Chereads / Am I In The Wrong Novel? / Chapter 10 - System?

Chapter 10 - System?

"Sandali lang. Anong lugar na naman ba ito?"

May nakikita siyang dilaw at pulang dahon ng isang kahoy na katulad sa maple trees sa lupa.

"Walang maple tree sa bansa namin bakit meron dito?" Dumampot siya ng isa at tiningnang mabuti. Nakita niya ang kanyang anino.

"May anino na ako at nakikita ko na rin ang mga kamay ko." Natigilan siya makita ang isang paruparo na lumipad patungo sa kanya.

"Master." Tawag ng isang matinis na boses.

"Sino 'yon?" Tanong niya at hinanap ang nagsasalita ngunit maliban sa paruparo at sa kanya wala na siyang nakitang iba pa.

"Di kaya may nuno dito?" Sambit niya at napatakbo sa sa likuran ng isang malaking puno saka nagtago.

"Master, hindi ako nuno." Sabi muli ng matinis na boses at mukhang nasa gilid ng kanyang tainga.

Napalunok laway siya at dahan-dahang lumingon. Nakita niya ang paruparo na nakadapo sa kanyang balikat. Nagbabago ang kulay nito depende sa kanyang paligid at dahil kulay pink ang suot na pantulog ni Casmin, nagiging kulay pink rin ang paruparo.

"I-ikaw ba 'yong nagsasalita?" Nauutal niyang tanong.

"Opo Master."

"Aydyoskopo Mama." Sambit niya at napaupo sa sobrang gulat. Umatras-atras siya habang nakaupo.

"Wag po kayong matakot Master. Isa po akong system na tutulong sa inyo para sa inyong misyon."

"System? Misyon?"

Napakagat ng kuko si Casmin.

"Dahil siguro sa pagbabasa ko ng mga reincarnation stories at mga story na may system kaya napanaginipan ko ito ngayon?"

"Hindi po kayo nananaginip. Dinala ko po kayo dito Master. Isa ka sa napiling magliligtas sa mga taong may matrahedyang kapalaran. At ako ang iyong system na tutulong at gagabay sa'yo na siyang kasama mo sa pagsagawa ng misyon na ito."

"Ano bang misyon ang pinagsasabi mo? Hindi kita naiintindihan."

"Nanumpa po kayo sa Master System na babaguhin niyo ang buhay ng mga tao sa Sumeria. At dahil sa lakas ng loob mong tumulong at mukhang handa mong gawin ang lahat para makatulong, dininig ng Master system ang hiling niyo. Bibigyan ka niya ng pagkakataong baguhin ang nakatakdang kapalaran ng mga piniling Sumerian."

Nanumpa? Kailan pa ako nanumpa?

"Sumeria? Di ba iyan yung mundo sa kwento ng you're my miracle?" Napakagat siya sa labi habang iniisip kung kailan niya tinanggap ang misyong sinasabi ng paruparo.

"Dumalaw si Master System sa iyong panaginip at sinabi mo sa kanya ang lahat ng mga hinaing mo, dahil doon, binigyan ka niya ng pagkakataong baguhin ang buhay ng mga piniling Sumerian. Kapalit nito, may makukuha kang gantimpala sa bawat misyon na natatapos mo."

Isang transparent screen ang lumitaw sa tapat niya at may mga salitang nakasulat sa screen.

Name: Carmela Jasmin Montivero

Age: 16

Level: 1

System: System Butterfly

Characteristics: Playful, annoying, noisy, and funny.

Mission: Changing fate

Skill: Unidentified

Talent: Unidentified

Luck: -20

Points: 0

Bonus: 0

Coins: 0

Rewards: 0

"Characteristics mo ba lahat 'yan?"

"Sa'yo po iyan Master."

"Anong playful, annoying, noisy ka diyan? Iskam lahat ng 'yan. Burahin mo yan. Di ako yan. Saka wag mo na nga isulat ang buong pangalan ko. Casmin nalang kasi."

