Chereads / Immortal Destroyer [Volume 8] / Chapter 3 - Chapter 1.3

Chapter 3 - Chapter 1.3

Hindi na ako natutuwa sa iyo Wong Ming! Ang idamay ang ama ko sa usapin natin ay isang malaking pagkakamali na ginawa mo. Mukhang lumalaban ka na ata porket nasa teritoryo ka ng ama mo!" Seryosong saad ni Wong Xianliang habang galit na galit na ito dahil kukang na lang ay bubuga ito ng naglalagablab na apoy upang tustahin si Wong Ming.

"Bring it on Wong Xianliang. Hindi ako natatakot sa isang katulad mo. Ngayon pang mukhang napakahina at nauungusan na kita!" Nakangising sambit ni Wong Ming sa mapanghamong boses nito. Halatang handa na siyang labanan ang isang katulad ni Wong Xianliang.

"Kung yan ang gusto mo Wong Ming. Hindi ako magpipigil upang turuan ka ng leksyong dapat mong matutunan!" Galit na galit na saad ni Wong Xianliang habang kitang-kita ang namumula nitong mula lalo na ang pares ng mga mata nito. He really pissed off right now at ang labanan ang katulad ni Wong Ming ang gusto niyamg mangyari ngayon din.

Isang malaking espada ang lumitaw sa ere malapit sa uluhan ni Wong Xianliang. Kitang-kita kung gaano ito kahaba at katalas lalo na't natatamaan ito ng sinag ng araw. Walang gusto itong ipabatid kundi gusto nitong mangyaring mapinsala si Wong Ming dahil sa kapalaluan nito.

Agad na hinawakan ni Wong Xianliang ang espadang pagmamay-ari niya lalo na at kating-kati na siyang gamitin ito laban kay Wong Ming na patuloy na minamaliit siya lalo na ang kakayahang meron siya.

Agad na nagliwanag ng napakalakas ang espadang pagmamay-ari ni Wong Xianliang at kapansin-pansin na nagsasagawa ito ng martial arts skill.

Skill: Nine Sword Shots!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano naisagawa ng pulido ni Wong Ming ang isa sa mga tanyag at malalakas na sword skill nito at isa na rito ang Nine Sword Shots.

Bigla na lamang humulma ang siyam na espadang kahawig sa hawak-hawak ni Wong Ming na espada habang makikitang magkakaiba ang direksyon kung saan ito nakatutok.

Imbes na mabahala ay napangiti na lamang ng malademonyo si Wong Ming sa sariling kagagawan ni Wong Xianliang. Alam niyang makakaya niyang magawan ng pamamaraan ang simpleng atake nito.

Lumitaw sa kamay ni Wong Ming ang isang black stick. Walang talim ang nasabing sandatang ito ngunit ito ang pangunahing sandatang meron siya.

Hindi pa tukoy kung anong klaseng metal gawa ang black stick na siyang pangunahing bagay na ginagamit niya sa pag-eensayo at pakikipaglaban kung maglalakbay siya sa mga napakadelikadong lugar dito sa Golden Crane City.

Batid niyang kakaiba nga ang sandatang meron siya ngunit kahit ganito ang itsura ng sandatang meron siya sa kasalukuyan ay higit naman na nailalabas niya ang lakas niya sa pakikipaglaban dahil dito.

Galing pa kasi ito sa ninuno ng ina ng ama-amahan niya na si Wong Bengwin. Hindi naman ito ginagamit ng ama niya at pinangdi-display lamang ito sa loob ng training room. Wala siyang alam sa mahahalagang impormasyon patungkol rito lalo na at ni minsan ay hindi ito pinagkainteresan ng ama-amahan niya.

Gumalaw ang siyam na mga sword clones sa ere patungo kay Wong Ming at kitang-kita kung paano ito naging mapangwasak nang bumagsak ito sa lupang kinatatayuan ni Wong Ming sa mga oras na ito.

