Chereads / BLACK UMBER / Chapter 15 - CHAPTER 15( Forgiveness and Ending)

Chapter 15 - CHAPTER 15( Forgiveness and Ending)

-1 WEEK LATER-

HEAVEN'S GATE CEMETERY

Doon ay mag kakasama sila Jaica, Elinie,Rian,Trina at Ginang Rose.

" Hindi ko alam kung bakit sa aming pa ito nangyari.. alam ko hindi ako perpektong ina at hindi rin perpekto ang mga anak ko.. no way mapatawad sila ng diyos sa mga pagkakamaling nagawa nila.. bilang isang ina hindi ko naman magagawang hindi sila patawarin" wika ni Ginang Rose.

" Ganoon naman po talaga minsan kailangan nating makita natin ang kapatawaran sa ating mga sarili para sa pagpapatawad natin sa iba." wika Elenie. " Tama po si Elenie Tita rose at alam ko po sa mga nangyaring ito pare-parehas po tayong may mga natutunan" wika ni Trina. "At huwag po kayong mag-alala tita Rse nandito lang po kami sa oras na kailangan niyo po kami" wika nin Jaica.

" Alam ko po na kung asan man po si julia at kung nasaan tan po si jane alam ko po na tahimik at masaya na po sila wika ni Rian bago nila tirikan ng kandila at lagyan ng bulaklak ang libingan ni Julia.

"Anak alam kong mapapatawad ka ng diyos sa lahat ng nagawa mo mahal na mahal kita." Wika ni Ginang Rose bago nila iwan ang libingan ni Julia.

-EAST ROSCAL JAIL-

Isang linggo na ang nakalipas ng nakulong si randy. doon ay mas binabuti ni ginang rose na dalawin ang kanyang anak nasi randy.

" Kamusta ka anak" wika ni Ginang Rose habang hawak ang nakaposas na kamay ng randy. " Ayos lang naman ako ma..huwag na kayong mag-alala sa akin ma parang hindi naman ako sanay dito sa kulungan" wika ni Randy. " Patawarin mo sana ako anak kung hindi ko napadama sayo na mahal na mahal. kita tawarin mo ako anak.. pero maniwala ka man saakin o hindi mahal kita.. mahal na mahal ko kayo ni julia" wika ni Ginang Rose.

" Ako ang dapat ninyong patawarin nyo ma.. sa lahat ng pasakit na ginawa ko sa inyo.. sa lahat ng mga ginawa ko ako dapat ang patawarin niyo ma.. pinatay ko ang mga panahon at pagkakataon na sana masaya ka..

Tinanggal ko sa buhay mo ang mga bagay at mga taong mahahalaga sayo.. pinatay kita. Ma.. parang pinatay na kita ma..

dahil tinanggalan na kita ng kaligayanan para mabuhay.. patawarin mo ako ma" wika ni randy habang umiiyak. " Pinapatawad na kita. anak at alam ko papatawarin ka rin ang diyos.

pero sana anak... matutunan mo rin na patawarin ang iyong sarili.. dahil tanging diyan lamang (itinuro ang puso ni randy) tanging diyan lamang sa puso mo makikita ang kapatawaran" wika ni ginang Rose.

" Opo ma.. at kung makikita niyo rin pala si jane ma kisabi sa kanya na sana ay mapatawad nya narin ako" wika ni Randy. " Makakaasa ka anak.. pero sa ngayon.. wala na kaming balita kay Jane.. mabuti na lamang talaga at hindi mo siya napuruhan..

mabuti na lamang talaga at naka bulletproof siya ng mga panahon.. sa pagkakaalam ko eh yun ang utos sa kanya ni Mr fuentes. matalillno talaga itong si Mr fuentes" wika ni Ginang Rose. " Nasaan na kaya sya" wika ni Randy. " Walang kahit sino sa atin ang nakakaalam kong asan na siya.. pagkatapos niyang umalis ng ospital pagkatapos niyang gumaling.. hindi na namin sya nakita.. pero alam ko.. ang katahimikan at kapayapaan.. iyon ang hahanapin nya" wika ni Ginang Rose.

Minsan sa buhay sa kagustuhan natin maging magaling ay nakakalimutan na nating maging mabuti.. sa kagustuhan natin na umangat sa iba ay hindi na natin napapansin ang mga naaapakan natin,nasisira, nawawasak at ang lahat ng iyon ay hindi natin nakikita dahil sa sarili nating kagustuhan.

Kayang mainam at mabuti ay matuto tayo makuntento kung ano man ang meron tayo matuto nating pahalagahan ang mga bagay na narito

Maging masaya sa bawal bagay na nangyayari sa iba.. at wag mapuot bagkus ay magsumikap.

Dahil ang totoong kaligayahan ay nasa tunay na nilalaman ng puso mo.. ang pamilya kaibiagan , minamahal at pag mamahal sa sarili.

