka muna Dylan bago ka umalis." sagot ng nanay nya. Nagulat ako ng marinig ko ang pangalang Dylan na sya pala ang pinagkakaguluhan ng mga babae at ngayon ko lang nalaman na ang lalaking nakasuot ng facemask at si Dylan ay iisa lang pala mga ilang sandali pa sa tagal ng pagtingin ko sa kanila biglang napasulyap si Dylan sa pintuan kung saan ako nakasilip sabay biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Nakita nya kaya ako." Tanong ko sa aking sarili. Wala na akong ibang gustong gawin nito kundi ang umisip ng paraan kung saan mabilis makakaalis. Merong bintana pero ito ay secured o may rehas at dito kamay ko lang ang nakakalabas. Mayamaya pa ay muli kong binuksan ng kaunti ang pinto at nakita ko wala na sya doon kaya ang pakiramdam ko ay kahit papaano ay gumaan dahil dito makakapag paalam ako sa nanay nya ng wala sya. Tuluyan ko ng binuksan ng malaki ang pintuaan at ako ay lumabas na ng biglang si Dylan ay nasa likuran ko na nakatayo at nakasandal sa pader na parang nagaantay. Nakadalawang hakbang palang ako at ihahakbang ko palang ang isa kong paa ng bigla kong ikinagulat ang isang boses na narinig kona nung ako ay nasa library at CR.

"Sino ka?." Malalim na boses na binanggit nito. Ito yung masasabi kong lalaking may ipagmamalaki dahil bukod sa matangkad, maputing balat, gwapo ay may malalim pang boses pero ito ba ang sukatan ng kagwapuhan?

"Axel Montero." Mabilis kong sinagot ito habang ako ay nakatalikod. Diko alam kung tatakbo ba ako nito o haharapin ko ang lalaking ito pero siguro naman sa ngayon kailangan kong harapin ito dahil pagod na ako sa kakatakbo.

"Hoy.. ikaw nga, nakikilala mo ako? Tama ako yung nasa library pati narin yung sa cr." Piling close kong sinasabi. Atleast hinarap ko ito kahit kinakabahan.

"Anong ginagawa mo dito?." Nagagalit nitong tanong. Iba rin itong lalaking ito dahil hindi mo sya makikitaan ng reaction kung ito ba ay galit o hindi.

"Wala. Diko alam basta paggising ko nandito na ako at nakahiga na ako sa malambot na kama."

Nang marinig kami ng nanay nya na naguusap biglang lumapit ito sa amin at dito pinaliwanag nya ang mga nangyari nung gabing ako ay nahimatay sa tabi ng kalsada at nabanggit nito na nakita nya akong tumatakbo habang umiiyak at ng ako ay malapit na sa isang sasakyang kulay puti at ito nga ang sasakyan nila Dylan bigla na akong nahimatay kaya naman ako ay binuhat.

"Pero sino po ang nagbuhat sa akin?." Nagtatakang tanong ko sa nanay ni Dylan. Hindi naman siguro masamang magtanong at hindi rin naman akong umaasa na si Dylan ang nagbuhat sa akin at sana wala syang kinalaman.

Sa pagtatanong kong ito biglang may isang boses lalaki ang sumingit at nagpapukaw ng aking pansin para ako ay lumingon sa likod at nakita ko ang lalaking palabas ng kwartong walang suot na damit.

"Ako.. ako pala yung nagbuhat sayo para mapasok ka sa sasakyan, wag kang mag-alala di ka naman kabigatan." Sigaw pa nito. Sa tingin ko mabigat ako pero dahil sa mga muscle at perfect abs nito ay kayang-kayang buhatin kahit pa ang dalawang sakong bigas.

Napatulala ako sa nakita ko hindi dahil sa katawan nito kundi dahil may kapatid pa pala si Dylan at parehas na may ipagmamalaki.

"Justine. Magbihis ka na ng damit mo at sumabay kana sa amin sa pagkain." Seryosong sinabi ng nanay nila. Sa pagkakataong ito napagtanto ko na ang pamilyang ito ay lubos na pinagpapala na gusto ko ding maranasan sa isang buong pamilya.

"At kayong dalawa naman, sumabay nadin kayo sa pagkain, Joshua ikaw ang mag asikaso kay carlo."

Umalis na ang nanay ni Dylan at bumalik na sa lamesa kung saan nag aantay ang mga pagkaing ngayon ko lang matitikman.

"Grabe itong pamilya nato diko alam kung mauubos nila ang ganyang kadaming pagkain." Nakatitig sa mga pagkain ng binabanggit ko sa aking isipan.

"Magbihis kana bago ka pumunta sa kainan pwede mong hiramin yung mga damit ko pumunta ka lang sa kwartong iyon." request ng maamong mukha ni Dylan.

Tinuro nya ang kanyang kwarto na di kalayuan sa kwartong tinulugan ko at nagumpisa na nga ako sa paglalakad ng makarating na ako sa pintuang bukas sa kwarto ni justine kaharap ko na ang kwarto ni Dylan. Sa pagpasok ko nakita ko ang napakaraming itim na damit.

"Ang daming damit pero puro itim. Bakit naman itim lahat ito?." Nagtatakang tanong ko sa hangin at sa pagpili ko ng damit nakakita ako ng pulang damit na nagiisang kulay na nakasampay kasama ng mga itim na damit. "Ito nalang siguro ang susuotin ko. Para naman hindi nakakahiya kung parehas kaming nakaitim."

Matapos ang ilang segundo nasuot ko na ang pulang damit na may tatak na Always You at lumabas na ako ng kwarto at dumeretso na sa paglalakad papunta sa hapagkainan ng makita ako ni Dylan ikinagulat ko ang paglaki ng mata nito na parang naluluha at sa oras na ito naramdaman ko ang galit nya kaya sya napa tayo sa kanyang inuupuan at sumigaw.