Chereads / BLACK UMBER / Chapter 11 - CHAPTER 11(key to the truth)

Chapter 11 - CHAPTER 11(key to the truth)

Nov 27 2022 10pm

Doon ay nag iinum ng wine si Julia at Jane

Sa balkunahe sa mismong bahay ni Julia.

" Gaano ka nakakasiguro.. na aayon ang lahat sa plano natin.. pano kung magkaroon ng problema.. papaano kung hindi naman sila sumama" wika ni Jane" sino ba namang tao ang tatanggi sa libre...parang hindi mo naman sila kilala... ibibigay ko lang kung ano ang gusto nila..maniwala ka saakin..and beside ako na ang bahala dito.. " wika ni Julia. " Pero??" Wika ni Jane.

" pwede ba Jane!! ok na diba.... halos planado na ang lahat .. ngayon ka pa ba aatras" wika ni Julia. " Ok fine!! suguraduhin mo lang na hindi ako madadamay dito at ung pinagusapan natin." Wika ni Jane. " Oo na.. promise hindi ka madadamay dito at yung 100 thousand na pinangako yes!! makukuha mo iyon.. basta magkita tayo ng December 2 alas kwarto ng hapon sa labo .. alam mo naman na kung saan ka pupunta diba" wika ni Julia. " Nga pala maiba tayo ano ba talagang plano mo kay Abel." Wika ni Jane. " Madami.. pagkatapos ng mga nangyari.. oo inabuso ko sya at sinamantala ang kung anong meron sya...pero hindi naman ko naman nakuha iyon.. nag libre... Akala ko nga ako na ang pinakamasamang tao sa mundo.. pero mali ako.. oo bibigay ko ang sarili ko sa kanya.. hinahayaan kong gawin nya saakin kung anong gusto nya..wala naman akong choice.. hanggang sa nalaman ko na lahat pala ng mangyayari saamin ay kinukunan nya ng video.. ay ngayon ginagamit nya iyon para takutin ako.. na kapag di nya nakuha ang gusto nya..ipapakalat nya raw iyon.. hindi lamang sa social media.. kahit daw sa mga pornsite... Wala syang kasing sama.. oo may nakukuha ako sa kanya... Pero kapalit noon ay may nakukuha rin sya.. bagay na hindi ko mainitindihan..parang hindi patas . Kaya Jane please tulungan mo ko." Wika ni Julia.

Dec 7 2022 7pm

(Tinagong Beach Resort room 27)

Sa loob halos ng limang minuto ay nabalot ng tensyon at katahimikan ang lugar na iyon katahimikang nabalot ng kaba at takot.

Ang laway na tahimik at maingat na nilulunok dahil sa takot ay unti unti nang natutuyo..

Ang bawat butil ng pawis na marahang naglalakbay sa sentido na sya nag papanginig sa takot.. ay patuloy nang balisa

Ang mga matang di makatingin sa mga mata ng bawat isa ay hindi na makakurap pa.

At mula nga doon ay mag sisimula na ngang buksan ni Mr. Fuentes ang buong katutuhanan.

"Alam kong lahat kayo ay hindi makapag hintay.. kahit ako..ang mga inaakala ko na tama na ay mali pala.. akala ko nakuha ko na ang buong kabuuhan ng krimen na ito..hindi pa pala.. magaling at planado ang lahat.. ayukong batiin ang salarin.. maaring sabihin ko na lamang sa kanya na salamat sa mga kaibigan nya.. oo tama.. sa tulong nga mga kaibigan nya.. dahil doon malinis at maayos kong nalutas ang krimen na ito..

Noong November 30 pa lamang ay nauna na at narito na sa lugar na ito ang salarin.. pero bago pa iyon masusi nyang pinagaralan ang bawal sulok ng lugar na ito.

at ayoko nang magpamligoy ligoy pa..

alam ko at sigurado ako.. na itong taong ito ang pumatay kay Julia. ( Nag tinginan ang lahat) Ang taong ito ay walang iba kung di ikaw Jane! " Wika ni Mr. Fuentes. " Ah.. anung sinasabi mo Mr. Fuentes. Hindi iyan totoo hinding hindi ko yun magagawa sa kaibigan ko.. hindi ko kayang gawing kay julia yun ..hindi ko siya kayang patayin" wika ni Jane. " Talaga.. kahit ikaw lamamg ang tanging tinuturo ng mga ebidensya" wika ni Mr. Fuentes. " Sinungaling ka! Hindi yan totoo!" Wika ni jane.