Nov 18 2022 1pm

Estancia Capitol Common

Isang napakalaking problema ang kinahaharao ni Julia ng mga panahong iyon.

" Ang akala ko ba.. huli na iyon.. sabi mo titigil kana!! Julia kung Hindi ka natatakot sa lahat ng ginagawa mo.. ako takot na takot na.. akala ko ba magbabago kana.. paano pag nalaman yan ng mga kaibigan natin.. anong iisipin nila..baka magalit nanaman sila sayo.. saatin" wika ni Jane.

"Totoo naman nag bago na ko..( nag sisinungaling) ilang buwan ko nang tinigil iyon..alam mo yan.. mula nong nakilala ko si abel tinigilan ko na lahat" wika ni Julia. " Dahil kay abel.. ano.. isang araw..nagising ka .. naramdaman mo na ayaw mo na..magbabago kana... dahil gusto mo nang mabuhay ng tahimik habang buhay kasama si abel Ganun ba un" wika ni Jane. " At sino namang nagsabi sayo na may interest ako sa punggok na tumboy na iyon.. natural.. doctor sya... May pera sya.. kung gagamitin ko sya.. di ko na kailangang bumalik pa sa dati kong ginagawa" wika ni Julia.

"Kung makapunggok ka parehas lang naman kayo ng height.. halos magkamuka nga kayo" wika ni Jane. " Nakakainis ka talaga... Bakit ba natin sya pinag uusapan.. jane..makinig ka kailangan ko ng tulong mo" wika ni Julia.

" Julia kaya naman kitang tulungan sa lahat. pero hindi na kita ulit matutulungan sakaling bumalik ka ulit sa dati mong ginagawa.. maawa ka naman sa mga taong niloko mo at iniscam mo" wika ni Jane. " Look who's talking... Para naman di ka nakinabang sa mga ginawa kong iyon" wika ni Julia. " Bagay na pinagsisihan ko na.. at dapat nga matagal ko nang pinagsisihan" wika ni Jane.

" Nagsisisi kana pala.. sayang naman.. mag hahanap nalang singuro ako ng ibang taong tutulong saakin na pwedeng bayaran ng

100 thousand " wika ni Julia na biglang tumayo at tila aalis na. " 100 thousand?? Tama ba ang narinig ko? " Wika ni Jane. " 100 thousand..di naman siguro ako ngongo para di mo mainitindihan ang sinabi ko... Bueno amiga... Maiwan na kita..dahil tulad nga ng sinabi mo nagsisisi kana ta malinaw na para saakin na ayaw mo" wika ni Julia. " Ano bang plano? " Wika ni Jane bago sila nag tinginan dalawa at ngumiti na tila mga demonyo..

Mula nga doon ay ipinaliwag nga ni Julia ang lahat kay Jane.

"Almost two months narin ang nakalipas.. ang akala ko ayos ang lahat... Ang akala ko tulad ng mga unang kong nagawa..natakasan ko na ang isang ito.. at alam kong kilala mo naman ako kapag nagtrabaho.. pero nagkamali ako..sya si Jame Thomas ( pinakita ang picture ) sa laki ng halagang nawala sa kanya.. sa laki ng pera na nakuha ko sa kanya.. Hindi nakakapagtaka na ipinapahanap nya ako.. at oo palagay ko.. gumagawa na sya ng paraan para mahanap ako.. ang huling balita ko.. tatlong beses na syang pumunta doon sa condo kung saan ko pinatira si Elenie" wika ni Julia. " Kaya ba pinaalis mo na si Elenie doon sa condo." Tanong ni Jane. "Oo ang nakakapag taka paano nya nalaman ang address ng condo na iyon.. mabuti na lamang at hindi nya nakuha ang buong pangalan ko" wika ni Julia. " Ito na nga ang kinakatakot ko Julia.. anong gagawin mo. Tanong ni Jane. " sa ngayon kailangan ko munang mag ingat at mag tago.. sa laki ng perang nakuha ko sa kanya.. alam kong hindi sya titigil hangga't di nya ako natatagpuan" wika ni Julia. " Bakit kaya... Hindi ka nalang muna pumunta ng ibang bansa?" Wika ni Jane. " Naisip ko na yan.. at kung gugustuhin ko baka hindi na tayo nag uusap ngayon.. kung nagawa nya ngang na trace ang condo ko.. di malabong matagpuan nya rin kung saan talaga ako nakatira.. tapos ano.. malalaman ng pamilya ko lahat .. maiipit sila ..madadamay... hanggang malaman ng James Thomas na yan ang tunay kong pangkatao..at lahat ng katarantaduhanh ginawa ko.. at ano doon sa ibang bansa kong asan ako baka doon nalang ako damputin.. iyon ba ang gusto mong mangyari" wika ni Julia. " Kung ano man ang plano mo bahala ka sa buhay mo.. kung ano lang din Ang kaya kong itulong sayo iyon lang din ang gagawin ko.. at ipapaalala ko lang sayo.. kapag dumating sa punto na nagkahuluhan na .. wag na wag mong idadawit ang pangalan ko..maliwanag ba?" Wika ni Jane. " Paano kong hindi ko narinig" biro ni Julia. "E di papatayin kita" wika ni Jane bago sila ng titigan ng masama..

