"Kahit ano pa ang sabihin mo binata. Ikaw at ikaw pa rin si Li Xiaolong o ang Little Devil na kilala ng lahat. Tanging memorya mo lamang ang nawala ngunit alam kong ikaw pa rin iyan. May puso ka pa rin kagaya ng batang kakilala ko." Puno ng kaseryusohang sambit ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida. Masasabing ang mga mata nito ay naging malamlam at ipahiwatig na andiyan pa rin ang Li Xiaolong na kilala niya. Ang batang bubwit na curious sa mga bagay patungkol sa mas malaki o malawak na mundong ginagalawan nito na hindi sukat akalain ng lahat.
Hindi naman nagpadaig si Wong Ming sa sinabi ng magandang babaeng nakasuot ng puting bestida na nakatingin pa rin sa kaniyang gawi at nagsalita ito pabalik sa nasabing binibini.
"Kanina ay Li Xiaolong lamang ngunit ngayon ay may palayaw pa ang nilalang na napagkamalan mong ako? Anong akala mo sa akin ay uto-uto? Ako si Wong Ming at hindi na magbabago iyon. Pare-parehas lamang kayong lahat, gusto niyo lamang na paulit-ulit ako at ang aking ama na utuin para sa mga sarili niyong interes. Wala na bang bagong pakulo para maniwala naman ako sa pinagsasabi niyo?!" Tila may pagkasuklam na sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na pagod na itong maniwala sa mga kasinungalingan ng mga taong gusto lamang ay pansariling interes ng mga ito at hindi ang katotohanang gusto niyang malaman o makamit.
Tila nagulat naman ang magandang babaeng nasa hindi kalayuan dahil sa sagot ng batang minsang nangarap ng kalakasan ngunit ngayon ay tila uhaw sa katotohanan. Ngayon ay masasabi niyang maraming nagbago sa loob ng ilang taon nitong pagkawala ng mga memorya nito.
Isa pa sa napansin niya ay ibang siyudad ang tinutukoy nito. Minsan na rin niyang naalala ang siyudad na tinutukoy ng batang si Li Xiaolong ar iyon ay ang Dou City habang napapalibutan ito ng apat na kaharian ngunit sa huling impormasyong nalaman niya ay malaki ang pagbabagong meron ito at naging matiwasay ang pamumuhay nito.
"Isa lamang ang maaari mong gawin Li Xiaolong este Wong Ming at iyon ay ang tuklasin ang totoong pagkatao maging ang iyong masalimuot na nakaraang pinagmulan. Tingnan natin kung hindi ka maniniwala at magugulat sa maaari mong matuklasan. Gugustuhin mo bang malaman ang iyong nakaraan o magiging mistulang bulag ka lamang na tatahak sa iyong kasalukuyan maging sa iyong hinaharap?!" Makahulugang wika ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang nakatanaw sa pigura ni Wong Ming ngunit alam niyang ito ang tunay na Li Xiaolong o ang Little Devil na nagmula sa angkan ng mga Li, ang batang minsang nangarap na lumakas ngunit ngayon ay tunay na malakas na nga ito sa hindi niya inaasahang muling pagkikita nila.
Siguradong magugulat ang sinuman sa aking lakas at kaamuhan ng mukha ng nasabing binatang nasa harapan niya. Ang uhuging batang nagngangalang Li Xiaolong o kilala sa palayaw nitong Little Devil na nanguna sa Trial Ranking ng Cosmic Dragon Institute ngunit naging dahilan ng huling pagkakita at tuluyang pagkawala nito sa loob ng siyudad ng Dou City.
Kung paano ito nangyari ay isa pa rin itong palaisipan lalo na at hindi rin niya alam kung paano nga rin siya napunta sa nasabing siyudad na hindi naman siya taga-doon at wala na siyang nasagap na balita o impormasyon patungkol sa lagay ng Tang Empire kung nawasak na ba ang nasabing imperyo o nakaligtas ito sa hagupit ng nakaraan at patuloy na nag-eexist?! Only Li Xiaolong could help her ngunit ngayong problemado ito at uhaw rin sa katotohanan ay mas mainam na unahin niya o nila ang paghanap nito sa totoong pagkatao at pinagmulan nito bago siya magsimulang makipagtulungan para sa katotohanang meron siya.
Ngayon ay naiintindihan niya rin ang kalagayan o sitwasyong kinakaharap ni Li Xiaolong este ni Wong Ming dahil danas na danas na niya ang ganitong senaryo noong kakagising niya pa lamang sa mahimbing na pagkakatulog.
"Paano ko naman tutuklasin ang aking nakaraan kung hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Paano ako magtitiwala sa iyo kung wala akong dahilan na pagkatiwalaan ka? Nasasabi mo lamang iyan dahil wala ka sa sitwasyong kinaroroonan ko!" Seryosong sambit ni Wong Ming ngunit makikita ang labis na kalungkutan sa mga mata nito. Hindi niya ugaling manigaw o sumbatan ang sinunan ngunit pakiramdam niya ay may malaking puwang sa puso't isipan niya na gustong matuklasan ang kaniyang nakaraang buhay, kung may pamilya ba siyang hinihintay siya sa kung saan mang lugar nasaan siya at marami pang iba. He wants the truth and only the truth could make him recognize himself to move forward without hesitations.
Dumating talaga sa buhay niya na isipin kung saan ba talaga siya nabibilang. He feels like his father only wants to keep him by his side pero isinisigaw ng puso't isipan niya na hindi siya nababagay rito, sa mundong ginagalawan ng ama niyang si Wong Bengwin.
Namuhay man siya ng masagana ngunit he feels like not for himself o hindi siya ito. Parang pinipilit niya ang sarili niya sa ganitong klaseng pamumuhay ngunit gusto niyang kumawala. Ewan ba niya, nitong nakaraang buwan ay tila ba napagtanto niyang hindi talaga siya nababagay sa maharlikhang pamumuhay ng mga aristokratang pamilya katulad ng Wong Family.
"Alam kong naguguluhan ka Wong Ming sa ngayon ngunit alam ng puso't isipan mo na gusto mong hanapin ang katotohanang minsan na ring ipinagkait at patuloy na hinahanap ko. Parehas lamang tayo ng sitwasyong kinakaharap ngunit sana ay pagkatiwalaan mo ako kahit ngayon lang. Hayaan mong tulungan kita upang makamit mo ang inaasam mong katotohanan." Seryosong sambit ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang nakatanaw sa pigura ni Wong Ming. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa binata habang may bahid ng lungkot ang mga mata nito.
Mabilis niyang ikinumpas ang kamay niya sa hangin at nakita na lamang ni Li Xiaolong ang pagliwanag ng bahagi sa bandang puso niya. Hindi niya mawari kung ano ito ngunit alam niyang hindi ito nagmumula sa mismong puso niya kundi iba pa.
"Bakit nagliliwanag ang kaliwang parte ng dibdib ko Binibini? Ano ang bagay na ito? Ano ang koneksyon ko sa iyo?!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita ang labis na pagkabahala at pagkataranta nito habang sinasabi ang mga katagang ito. Sino ba kssi ang mag-aakalang liliwanag na lamang bigla ang bahagi ng kaniyang dibdib sa hindi malamang dahilan.
There is something unusual for this matter at alam niyang gawa ito ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida na nakatingin ng matiim sa kaniyang sariling kinatatayuan.