Agad namang nagbago ang nakasulat sa screen.

Name: Casmin

Age: 16

Level: 1

System: System Butterfly

Mission: Changing fate

Skill: Unidentified

Talent: Unidentified

Luck: -20

Points: 0

Bonus: 0

Coins: 0

Rewards: 0

"Ang points na makukuha niyo ay maaaring palitan ng coins. At ang coins na makukuha mo ay maaari mong i-withdraw sa tunay na buhay. Ngunit mangyayari lang iyon kapag naabot mo na ang level 20."

Napangiwi siya makitang negative 20 ang luck niya.

"Bakit negative 20 ang luck ko?"

"Dahil malas ka sa buhay. At maaari mong palitan ang kamalasan mo ng swerte kapag may matatapos kang misyon. Palitan mo ng luck points ang mga points na nakukuha mo para magkaroon ka ng luck. 50 points can be exchange to one luck point."

Muling nagliwanag ang mga mata ni Casmin sa narinig.

"Kapag totoo ito, ibig sabihin suswertehin na ako at baka magigising pa si Papa at matagpuan na si Ate. Paruparo, kailan ako magsisimula?"

"Paruparo? Iyan ba ang magiging pangalan ko Master?"

"Butterfly nalang. Butterfly, kailan ako magsisimula?"

"Ida-download ko na ang mga data, para malalaman mo na ang first task mo."

Downloading data...

"Ipapasa ko nalang sa cellphone mo ang data pero sa ngayon ia-arrange ko muna ang pagkakasunod ng mga task."

Nakarinig siya ng mga yabag na paparating.

"Wag kang babagal-bagal. Bilisan mo."  Hinanap niya ang pinagmulan ng boses. Nagtago siya sa likod ng malaking puno at sumilip.

Nakita niya ang tatlong lalaki na sinisipa ang isang bata.

Isang maliit na katawan ang gumagapang ngayon sa lupa.

"Iwan na natin dito, baka matuluyan pa yan." Sabi ng 9 years old na lalaki sa tatlo pang kasama.

"Oo nga. Mas mabuti pang hintayin na lamang natin na mamamatay siya sa gutom at uhaw sa lugar na ito. Sabihin nalang natin kay ama na hinabol tayo ng tigre at nahiwalay tayo sa kanya." Sagot ng dose anyos na lalaki at nagsialisan na sila.

"Mama." Naluluhang sambit ng bata na nahihirapang itayo ang katawan.

"Mga walangyang mga batang iyon. Inapi nila ang isang anim na taong gulang na bata?" Lumabas siya sa pinagtataguan at naglakad palapit sa batang nakadapa sa lupa.

Tutulungan na sana niya itong makatayo nang biglang sumulpot sa tapat niya ang paruparo.

"Master, kapag hinawakan mo ang mission target, hindi ka na makakabalik sa inyo maliban nalang kung matatapos mo ang misyon at posibleng hindi ka na magigising pang muli."

Napaatras siya sa narinig.

"Bakit di mo sinabi agad?"

Hindi siya maaaring hindi magising dahil siya nalang ang kasama ng kanyang ina. Kung pati siya ay mawawala, ano na lamang ang mangyayari sa kanyang ina.

Napatingin siya sa bata. Halos hindi na ito makagalaw.

"May ibang paraan ba para matulungan ko siya?"

"Maari kang bumili ng gamot sa system store. Kapag mataas na ang level mo, maaari ka ng magdala ng bagay mula sa mundo niyo papunta sa Sumeria ngunit dahil mababa pa lang ang level mo, ang maaari mo palang gawin ay ang bumili ng item sa system store."

Isang imahe bahay ang lumitaw. Makikita ang dalawang button sa ibaba nito.

Yes ang nakalagay sa isang green button at No naman sa red button. Pinindot niya ang yes.

Healing pill:₱10000

Healing rate : 101%

Attribute: Can heal any kind of injuries.

