Chereads / Am I In The Wrong Novel? / Chapter 4 - Gawan ng fanfiction

Chapter 4 - Gawan ng fanfiction

Naratnan niya ang kanyang Ate na nanonood ng romance fantasy drama na the last princess. Umupo siya sa tabi ng Ate at kinuha ang kanyang cellphone. Hinanap ang bagong season ng you're my miracle. Ilang sandali pa'y napaiyak na naman.

Ang bida sa season 1 ay si Sayuri at nakapokus sa kanya ang kwento. Sa season 2 naman, nakapokus ang kwento kina Sayuri at sa ikatlong prinsipe na si Prince Seo Yiu. Sa season 3 na ito, nagsisimula ang kwento sa villain ng season 1. Ang kwento ng ikalimang prinsipe. Ipinakita ang kanyang nakaraan na hindi nababasa sa season 1. At kung sino ang tunay na bida dito ay hindi pa nila alam. Dahil ang alam nila, ang ikalimang prinsipe ay isang kalaban sa season 1 at may tragic ending sa huli. Hindi nila maintindihan kung bakit lumabas na naman ito sa season 3 at kung siya ba ang magiging bida sa season na ito.

"Ate, ate. May kwento ang baby ko." Sumipa-sipa pa siya sa tuwa. "Siguro may pangalan na ang baby ko dito."

"Tapos kapag namatay pa rin siya diyan, iyak-iyak ka na naman. Magbasa ka nalang kaya ng nakakatuwang nobela hindi 'yong nakakaiyak. Ako nga e, tumigil na sa pagbabasa niyan matapos mamatay ni Raiden." Sagot ni Sufi.

Isa si Raiden sa mga extra na mamamatay sa kwento. At ang mas gusto sana ni Sufi na makatuluyan ng bidang babae.

"Bakit kasi ang no name prince lang ang binigyan ng side story? Di ba pwedeng lagyan din ng kwento si Raiden?" Dagdag pa ni Sufi.

"Wala kasing balak ang author na buhayin siya." Sagot ni Casmin at nilabasan ng dila ang Ate na nandidilat ngayon ng mata.

"Kapag di talaga niya bubuhayin muli si Raiden, iba-bash ko talaga ang author na iyan." Sambit niya. Maya-maya pa'y biglang tumawa dahil sa pinapanood.

"Mga walangyang gumawa ng palabas na ito. May ahas ba namang nakakalipad? Wala naman silang mga pakpak tapos makakalipad?" Sabay turo sa TV.

"E fiction nga iyan kaya wag mong ikumpara sa totoong buhay okay? Saka kung ayaw mong manood, palitan mo nalang iyang pinapanood mo." Sagot ni Casmin at inirapan ang Ate.

"Maganda ang plot ng kwento e. Makapagsalita ka ng gan'yan e ikaw nga panay reklamo mo sa takbo ng kwento ng you're my miracle pero paulit-ulit mo namang binabasa. Kulang nalang, i-memorize mo ang lahat ng mga salitang nababasa mo diyan."

Makikita ngayon sa screen ang isang dalagita na tumatakbo habang hinahabol ng isang dambuhalang dragon.

"Bakit kasi sisigaw siya? Dapat hindi siya mag-iingay para di mahuli. Sinabi pa nilang matalino daw ang bida e tatanga-tanga kaya at lalampa-lampa pa. Tapos mayroon siyang pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat ng mga gumaganap sa palabas na iyan tapos takbo lang ang kaya niyang gawin at palagi pang inililigtas ng iba? Ano ba iyang kapangyarihan niya pang dekorasyon lang?" Maya-maya'y reklamo ni Sufi habang patuloy pa rin sa panonood.

"Ikaw nalang kaya ang magiging direktor? Panay reklamo ka e. Sinadya nilang gawin iyan para naman masunod ang plot na gusto nila. Manood ka nalang, wag ng reklamo ng reklamo." Sagot din ni Casmin.

