Chereads / Shortcut Dream / Chapter 3 - CHAPTER 3: Shared Wounds

Chapter 3 - CHAPTER 3: Shared Wounds

Akala ko ito na ang araw na magkakaroon ako ng isang taong magpapatunay sa akin ng pagmamahal na naudlot dahil sa pagkawala ng aking magulang pero parang sa iisang damit na sinuot ko ay dito pa ata ako mapapasama. Kinabahan ako ng makita ko ang reaction ni Dylan ng makita nyang suot-suot ko ang damit na parang napaka importante sa kanya.

"Hoy. Hubarin mo yan, bakit mo suot yan." Sigaw na halong galit sa akin ni Dylan habang pinipigilan sya ng kanyang ina. Halos matapon ang pagkaing nasa harapan nya matapos ibagsak ng malakas ang kanyang kamay sa lamesa.

"Sorry.. pasensya na magpapalit nalang ulit ako ng damit. Sorry!." Napapaatras kong mukha sa malakas nitong pagsuntok sa mesa. Ngayon ko lang din napagtanto na iba rin pala talaga magalit ang mga taong tahimik lang.

Pumunta na ako sa kwarto upang magpalit ng damit at agad ko ding sinuot ang aking damit matapos non ay nagpaalam na ako sa nanay ni Dylan na diko pa nakikilala.

"Ah.. mam, salamat po sa pagtulong at pagpapatulog sa akin dito pasensya na po sa gulong nagawa ko. Sorry Dylan! Aalis na po ako pakisabi narin po kay kuya justine na salamat."

"Aalis kana. San ka naman pupunta? Yung mga magulang mo? Pwede kitang ipahatid kay edwin." Pagmamagandang loob na sinabi ng nanay ni Dylan.

"Ah. Hindi na po.."

Palabas na ako ng bahay ng mga santillan at hindi pa ako nakakalayo ay naalala ko ang libro kaya bumalik ako at nakita ko na palabas din si Dylan na papunta kung saang direksyon ako dumaan.

"Ah. Dylan.." pagtawag ko sa pangalan nya na parang walang narinig. Dire-diretso lang sya sa paglalakad at papasok narin sa school.

Hayaan mo nalang muna sya Axel! Sagot ng nanay nya na nasa likuran ko lang pala. Lumapit ako sa kanya at may mga tinanong about sa damit at kung bakit ganoon nalang sya kung magalit kanina at nalaman ko na ang damit na iyon ay bigay ng matalik nyang kaibigan na namatay dahil sa disgrasya matapos silang mabundol ng isang sasakyang nawalan ng preno kaya ang damit nalang ang tanging ala-ala nya sa kaibigan nyang si mateo.

"Dahil noong araw ng nagkakilala sila ay araw din nang pagkamatay ng daddy nya." Lungkot na nakikita sa kanyang mata habang kinukwento ng nanay ni Dylan.

Sa pangyayaring ito ay parehas pala kami ng pinagdaanan ni Dylan sa mga sandaling buhay na ang nawala. Hindi na ako nakapasok sa school dahil sa pagkakaroon ng interesado sa kwento tungkol kay Dylan hindi kona mapigilang maluha dahil sa ito ay nararamdaman ko din dahil naranasan ko.

"Pasensya na po.. kung naiiyak ako kase naman parehas kami ng pinagdadaanan ni Dylan."

"Bakit?." Tanong ng nanay ni Dylan habang nagpupunas ng luha.

"Sabay din po kaseng namatay yung magulang ko." Patungo-tungo ko pang sinabi habang pinipigilan ang pagtulo ng aking luha.

"Hah.. mygod sorry? Axel.. pero kailan pa?." nagulat na tanong nito sa akin. Hindi rin naman siguro mababawasan ang sakit kung ikukwento ko ito sa ibang tao siguro nga oras na para magkaroon ng karamay at mailabas ko din itong sakit na hanggang ngayon bumabalot sa akin. Matapos ang kwentuhang nauwi sa iyakan lumabas ng kwarto si justine at nakita kaming dalawa na nagiiyakan.

