Chereads / Shortcut Dream / Chapter 4 - CHAPTER 4: Ang Liwanag sa Dilim

Chapter 4 - CHAPTER 4: Ang Liwanag sa Dilim

Sa pag-uusap nilang dalawa ng kanyang anak agad naman din akong umalis para naman makapag-usap silang dalawa ng may privacy kaya ako ay lumabas na ng bahay at naglilibot-libot at sa oras na ito marami na nanamang ala-ala ang nagpapabalik sa aking isipan ng ako ay makaramdam ng nag-iisa. Tumingala ako habang pinagmamasdan ang napakalaki at napakagandang bahay na pangarap ko ding matupad para sa mga magulang ko kaso yung pangarap nayon ay tila naging isang shortcut para sa mga magulang kong namatay ng sabay pero kahit ganon nagiging matatag ako kahit wala na akong alam sa mga kinalalagyan ng mga magulang ko. Napaisip ako sa mga naging kalagayan ng aking mga magulang matapos kong silang iwan kaya nagkaroon ako ng ideya na bumalik sa ospital.

Umalis na ako ng bahay para hanapin ang ospital na hindi ko na masyadong natatandaan kung saang lugar at pangalan nito kaya naman balak kong magpatulong kay kuya edwin pero dahil sa saturday ngayon at hindi nya araw ng trabaho naisip ko bigla si kuya justine na syang nagbuhat sa akin sa sasakyan kaso hindi ko alam kung nasaan sya ngayon at ng bumalik na ako para pumasok sa loob nakita ko na seryoso paring nag-uusap sila Dylan at ng kanyang ina na agad ko namang pinagtataka kaya ito ay pinakinggan ko sa gilid ng pintuan at sa hindi inaasahang pangyayari nakita ako ni Dylan na nakasilip sa maliit na butas sa gilid ng pintuan kaya ako ay napatakbo sa likod ng bahay sa pag-asang hindi ako nakita pero sa aking paglalakad may isang tanawing bumungad sa akin isang bakuran na punong puno ng iba't-ibang kulay ng bulaklak na nagpapalit ng aking reaksyon kaya ako ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa isang puno na may nakasabit na duyan.

\"Sobrang laki talaga ng lupaing ito.\" Nanlalaki kong mga mata habang iniikot sa bawat paligid.

Umupo ako sa duyan habang nilalasap ang sariwang hangin na humahampas sa aking mukha. Dalawa ang duyan na nakasabit sa dalawang puno kaya naging palaisipan pa sa akin ito at sa pag duyan ko ng malakas habang nakapikit narinig ko ang tinig ng boses ni Dylan kaya ako ay napahinto ay minulat ang mata ng makita ko si Dylan na naka upo na sa katabing duyan.

\"Dylan.. wala akong narinig sa pinag-uusapan nyo kanina ni nanay len.\" Bigla kong tayo sa duyan habang nagsisinungaling sa kanya.

\"Ikaw..\" seryosong sinabi ni Dylan sa akin.

\"Ako?.\"

\"Ikaw ang bumago sa akin.\" Seryosong sagot ni Dylan ng nakatingin sa napagkalayong tanawin. Sa tuwing ako ay nag o-overthink at maraming tanong sa aking sarili dito lang ako nalito at napaisip ng walang kasagutan sa kanyang binanggit.

\"Bumago..\" nag-umpisa na akong matawa. Bumalik ako ng marahan sa pag-upo sa duyan at pinakinggan ang kanyang mga sinasabi habang ako ay nakatingin sa kanyang mamula-mulang labi at sa kanyang mga mata. Kinuwento nya sa akin ang buong pangyayari sa kanilang dalawa ni mateo hanggang sa sila ay nadisgrasya at dito nya narin inamin na nahigitan ang pagkakaibigan nila sa pagitan ni Dylan at Mateo hindi rin nagtagal ang relasyong nabuo sa kanila kaya sobrang laki ng pinagbago ni Dylan ng mawala si Mateo.

