Chereads / Immortal Destroyer [Volume 8] / Chapter 6 - Chapter 1.6

Chapter 6 - Chapter 1.6

"Mukhang nagsasabi ka naman ng totoo Wong Xianliang kaya hindi na namin ito papalaliman lalo na at wala rin naman kaming personal na galit sa ginagawa niyo ngunit masyado ring marahas ang ginawa mo sa anak ni Head Chief Bengwin." Seryosong sambit ni Elder Huiqing habang makikitang gudto nitong i-emphasize ang huling katagang binanggit nito lalo na at malaki ang naging dulot ng pinsalang natamo ng anak ni Wong Bengwin na si Wong Ming.

Natural lamang na magalit ito lalo na nag mag-alala sa kalagayan ng anak-anakan nito ngunit bilang isa sa mga elder ay hindi niya rin gustong mapasama pa lalo ang sitwasyon at hayaang magpadalos-dalos lamang ng desisyon si Head Chief Bengwin dahil lamang sa pangyayaring ito na sangkot ang anak nito maging ang anak ni Wong Jianguo.

Puro problema na nga ang kinakaharap nila ay mas lalong madagdagan kung pagtutuunan pa ng pansin ang away ng mga binatang ito na sina Wong Xianliang at Wong Ming.

May inis mang nararamdaman si Wong Bengwin sa pesteng mag-amang ito na sina Wong Jianguo at Wong Xianliang ay pinilit niya lamang ang kaniyang sariling wag magpaapekto sa naramdaman niyang emosyon. Pinili niya lamang na wag kumibo sa mga ito at pigilan ang sariling makagawa ng hindi kaaya-aya sa mga ito.

Napagtanto niyang tama nga naman ang sinabi ni Elder Huiqing na hindi na dapat ito palakihin pa at mas piliin na lamang ang makakabuti sa lahat.

Umaliwalas naman ang mukha ng mag-amang Wong Jianguo at Wong Xianliang na kapwa nagkatinginan pa na animo'y ikinatuwa ang desisyon ng mga elders na saksi sa pangyayaring ito.

"Maraming Salamat Elders lalo na sa iyo Elder Huiqing. Tatanawin ko itong malaking pabor upang hindi maparusahan ng malala ang aking anak. Ipinapangako kong hindi na gagawa ng anumang gulo ang sarili kong anak o tatapak pa sa lupang pagmamay-ari niyo." Seryosong sambit ni Wong Jianguo habang makikita ang magalang na tono ng pananalita nito na animo'y hindi ito gagawa ng anumang gulo sa hinaharap. Even the elders are convince to what he is saying right now.

"Mabuti naman kung gayon. Mula sa araw na ito ay ipinagbabawal na ang anumang uri ng pagpapakita mo ng presensya rito Wong Xianliang. Hindi kami natutuwa sa ginawa maging ang mismong si Head Chief Bengwin. Nawa'y matuto kang dumistansya sa mga bagay na ikapapahamak mo." Seryosong wika ni Elder Huiqing habang sinasabi ang mga katagang ito. He knows that Wong Xianliang is really not a playful one bagkus ay nakakasakit na ito. Hindi tino-tolerate ang karahasan sa loob ng Wong Family lalo na sa Golden Crane City.

"Kung inyong mamarapatin ay aalis na kami sa lugar na ito lalo na at mukhang kasalanan ng anak ko ang lahat ng bagay na nangyayari na ito. Sadyang nahuli lamang ako ng dating rito kagaya niyo at hindi ko aakalaing magagawa ito ng anak ko." Sambit ni Wong Jianguo habang nakayuko. Gusto niyong hilingin ang senyales na pwede na silang umalis sa lugar na ito.

