Chereads / BLACK UMBER / Chapter 12 - CHAPTER 12 ( liar over liar) )

Chapter 12 - CHAPTER 12 ( liar over liar) )

mag aalas dose ng gabi sa gitna nang kasiyahan iyon ay napansin ninyong lahat na tila may umiiyak sa loob ng cr. Kaya agad nyo syang pinuntahan at mula doon ay napantanto nyo na ang umiiyak pala ay si Julia .. nang napansin ni Jaica na wala nanaman si Jane doon ay agad nya ito hinanap at tinawag at doon masisimula nang muli ang kanillang palabas.. doon ay palalabasin ni Julia na sya ay lasing na lasing na at kailangan maramdaman nyong lahat na sya ay wala na sa kanyang sarili..

Pero paano nya nga ba nya kayo mas mapapaniwala.. simple lang kailangan nyang isa isahin kayong lahat kailangan niyang sumbatan kayo isa-isa nang sa ganon magalit kayo sa kanya.. pero bakit nga ba kailangan na maggalit kayo sa kanya o magkaroon kayo ng galit sa kanya.. simple lang ng sa ganoon ay magtagumpay sila sa mga plano nila .

ang magkaroon ng galit sa isang tao minsan nabubunga ito ng galit at paghihiganti..

Kaya lahat ng paraan ginawa ni Julia para ma trigger at magalit kayo sa kanya.. at pag katapos ng eksena iyon.. anu ba ang ginawa ni Julia.. agad syang pumasok sa loob ng kwarto.. at paulit ulit nitong sinasabi na gusto nyang umalis pero ilang beses nyo sya pinigilian dahil delikado at gabi na at delikado na para sa kanya mag maghineho ng lasing na lasing matapos iyon ay hinayaan nyo na lamang na pumasok si Jane sa kwartong iyon upang sya ang kumausap kay julia. At doon habang nagpapahinga kayo lahat.

tahimik na nag uusap si julia at jane sa loob ng kwartong iyon..para sa mga susunod nilang mga plano.. at ang sumunod nga nangyari.. mga bandang 1:00 ng madaling araw sa isang malakas na kalabog ay nagulat kayong lahat nang nadatnan nyong nasa sahig na si jane na tila tinulak ng malakas.

matapos nyo mapasok ang kwartong iyon..doon ay pinalabas ni jane na ginawa nya ang lahat upang pigilan si Julia sa kagustuhan nito umalis.. pero hindi nya na ito napigilan pa..at mula sa bintana ay nakita ng iilan sa inyo na humaharurot si Julia sakay ng kanyang sasakyan na palabas ng resort na ito. At kinabikasan mababalitaan nyo na maaksidente sya.. dahilan ng kanyang pagkamatay.. doon ay iisipin nyong lahat na maaring kaya iyon nangyari kay julia dahil nagawa pa nitong umalis at mag maneho kahit lasing na lasing sya.. at doon palalabasin ng nila at paniniwalaan ng lahat na aksidente lamang ang nangyari kay Julia at sa wakas isang perpektong palabas.. patay na si Julia sa paningin ng lahat.. at doon ay maari nya nag matakasan ang lahat ng kasalanang na ginawa nya dahil patay na sya .. but the billion dollar question is paano mo nga ba siya pinatay Jane?" Paliwanag ni Mr. Fuentes. " Hindi ko sya pinatay" wika ni Jane. Sa subrang abala nyong lahat.. at sa subrang kalasinangan nyong lahat.. hindi nyo napansin nung mga oras na inagaw ni Jaica kay Rian ang mic doon ay bahagyang naasar si Rian kaya naisip nito e record ang boses ni Jaica ngunit sa kasamaang palad napansin ni Rian na malolowbat na ang cellphone nya at ang agad nito naisip ay ang mag charge. Kaya agad itong pumunta sa kwarto nila ni trina para mag charge..pero napansin nito na nakalock ang kwarto kung saan natutulog si Trina.. kaya naisip ni Rian na doon na lamang mag charge sa kwarto nila Julia at Jane.. at dahil nga sa kalasingan matapos iwan ni Rian ang kanyang cellphone na kacharge sa kwarto nila Julia ay hindi na napansin ni Rian na habang nakacharge ang kanyang cellphone ay hindi nya na patay ang recording apps at naiwan ngang naka on ito hanggang sa umalis si julia. " Wika ni Mr. Fuentes. " Ibigsabihin kung anu man ang pinag usapan nila Julia at Jane ng gabing ito sa loob ng kwarto lahat iyon narecord? " Wika ni Elenie. " Tama.. mabuti na lamang at hindi pa tuluyang nabura ni Rian ang mga record na nakasave sa cellphone nya" wika ni Mr. Fuentes.

