"Maari na kitang makausap kahit hindi sa panaginip dahil nasa level 2 na kayo. Tingnan niyo po ang cellphone niyo."
Kinuha ni Casmin ang kanyang cellphone at may mga notification siyang natanggap na di pa nabubuksan.
Binuksan niya ito.
"Ang cellphone ang magiging object para makikita mo ang mga nangyayari sa mga taong dapat mong protektahan at tulungan. Kapag nandito ka sa mundong ito."
Napangiti si Casmin makitang -10 nalang ang luck na meron siya. At mayroon na siyang 15 points.
"Maari mo ring tingnan ang health status ng mission target mo."
Tiningnan niya ang profile ng mission target.
Name: Abandoned kid
Age: 7
"Seven? E ang liit-liit niya e. Kala ko 5 palang siya."
"Dalawang taon na ang nakalipas magmula noong iligtas mo siya."
"Ilang araw pa lamang iyon a dalawang taon na agad?"
"Mas mabilis ang oras sa Sumeria kumpara dito Master."
"Hindi ba't nasa palasyo siya, paano siya napunta sa lugar na iyon?"
"Matapos silang atakehin ng mga bandido, nailigtas sila ng isang nobleman. Nagkagusto ang nobleman na ito sa kanyang ina kaya dinala sila nito sa tahanan niya at inampon siya. Kaya lang, hindi maganda ang buhay nila sa tahanang iyon dahil may dalawa pang asawa ang nobleman at may mga anak ding hindi nagustuhan ang pag-ampon sa kanya."
Ting! Mission triggered. The system detected that your heart wants to save the targets mother, therefore the system give you a special mission. Save his mother and you will be rewarded.
Napakurap-kurap si Casmin dahil sa bigla nalang narinig sa kanyang utak. Hindi kaboses ni Butterfly at di niya mawari kung boses babae ba o boses lalake.
Napatingin siya sa status ng batang ililigtas niya.
Gained Characteristics: Perseverance.
Health: 15
Skill: hiding
Luck: 10
"Kahit ganoon ang buhay niya, may 10 luck siya. Bakit sa akin negative? Tapos bakit may gained characteristics siya?"
"Ang gained characteristics, ay ang mga katangiang natutunan at nakuha niya dahil sa mga karanasan niya sa buhay."
"E bakit sa akin annoying?"
"Innate characteristic mo na kasi iyon Master. Wag kang mag-alala, magkakaroon ka rin ng gained characteristics habang tumatagal. May ten luck siya kaya hindi siya namatay kahit ilang beses ng nalagay sa panganib ang kanyang buhay. At isa na sa luck niya ay ang makuha ang iyong simpatya at tulong."
"Nagiging negative ang luck na meron ka sa ngayon dahil sa nangyari sa iyong pamilya. Ang luck ay nakukuha rin depende sa mga taong nakapaligid sa'yo at nakakasalamuha mo. Ang iba ay magbibigay ng bad luck ang iba naman ay good luck. Minsan naman depende sa pasya mo at sa mga bagay na ginawa at gagawin mo. Tulad ngayon."
"Anong tulad ngayon?" Nanlaki ang kanyang mga mata makaamoy ng amoy sunod.
"Yung niluluto ko." Halos mapasigaw siya maalala ang kanyang niluluto. Napangiwi siya makita ang sinaing na kanin na kasing itim na ng uling.
"Butterfly, ngayon nalaman ko na. Na bad luck ka sa buhay ko. Kaya wag mo akong dinidisturbo kapag may ginagawa ako."
Natahimik na lamang si Butterfly at napatago sa sulok ng espasyo kung saan siya nananatili kapag hindi niya kinakausap si Casmin.
"Sorry Master. Nakalimutan kong ipaalala sa'yo ang sinaing mo." Sambit niya at di na muli pang nagsalita.