"Mom.. Bakit? Anong nangyari sa inyo?." Nagtatakang tanong nito sa amin.

"Ah.. wala nak ito kase si Axel.."

Nang magtanong si justine kung anong naging dahilan ng pagiyak namin nakwento ng nanay nito ang mga nangyari sa akin at lubos ding nalungkot si justine sa mga nangyari at sa pag-uusap naming tatlo nag desisyon ang nanay ni justine na ako ay kupkupin at patirahin sa kanilang bahay na napagkalaki at dina ako nagdalawang isip na pumayag at magpasalamat ng sobra lalo't wala din naman akong mauuwian na kaya dito ko narin nakilala ang pangalan ng nanay ng mga santillan.

"Ngayon.. Axel ikaw na ang matutulog sa kwartong iyan at simula ngayon tawagin mo na akong nanay len." pag-alok sa akin ni nanay len. Hindi ko napigilang yakapin sya ng mahigpit habang tinatawag ang nanay na diko na nagagawa matapos mamatay ang aking mga magulang.

Maggagabi na at hindi parin umuuwi si Dylan matapos itong pumasok galing school at hindi narin mapakali si nanay len sa pag-aantay sa kanya kaya tinawagan nya na si kuya edwin na syang nag mamaneho ng sasakyan.

Callingg..

"Hello, mam len pauwi na po kami medjo natagalan lang dahil may binili pa po si Dylan." sagot ni kuya edwin.

"Nag-aalala na ako sa kanya.. hindi lang kase ako sanay na umuwi sya ng gantong oras."

Habang nasa kwarto ako hinahanda ko parin ang mga gamit ko sa bag dahil hindi parin ako panatag na patitirahin ako dito ni Dylan kaya ang lahat sa akin ay nakahanda parin para sa pag-alis at ng marinig ko na ang sinasakyan ni Dylan sa labas sumilip ako sa bintana at nakita ko sya na may dalang mga bag na parang puno ng laman.

"Dylan.. how's your study?." Tanong pa ni nanay len sa kanyang anak. Suot kona ang dala kong bag at nakatayo sa harap ng pinto para sa paghahandang palayasin ni Dylan at naririnig kona ang mga yapak na papalapit sa kwartong ito bigla itong binuksan ni Dylan habang bitbit ang dalawang paper bag na ang laman ay mga bagong damit at ito ay biglang inabot sa akin sabay hingi ng sorry sa mga nangyari.

"Teka.. Dylan hindi ka ba galit?." Nanginginig kong mga kamay habang nagsasalita sa harapan nya.

"Suotin mo yan." sabay talikod ni Dylan at palabas na ng kwarto.

"Dylan.. sorry kanina."

Gabi na at umalis narin si Dylan na makikita sa mukha nya ang pagod kaya ako ay nagpahinga narin dahil bukas na bukas ay handa na akong pumasok sa school.

Oras na ng pagpasok at ako ay mahimbing paring nakahiga sa malambot na kama hanggang sa may kumatok sa pintuan. "Axel.. " boses ni nanay len na nagpagising sa akin.

Nakita ko ang isang orasan na onting oras nalang ang nalalabi para makaabot pako sa klase.

"Hala.. shit! late na ako." Natatarata habang mabilis na kumikilos. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si nanay len na nakatayo at nag-aantay sa akin na lumabas.

"Late kana Axel… tinawagan ako ni Dylan sinabi na gisingin daw kita at hindi ko alam na may pasok ka pala.."

"Meron nga po akong pasok.. sinabi po yun ni Dylan?! Sige na po nanay len." pagmamadali kong sinasabi.