\"Ah.. ang ibig mo bang sabihin ay nagkagusto ka na sa kapwa mo lalaki?.\" tanong ko pa sa kanya.

\"Sya ang nakapag-pabago ng diretso kong pananaw kaya naman sya din ang Una't huli kong minahal.\" Nakatingin sa ibaba habang sinasabi ni Dylan

\"Pero nasubukan mo na bang mag mahal ng babae?.\" Seryosong kong tanong.

\"Oo.. pero hindi naging epektibo. Ikaw magbabago ba ang paningin mo sa akin?.\" napaka seryosong tanong sa akin ni Dylan.

\"Syempre hindi.. Alam mo Dylan wala namang masama kung magmamahal ka ng babae man o lalaki atleast naging totoo ka sa sarili mo.\" Tumayo ako sa duyan at sumigaw ng napagkalakas habang binabanggit ang salitang \"Tadhana ka lang, tao kami\". Halos magsiputukan na ang mga ugat ko sa leeg sa paulit-ulit kong pag sigaw. \"Tara gayahin mo ako Dylan.\" Pag-aaya ko sa kanya. Nakatingin lang sa akin si Dylan ng nakangiti. Maya-maya pa si Dylan ay tumayo narin sa duyan at ginagaya ang aking sigaw..

\"Ano kamusta? Effective ba?.\" tanong ko sa kanya matapos ang ginawa naming pagsisigaw-sigaw. Palagay ko naman ay naging effective ito dahil nakikita ko na sa mata nya at kanyang mga labi ang ginhawa at maging malaya.

\"Ano ba sa paniniwala mo yung mga sinigaw natin kanina?.\" Tanong nito na may halong pagtataka.

\"Sa Tadhana, kase minsan masasabi nating darating ito para sa atin at minsan hindi para sa atin pero dahil tao tayo at may kakayahan kaya natin itong mabago gamit ang pagmamahal.\" Sagot ko sa seryoso nyang tanong.

Niyayaya ko na sya na umuwi dahil dumidilim narin ang kapaligiran at nauna na nga akong maglakad hindi pa ako nakakalayo ang ilaw na kulay dilaw na unti-unting kumalat sa paligid na nagbigay liwanag sa dilim kaya ako ay napamangha ng makita ang napakagandang kapaligiran kaya ako ay napatingin kay Dylan.

\"Napakaganda Dylan.. hindi ko alam na mas maganda pa ito sa gabi.\" Gulat kong binanggit kay Dylan.

Sa oras na ito hindi na ako muli pang bumalik sa bahay at lumapit ako ulit kay Dylan. \"Sino ang gumawa nito?.\"

\"Kaming dalawa.. ni Mateo sya ang nakaisip nito na gawin kase sa paligid nato wala itong kulay tuwing sasapit ang gabi kaya nag-isip sya ng paraan para manatili itong maganda araw man o gabi.\" Patingin-tingin nito sa paligid habang nagsasalita.

Sa sobrang saya ng mga naganap at aking natunghayan agad narin kaming lumisan ni Dylan dahil lumalalim na ang gabi.

Krokkkk.. Krokkk\". Malakas na hilik kong ginagawa sa gitna ng malalim na pagtulog.

6:00 na ng umaga ng mag-umpisa ng may kumatok sa pintuan at pilit na binabangon ko ang aking sarili sa gitna ng katamaran.

\"Ito na po nanay len\". Malamyang salita na lumabas sa aking bibig. Ganto ang palaging nangyayari sa tuwing araw ng lunes hanggang byernes kung saan babangon ka at wala kang magagawa dahil ito ay araw ng pasukan.

Malapit na ako sa pintuan at bubuksan kona sana ito pero biglang nagsalita at tinawag ang aking pangalan ng lalaking boses malalim ang pamamaraan na natural lang tuwing ito ay bagong gising.

\"Axel..\". Nagulat na mga mata kong reaksyon. Mabilis kong ni lock ang pintuan imbis na ito ay buksan at tumakbo sa harap ng salamin habang inaayos ang magulo kong buhok.