Doon ay nabaling ang tingin ng lahat kay Jane.. "hayop ka.. pinatay mo ang anak ko" wika ng Ginang Rose. "Pinagkatiwalaan ka namin.. bakit mo to nagawa saamin.. siguraduhin namin na mabubulok ka sa kulungan!!.. anu pang inahantay nyo

Mr. Fuentes.. dampuntin nyo na ang babaeng iyan.." wika ni Randy na kapatid ni Julia.

" Huminahon ka muna Randy.

darating din tayo dyan sisiguraduhin ko sayo na makukulong ang totoong pumatay kay Julia ( tumingin kay Jane) Jane hahayaan mo bang mabulok ka sa kulungan ng ganun ganun na lamang o baka nais mong marinig muna naming lahat ang totoong naganap at kung ano man ang totoong plano ninyo ni Julia" wika ni Mr. Fuentes. " Hindi ko sya pinatay.. oo may alam ako sa kung ano man ang plinaplano nya.. pero hindi ako mamamatay tao..( huminga ng malalim bago kweninto ang lahat) matalino , mapagbigay at napakabait si Julia nung mga panahong nakilala ko sya.. ang alam ko at ang pagkakasabi nya saakin at ng pamilya nya. Maganda ang trabaho nya.. napatunayan ko naman iyon.. may ilang beses kaming nag pupunta kong saan saan.. namamasyal kumakain umiinum.. at libre nya ang lahat ng iyon. Minsan nagugulat nalang ako kase binibilhan nya rin ako nga mga bagong gamit tulad ng damit pabango, relo at kung anu anu pa... Kaya ganon na lamang ang utang na loob ko sa kanya.. dahil maraming pagkakataon din na di nya ako pinagdadamutan lalo na sa pera .. hanggang isang araw nalaman kong kung saan Talaga nanggagaling ang pera nya.. nanggagaling pala ang mga pera nya sa mga taong naluluko nya..sa internet.. o kadalasan tawag sa kanila mga scammer.. hanggang minsan habang tulog sya naiwan nyang bukas ang loptop nya at doon nakita kong madami na pala syang nalukong tao.. hindi ko alam kong papaano nya iyon ginagawa.. pero isa lang ang sinisigurado ko.. masaya ang ginagawa nya. ewan ko kung kilala nyo Dra. Abigail Ronio isang magaling na doktor mayaman at malaki ang pagnanasa kay Julia.. Abel ang tawag sa kanya ni Julia..at isa si Abel sa mga ginagamit nyang tao.. halos dalawang taon ng ginagamit ni Julia si abel.. ang alam ko meron silang relasyon ni Julia pero.. niloloko nya lang ito at pinaniniwala na mahal nya rin ito tulad ng pag mamahal sa kanya ni Abel ..hanggang sa isang araw nalaman ko na may nakabangga syang malaking tao..malaki ang nakuha nyang pera doon at sa di inaasahan ang alam ko nakuha ng kanyang biktima ang kanyang pangalan nya at profile picture nito.. kaya ng mga panahong iyon maingat syang nagtatago..

naalala nyo ba ginang rose nung galing sya batangas bago kami pumunta dito.. ayon na ung mga panahong nag tatago na sya dahil alam nyang nalalagay na sa kapahamakan ang buhay nya ng mga panahon na iyon.. kaya bago pa sya umuwe sa inyo nung November 29 ay nakipag kita muna sya saakin para humingi ng tulong .

November. 18 iyon 10pm sa capitol common ala una ng hapon. .. ayoko sana puntahan sya para tulungan ulit.. oo tama...inaamin ko ilang beses ko sya tinulungan noon dahil nakikinabang din ako sa kung anung nakukuha nya..bagay na pinag sisihan ko..

Doon ay sinabi nyan saakin ang mga plano nya.. gusto nyang palabasin sa lahat na patay na sya na sa ganoon ay matakasan nya ang lahat ng ito.. lahat ng masamang gimawa nya.. hindi ko alam ko papaano nya iyon gagawin dahil ang mahalaga lang naman saakin nga mga oras na iyon ay makuha ang pera ipinangako nya kaya sumunod na lamang ako sa gusto nya.