" Hahahaha syempre nagbibiro lang ako.. alam ko na hindi mo po ipapahamak" biro ni Jane.

" Yan ang Isa sa pinaka gusto ko sayo Jane..

Nahuhulaan mo agad ang mga plano ko" wika ni Julia. " Plano??? oh my god wag mong sabihing magpapakamatay ka..." Wika ni Jane. " Wala namang patay nanakukulong diba.. ikaw ba pag ang taong may kasalanan sayo ay Nalaman mong patay na.. hindi ba.. hahayaan mo nalang ito.. maaring maging masaya kapa.. at isiping karma nya na iyon.. iyon ang pinakamagandang paraan para malagay tayo sa tahimik...Hindi ko alam kong magtatagumpay ako dito sa plinaplano ko.. pero jane sana tulungan mo ako..

Nakahanda na ang lahat..ang mga pekeng papeles.. mga requirements, at ang pekeng pangalan.. nakahanda na ako sa lahat.. kailangan lang kita.. para matulungan ako at maset up ang laha ng ito.. at wag kang mag alala.. pag kanatapos nito.. ibibigay ko ang perang ipinangako ko sayo .walang labis walang kulang..basta tulungan mo lang ako" wika ni Julia.

"Marami ka nang taong niluko at e niscam.. papaano mo naman ako mapapaniwala At paano naman ako nakakasiguro na hindi mo ko lulukuhin" wika ni Jane. " ( Inilabas ang 10 libo) sabihin na nating balato ko yan sayo.. sayo na yan.. sige na kunin mo( kinuha ni Jane) kapag naisagawa na natin ang lahat.. mag kita tayo sa lugar na esesend ko sayo..doon ko iaabot sayo ang reward mo.. 100 thousand cash!!" Wika ni Julia. " Derichuhin mo na nga ako ano bang gagawin natin.. ano ba yang plinaplano mo" wika ni Jane. " Since pagkatapos nito ay mag iibang bansa naman ako..siguro kinakaingan kong mag pa..dispedida.. at kailangan sa dispedida ko complete cast tayo" wika ni Julia. You mean.. tayo lahat" wika ni Jane. " Ofcourse .. si jaica , si Elenie, trina, Rian at syempre..ikaw" wika ni Julia. " Bakit naman kilangan na kasama pa sila.( Napatingin kay Julia) oh my god!! Sana mali amg iniisip ko" wika ni Jane. " Tama ang iniisip..Jane.. ayako namang mamatay na namatay lang ako... Mas gusto ko namang mamatay nang pinaguusapan ako.. nang sa ganoon maging abala sila sa krimen na tayo mismo ang gagawa.. at habang nakatuon ang baling sila sa pagkamatay.. iyon ang magandang pagkakataon para iwan ko ang bansang ito." Wika ni Julia. Ibig sabihin.. ilalagay mo kaming lahat sa alanganin.. ilalaglag mo kami.. iiisip mo ba Julia na maaring may makulong saamin kapag nangyari iyon" wika ni Jane... Sabihin na nating paglalaruan ko lang sila... Guguluhin..alam jane hindi ka naman basta basta makulong lalo't wala namang matibay na ibendisya.. at kung sakaling may makulong man dito... Siguraduhin kong hindi ikaw iyon.. kaya wag ka nang magalal" wika ni Julia. "Kakaiba ka rin talaga Julia para matagasan mo ang lahat ng ito magpapanggap ka na patay na" wika ni Jane. " Mismo... Titignan natin...kung malulutas nila ang krimen na gagawin.. tignan natin kung malalaman nila kung papaano ako papatayin or should i say.... Kung sini ang papatay sa akin." Wika ni Julia. Ibig sabihin.. ilalagay mo kaming lahat sa alanganin.. ilalaglag mo kami.. iiisip mo ba Julia na maaring may makulong saamin kapag nangyari iyon" wika ni Jane... Sabihin na nating paglalaruan ko lang sila... Guguluhin..alam jane hindi ka naman basta basta makulong lalo't wala namang matibay na ibendisya.. at kung sakaling may makulong man dito... Siguraduhin kong hindi ikaw iyon.. kaya wag ka nang magalal" wika ni Julia. "Kakaiba ka rin talaga Julia para matagasan mo ang lahat ng itommmmagpapanggap ka na patay na" wika ni Jane. " Mismo... Titignan natin...kung malulutas nila ang krimen na gagawin natin... tignan natin kung malalaman nila kung papaano ako papatayin or should i say....

SINO NGA BA ANG PAPATAY SAAKIN

THE END.