Chereads / BLACK UMBER / Chapter 13 - CHAPTER 13 ( The secrets of masterpiece)

Chapter 13 - CHAPTER 13 ( The secrets of masterpiece)

Mula doon ay pinagpatuloy nga ni Jane na ikwento ang boung nangyari at boung plinaplano nila ng gabi iyon..

"mag aalas dose ng gabi palihim ng pumunta si jane sa kabilang cr at doon magpapanggap itong umiiyak para puntahan ninyo sya ..dahil lumabas ako ng resort na iyon para kitain si Abel sa ganoong paraan ay mababaling ang lahat mg atensyon kay Julia at hindi nyo ako mapapansin... Matapos iyon ay agad na kong bumalik doon naririnid ko na hinahanap na nila ako kaya agad akong pumasok at nangkunyaring nagulat sa mga nangyayari..

Ayaw na ngang magpalabas ni Rian ng mga sandaling iyon kaya doon lalong pinakita ni Julia ang magiging agresibo nya.. doon ay mas pinakita nya ang gakit nya at dismaya nya sa ating lahat .. doon din ay nag simula na syang manumbat sa lahat ng bagay na naitulong nya saatin.. Lahat iyon isinimbat nya.. na sya daw ang nagbayad ng lahat ng ito..mula accommodation pagkain alak basta lahat.. na parang hindi daw ginamit sa tama ni jaica ang perang pinahirang ni julia sa kanya, ang pagtira ni Elenie sa condo daw ng boyfriend nya.. ung motor na binili nya saamin ng boyfriend ko na nakaw pala.. ung pagsakot nya ng hospital bill ng nanay ni Trina..At dahil doon nag kagulo na nga ang lahat doo ln ay tila lumalabas na napagtutulungan na namin si julia.. matapos iyon ay agad na pumunta si Julia sa kwarto namin at agad sya nag impake ng kanyang mga damit at nag pupumilit na umalis.. syempre pinigilannamin sya sa paraang kaya namin.. dahil nga akala ninyong lahat ma lasing na lasing na sya at dekikado na para sa kanya ang mag maneho.. hanggang sinabi ko sa inyo na hayaan nyo na muna kaming dalawa sa loob ng kwarto at ako na ang bahala sa kanya bagay na sinangayunan nyo. Sa pag pasok namin sa kwarto kaagad kong nilock ung yung kwarto habang si julia naman ay dahan-dahang nagbibihis.. doon ay sinabi nya saakin na tatakas na sya at tatawagan nya daw agad ako mamaya para sa susunod naming plano. tinanong ko pa sya kong ano ba talaga ang plano kay Abel. sabi nya basta sundin ko na lamang daw ang gusto nya.. at hintayin ang tawag nya kinabikasan at mag kita nalang daw kami sa lugar na sinabi nya.. sinabi nya rin na kapag umalis na sya doon ko papuntahin si abel at kapag magkasama na kami ni abel ay kunwaring tatawagan niya ako at sasabihin niya kung saang location siya nandodoon nang sa ganun ay malaman at marinig ni abel kung asan siya upang masundan siya agad ni abel at bago sya umalis sabi nya ung kotse nya daw ang ipagamit ko kay abel bago nya iabot ang susi ng sasakyan nya .. Maya maya ay umalis na nga si julia pero di nya ginamit ang kotse nyang si amber.. Pag katapos umalis mga 20 minutes doon ko na pinapunta dito si abel doon di sya sa bintana dumaan kung saan dumaan si Julia pag dating ni abel sinabi ko sa kanya na huwag sya maingay dahil nga baka marinig nyo kami.. doon niloko ko sya at sinabi ko sa kanya na tumaks si julia at daladala nya ang pera ni abel habang nag uusap kami ni abel ay tumawag na nga si julia tulad ng pinaplano nya.. kaya agad ko ni loudspeaker ung cellphone ko para marinig talaga ni abel ang sasabihin ni julia. " Hello jane..baka kase sakaling tumawag sayo si abel sabihin mo hindi mo pa ako nakakasama sabihin mo mga isang linggo na.." wika ni jane sa cellphone. " ha.. bakt.. may nangyari ba?" Pag kukunwari ni Jane. " wala naman basta sundin mo lang ang inuutos ko ok!! " Wika ni Julia. " Oh sige sige.. pero asan kaba ngayon" wika ni jane. " Nandito ako malapit sa tinago resort dito sa bicol nandito ako sa gasulinahan nasiraan kase ako.. oh sya sige na sige.. ba baye na" wika ni Julia bago ibaba ang tawag.