Maya-maya pa'y napatili si Sufi. "Kyaah! Tingnan mo Casmin. Ang gwapo ng bida. Oemgee! Mapapanaginipan ko na naman siya mamayang gabi nito. Ang gwapo talaga niya." Agad na umalis sa kinauupuan niya si Casmin dahil nakita niyang dumampot ng unan ang kanyang Ate na halatang ibabato na naman sa kanya na madalas nitong ginagawa kapag kinikilig.

Sobrang iniidolo ng kanyang Ate ang bidang lalaki sa pinapanood nitong palabas kaya nga kahit hindi niya gusto ang ilan sa mga eksena nanonood pa rin siya.

"Tingnan mo, sinalo niya si Faira. At nagkatitigan sila." Sambit ni Sufi habang nakahawak ng mahigpit sa unan ang isang kamay at ang isa naman kinakapa ang nalaglag na chichirya na naitapon niya kanina sa kilig.

"Kaya nga sinadya nilang madulas sa gusali ang bidang babae e para sasaluin ng bidang lalaki. Gan'yan naman talaga halos lahat ng mga napapanood natin. Kailangang lalampa-lampa ang mga bidang babae para masaklolohan ng mga herong lalaki. Di ka pa nasanay." Sagot ni Casmin at muli ng itinuon ang atensyon sa kanyang cellphone.

Binabasa niya ngayon ang eksena kung saan pinalayas sa palasyo ang ikalimang prinsipe matapos mamatay ang kanyang inang Reyna.

"Ganoon lang iyon? Pinalayas lang ni di man lang isinalaysay ang buong pangyayari para maintindihan ko naman?" Nagtagpo muli ang mga kilay ni Casmin habang nagpatuloy sa pagbabasa. Ngunit tila tumigil ang dugo niya makitang wala na palang kasunod ang binabasa niya.

Pinilit niyang i-scroll down ang binabasa niya sa screen ngunit "wait for the next update" talaga ang paulit-ulit na lalabas.

Tumigil ang kwento sa part na hinarang ng mga bandido ang sinasakyan ng ika-limang prinsipe.

"Author, hindi ka na talaga nakakatuwa." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Casmin.

"Baka nag-isip pa ng mga fighting scene ang author kaya tinigil na muna niya diyan banda." Sabi ni Sufi na nasa likuran na pala niya.

"Oo nga. Baka pinaghahandaan pa ng author kung ano ang isusulat sa fighting scene." Tumango-tangong sang-ayon ni Casmin.

"Oo, tapos papahirapan nilang lalo ang batang prinsipe diyan na siyang magiging dahilan kung bakit magiging villain siya paglaki." Sagot ni Sufi sabay ngiti ng nakakaloko.

Bigla namang namilog ang mga mata ni Casmin. "Hindi! Hindi pwede iyon."

"Tapos iyon gagawin nilang dahilan kung bakit dapat siyang mamatay sa original story." Dagdag pa ni Sufi.

"Hindi ako papayag. Nilagyan na niya ng sariling kwento si fifth prince tapos ipapatay pa rin niya? Kung ayaw niyang alagaan ang baby ko, ako nalang ang magpapalaki sa kanya." Naiiyak na sambit ni Casmin.

"Pinapapatay nga niya si Sayuri sa huli ang mga extra pa ba? Tandaan mo, may naka-tag na tragic sa story na iyan at hindi happy ending okay?"

Muling bumagsak ang mga balikat ni Casmin maalala na hindi nga pala mahilig sa happy ending ang author ng you're my miracle. Kung walang happy ending ang mga bida, ganoon din ang mga extra at mga kalaban.

"Mabubuhay muli si Sayuri sa season na ito. Tapos magkakaroon siya ng bagong story." Mariing sagot ni Casmin.

"Paano kung hindi?"

"Sabi ng author sa next season, babalik si Sayuri sa past at babaguhin ang kanyang buhay. Di mo ba nabasa, may naka-tag na regression sa bagong season ng you're my miracle." Sagot ni Casmin.

Nabasa kasi niya sa message board ni Seior na gagawa ito ng next season kung saan mabubuhay muli si Sayuri.

"Gawan mo nalang ng fanfic kung gusto mo. Wag mo nalang basahin ang kwento ni Seior kasi madidismaya ka lang." Sagot ni Sufi.