Wong Ming became aware or conscious about those sword clones nang makita niyang wala ng hinahawakang espada si Wong Xianliang na nagpapahiwatig na isa sa mga sword clones ay tunay ang mga ito.

TAH! TAH! TAH!

Mabilis na nagpapalipat-lipat ng direksyon si Wong Ming lalo na at ayaw niyang masugatan ng sword clones dahil ang isa sa mga ito ay ang espadang pagmamay-ari ni Wong Xianliang.

Ang espadang hawak-hawak at nasa pangangalaga nito ay tinatawag na Fatal Sword. Hindi biro ang magagawa ng espadang pagmamay-ari ni Wong Xianliang dahil it can inflict a fatal damage kahit na mahawakan mo lamang ang anumang parte ng talim ng espadang ito.

Ngunit kung gaano ito kadelikado ay mayroon din itong malaking disadvantage dahil malakas magcomsume ng essence energy ang sinumang gagamit nito.

Shooo! Shhooo! Shhoo!

Sunod-sunod na pagbulusok ng mga shadow clone ang nakita ni Wong Ming patungo sa kaniya dahilan upang mapaatras at magsagawa ng mabilisan ng martial arts skill na meron siya.

Skill: Weigthless Mountains!

Bigla na lamang nagliwanag ang hawak na mahabang Black Stick si Wong Ming at naramdaman nito ang biglang pagkawala ng bigat nito dahilan upang mabilis na naiwasiwas ni Wong Ming ang gamit nitong sandata.

BANG! BANG! BANG!

Walang nakaligtas sa bilis ng pag-ikot at pagsangga ni Wong Ming gamit ang mahabang black stick dahilan upang magtalsikan at sumabog ang mga sword clones.

Ngunit nang magsalpukan ang dalawang metal na sandatang bagay na mismong sandata ni Wong Xianliang na espada at ang mahabang black stick ni Wong Ming ay nagkaroon ng problema si Wong Ming

BANG!

Malakas na tumalsik si Wong Ming dahil hindi nito inaasahang dumaloy ang sobrang lakas mula sa espadang pagmamay-ari ni Wong Xianliang sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam niya ay tinutulak niya ang isang di matibag-tibag na pader.

Mabilis namang tumayo si Wong Ming mula sa pagkakatilapon. Buti na lamang at hindi malala ang lagay niya.

Talaga ngang kakaiba ang Fatal Sword na pagmamay-ari ni Wong Xianliang. Ngayon lamang napatunayan ni Wong Ming na totoo ang sinasabi ng ama niyang si Wong Bengwin patungkol sa taglay na katangian ng Fatal Sword.

Pinaniniwalaang galing pa ito sa mga ninuno ng Royal Families dito sa Golden Crane City. Kakaiba ang nasabing espada dahil mahabang panahon na itong isinalin-salin lalo na sa magmamana ng espadang ito ngunit isa lamang ang Fatal Sword sa marami pang sandatang meron ang Royal Families na siyang maingat na pini-preserba at ibibigay sa mga karapat-dapat na magmay-ari nito sa hinaharap.

Kung tutuusin ay ang Fatal Sword ang pinakamahinang espadang pagmamay-ari ng mga martial arts experts na nabibilang lamang sa pamilya ni Wong Tingguang na ama ni Wong Xianliang. It is rumored na ninakaw lamang ito ng kalolohan ni Wong Tingguang ngunit wala pa ring konkretong ebidensiya patungkol dito.

Nahahati sa apat ang lebel ang mga sandata o kagamitan. Ito ay ang Huang, Xuan, Di at Tian. Ang bawat lebel ng mga kagamitan ay mayroong sampong grade (ex. 1st Huang Grade, 2nd Huang Grade... up to 10th Huang Grade).

Masasabi ni Wong Ming na ang hawak ni Xianliang na Fatal Sword ay nasa  5th Huang Grade, passing above human made weapons capable of killing ordinary martial arts experts easily in a battle.