\"Axel? Pwede mo bang buksan ang pinto?.\" Banggit pa nito habang kumakatok.

\"Nanay len?.\" Nabigla kong pakiramdam ng biglang mapalitan ng boses babae ang malalim na boses ni Maki. Agad ko ng binuksan ang pintuan at sa aking pag bukas ang mukha ni nanay len ang unang bumungad sa akin.

\"Hindi kaba papasok? Late kana! At si Dylan naunang pumasok na pala pero nanjan naman yung sasakyan at si kuya edwin mo para ihatid ka. Sinabihan kase ako ni Dylan na ikaw na lang ang ihatid kung papasok ka.\"

Kumaripas na ako ng pag-aasikaso sa aking sarili dahil mga ilang minuto nalang ay mahuhuli na ako sa klase. Kaya naman papasok ako ng walang kaayos-ayos.

Nasa harapan na ako ng UDS o University Of Dreaming School kaya bumaba na ako ng sasakyan at nag paalam kay kuya edwin. Nagulat ako ng lahat ng estudyante na nasa tabi ng kalsada ay walang ibang ginawa kundi titigan ako at pag-usapan na para bang gulat na gulat sa kanilang mga nakita. Dumeretso nalang ako sa paglalakad papasok sa loob at malapit sa Canteen nakita ko si Rye na naglalakad at parang kagaya ko late na din sya.

\"Ryee..\" malakas kong sigaw sa kanya habang tumatakbo papalapit sa kanya. Hindi ako pinapansin ni rye na kahit sa alam kong narinig nya ang malakas na pagsigaw ko sa pangalan nya pero dire-diretso parin sya sa paglalakad.

Malapit na ako sa canteen at dito balak ko sanang tawagin sya ulit pero sa nangyari parang galit sya sa akin. Binagalan kona ang lakad ko at iniba ang direksyon kung saan hindi nya ako makikita kaya wala akong ibang ginawa kundi dumaan ulit sa likod ng canteen papuntang dubai building.

Nasa harapan na ako ng building at aakyat na hanggang makarating sa 3rd floor pero narinig ko ang boses ni rye na kasunod ko lang sa aking likuran.

\"Pre.. may dudurugin lang ako.\" Banggit nito sa kanyang tropa sa Section C-3 kung saan nandoon lahat ng mga lalaking barumbado. Nag umpisa na akong makaramdam ng kaba ng marinig ko ang sinabi ni rye habang ako ay naglalakad paakyat.

Nakarinig ako ng mga yapak ng paang tumatakbo at nakita ko si rye na mabilis na umakyat sa hagdan. Sa sobrang bilis nito nabangga pa ako nito na muntik ko ng ikatumba pero hindi man lang ito huminto.

Ilang hakbang nalang din ay makakarating na ako sa pintuan ng aking pinapasukan at mga ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng mga sigawan ng mga babae at boses ng mga lalaki na parang may inaawat kaya ako ay naparipas ng takbo at nakita ko dito na nagkakagulo na ang lahat.

\"Anong nangyari?.\" Gulat na gulat kong tanong sa lahat ng walang pumapasin. Nakatayo ang lahat at napansin ko si Dylan sa dulo na may dugo sa kanyang labi habang may umaawat naman kay rye. Napasugod ako sa kanila at nagsalita.

\"Ano bang problema nyo? Bakit kailangan umabot pa sa gantong sakitan?\". Halo-halong pakiramdam habang nangangatal sa kaba. Oras nanaman ba ito sa lahat ng masalamuot kong nakaraan?

Nakahawak ang aking dalawang kamay sa dalawang lalaking pilit na nagsasakitan. \"Pag-usapan nyo naman ito ng maayos at mahinahon para kayong mga isip bata! Ikaw Ryce?\". Pag-aalala ang aking naramdaman.

\"Sorry.. sorry.\" Paulit-ulit nitong sinabi sa akin habang lumalayo at palabas ng silid.