Nang mga oras na iyon ay sadyang nagulat nga ang lahat.. hindi nila maunawaan o maintindihan kung ano nga ba talaga ang nangyayari na mga oras na iyon.. at ang magtiwala sa bawat isa ay tila mahirap na para sa kanila.

" Noong Nov 31 2022 7:00pm  sa Manila.

Lahat kayo ay sinubukan tawagnan ni Julia gamit Ang kanyang loptop upang kumpermahin  o siguraduhin na kayong lahat ay makakasama..sinabi ni elenie na sabay na lamang sila ni jaica. Gayon din si trina..at dahil walang kasabay si Rian at alam nito mababagot sya sa mahabang byahe papunta dito ay agad nyang tinanong si Julia kung isasabay nya si Jane papunta rito. Ngunit nag alibi si Julia na hindi nya alam.. hanggang sa nakahanap kayo ng paraan para pa contact si Jane. Doon ay sinabi ni Jane na hindi sya makakasabay kay Julia dahil may mga dumating syang mga bisita na kailangan nyang asikasuhin.. at malamang sa malamang daw ay mapapainum sya sa kanyang mga bisita.. pero ang totoo.. nang mga oras na iyon maaring nandito ka na Jane.. o malapit ka lamang dito sa lugar na

Ito. Dec 1 2022 (02:30pm ) nang marating nga nila Jaica at elenie ang lugar na ito.. matapos iyon ay inihatid na nga muna sila mg mga reception sa mismong kwartong ito para mag pahinga. mga bandang 3:00pm naman nang dumating trina at Rian.

Mula sa lobby ay nakita nila trina at Rian si Julia na may kausap sa telepono.. parang may kausap syang malapit lang dito..( tumingin kay Jane) hanggang sa sabay sabay na nga nakarating sila trina Rina at Julia sa kwarto ito. Mula nga doon ay hinanap nga Jaica si Jane. Doon ay sinabi ni Rian na malapit na daw si jane dito

(Tumingin kay jane) Malapit o nasa paligid kalang... Gustong gusto ang napakatibay mong alibi Jane.. tama ba... kaya ka na late dahil may hang over ka Jane.. dahilan ba kung bakit ayaw mong sumabay kay Rian na napakalakasag sigarilyo..dahilbsa pag kakalam ko pag may hangover ka ayaw na ayaw mong nakaka amoy ng usok ng sigarilyo.. tama ba ako.. pero ayon sa salayasay mo saakin bago ka pumuta sa tabing dagat.. bago mo puntahan ang mga kaibigan mo bandang 04:00pm ay tumambay ka muna sa smoking area. " Wika ni Mr. Fuentes. " Ibig sabihin wala ka talagang hangover that time" tanong ni Rian. " " Oh my god.. tama ka Rian wala ka ngang hangovers that time si Jane... dahil bukod sa ayaw mo ng sigarilyo.. tanging root beer lamang ang iniinum mo kapag may hang over ka" wika ni Trina. " Tama.. pero walang alinlangan nyang ininum ang free orange juice.. sa pag kakaalam ko.. medyo masilan ka pag may hang over" wika ni Mr. Fuentes habang balisa at takot na takot si Jane.

" Hanggang sa dumating na ang pagkain niyo..at habang kumakain kayo ay maingat nyong pinag-uusapan at pinagpapalanuhan ang susunod niyong plano habang abala ang lahat bandang 5:30pm doon na kayong nagsimulang uminom o mas magandang pakinggan na sila lamang umiinom.. tama yun ang plano niyo ang malasing sila...

do or shoot.. isang namakagandang laro..

Na kung saan kapag sayo tumutok ang bote kailangan mong gawin ang inuutos ng iyong mga kainuman at kung ayaw mo naman iinumin mo ang alak maibibigay nila.

Magaling ka Jane.. at hinding hindi niyo hahayaan ni Julia na masira ang lahat ng plano nyo.. ay kung ano mang mga bagay ang maaring magamit na ebidensya laban sa inyo ay sisirain nyo.. kaya nga Inutusan ni julia si jaica nabatuin ang mga mangga.. hanggang lahat na kayo ay nakisali na binato narin ng mangga tulad ng ibinulong ni Jane kay julia."wika ni Mr. Fuentes. " Oh no...( Nag takip ng bibig nang may biglang naalala) ung mga cctv.." wika ni trina. "Tama.. ung mga cctv na sanay magagamit nating ebidensya ay nasira na.. ai hindi pala sinira nyong lahat..

