Chereads / Shortcut Dream / Chapter 2 - CHAPTER 2: A Chance Meeting with Mateo

Chapter 2 - CHAPTER 2: A Chance Meeting with Mateo

- Dylan

Ilang taon narin ang lumipas noong ako ay umakyat ng stage para sa graduation.

Nagsasalita na ang speaker para sa mga tatawaging bibigyan ng karangalan. Wala akong ginawa kundi tumayo at mag intay sa mga magulang ko na pumunta at samahan ako sa pag akyat sa stage at biglang nag ring ang cellphone ko sa kalagitnaan ng bigayan ng award at natawag na ang aking pangalan kaya ako ay umakyat mag isa habang sinasabitan ng medal.

Rinnnnng.

Tapos na akong bigyan ng karangalan kaya naman agad ko ng sinagot ang numerong paulit-ulit ng tumatawag at sa pagsagot ko narinig ko ang boses ni mommy na umiiyak at humihingi ng tawad at dito nalaman ko na patay na si daddy dahil sa ito ay inatake sa puso at dito na nag umpisang tumulo ang mga luha ko sa aking mata.

Naglalakad na ako palabas ng court kung saan ginanap ang graduation at habang nag aantay ako sa pagdating ng aming sasakyan dumidilim narin ng biglang may sumuntok sa aking likuran at may isang sumigaw.

\"Hoy..\" sigaw ng lalaki habang nakaturo ang kamay sa mga lalaking sumuntok sa akin. Dito pinagtanggol ako ng isang lalaking diko naman kilala.

\"Ok ka lang ba? Wag mo ng pansin yun mga lokoloko na yun, naiinggit lang yun sayo.\" Sabi ng lalaking nagtanggol sa akin. Isang pakiramdam na parang matagal na kaming magkakilala.

\"Salamat.. medjo masakit lang yung suntok sa akin sa likod.\" Nauutal kong binanggit sa kanya.

Nang dumating na ang sasakyan ni mommy ang lalaking tumulong sa akin ay nananatili paring nakatayo sa tabi ko na parang binabantayan ako.

\"San ka pala nauwi?.\" Tanong ko sa kanya. Parang nahihiya pa syang sagutin ang tanong ko.

\"Yan na ata sundo mo! Sige ingat ka.\" Sagot nya sa akin. Umalis na din sya agad.

Nakapasok na ako sa loob ng sasakyan at sinara ang pinto hindi si mommy ang sumundo sa akin.

\"Kuya edwin. Nasan na po si mommy?.\" Mahinahong tanong ko sa aming driver.

\"Nasa ospital pa si mam len!.\" Sagot ni kuya edwin ng nakatingin sa itaas ng salamin ng sasakyan.

\"Si daddy po, kamusta na. Wala na talaga sya iniwan na talaga kami.\" Sagot ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na hindi umiyak.

Sa pagitan ng kalsada at madilim na paligid habang umaandar ang aming sinasakyan napasilip ako sa bintana at nakatulala ng biglang dumampi sa isipan ko ang lalaking tumulong sa akin kanina. Sa malalim na pag-iisip at pagod narin unti-unti ng bumabagsak ang aking mata dahil sa antok at ng biglang nagvibrate ang cellphone ko na ikinagising ng diwa ko at nakita ko ang isang notification mula sa facebook na friend request at diko na ito pinansin pa.

\"Kuya may isang request lang ako sayo. Ayoko pa kaseng umuwi sa bahay gusto ko munang mapag-isa pwede bang ibaba mo nalang ako sa tabe!.\" Matamlay kong sinabi. Sa pagkakataong ito siguro maiibsan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman ko.