\"Teka ryce..\" Tawag ko ng malakas sa kanya. Sinundan ko si ryce sa baba ng hagdan at sa pagkakataong ito paakyat narin ng building si Mam. Ecap kaya wala akong nagawa kundi bumalik sa room. Umupo ako sa aking upuan ng may pag-aalala at halong kaba. Nasa gitna na kami ng lesson pero hindi na talaga bumalik si rye at sa unang pagkakataong ito Absent sa klase si rye. Sa bawat takbo ng oras wala akong ibang ginawa kundi sulyap-sulyapan si Dylan sa kabila ng lahat ng nangyari kahit na wala na akong naiintindihan sa mga lesson.

Ilang minuto nalang ay mag-didismissal na at huling tingin ko kay Dylan napatingin din sya sa akin at mararamdaman sa kanya ang galit na makikita sa naluluha nyang mata.

Dumadagsa na ang mga estudyante sa balcony at kaming section nalang ang nag kaklase. Malaking oras narin ang nakakain ng aming prof na si Mam. Ecap sa pagtuturo kaya naman yung mga lalaki sa gilid ko ay suot-suot na ang kanilang bag at handa na sa pag-uwi habang ang mga babae sa likuran ko ay walang ibang ginawa kundi pagusapan ang mga naganap na pangyayari kanina. Kaliwa't kanan na ang naririnig kong ingay bukod sa labas, likod at profesor kong patuloy sa pag kwento about sa kanyang nakaraan.

\"Ehmm.. uwian na!\". Parinig ng babaeng nasa likuran ko. Kabilang si Cheska sa tropang liploss. Siya yung babaeng sa tuwing papasok ng umaga sa UDS ay mukha nya agad na punong-puno ng makeup ang aarangkada sa mga guard. Kilala si cheska bilang isang ST'LL o Strong liploss dahil sa tapang nito at halos lahat na ata ng mga estudyante ay nahusgahan nya na at ang alam nya lang ay sya ang bukod'tanging naiiba sa lahat dahil sa salitang pinanghahawakan nya na \"from head to toe there is no match for my beauty.\" Ito ang iconic line na lagi nyang pinaglalaban.

Galit na galit si Mam. Ecap sa kanyang narinig kaya naman agad din syang lumabas ng classroom. Nagkagulo na ang lahat sa paglabas at tumayo narin ako sa aking kinauupuan. Kukuwanin kona sana ang bag ko at ito ay hawak-hawak kona pero ito ay nawala sa aking kamay ng agawin ito ni Dylan at nag-iwan ng salitang \"bilisan mo\". At mabilis namang lumabas ng classroom si Dylan habang bitbit ang aking bag.

Nagmadali narin ako at sa sandaling ito napansin ko na sobrang gulo ng mga upuan kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na ito ay ayusin.

Pagod na pagod akong tumakbo ng makarating sa labas at nakita ko ang service ni Dylan sa kabilang tabi ng kalsada kaya agad na tumawid at nakarating ako sa pintuan ng sasakyan.

\"Dylan.. natagalan ako. Nag ayos pa kase ako ng mga upuan\". Magaan na pakiramdam na halos ikangiti kong binabanggit sa kanya.

Nagsasalita na ako pero ang lahat ng mga sinasabi ko ay parang hindi nya naririnig at napapansin. Nakatulala lang sya habang yakap-yakap ang aking bag at sa dilim ng labas at liwanag na tinataglay sa loob ng sasakyan nalingon ko ang aking mata at napatitig ako sa kanyang mukha.

\"Wala ka bang sasabihin?\". nakakagulat na sinabi ni Dylan sa gitna ng pagiging seryso't tahimik nya. Inikot nya ang kanyang ulo at tumingin sa akin.

\"Meron..\" nabigla kong sagot sa kanya matapos akong magulat sa kanyang tanong.

\"Kung tungkol lang yan kanina just shut up and hug this bag that I already hugged\". Binatong bigla ni Dylan ang bag sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga sinabi nya sa akin pero bakit nakaramdam ako ng kilig.

