Chapter 8 - CHAPTER 6

"Ma'am, 1,560 po lahat"

Binigay ko naman ang card ko sa cashier para mabayaran na ang pinamili kong damit. Namimili ako ng mga swimsuit at mga t-shirts ko, mag oouting kasi kami nila Khione, kaming apat lang.

Actually dalawang linggo pa talaga bago ang outing namin, pero eto ako ngayon bumibili.

Masyado na naman kasi akong excited. Duh sino bang hindi?

Hinatid lang ako ni kuya dito sa mall, ayaw nya na daw kasi akong samahan dahil baka madaling araw pa kami makauwi. Tsk.

Hindi naman ako magtatagal noh! May pasok pa ako sa next class ko! Sumaglit lang talaga ako dito dahil masyado akong excited!

Lumabas na ako ng shop at nagikot ikot pa, tinignan ko ang oras at halos malaglag ang panga ko ng makitang magtatatlong  oras na pala akong nandito sa mall! Nagsisimula na ang klase ko!

Pero wala na akong magagawa, magiikot nalang ako tutal absent na naman ako sa klase ko e hehe.

Habang nag iikot ay may nakita akong pamilyar na mukha. Napatingin ako sa babaeng nakahawak sa braso ng lalaki, at nagtatawanan pa sila.

Teka parang pamilyar 'tong dalawang 'to ah?

Unti unti ko silang nilapitan pero ung lalaki ay bigla nalang pumasok sa shop, kaya hindi ko nakita ang mukha. Humarap naman sa'kin ang babae at laking gulat naming dalawa ng makita ang itsura ng isa't isa.

"Khione?!" I exclaimed.

What the?

"C-Cai, s-sino kasama mo? P-pano ka nandito?" Kinakabahang saad niya. Kitang kita ko sa mata nya ang takot.

"Ako lang, umabsent ka din sa klase natin? Teka nga sino ung kasama mo ha?!" Kunot noong tanong ko, pinagsisingkitan ko na din sya ng mata.

"H-huh? A-ano... W-wla naman akong kasama ah? Baka namamalik mata kalang?" Sagot nya na ikinasingkit lang ng mata ko.

Sasagot na sana ako ng marinig ang boses ng lalaki.

"Babe" Saad nito sa malalim na boses. My jaw dropped ng makita kung sino sya.

Khael?!

Lumapit sya kay Khione at hinapit ito sa bewang. Nagulat naman si Khione sa ginawa ng lalaki at pilit inaalis ang kamay ng lalaki sa bewang nya.

"Khael." May pagbabanta sa boses ni Khione na madilim ang matang nakatingin kay Khael. Inalis naman ni Khael ang braso nya sa bewang nito at itinaas ang kamay na para bang suko na sya.

"Cai. Please, let me explain.. Wag mo muna itong ipaalam kila Xiana, please?" Tumango naman ako sa kanya.

"Okay.. uh. Baka nakakaistorbo na'ko sa date nyo, mauuna na'ko" Saad ko at patakbo na sana ng hawakan ni Khione ang braso ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Mamaya nalang tayo mag usap, if okay lang?" Bumugtong hininga sya. Tumango naman ako at nagmamadaling naglakad palabas ng mall.

What the hell is that?

Nang makalabas ng mall ay pumara na agad ako ng taxi dahil malalate na talaga ako! Pag dating ko sa School ay Pumunta na ako sa klase ko and guess what? Last subject na namin ito! Halos madapa na ako kakatakbo para lang maka abot sa oras pero kung minamalas ka nga naman. Five minutes na akong late! May nakita akong lalaking nakatalikod na papunta din sa room namin. Hah! Hindi lang ako ung late noh! May kadamay ako!

Nagulat ako ng humarap sa'kin ang lalaki at minamalas nga talaga ako ngayong araw. Huminto ang lalaki at humarap sa'kin. Nakita ko ang gulat sa mata nya, pinauna na nya akong pumasok pero hindi ko maihakbang ang paa ko sa loob ng room namin dahil masamng nakatingin ang Prof namin sa'min.

