Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Immortal Destroyer [Volume 8]

Jilib480_Jilib480
--
chs / week
--
NOT RATINGS
25.7k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1.1

Isang magandang at maaliwalas na umaga na naman ang bumungad sa malaking siyudad ng Golden Crane City. Makikita ang napakagandang atmospera lalo na ang bughaw na bughaw na langit.

Para namang sumasayaw ang hangin lalo na at napapatianod ang nagkakapalang mga ulap na siyang nakakahalina tingnan.

Masasabing napakaunlad ng siyudad ng Golden Crane City habang napapanatili nito ang kaayusan ng bawat lugar lalo na ang kapaligiran.

Marami pa ring mga nagtataasang mga puno sa siyudad at malilinis ang mga katubigan na nakapaligid sa lugar na ito.

Sa loob ng Wong Mansion...

Makikita ang magagarang looban ng nasabing mansyon na ito. Mula sa mga muwebles, daanan maging sa mga dekorasyon sa lugar na ito ay nagsusumigaw sa karangyaan. Hindi naman nakakapagtkaa ito lalo na at ang Wong Family ay itinuturing na isang sa mga Royal Families ng Crane City. Napakaimposible naman siguro na titira lamang ang mga ito sa mga high end na mga gusali dahil higit pa ang yaman na meron ang mga ito kaysa sa pamilya ng mga aristokrata o kahit pa ng mga noble families.

Malawak pa sa ordinaryong siyudad ang Crane City at isa sa nangungunang siyudad kumpara sa mga karatig siyudad nito.

Wong Family owns almost half a portion of the Crane city kaya kinatatakutan ang nasabing pamilya maging sa iba pang mga siyudad. Knowing how one can frightened those noble families, ano pa kaya ang mga ordinaryong pamilya o mga indibidwal na bumibisita lamang sa siyudad.

Kahit nga ang pagdaan sa Wong Mansion ay hindi naman ipinagbabawal ngunit iniiwasan. They don't want to offend anyone or even one of the Wong Family members.

Meron kasing isang insidenteng naging malaking balita noon dahil ininsulto ng isang miyembro ng  noble family ang isang royal family na nauwi sa madugong sagupaan o mas mabuting isang one sided fight. Those belongs to Royal Families are natural born genius kaya halos mamatay na ang nasabing noble family member na iyon. Ngunit isa pa rin itong rumor o haka-haka lamang dahil wala namang konkretong ebidensiya patungkol rito.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa loob ng malawak na training room. Lahat ng gamit rito ay halatang napaglumaan ngunit nasa maayos na kondisyon. Halatang lahat ng gamit dito ay puro mahahalagang kagamitan sa pagsasanay o pag-eensayo.

Isang binatang may mahabang kulay itim na buhok ang tanging nag-iisang nandirito sa loob ng training room. Isang bagay ang tila sumabog at nasira sa loob ng malawak na kwartong ito.

Isang mechanical robot na gawa sa kahoy ang nakahiga sa sahig habang butas butas ang dibdib nito habang putol ang kaliwang braso ng nasabing humanoid na bagay.

Kung sa unang tingin ay ordinaryong mechanical robot lamang ang nasabing bagay na ito ngunit ang totoo niyan ay hindi naman talaga.

Ang nasabing bagay ay na ito ay personal na ipinagawa at binigyan ng natural instinct at fighting capabilities ng napakagaling na puppet inscriptionists sa loob ng Crane City na walang iba kundi si Master  Zhu. Halatang sa katandaan maging sa kahusayan sa ganitong klaseng propesyon ay walang makakapantay rito kaya nirerespeto at hinahangaan ng karamihan mapa-bata man o matanda sa Crane City dahil sa reputasyon maging sa abilidad na ipinamalas nito noon hanggang ngayon.

Walang kakupas-kupas ang galing nito sa paggamit ng mga puppetry skills at techniques. Even those non-living wooden puppets are capable of learning or having martial arts skills to fight or sparring with those individuals who could afford his work of art puppetries.

Napatulala na lamang sa hangin ang nasabing binata habang makikitang may lungkot sa mga mata nito. Halatang may malalim itong naiisip at pawang alaalang nasaksihan niya noon pang nakaraang linggo na siyang dala-dala niya pa hanggang ngayon.

"Kailan mo pa sasabihin sa sampid na anak-anakan mo Wong Bingwen na hindi siya nababagay sa royal families. Pinalampas ko ang mahigit apat na taong pagkupkop mo sa paslit na batang iyan. Tingin ko ay panahon na upang hayaan mong mabuhay siya sa loob at labas ng siyudad gamit ang sarili nitong mga paa!"