Oo tama kayo ng iniisip.. ginamit lamamg nila Julia at Jane na utusan kayo na batuhin ang puno ng mangga nang sa ganoon ay hindi ninyo mapansin na unti-unti na nilang binabato o sinisira ang mga cctv na nakalagay dito. Tama ba trina.. ilang mga ilaw at anim na cctv sa labas ang kabuuhan ng mga bagy na nasira ninyo" wika ni Mr. Fuentes. " Oo kinausap ako ng isa sa mga staff dito nung mga oras na nag nag papahinga tayo" Wika ni trina. " Bandang alas otso ng gabi agad nyo pinagpatuloy ang inyo kasiyahan sa loob ng silid na ito.. subrang.. ang saya mg gabing iyon.. habang kumakanta sa karaoke si Rian at habang sumasayaw si Trina at si Jaica. Lahat kayo ay abala at habang lahat kayo ay abala ay abala na rin si Julia at Jane para sa kanilang susunod na plano.. kaya nga ba hindi mo mabitawan ang cellphone mo Jane?. Mula sa cr ay lumabas si Julia na tila lasing na lasing na.. doon ay sinadya ni Jane na iabot kay Julia ang isang basong beer kay habang ito naman si Julia ay nag papanggap na lasing na lasing na" wika ni Mr. Fuentes.

" Oo naalala ko.. kaya pala nag tataka ako bakit ang bilis nyan malasing ng ganon ganon na lamang.. eh malakas uminum si Julia" wika ni Jaica. " Pero ininum nya parin ang beer na binigay ni Jane.. at doon ay ipinakita ni Julia sa lahat na sya ay nagsuka at sa kasamaang palad si Jane ang nasukahan nya... dahil doon malayang makakapunta si Jane sa cr kung saan naligo sa Julia.. tama ba Elenie.. ( nag tinginan sila ni elenie at Mr. Fuentes)

Ngunit anonnga ba ang meron sa loob ng cr na iyon" wika ni Mr. Fuentes. " Alak?? "wika ni Jaica. " Tumpak ulit.. kung hindi ako nag kakamali.. maaring habang nasa loob ng cr si Julia ay pinaligo ni nyanang alak sa kanyang katawan nang sa ganoon ay mangamoy alak sya at isipin ninyong lahat na nakainum na talaga sya ng marami.. at pagtakapos noon kailangan makapasok ni Jane sa loob ng cr na iyon para linisin ang mga kalat ni Julia. Habang si Julia naman ay kinakailangan na mag kuyaring lasing na lasing upang ang simpatya ng lahat ay mapunta sa kanya.

Mga bantang 9: 00 pm  doon na nag sinimulan na ni Julia ang kanilang palabas. matapos nyang patayin ang karaoke ay sinimulan na nitong magdrama .

At habang ginagawa iyon ni Julia ay walang nakakapansin sa palihim na ginagawa ni Jane. Bandang 10:30pm napansin ni Rian na may kinakausap si Jane sa labas.. kaya agad nya itong pinuntahan para kausapin na pag pasensyahan nya nalang muna si Julia.

Bandang 11:00pm halos lahat kayo ay lasing na lasing na maliban kay Jane at Julia.. at sa patakas takas na si jaica.. dahil din sa kalasingan ninyo ay hindi nyo na napansin na nakalock na ang pintuan ng isang cr dito at iyon ay ang cr kung saan naligo si Jane at Julia.. kinailangang nila iyong isara upang maitago nila ang mga bagay na itinatago nila.

Matapos iyon ay agad narin nag paalam si Trina upang mag pahinga dahil hindi naman talaga makalas uminum si Trina mas malakas pa syang humilik kesa uminum ng alak ..at dahil alam ni trina na may posibelidad na guluhin nyo sya habang sya ay natutulog.. ay agad nya na ni lock ni trina ang kwarto kung saan sya matutulog. Namg mga oras na iyon ay walang tigil at hindi nag papaawat si Rian sa kakakanta bagay na kinaasaran ni Jaica dahil doon sapilitan nyang inagaw kay Rian ang mic. at dahil sa inis ni Rian ay kinuha nya ang kanyang cellphone at agad nyang ni record ang boses ni Jaica nang sa ganon ay magamit nya itong pang asar kay Jaica. Kaso sa kasamaang palad ay napansin ni Rian na lowbat pala ang cellphone nya kaya agad nya itong chinarge.... at matapos iyon ay nag asaran nga si Jaica at Rian Bagay na lalong nag pasaya ng inyong gabi.