Bruise healer: ₱9999

Healing rate: 99%

Attribute: Can heal bruises. Big or severe wounds can't be healed.

Numbing pill: ₱9998

Numbing rate: 98%

Attribute: Can stop feeling pain within 1 day. Can't heal any injuries.

Nalula siya sa presyo kaya di na niya itinuloy ang pagbabasa dahil wala naman siyang pera.

"Seryoso ka ba sa presyo na ito Butterfly? Kulang nalang holdapan mo ako e."

"May mura naman po Master." Ini-scroll down niya ang screen at may nakitang mumurahing item si Casmin.

Mainyut plants leaves: ₱250 per leaf

Healing rate: 66%

Attribute: Bitter than bitter gourd. 1 leaf can heal minor injuries within 3 hours. Severe injuries need 10 leaves of mainyut plants.

Healing soup: ₱100

Healing rate: 56%

Attribute: Can heal minor injuries in an hour. Can relieved thirst and hunger. Severe injuries need 100 healing soup.

"Bukod sa healing soup, wala na akong ma-afford na iba."

Purchase or leave?

Pinindot niya ang purchase button.

Lumitaw sa tapat niya ang isang mangkok ng puting sabaw ni di niya alam kung anong ingredients meron dito.

Mayroon na siyang healing soup, ang problema kung paano niya ito mapapakain sa bata.

"Butterfly, sabi mo bawal ko siyang hawakan di ba? Pero hindi ko bawal hawakan ang ibang mga bagay di ba?"

"Oo nga no. Walang sinabing bawal kang humawak ng ibang bagay. Ang sinabi lang ay bawal hawakan ang target mission. Ang unang misyon mo ay palakasin ang immune system ng batang ito."

Napatingin si Casmin sa payat at napuno ng sugat na bata.

"Mukhang mahirap 'yan. Malala ang sugat niya e tapos patpatin pa siya."

Pinilit ng bata na makatayo. Ngunit nahihirapan siya. Nakakita siya ng sanga ng kahoy na nakatayo sa ere. Hinawakan niya iyon at ginawang gabay para makatayo.

Ilang sandali pa'y napatingin siya sa putol na sanga. Nagtataka kung paano siya nito natulungan sa pagtayo e putol nga pala ito. Napalingon-lingon siya sa paligid at hinanap kung may naglagay ba sa putol ng kahoy sa tapat niya kanina ngunit wala siyang ibang makitang tao bukod sa kanya.

Kumalam ang kanyang sikmura nang makaamoy ng kakaiba. Naramdaman niyang bigla ang matinding gutom. Hinanap agad ang pinagmulan ng amoy at nakita ang isang mangkok na may umuusok na sabaw sa lupa. At dahil gutom na gutom siya, hindi na niya inisip kung ano man ito. Agad niya itong kinuha at hinigop.

"Dahan-dahan lang. Baka mapaso ka." Sabi ni Casmin ngunit hindi siya narinig ng bata.

Ilang sandali pa'y naubos na ang sabay. Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ng bata at unti-unting naghilom ang ilang maliliit niyang mga sugat. Nawala na rin ang nararamdamang matinding uhaw at gutom.

"Maraming salamat po." Usal ng bata habang nakatingala sa langit.

Tumalon naman ang puso ni Casmin makita ang kabuuan ng mukha ng bata.

"Ang cute-cute niya. Butterfly, maaari ko ba siyang iuwi sa bahay?"

"Maaari kapag narating mo ang 1000 luck. Makakagawa ka ng portal mula sa mundong ito papunta sa mundo niyo."

"Wa-wantawsan luck? Baka patay na ako niyan e. Wantawsan luck talaga ibig sabihin kailangan ko ng 50,000 points? Di ba pwedeng 100 points lang? Bakit luck pa?"

"Dahil depende kung suswertehin ka ba o hindi. Marami ka pang hindi maaaring gawin dahil posibleng mamalasin ka lang sa liit ba naman ng luck mo."