Naawa naman agad si Casmin dahil dama niya sa boses ni Butterfly na taos-pusong paghingi nito ng tawad. Ngunit dahil abala na siyang muli, nawala na sa isip niya si Butterfly.
Habang nagsasalin ng bigas sa isa pang kaldero, napansin niyang may mga plus 1 siyang nakikita sa peripheral vision niya. Napaangat siya ng tingin at nakita ang nagliparang plus 1.
"1+,1+,1+..."
"Butterfly, bakit may mga nakikita akong kulay green na 1 plus?"
Nagliwanag muli ang mga mata ni Butterfly dahil kinausap siyang muli ni Casmin.
"Master, dahil nang ma-unlock niyo ang special mission, nabuksan rin po ang isa sa source of points niyo. Iyon ay ang daily activities. Kapag po kikilos kayo o magtatrabaho, hangga't hindi kayo nagpapahinga, may mga points kayong makukuha. Nakadepende po ang makukuha niyong points sa mga trabahong gagawin niyo."
Dahil sa narinig, biglang sumigla si Casmin at bumilis pa ang kanyang pagkilos.
Nagprito na rin siya ng isda at nagluto ng ginisang gulay. Inilagay niya ang mga ito sa baunan.
Bago pumunta sa hospital, tiningnan niya ang kanyang points at nakitang mayroon na siyang 119 points.
"Butterfly, ano ang makukuha ko sa 119 points?"
"Isang low level skill book. Pwede ring isang mumurahing sapatos."
"Walang gamot? Gamot makakatulong kina..." Napatigil siya maalalang hindi nga pala niya alam ang pangalan ng bata at sa ina nito.
"Ano nga ulit ang pangalan ng mag-ina Butterfly?" Tanong niya sa system ngunit di na ito sumagot.
Bigla na lamang itong nawala. Naglakad na siya papunta sa kalsada at naghintay ng masasakyan.
***
Pagdating niya sa hospital nakita niya ang kanyang ina na kanina pa pala naghihintay sa kanya. Napakunot ang kanyang noo makita sa itaas ng ulo ng kanyang ina ang health bar. May 48% health bar ang ina.
Napatingin siya sa ama at nakitang may health bar din ito katulad sa ina. Nasa 50% ang health bar nito. Kinusot niya ang mga mata.
"Namamalikmata yata ako." Ngunit ganoon pa rin ang kanyang nakita.
"Bakit parang HP na nakikita ko sa game itong nakikita ko sa tuktok ng mga ulo nina Mama? Am I still dreaming or sadyang napasok ako sa game?" Kinabahan siya maisip na nasa game lang siya at mga karakter lamang sila sa laro. Kinurot niya ang sarili ngunit napangiwi nang makaramdam ng sakit.
"Bantayan mo ang Papa mo." Sabi ng kanyang ina bago lumabas.
Bago tuluyang maglaho sa paningin niya ang ina, nakita niya ring may 10 luck ito.
Tiningnan niyang muli ang ama at nakitang 39% nalang ang HP nito. Hanggang sa naging 38%, 37%,35%,34% at tumigil sa 30%.
"What? Pababa ng pababa ang HP niya? Bakit kaya?"
Mula sa 30% umakyat na naman sa 58%. Nakahinga naman siya ng maluwag makitang mas tumaas ang porsyento ng health bar ng ama.
"Pagod lang siguro ako, kaya kung anu-ano na ang nakikita ko."
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan kung ano na ang nangyayari sa batang binabantayan niya.
Sa pagkakataong ito, nakabalik na si Seo Yan sa abandoned house kung saan siya pinatira. Gusto niyang pumunta sa main house kung saan ang kanyang ina ngunit sasaktan lamang siya ng mga alipin o ba kaya ng mga anak ng nobleman na si Tsung Yung Jo, kapag nakita siya ng mga ito.
Umakyat si Seo Yan sa lumang papag at binaluktot ang katawan upang matulog. Ilang oras din siyang naglakad pababa ng bundok kanina kaya pagod na pagod siya ng dumating. Malamig ang panahon sa lugar na ito ngunit wala man lang siyang kahit isang kumot. Iyon ay dahil tinapon ng magkapatid na Tsung.