Sa pangungulit ko kay kuya edwin kalauna'y pinayagan nya narin ako at binaba nya ako sa harap ng isang mall at doon ko nilibang ang sarili ko sa pagpunta sa mga arcade pero di parin sapat ito para mawala ang lahat ng nararamdaman ko. Sa paglilibot ko may napapansin ako sa likoran ko na parang sumusunod kaya ang mabagal kong paglalakad ay bumilis at ng makarating ako sa book store don nya ako biglang hinawakan sa balikat na ikinagulat ko kaya sya ay natulak ko.

\"Ikaw? Sinusundan mo ba ako?.\" Tanong ko sa kanya.

\"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?.\" Pagmamakaawa na hawakan ko ang kamay nya at tulungang itayo.

\"Hindi.\"

Sa lakas ng pagtulak ko sa kanyan sya ay biglang natumba pero sya ay nakangiti parin kahit na ito ay nasaktan. Patayo na sya kaya bigla ko syang inalalayan sa pagkakataong ito bigla ko nalang naigalaw ang aking mga paa at kamay ng makita ko syang nahihirapan tumayo.

\"Tutulungan mo rin pala ako.\" Nakangiti nitong sinabi na parang gustong gusto ang mga nangyari. Nakatayo na sya at biglang nagpakilala sa akin.

\"Ako si mateo.\" Hindi mawalang ngiti sa kanyang mukha sa tuwing magsasalita.

\"Paano mo nagagawang maging masaya?.\" seryosong tanong ko sa kanya sa kabila ng pagdadalamhati.

\"Ewan. Basta masaya lang ako dahil siguro nakita kita ulit.\" Pabiro pa nitong binanggit sa akin na hindi ko naman ikinatuwa.

\"Weird.\"

Pumasok na ako sa loob ng book store at si mateo ay patuloy parin sa pag sunod.

\"Teka.\" sigaw pa nito sa akin.

Lumipas narin ang mga oras na ginugol ko sa paglilibot kasama si mateo sa ilang minuto din naming pagsasama unti-unti ko narin syang nakakausap ng matino at nagtatawanan pa para kaming matagal ng nagsama at dahil dito nakilala ko sya at ngayon malapit na mag kaibigan na kami diko na napapansin ang sarili ko na sa gantong paraan ko lang pala mararanasan ang pagiging masaya kaya naman niyaya ko si Mateo na pumunta sa isang tindahan ng mga damit para bumili.

\"Mateo punta tayo don.\" Nakangiting sinabi sa kanya habang nahawakan ko ang kanyang kamay habang tumatakbo.

\"Pwede ka ng pumili ng kahit ano Mateo.\" banggit ko pa sa kanya. Siguro naman kahit dito makapag bigay ako ng konting pasasalamat sa kanya.

\"Ah. Hindi na ok lang nakakahiya.\" nahihiyang sinabi ni Mateo. Diko alam na may katangian din pala syang mahiyain kaya ako nalang ang pumili at kumuha ng damit para sa kanya.

\"Ok na ba to?.\" Tanong ko sa kanya. Hindi sya nagsasalita dahil ang gusto nya lang matanggap ay isang damit na kulay pula na ako ang pipili para ibigay sa kanya at nang makanahap ako ng damit na pula na may tatak na I love you ito lang ang nagiisang damit na nakasampay at ibinigay ko na agad sa kanya.

\"Masyadong mahal ito, nakakahiya sa ibibigay ko sayo!.\" Banggit pa nito sa akin. Nagulat ako ng malaman kong may ibibigay din sya sa akin.

\"Ibibigay? Teka kahit ano payan akin na.\" nakaramdam ng kilig kaya ako ay napangisi. Inabot nya sa akin ang isang plastik na naglalaman din ng isang damit.

\"Mumurahing damit lang yan pero ikaw naman ang susuot kaya mag mumuka yang mamahalin.\" Pabiro pa nitong sinabi.

Ang dami ng mga nangyayari kahit papaano naging masaya ako at ngayon nagkaroon pa ng kaibigan. Nagpaalam na ako sa kanya para umuwi at hinatid nya pa ako palabas ng mall at muling nanumbalik ang pagkalungkot ko.