Pag tapos ng tawag na iyon agad ko sinabi at itinuro kay abel kung nasaan lugar na iyon. . Agad ko sya pinagmadali.. at mula doon ay iniabot ko rin sa kanyan ang susi ng sasakyan ni Julia at sinabi ko na mas maganda na ang kotse ni julia ang gamitin nya.. at dahil sa pag mamadali at agad na nga umalis si abel gamit ang sasaktan ni julia.. ayon ung mga oras na nag panggap ako na tinulak ako ni julia at nag pumilit sya umalis.. at mula sa sa bintana inakala nyo si julia ang nakita nyong umalis dahil sasakyan ni julia ang gamit ni abel..pero ang totoo si abel ang nasa loob ng sasakyan

 Hanggang nabalitaan napang namin kinabukasan na patay na si Julia" wika ni Jane. " Sinungaling ka pinatay mo sya! " Wika ni Randy. "Hindi totoo iyan hindi ko magagawang patayin si julia paniwala kayo" wika ni jane. Mula doon ay nagulat ang lahat mg tumawa si Mr. Fuentes. ( Tumawa ng mahina at inilabas ang mga gamit ni julia na nasa plastic ) Hmm.. mukang tama si jane.. mukang hindi nya nga pinatay si julia" wika ni mr. Fuentes. " Anong ibig sabihin nyo" wika ni Ginang Rose. "Dahil hindi naman si julia ang banggay na nakita sa crime scene" wika ni mr. Fuentes na kinagulat ng lahat. "Anong kalokuhan to anung sinasabi nyo" wika ni randy. "Ayon sa resulta ng mabusisi naming pag-iimbestiga.. ang babaeng natagpuan sa crime scene ay hindi talaga si julia sa pagkat ang babaeng iyon ay walang brace sa ipin.

Hindi bat may brace si julia.( Kinagulat ng lahat) Malinaw na malinaw na sinet up ang kawawang babaeng iyon... Pero nag tataka ako ano kaya ang ginagawa ng babaeng iyon sa sasakyan ni julia " wika ni Mr Fuentes. Doon at naalala nila si abel.." si abel.. oh my gush..." Wika ni jaica. " Kung si abel ang namatay bakit hindi nyo agad nalaman .. i mean. Like DNA.." wika ni elinie. " Matalinong mag isip si Julia.. tulad ng paulit ulit na sinasabi ni Jane.. planadong planado na ang lahat.. kaya mga sinabi ni julia kay jane na ipagamit kay abel ang sasakyan nya..

Dahil naroon sa loob ng sasakyan nya ang mga bagay na gagagmitin nya tulad ng mga buhok na pinutok nya sa loob ng cr na inutos nya kay jane para ilagay doon.. mga gamit mga damit at kung anu anu oang gamit ni Julia.. at isa rin sa mga napansin namin sa sasakyan ni Julia wasak ang likod nito na halatang binangga ng malakas..

( Tymayo si Mrm Fuentes)

Malaki ang paniniwala ko ganito ang nangyari ng mga gabing iyon.. matapos na umalis ni julia dito ay naisip nitong mag tago lamang malapit sa gasulinahan na sinabi nya kay jane. at nang makahanap na sya ng magandang pagtataguan.. doon sya tumawag kay jane para sabihin kay jane kung asan nga ba sya.. bagay na nagrinig ni abel. Dahil doon nagmadali ngang umalis si abel para puntahan si julia. Ang hindi alam ni abel ay naghihitay lamang si julia at nakatago upang gawing ang kanyang plinapano.