"Hindi lang maliit, negative. Negative. Magbibigay ka na nga lang ng luck negative pa."

"Maliban sa determinasyon mong baguhin ang buhay ng mga unlucky Sumerian, isa sa rason kung bakit ka napili ng Master system dahil para mabago ang luck mo. Mas mababa pa kasi ang level ng luck mo sa luck level ng mga unlucky Sumerian na gusto mong tulungan. Kapag may matutulungan ka sa mundong ito, tataas din ang level ng luck mo."

Magtatanong pa sanang muli si Casmin ngunit tila may humila na sa kanya.

Napatakip siya sa tainga dahil sa ingay ng ringtone ng kanyang cellphone.

Pipikit-pikit pa ang kanyang mga mata nang damputin ito.

"Buti sinagot mo na. Kanina pa ako tumatawag sa'yo e." Sabi ni Belle sa kabilang linya.

"Bakit ba?"

"Sabi na e, hindi ka maagang nagising dahil nagpuyat ka kagabi."

"Maaga akong natulog no."

"Maaga kang natulog e sino ang nag-update sa The Last Keeper?"

Kumunot ang kanyang noo. Nang mawala ang kanyang Ate hindi na niya tinitingnan muli ang kwentong sinulat niya. Nakikita niya ito minsan kapag pinapakita ni Belle sa kanya ang mga pagbabago sa kwento.

Sa halip na nasa third person's point of view ang kwento at nakapokus kina Queency, Skywill at Raiden, ngayon naman nakapokus na ito sa bagong karakter na si Sufiah, at nasa first person point of view na.

Malayong-malayo ang pag-uugali ng Sufiah na ito sa ugali ng kanyang Ate Sufi. Higit sa lahat, matakutin si Sufiah na ibang-iba sa Ate niyang matapang.

"Kung sino mang nag-hack sa account kong ito, ano ba ang purpose niya maliban sa baguhin ang plot ng aking ginawang kwento? Isa ba siya sa mga haters ko?" Sambit niya sa isip. Marami na ang nagbago sa kwentong isinulat niya kahit hindi naman niya ito binago.

"Huy, nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Huhulihin ba natin ang kumuha sa account mo?"

"Wag na. Naging mas exciting pa nga ang kwento e. Ginanahan na tuloy akong magbasa. Mas maganda na 'to dahil may iba na akong mababasa bukod sa you're my miracle series."

Natutuwa siya na may nag-edit sa kanyang kwento at wala siyang pakialam kung kukunin man ng editor na ito ang kwento niya. Ang mahalaga sa kanya ay may mababasa siya at mas nagiging exciting pa ang kwento dahil biglang nagbago ang takbo nito.

"Pero sayo parin ang kwentong iyon."

"Ayaw mo niyan? May free professional editor na ako?"

"Ay, ewan ko sa'yo. Bahala ka nga diyan. Mabuti pang mag-take note na lamang ako dito."

Ibinaba na rin nito ang tawag. Si Casmin naman nagluto na ng pagkain para madala sa hospital. Ayaw kasi ng ina na walang magbabantay sa kanyang ama. Baka raw magigising itong bigla at magkataong wala sila kaya naman salitan sila ng ina sa pagbabantay kay Carlos.

Napabuntong-hininga si Casmin. Sa araw, nagtatrabaho ang kanyang ina at sa gabi naman, natutulog ito sa hospital. Hindi ito aalis sa hospital hangga't hindi darating si Casmin.

"Master."

Halos mapatalon si Casmin nang magsalita sa isip niya ang system.

Tiningnan niya ang paligid. Nasa kusina siya at wala sa ibang lugar.

"Wag mong sabihing nasa panaginip pa rin ako?"

"Master, hindi po kayo nananaginip."

"Kung hindi e bakit naririnig kita sa ulo ko?" Tanong niya habang hinahanap pa rin sa paligid ang pinagmulan ng boses.

***