Nagpaalam na ako kay nanay len at nagpatuloy na ako sa pagtakbo patungong University Of Dreaming School. Hingal na hingal ako ng makarating sa malaking gate ng university at pawis na pawis akong pumasok sa loob. Nakita ko si kuya na nagbabantay sa library na papunta sa canteen kaya ako ay nakayuko habang naglalakad. Malapit na ang building ng pinapasukan ko at wala na akong natatanaw na estudyante sa labas ng balcony kaya naman ako ay kinabahan na ng lubos at tumakbo ulit at ng makarating na ako sa 3rd floor ng dubai building dahan dahan akong naglalakad papunta sa pintuan ng mismong room ko at nakatingin lahat sa akin ang mga kaklase ko pati narin si profesor at dito na nagumpisa ang pangangatog ng mga tuhod ko at ikinagulat ko na biglang nag-iyakan ang mga babaeng kaklase ko.

"Maam. Ecap! Sorry I'm late." Nauutal kong pagbigkas sa harap ng lahat. Ang pakiramdam na ito ay parang nanumbalik ang panahong Introduce Your Self.

"Axel.. Umupo kana at may pag-uusapan tayo!." Matamlay na sagot ng aking prof. Nagtataka na ako sa sandaling ito dahil nakikita ko ang mga kaklase kong nagpupunas ng kanilang mga luha.

"Teka.. bakit kayo nag-iiyakan ?." Tanong ko sa mga kaklase ko.

\"Axel..\" hiyawang pag-iyak ang kasama. Napagtanto ko na nalaman na pala ng buong seksyon ko ang tungkol sa nangyari sa aking mga magulang kaya naman sa araw ng pagtuturo ng prof ko ay hindi na ito nakapag lesson dahil sa pag-uusap namin ni Maam. Ecap!. Matapos ang pag-uusap namin muli akong bumalik sa aking silid at doon pinagkaguluhan na ako ng mga kaklase ko at samu't saring tanong na binabato sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas matapos kumalma ang lahat nagulat akong may biglang nag salita ng malakas na \"ikaw\" sa gilid malapit sa bintana kaya naman ako ay napalingon at nakita ko si Dylan na kinagulat ko ng lubosang malaman ko na sya pala ay Section A-2 at kaklase ko din. Sa pag sigaw nya ng malakas na \"Ikaw\" biglang naglingunan ang lahat sa kanya at nagtuturuan kung sino ang tinatawag nito.

\"Axel.. ikaw ata ang tinatawag ni Dylan.. lagut ka jan.\" biglang bulong sa akin ng tropa kong kalog na si rye. Sa pagbulong sa akin ni rye biglang tumayo si Dylan sa kanyang kinauupuan habang nakatingin sa akin at kay rye na mukhang galit. Nagulat kaming dalawa ni rye sa inastang kilos ni Dylan at bumalik din agad sya sa kanyang kinauupuan habang nakatingin sa ibabaw ng table nya at nakapatong ang dalawa nyang kamay na parang manununtok. Wala akong ibang ginawa kundi sumulyap-sulyap sa kanya hanggang sa oras na ng uwian at hindi ko na sya nakita.

\"Pre.. Axel! Ano sasama kaba sa amin? Kakain lang tayo libre ko na. Hintayin kita sa labas ng gate doon sa waitingshade.\" Nakangiti habang paangat-angat ang kilay nitong sinasabi.

\"Sige pre.\" Sagot ko sa kanya ng nakangiti.

Nakalabas na ako ng room at medjo malayo narin ang agwat ko sa dubai building at sa dating gawi nadaan parin ako sa shortcut pa puntang canteen kahit walang kasiguraduhan kung may nababago ba sa layo nito at sa aking paglalakad may humawak sa aking mga kamay at mabilis akong hinihila nito sa ibang gate ng University.

\"Dylan.. bakit anong meron? Teka lang..!\" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi nya ako pinapansin at hinila nya ulit ang kamay ko hanggang sa makalabas na kami ng gate 2. \"Teka lang! Ano bang problema mo?.\"

\"Ayan na yung sundo natin.\" Sagot pa nito sa akin. Seryosong mukha ang pinakita nya sa akin.