"Oo nga no? Gawan ko kaya ng fanfic? May ibang kwento siya di ba? Yung kwento nina Raiden sa The Last Protector? Gagawin kong the last keeper o ba kaya the last saintess." Sambit niya at napangiti habang iniisip na magkakaroon ng happy ending ang lahat ng bida sa kwento.

"Si Raiden, ipa-partner ko siya sa bunsong prinsesa ng Emeria. Tapos si Fifth prince makakatagpo siya ng misteryosong partner na siya palang goddess ng mundo nila. Lalagyan ko na din ng happy ever after sina Sayuri at Seo Yiu." She said and giggled.

"No way. Ako lang ang nababagay kay Raiden. His my baby, honey, malabobmalayp." Sagot ni Sufi.

"Ew... Di ka nababagay kay Raiden. Sa lahat ng mga character siya ang pinaka-mabait at bet ng lahat pero sa lahat ng mga protector mas bet ko si Skywill. Mas bagay siya sa'yo, cold siya, ikaw madaldal, maingay at mataray." Sagot naman ni Casmin.

Binato siya ng kanyang Ate ng unan dahil sa sinabi niya. Ngunit bigla itong natahimik at napaisip.

"Oo nga no. Si Skywill ang pinakagwapo sa lahat ng mga protector pero kunti lang ang kanyang eksena e. Saka dalawang beses lang siyang nagsalita sa season 1 kaya di ko siya gaanong napansin. Kundi ko nabasa ang manga version ng you're my miracle di ko maalala na may Skywill sa kwento." Sambit ni Sufi habang iniikot ang ligaw na buhok sa kanyang daliri.

"Mas gusto ko iyong manhua, mas cute ang pagkakaguhit nila sa mga character kaso nasa promo palang e." Sagot ni Casmin.

"Natatandaan ko si Skywill dahil ipinakita din sila sa you're my miracle at siya lang ang nagpatulo ng luha nang mamatay ang huling keeper na binabantayan nila. Ang cute ng keeper na iyon. Di ba pinsan iyon ni Siori? Nang mabuhay muli si Siori sa season 2 una niyang ipinaghiganti ang pagkamatay ng pinsan niya. Bubuhayin ko kaya ang pinsan niyang walang pangalan tapos gagamitin ko ang pangalan mo. Ayiieh. Ipa-partner ko siya kay Skywill." Sagot ni Casmin at humagikhik habang naiisip ang mga isusulat halatang mayroon ng naisip na plot.

"No way, si Raiden gusto ko."

"E di si Vill ipartner ko sa'yo. Gwapo din naman iyon." Umasim muli ang mukha ng Ate na binigyan naman niya ng nang-aasar na tingin.

"Alam mo nakakalito. Pinsan ni Siori ang keeper e di ba magkakambal sina Siori at Sayuri? Paano sila nagiging magpinsan? Sa mother side ba or sa father side?" Biglang tanong ni Sufi.

"Hindi na sinabi ang buong detalye. Nakatuon ang kwento sa point of view ng mga bida at hindi naman gaanong kailangan ang buong detalye ng mga extra di ba? Baka sa season 3 masasagot na lahat ng mga tanong natin?" Sagot naman ni Casmin.

Muli ng itinuon ni Sufi ang atensyon sa pinapanood na palabas. Bumalik naman si Casmin sa kanyang kwarto at kumuha ng ballpen at notebook.

Nagsimulang gawan ng kwento ang mga protector na extra lamang sa you're my miracle ngunit siyang main characters sa the last protector na isa rin sa mga kwento ni Seior na may tragic ending.

"Ano namang name ang gagamitin ko?"

"Nievill, turuan mo ng leksyon ang lokong iyan." Rinig niyang sigaw ng Ate mula sa labas. Maingay talaga ito kapag nanonood. Napabuga na lamang ng hangin si Casmin dahil hindi siya makapag-focus.

"Ah, alam ko na." Sambit niya nang may maisip.

Isinulat niya ang pangalan ng mga character sa the last princess drama, at sa dalawang nobela ni Seior na You're my miracle at the last protector.

Napangiti maisip kung sino-sino ang gagawin niyang mga kontrabida sa kwentong gagawin niya.

***