"Three lang ang HP? Kulay red pa. Danger ba ang ibig sabihin nito?"
Naghanap agad siya ng maaaring i-exchange sa points niya na makakatulong sa bata.
"Naku naman. Kulang ang points ko para makakuha ng kumot. Ano bang pwede kong makuha?"
"Wala na akong perang natira. Naipamasahe ko na kanina. Ayaw ko namang manghingi kay mama, alam ko naman kasing gipit siya.
Nahagip ng kanyang paningin ang maliit na fireplace sa gilid ng kwarto. Hindi ito lutuan kaya naisip niya posibleng ito ang ginagamit na heater ng mga tao sa Sumeria kapag nalalamigan.
Bumili siya ng uling sa system store at pangsindi ng apoy. Nilagyan niya ng uling ang fireplace at sinindihan.
Dahil hindi niya afford ang kumot, bumili na lamang siya ng tshirt na saktong maikumot sa katawan ng bata.
Isinara niyang mabuti ang pintuan ngunit may mga butas parin ito. Saka natanaw ang mga yelo sa labas.
"Hindi pwede to. Mamamatay sa lamig ang bata."
"Butterfly! Nasaan ka na ba?"
"Tulungan mo naman ako dito o."
"Butterfly."
Ngunit wala pa rin siyang naririnig na sagot.
Lumabas siya ng bahay at naghanap ng maaaring maipakain kay Seo Yan.
Tiningnan niya kung may mabibili ba siyang mapapakinabangan niya sa system store.
38 points nalang ang natira sa kanya.
Fishing net: 29 points needed.
"Exchange."
"You obtain a one time use fishing net."
Kinuha niya ito at nagtungo sa malapit ng magyelong maliit na pool ng mga Tsung.
Nakita niya kanina na may maliit na fish pond ang mga Tsung na may mga matatabang mga isda. Katulad ito sa Koi fish ngunit mas malaki lang ang mga Lucky fish na meron sa Sumeria.
Tinapon niya ang fishing net sa fish pond. Pagkatapos ng ilang minuto ay hinila na itong muli. Saka niya napansin na nakalutang pala siya sa ibabaw ng fish pond.
Isang kawal ang nakakita sa kanyang ginawa ngunit hindi nito nakikita si Casmin. Ang mga isda lang ang nakikita niya na nagsiangatan sa ere.
"Mu-multo!" Sigaw nito at tumakbo. Bumangga ang kawal sa poste at nahilo.
Napalingon si Casmin sa kinaroroonan ng kawal. Nakita niyang nakadapa na ito sa lupa. May 0 luck at 60% HP ang nakikita niyang label sa itaas ng ulo nito.
"0 luck? Kaya pala minalas e." Iiling-iling na sambit ni Casmin at nagtungo malapit sa balon.
Congratulations! You obtained 20 luck for catching 200 lucky fish. Ten lucky fish is equivalent to 1 luck point for the beginner. You have now 1 luck. Use your luck wisely.
"Anong use your luck wisely? Wag mong sabihing maari ko rin siyang gamitin sa ibang paraan?" Napangiti siya maisip na may luck point na rin siya sa wakas. At hindi na negative.
You gained 50 reward points for catching lucky fish.
You gained 1 bonus points for scaring the guard.
Fear points has unlock.
You earned 1 fear points for scaring the guard.
You unlocked the storage room for the beginners.
Level 1 storage room can store 500 pcs of small living or non-living things.
You earn one new skill.
"May skill na daw ako." Tuwang-tuwa niyang sambit at mabilis tiningnan ang kanyang profile. Ngunit napawi ang kanyang ngiti makita kung ano ang skill na nandoon.
Name: Casmin
Age: 16
Level: 2
Mission rank: D rank
Ability: Scaring guard, caring the abandoned kid and good at pissing off someone. Stealing others luck.