Nasa madilim na daan at mapuno na ang kinalalagyan ng sinasakyan namin at hindi kalayuan natatanaw kona ang maliwanag na mansion ni Dylan. Pinuwesto na ni kuya edwin ang van sa tabi at sabay kaming bumaba ng sasakyan ni Dylan at sa oras na ito tulog narin si nanay len kaya naman walang naganap na sermon na inaasahan na mangyayari ni Dylan sa kanyang ina.

\"Matulog kana!\". Mababaw na boses nitong sinabi sa akin.

Pumasok na si Dylan sa loob ng bahay habang ako ay nananatiling nakatayo sa harap ng pintuan at pinagmamasdan ang unti-unti nitong paglayo mula sa akin. Sa sandaling ito naalala ko ang dugong nanggaling sa kanyang bibig kaya agad ko rin syang sinundan. Malapit na ako sa kanya at sabay na sana akong papasok sa kwarto nya pero bigla itong sinira ni Dylan.

\"Ooh..\" napabukang bibig ko ng muntikan ko ng ikauntog sa kanyang pintuan.

Sinumulan kong iangat ang aking kamay para katukin sana ang pintuan pero naisip ko narin na baka kailangan nya ng magpahinga sa mga pangyayari. Umatras na ako papalayo at pumasok narin ako sa aking kwarto.

Nasa higaan na ako at ramdam ko na ang mga pagod. Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ko lang din naman at nagsimula ng buksan ang aking social media account pero sa bawat scroll ko may nag send ng message sa akin

\"Gamutin mo ako!\". Pagtatakang mensahe na aking binasa mula sa unknown number.

Hindi ko pinansin ang mensaheng ito kaya naman pinatay ko na ang cellphone ko at nilapag sa tabi ng aking ulo. Pipikit na sana ako ng bigla namang mag ring ang aking cellphone.

\"ringgg.. ringgg.\" Tunog ng cellphone kong paulit-ulit.

Mabilis akong tumayo sa aking hinihigaan at muling kinuha ang tumutunog na cellphone mga ilang saglit pa ito ay sinagot ko narin. Nakadikit ang cellphone ko sa aking tainga ng hindi umiimik at naghihintay ng may magsalita.

\"Axel..\" pabulong pa nito.

\"Rye.. pre!?\" Pabalik kong sagot sa kanya.

Lasing si Rye ng tumawag sa akin kaya ganoon nalang ang tono ng pananalita nito. Agad na akong nagbihis para puntahan sya at sa aking pagtakas sobrang dilim na ng paligid. Nag-antay ako ng ilang minuto sa labasan at dahil gabi na bihira nalang ang mga sasakyang dumadaan kaya naglakad-lakad pa ako at nakakita ako ng isang sasakyang marami din ang sakay.

Binaba na ako ng isang bus sa tabi ng isang BAR at agad na akong pumasok sa loob. Sobrang daming taong nagsasayawan at nag-iinuman pero may isang lalaki akong napansin na nakaupo sa harapan mismo ng mga nag-aasikaso sa mga alak o mga bartender kaya agad akong lumapit at nakita ko syang lasing na at nakatungo.

\"Pre.. rye? Lasing ka na.\" Pagtapik ko sa kanyang balikat.

\"Bakit?.. bakit nasasaktan ako?\" Mga tanungan ni Rye.

Hindi ko na pinapansin ang mga sinasabi ni Rye dahil sa oras na ito puro alak narin ang nagkokontrol sa kanyang isipan kaya pinilit ko syang buhatin para samahan sa pag-uwi. Nakarating na kami ng parkingan ng akay-akay ko ang kanyang braso na nakapatong naman sa aking balikat habang patumba-tumbang naglalakad. Malapit na kaming makalabas sa gate ng BAR pero bigla akong tinulak ni Rye.

\"Bitawan mo nga ako..\" lasing na binabanggit ni rye - \"Akala ko… sa babae lang iikot ang mundo ko.. Axel! alam mo ba yun!?.. nasasaktan ako sa paraang ginagawa mo!.. nasasaktan ako sa dahilang diko alam!..\" dismayado nitong isinasalaysay sa akin.

