"Cai, tignan mo yun oh!" Turo ni Xiana sa Photo Booth na nakita namin dito sa event sa school.
Andaming Food stalls, tska Booths ang nandito! Mamaya meron daw magpeperform na mga kakanta!
Lumapit naman kami sa Photo Booth at nag bayad si Xiana para makapag papicture kaming apat. Habang nagpipicture ay bangayan ng bangayan sila Xiana at Khione, dahil daw nasasakop na ni Khione ang camera. Kaya ang gulo tuloy ng picture naming apat, kaming dalawa ni Estelle ay naka wacky. Ang dalawa naman ay nagbabangayan sa picture, wala silang maayos na picture dalawa.
"Teka, bakit ba kasi walang bumilang sainyo?! Hindi tuloy ako nakapag ready! Halika bumalik tayo doon at irerefund ko 'to!" Inis na sabi ni Xiana.
Napangiwi nalang kaming tatlo sa kanya at hindi na sya pinansin. Sunod naming pinuntahan ang Food stalls, dahil gutom na daw si Estelle. Bumili kami ng Carbonara at Drinks. Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila Xiana at Khione, kami namang si Estelle ay kain lang ng kain. Napatingin sa'kin si Estelle bago sya mag salita.
"Kayo na ba ni Kuya?" Muntik ko nang mailuwa ang kinakain kong Carbonara dahil sa biglaang tanong nya.
"Hindi ah! Ni hindi nya nga ata alam na may gusto ako sa kanya eh."
"So gusto mo nga sya?" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya.
"Hindi ba ang sabi mo, wala kang gusto kay Kuya? Tinanong ka pa nga namin dati, pero ni-deny mo lang.." nakangusong sabi nya.
"Hindi ko alam kung kelan nagsimula, basta ang alam ko.... Gusto ko na sya..."
"Well then, he likes you as well" Hindi ko narinig ang sinabi nya dahil pabulong lang iyon.
"Ha?" Tanong ko.
"Silly. Wala" nakangiting saad nya.
Napatango nalang ako at pinagmasdan sya. Parehong pareho talaga sila ng kapatid nya. Nung una ko palang syang makita gandang ganda na'ko sa kanya, Color hazel brown ang mata nya, matangos ang ilong, medyo manipis naman ang kilay nya at mahaba ang pilkmata, ang labi nya naman ay plump at medyo pink. May pagka mestiza sya pareho sila ng kapatid niya. Medyo matangkad naman sya sa'kin at medyo payat.
Hindi ko alam kung pano ako magkaroon ng gantong kaibigan! She's goddess! Mabait sya at Medyo seryoso, Matalino din ito kaya naman lagi sya ang nagtotop sa'min nung elementary hanggang ngayon.
"Don't stare at me like that" Naiilang na sabi nya. Napakurap kurap naman ako, bago tumawa ng mahina.
"Sorry, ganda mo kasi." I said. Napangiwi naman sya sa sinabi ko at tumawa ako sa reaksyon nya.
Pagtapos namin kumain ay pumunta na kami sa malapit sa stage kasi may kakanta daw doon! Umupo na kami sa may unahan para kitang kita namin ang magpeperform. Nakita kong inaayos na nila ang mic, may upuan din sa gitna. Nagkwentuhan muna kaming apat dahil mukhang matatagalan pa naman ito.
Habang nagkukwentuhan ay agad umingay ang audience at may mga pumapalakpak na, napatingin naman kami sa stage at Napaawang ang labi ko nang makita kung sino ang nakatayo doon. He glanced at me. Nagulat din sya ng makita ako. Pero maya maya ay umupo na sya at kinuha ang gitara, nagsimula na syang mag strum..
"If ever you wondered..
If you touched my soul, yes you do..." My eyes widened when i hear his voice. Napakalamig nito at ang sarap pakinggan.
Hindi ko alam na kumakanta pala sya! Pano eh napaka misteryosos naman kasi ng lalaking 'to!
"Since I met you I'm not the same
You bring life to everything I do..." He glanced at me. Hindi sya lumulingon sa audience! Sa'kin lang ang buong atensyon nya! Or baka nag aassume lang ako?
"Just the way you say hello
With one touch I can't let go.."
"Never thought I'd fall in love with you.."
"Because of you my life has changed
Thank you for the love and the joy you bring
Because of you, I feel no shame
I'll tell the world it's because of you..." He then smiled at me.
Tutunawin na naman nya ako sa ngiti nyang yan eh!
"Sometimes I get lonely
And all I gotta do is to think of you.." His eyes slowly shut.
"You captured something inside of me
You make all of my dreams come true.." Dumilat na sya at tumingin ulit sa'kin. Tumingin naman ako sa likod ko para tignan kung sa likod ko ba ang tinitignan nya oh ako. Pero teacher ang nasa likod ko.
Teacher ba ang tinitignan nya? Or ako?
"It's not enough that you love me for me
You reached inside and touched me eternally
I love you best explains how I feel for you.."
"Because of you my life has changed
Thank you for the love and the joy you bring
Because of you, I feel no shame
I'll tell the world it's because of you.." Natapos ang kanta at nakangiting nakatitig pa'rin sya sa'kin.
Oo na! Mag aasume muna ako, na ako ung tinitignan nya kanina pa!
Bago nya ibigay ang mic sa lalaking palapit sa kanya ay nagsalita muna sya. Tumingin sya sa'kin bago magsalita.
"This song is for a very special girl.. And just like the song, my life has changed when i met you. You bring joy, and love to me.. "