New skill: Thief
Rewards: 50 points
Points: 9+1 bonus points +50 reward Fear point: 1Total points received: 60
Luck: 1
Item: 200 lucky fish
Storage room: level 1
"Store an item from the mission world and outside world to level up your storage room. Only item that can give you luck points can be allowed to store inside."
"E di ko nga alam kung ano ang mga lucky item maliban sa lucky fish na ito."
"Lucky item is the items that has the ability to give luck to you and the target of the mission."
"Pansin ko lang ha bakit ikaw ang sumasagot? Nasaan na ba si Butterfly?"
Wala siyang naririnig na sagot ni nababasa sa notification.
"Mukhang si Butterfly lang ang makakasagot sa mga tanong ko. Bigla ko tuloy namiss si Butterfly."
Kumuha siya ng tatlo sa isda at inilagay sa storage room ang 197 lucky fish.
In-exchange niya ng kaldero, kawali, kutsara at plato ang naiwang 60 points.
"Sayang. Di ko mai-exchange sa coins ang points ko. Mas makakamura kasi ako kapag points ang ginamit ko sa pagbili ng items e. Kaya lang, tig iisang beses lang makakuha ng klase ng item gamit ang points. Kung darating ang araw na kakailanganin ko muling makakuha ng mga items sa system store na minsan ko ng nakuha gamit ang points, kailangang coins na ang gagamitin ko. Sayang, mawi-withdraw ko sana ang ang mga makukuha kong coins kapag nasa level 20 na ako kaso ang baba pa masyado ng level ko."
Nilinisan niya ang isda. Naghanap ng kutsilyo sa kusina ng mga Tsung at iilang mga spices.
Nagising si Seo Yan sa amoy ng mabangong pagkain. Idinilat niya ang mga mata at hinanap ang pinagmulan ng amoy.
May nakita siyang palayok na may sinabawang isda sa loob at kaunting gulay. May piniritong isda rin sa isang plato at may anim na fishball sa platito na nilagyan ng healing soup kanina.
"May tao po ba?"
"Bakit di ka magpakita?"
"Ayaw mo ba sa akin?"
"Mabait naman po ako e."
"Dahil ba malas akong pagkabata?"
Hindi na narinig ni Casmin ang sinabi ng bata dahil dumating si Belle at dinalhan siya ng mga assignments.
"Sagutan mo raw ang mga iyan tapos ipasa mo kay teacher Emma pagbalik mo sa klase."
"Ang dami naman." Natigilan siya makita ang 100% HP at 50 luck ng kaibigan.
"Ang dami mo palang swerte Belle."
"Anong swerte?"
"Ah wala." Sagot ni Casmin.
Naalala niya noong nag take sila ng entrance exam, basta- basta lang sumagot si Belle ngunit muntik na itong makakuha ng perfect score. Kaya napunta siya sa first section samantalang sa second section naman si Casmin.
Noong naglalakad sila sa basketball court, matatamaan na sana si Belle ng bola, buti nalang naisipan niyang yumuko para tingnan ang sapatos niya, kung maayos ba ang pagkakasintas. Noong nangangailangan ito ng pera pambayad sa tuition fee, may natulungan siyang matanda sa daan at nagkataong investor pala ng paaralan kaya binigyan siya ng scholarship bilang gantimpala.
Napangiwi naman si Casmin maalala ang negative 20 na luck niya dati. May kaibigan siyang ang daming luck sa buhay tapos siya negative talaga.
Naalala tuloy niya iyong panahong bibili sana siya ng ice cream nilipad pa ng hangin ang tinitipid niyang pera. Noong nagtapon ng basura ang kapitbahay nila, nilipad pa talaga ng hangin at nahilamos niya ang mga basura.
Habang iniisip ni Casmin ang mga kamalasan niya sa buhay, malungkot naman ngayon ang batang bigla niyang iniwan.
***