Sa sandaling ito hindi kona alam ang gagawin ko, nalilito narin ako sa mga nangyayari. Nilalapitan ko sya at pilit na tinutulungan sa bawat pagkatumba nya kahit na tinutulak nya ako.

\"Rye.. lasing kalang! Tara na.. iuuwi na kita.\"

Natumba si Rye sa gilid ng tambak ng mga basura at agad ko syang itinatayo pero dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ni Rye bigla nya akong naitulak ng malakas na ikinatumba ko at nagtamo ng sugat sa dalawang kamay.

\"Axel..\". Pagtawag nya sa pangalan ko at nakita ko sa mga mata nya ang gulat kaya lumapit sya sa akin ng pagapang at paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Isusugod na sana ako ni Rye sa hospital para ipatingin ang mga natamo kong sugat pero bigla namang dumating si Dylan na sobrang ikinagulat ko at sa pagsugod nito tinulak ng malakas ni Dylan si Rye at sa pangalawang beses na nagkasakitan sila. Pinagsusuntok-suntok nya na si Rye na walang kalaban-laban dahil sya ay lasing pa.

Hindi ako makaawat sa kanilang dalawa dahil sa pangyayaring ito nakaramdam ako ng sobrang sakit sa ulo na halos ikasigaw ko ng nakapikit ng sobrang diin ang aking mga mata. Nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking ulo at sa hindi maipaliwanag, may mga lugar at mukha ng tao na nagsisigalawan ng mabilis na para bang nagpapakita ng mga pangyayari sa kasalukuyan. Sa pagsigaw ko nahinto ang pag-aaway nila at agad akong nilapitan ni Dylan at binuhat.

Namulat ako sa aking hinihigaan at iniikot-ikot ang aking paningin sa paligid at iniisip ang lahat ng mga nangyari. Nakita ko si Dylan na nakatulog sa aking hinihigaan at si Rye naman ay nagising sa upuan kaya nilapitan nya ako.

\"Axel..\". Malakas-lakas na pagtawag nya sa pangalan ko kaya nagising si Dylan.

\"Kumusta kana?- Kumusta kana?\". Sabay nilang tinanong sa akin.

Nakatulala lang ako sa kanila habang iniisip ang pangyayaring pagsakit ng ulo ko dahil sa pakiramdam kong iyon first time ko lang na makaramdam ng sakit sa kabila ng mga natamo kong sugat. \"Wala man lang akong naramdaman sa mga sugat ko!\". Nagtataka kong sinabi sa aking isipan.

\"Baka nagugutom ka? Bibili si Rye ng makakain mo!\". Tanong pa ni Dylan sa akin.

\"Bakit ako?\". Pagtanggi ni Rye hanggang sa ito ay pumayag nalang dahil sa pagtingin ni Dylan sa kanya.

\"Hindi.. okay lang ako! Hindi ako gutom.\" Pagpigil ko kay Rye na aalis na sana.

Matapos na gamutin ang mga sugat ko sa kamay nakiusap narin ako kay Dylan at Rye na umuwi na tutal mga galos lang naman ang mga natamo ko.

\"Siguradong wala ka na bang nararamdaman?\". Tanong sa akin ni rye.

\"Wag mo syang tanungin ng ganyan, lalo't ikaw ang may kasalanan sa mga nangyari\". Banggit pa nito kay Rye.

\"Mag-aaway nanaman ba kayo? Gusto nyo talagang sinasaktan ako..\" Pabiro na sinabi ko sa kanilang dalawa.

Nakahiga ako sa kama habang unti-unti ko namang ginagalaw ang aking katawan para bumaba sa aking hinihigaan. Tatayo na sana ako ng bigla namang naglapitan silang dalawa sa akin para alalayan. Mabilis na hinawakan ako ni dylan sa aking braso sabay hawak naman sa akin ni Rye sa aking kamay.

\"Oooh.. shit! Teka!.. yung kamay ko.\"