"Pwede na kayong umalis sa lugar na ito Wong Jianguo. Sana ay hindi na maulit ang pangyayaring ito dahil hindi ito magandang senyales para sa susunod na henerasyon. Magiging di kaaya-aya itong tingnan para sa lahat." Sambit ng matandang lalaking si Elder Huiqing bilang panghuling pambungad para sa kaganapang ito. Hindi na rin niya dapat pang pahabain pa ito lalo na at mukhang wala na rin silang dapat pang pag-usapan pa.

Mabilis namang naglaho ang presensya ng mag-amang sina Wong Jianguo at Wong Xianliang sa lugar na ito.

Nakita naman ni Elder Huiqing ang lungkot at inis sa mga mata ni Wong Bingwen lalo pa at makikitang gusto nitong makuha ang hustisya ng anak niya laban sa anak ni Wong Jianguo na si Wong Xianliang.

Malalim na napabuntong-hininga na lamang si Wong Bengwin sa hangin lalo na at kitang-kita ang lungkot sa mga mata nito sa sinapit ng anak niyang si Wong Ming.

Kahit na kalat na sa lahat na kinupkop lamang niya si Wong Ming apat na taon mula ng nakalilipas ay kitang-kita niya kung paano itong determinadong nag-ensayo at nagpursiging patunayan ang sarili nito sa kaniya maging sa buong Golden Crane City ay lubos na niya itong ikinagagalak.

Bilang ama at tumatayong iisang taong nagkupkop kay Wong Ming ay masasabi niyang hindi kailanman naghangad ng labis na request sa anumang bagay ang nasabing binata na lubos na niyang ipinagpapasalamat.

Lahat ng bagay na kinakailangan nito ay mabilis niyang tinutupad dahil napamahal na rin siya sa batang yagit noon ngunit ngayon ay binatang-binata na talaga. Ewan ba niya ngunit seeing Wong Ming unconscious makes his anger and blood boiled. Ramdam niya ang tawag ng pagiging ama nito sa binata.

Naiisip niya minsan kung bibitiwan niya ang mga bagay na ito ay magiging maayos naman ang lahat ngunit hindi eh, nakaasa ang lahat sa magagawa niya. Hindi niya maaaring ibigay lamang ng basta-basta na lamang ang posisyong ito na nakaatang sa mga balikat niya.

Mabilis namang napabalik sa reyalidad si Head Chief Bengwin nang marinig niya ang boses sa likurang bahagi niya lamang.

"Head Chief Bengwin, okay ka lang ba? Mukhang malalim ata ang iniisip mo." Nag-aalalang wika ng matandang lalaking si Elder Huiqing. Makikita sa kulubot nitong balat ang pag-aalala sa kanilang Head Chief na nasaksihan nilang lumaki ito sa malaking pamilya Wong na ito.

"Ahh ehhh ---Okay lang ako Elder Huiqing. Sadyang marami lang talaga akong inaalala lalo pa't maraming bagay akong dapat na intindihin." Sambit ni Head Chief Bengwin habang makikitang mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Ganon ba Head Chief? Nawa'y makatulong kaming mga elders sa iyong gagawing mga pasya. Huwag kang mahihiyang magtanong sa amin ng maaari mong maging suliranin sa hinaharap." Seryosong turan ni Elder Huiqing habang kitang-kita naman na nagkatinginan pa ang iba pang elders.

"Tama si Elder Huiqing, wag mong sarilinin ang mabigat na mga problema mo Head Chief Bengwin. Sa tulong at gabay namin ay tiyak kaming di ka magkakamali sa iyong mga pasya." Sambit ng isang elder na halos kaedaran lamang ni Elder Huiqing ngunit kakikitaan ng pagka-inferior sa nasabing matandang si Elder Huiqing.

Tila sumang-ayon na rin ang iba pang elders at kapwa nagkatinginan pa ant mga ito bago lisanin ang lugar na ito. Hindi maipagkakailang naramdaman ni Head Chief Bengwin na mayroon pa ring mga nilalang na handang tulungan siya sa pamamahala ng buong Wong Family sa loob ng Golden Crane City.