\"Hindi ako sasabay mauna kana at kanina pa ako hinihintay ng tropa ko sa waiting shade.\"

\"Plss…sumabay kana sa akin!.\" Pagmamakaawa nito sa akin.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya lalo't malaki din ang utang na loob ko sa pamilya nya at sino ba naman ako para umastang mayaman na uuwi sa bahay ng mga santillan sa kung gusto ko lang. Sumakay na ako sa sasakyan ng nag-aalala kay rye dahil baka ito ay nag-iintay parin sa akin hanggang ngayon. Nakarating na kami sa bahay at dumeretso kay nanay len para mag paalam na nakauwi na kami at pumasok narin ako sa aking kwarto. Isasara kona sana ang pintuan ng biglang may humarang sa pintuan.

\"Aray..\" reaksyon ni Dyla sa pagka-ipit sa kamay nya. Binuksan ko agad ang pintuan at nagulat sa kanya.

\"Magpapahinga na ako.. sorry!.\" Isasarado ko na sana ulit ang pintuan kaso mabilis na pinigilan ni Dylan ang pintuan at deretsong pumasok.

\"Ah.. gusto ko lang sanang makausap ka?.\" Mga labi lang nito ang gumagalaw habang nakatingin sa akin. Sa estado ng mga kilusan at pananalita nya parang importante ang sasabihin nito sa akin.

\"Tungkol saan naman ito?.\" Tanong ko sa kanya habang parehas kaming nakatayo at nakatingin sa isa't-isa.

\"Samahan mo ako bukas!.\" Sagot nito sa akin sabay labas ng kwarto ko. Nagtataka na ako sa mga kinikilos nito. Ngayon ay araw ng byernes at sakto bukas ay saturday kaya wala kaming pasok. Sinarado ko na ang pintuan at ako ay humiga na habang nakatingin sa kisame at napapaisip sa mga nangyayari.

\"Bakit kaya ganoon nalang syang umasta sa akin? Parang kailan lang napaka sungit nya sa akin.\" Maraming tanong sa aking sarili.

Mahimbing pa ang tulog ko at sa pagkakatanda ko nasa 5:00 palang ng madaling araw ng may kumakatok na sa pintuan ng kwarto ko. \"Axel.. axel.\" Paulit-ulit nitong tawag sa pangalan ko at kahit tamad na tamad pa ako sa pagbangon agad narin akong tumayo at binuksan ang pintuan.

\"Ano handa kana?.\" Tanong sa akin ni Dylan. Gising na gising na ang diwa nya at halatang ito ay pinaghandaan nya. Wala syang damit pagbukas ko ng pintuan kaya naman nagising ang tulog kong diwa.

\"Sige mag-aayos na ako.\" Mulat na mulat kong binanggit ng nakatingin sa kanyang katawan.

Minuto lang ang lumipas ng matapos ako sa pagbibihis kaya lumabas na ako ng kwarto pero wala pa sya sa labas. Bumalik ako sa loob at pumunta sa kwarto ni Dylan at doon nakita ko sya na nag i-spray ng matapang nyang pabango sa itim nyang damit at nakita nya akong naka silip sa kanyang pintuan. \"Pumasok kana.\" Nakangiting sinabi ni Dylan.

\"Pasok na ako.. Hindi ba tayo mag papaalam kay nanay len?.\"

\"Hindi. Tayong dalawa lang ang may alam nito.\"

\"Pero saan ba kase tayo pupunta?\" Nagtatakang tanong ko ulit.

\"Sa lugar kung saan ko nakilala si Mateo kaya dapat ito ang suotin mo.\" Inabot sa akin ni Dylan ang pulang damit na bigay ni Mateo sa kanya.

\"Diba ito ang damit na sobrang kinagalit mo ng sinuot ko tapos ngayon pinapasuot mo na sa akin.\" Pabiro ko pa sa kanyan.