"Tama, he really don't suit to be here. Malas at salot ang pesteng batang kinupkop mo noon. How could you tolerate this until now!"

"Hindi pa ba sapat na dahilan ang pagkamatay ng pambihirang golden crane na siyang alaga mo noon pa mang bata ka? Kung hindi dahil sa kaniya ay buhay pa sana ang nasabing nilalang na iyon!"

"Malapit na sanang magbreakthrough ang Golden Crane Beast na nasa iyong pangangalaga at magagawa mo na sanang patalsikin ang ibang royal families ngunit ano'ng napala mo? Wala!"

"Kung sa akin man nangyari iyon ay hindi ko tatangkaing kupkupin ang batang pumaslang sa alaga mo. Malapit na sanang umabot ang edad ng alaga mo ng sampong libong taon ngunit ngayon ay mukhang malabo na ang hinahangad nating mangyari!"

Tandang-tanda ng binata ang sinambit ng mga matataas na mga personalidad na kumakatawan sa Wong Family. Masasabing hindi mapakali ang lahat dahil sa sunod-sunod na suliranin at kamalasang nangyayari sa kanila.

Hindi kasi biro ang kompetisyong nangyayari sa loob ng Wong Family at ng iba pang Royal Families dito sa Golden Crane City.

Higit na pinanghihinayangan ng lahat ang pagkawala o pagkasawi ng Golden Crane Beast dahil isa ito sa pinaniniwalaang sinaunang lahi ng mga ibon sa loob ng Golden Crane City na siyang ipinangalan sa siyudad. Without this kind of trophy, they can't overtake their family nemesis.

"Mawalang-galang na ngunit parang sumusobra naman ata kayo sa inyong sinasabi. Alalahanin niyong sa loob ng apat na taon ay napapanatili ko ang kaayusan ng Wong Family at kailanman ay hindi ako nagpabaya sa mga obligasyon ko. Kung napaslang man ang Golden Crane Beast na siyang kasama ko mula pagkabata at pamana pa ito ng ating mga ninuno ay talagang timadhanang mangyari iyon dahil parte iyon ng daloy ng buhay at kamatayan. Wala namang may gusto niyon hindi ba? Ito ang huling pagkakataon na kukwestiyunin niyo ko dahil hindi niyo naman siguro gugustuhing magalit ako sa bawat isa sa inyo!" Seryosong wika ni Wong Bingwen na may halong inis at pagbabanta sa tono ng pananalita nito.

Mabilis niyang natanaw noon ang mabilis na paglabas ng ama-amahan niya sa malawak na bulwagan. Mabuti na lamang at nakaalis siya kaagad bago pa ito tumalikod.

Mabilis na ipinawala ng binata ang mga iniisip niya ngunit mabilis na nahagip ng dalawang mata nito ang malaking frame na nalalaman ng litrato niya at ng tumatayong ama niyang si Wong Bengwin na iginuhit ng isang magaling na mangguguhit ng Golden Crane City. Pawang masaya at nakangiti ang kanilang mga mukha, panahong wala pa siyang muwang at panahong wala pa siyang alam sacmga bagay-bagay lalo na at malabong imahe ng nakaraan lamang ang pilit na inaalala niya ngunit wala man lang bakas ng anumang impormasyon.

Mabilis siyang napaismid sa dating mukha ng batang katauhan niya noon. Batang naging dahilan ng pagdurusa at panggigipit sa ama niyang si Wong Bengwin.

Sa madaling salita ay kinamumuhian niya ang sarili niya. Only to be strong, this is his key to fight other royal families. Alam niyang darating ang panahon na kakailanganin siya ng ama niyang si Wong Bengwin. Sa oras na iyon ay patutunayan niyang may silbi siya.

Hahanapin niya ang kasagutan sa tunay na nakaraan niya. Tanging ang pagiging malakas niya ang magiging daan upang makamit ang katotohanang nakakabit sa nakaraang buhay niya.

"Ako si Wong Ming ay hindi magiging katulad mo paslit. You are a pathetic individual and will only be my past self!" Sambit ni Wong Ming sa sarili niya habang nakatingin ng masakit sa mahigit labing-isang gulang na batang kilalang-kilala ng Dou City na walang iba kundi si Li Xiaolong na tanyag sa katawagan nito bilang si Little Devil.