Umalis na kaming dalawa ng suot-suot ko ang pulang damit at kami ay naglakad sa labasan para mag hanap ng masasakyan at ng makasakay kami nakarating na kami sa isang malaking mall kaya bumaba na kami.

\"Naks.. Dylan dito lang pala tayo pupunta. Tara na.\" Sobrang saya ko ng makita ko ang isang mall kaya naman diko na napigilang hilahin ang kamay ni Dylan papasok. Wala pang masyadong tao sa loob dahil 6:03 palang ng umaga sa sobrang saya ko wala akong ginawa kundi tumakbo ng tumakbo sa loob lalo't ito ay first time ko lang. Napaikot ang mata ko sa loob at ng makita ko ang isang store ng mga damit agad akong pumunta doon kasama si Dylan at doon ako nakaisip ng t-shirt swap.

\"Dylan bibilhan kita ng damit pero dapat bilhan mo rin ako. Ano game? Swap tayo.\" Interesado kong tanong sa kanya.

Lumabas kami ng store na may tag isang bitbit ng paper bag na may lamang puting damit at sa loob ng ilan minuto ay mabilis din naming nalibot ang mall kaya naman nag desisyon na kaming umuwi.

\"Dapat susuutin mo yan tuwing byernes.\" Pabiro kong binanggit.

\"Araw-araw ko na ata itong susuutin.\" Nakangiti nitong sagot sa akin.

Niyaya ko na syang maglakad para makahanap na ng masasakyan pauwi at sa pag-aantay namin na makasakay humarurot ang isang trycicle na tumigil sa harapan namin at dahil masyado pang maaga para sa dagsaang sasakyan hinila ko na sya para sumakay sa trycicle kahit makikita sa mukha ni Dylan na hindi sya nasakay sa isang maliit at maingay na sasakyan.

Binaba kami ng isang trycicle sa tabi ng bahay at ng pumasok na kami sa loob habang nagtatawanan napahinto ang tawanan ng makita namin si nanay len na nakatayo sa harap ng pintuan at nakapatong ang kanyang kamay sa kanyang baywang. Nagtuturuan pa kami ni Dylan sa aming ginawa kaya pinapasok na kami ni nanay len at kinausap.

Nagsimula ng magkagulo ni Dylan dahil sa pagtuturuan sa kasalanang hindi kami nakapag paalam at umabot pa sa puntong ako na ang umako.

\"Nanay len ako po talaga ang nagyaya kay Dylan na gumala.. sorry po!.\" Pagpapakumbaba kong sinabi ng magkadikit ang dalawa kong kamay na humaharang sa aking mukha habang nakatungo. Siguro naman sa ginawa kong ito hindi ako papagalitan ni nanay len atleast naging honest ako kahit hindi ko talaga kasalanan.

\"Mom.. kasalanan ko po! Ako po ang nagyaya sa kanya na samahan nya ako.\" Mala anghel na pag-ako ni Dylan. Hindi ko inaakala na sa kabila ng lahat ng mga nangyari ay may malambot din palang puso si Dylan na talaga namang bumabagay sa itsura nya.

\"Tama.. nanay len sya talaga ang nagyaya sa akin na gumala.. pero na enjoy ko din naman. Kase naman first time ko lang makapasok sa isang Mall.\" Natatawa kong sinasabi. Totoo naman din na naging ignorante ako para nga akong baliw ng makapasok sa Mall nagawa ko talagang tumalon talon at tumakbo na parang hindi na gawain ng isang lalaki at hawak-hawak pa ang kamay ni Dylan.

Natatawa na lang si nanay len na nakikita kaming dalawa na magkasundo at nagtatawanan na parang magkapatid ang turingan.

\"Sana lagi kayong ganyan..\" Nakangiting binanggit ni nanay len sa aming dalawa.

\"Ah.. Axel pwede ko bang makausap muna saglit si Dylan ng kaming dalawa lang?.\"