"Why are you late, Miss?" Tanong nya at tumingin sa mga paper bag na hawak ko.

Shocks, hindi ko nga pala nalagay 'to sa locker ko!

"So, inuna mo pa ang shopping bago ang klase ko?" Hindi makapaniwalang saad nya. Napayuko nalang ako sa hiya.

Please, lupa lamunin mo nalang ako!

"We're together" saad ng nasa likod ko.

Seriously?! Idadamay nya pa sarili nya?!

"I mean, nagpasama po ako sa kanya dahil may kailangan po kaming bilhin para sa project namin sa ibang subject. We're sorry Ma'am." Ani Zack.

Tumango naman ang Prof namin at pinapasok na kami.

Tsk. Pag dating talaga kay Zack eh!

Speaking of, alam nya kaya ung ginawa nya kagabi? Aware kaya sya dun?

Eto na naman ako at iniisip ang First Kiss ko! Halos hiyang hiya ako kagabi!

Flashback..

Humiwalay naman agad sya kaya Napaawang ang labi ko dahil sa ginawa niya. Napapikit naman sya at parang nakatulog na ata? Lumapit ako para tapikin ng mahina ang mukha nya, pero ang loko tulog na nga!

Aba! Tinulugan ako! Panindigan mo'ko!

Hiyang hiya ang mukha ko ng bumaba sa sala nila, nanlalambot din ang tuhod ko. Agad kong nakita sila Estelle na may pinag uusapan. Nagtatakang napatingin naman sa'kin si Xiana.

"Anong nangyari sayo? Bakit namumula ang mukha mo?"tanong niya.

"Ha? Ano.. nadapa lang." Palusot ko.

"Nadapa? Una mukha?" Takang tanong niya pa.

Ang babaeng ito!

"Oo. Mauuna na ako, late na din e" ani ko at kinuha na ang gamit ko. Tumango tango naman silang tatlo at palabas na sana ako nang bigalang magsalita pa si Xiana.

"Ingat ka Cai! Baka madapa ka na naman, tanga ka pa naman!" Tawa nya. Inirapan ko naman sya bago lumabas.

Tsk. Kung alam nyo lang noh!

End of Flashback..

Habang nagdidiscuss ang Prof namin ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Zack. Seryosong seryoso syang nakikinig sa Prof namin napalingon naman sya sa'kin siguro napansin nya na nakatingin ako sa kanya, umiwas naman agad ako ng tingin at kunwaring may sinulat.

"Okay, Class Dismissed. Don't forget na bukas na ang event na pinaka iintay natin. I hope makapunta kayong lahat." Saad ng Prof namin at lumabas na.

Event? Anong event?

"Ung event, para lang iyon sa mga teacher's actually.. pero napag isipan nila na mas maganda kung isama nalang ang mga students para naman daw masaya. I mean, may mga Booth's and food stalls bukas and meron ding mga contest.." Napatingin naman ako kay Zack. Ako ba kinakausap nito?

"I just thought na confused ka kung anong event ang mangyayari bukas.." ako nga ang kinakausap nya! Tumango nalang ako dahil wala naman akong masabi sa kanya.

Tumayo na ako para puntahan si Kuya dahil sabay kaming uuwi. Nakita kong nakikipag usap ito sa babaeng nakalingkis sa kanya! Aba!

Nilapitan ko silang dalawa, nakita ko ang gulat sa mukha ni kuya. Pilit nyang tinatanggal ang kapit sa kanya ng babae pero ayaw pa'rin tanggalin ng babae, hindi nya pa ata ako nakikita.

Tumikhim ako para naman aware 'tong babaeng ito na nasa harap lang ako. Inis na binalinggan naman ako ng babae.

"Problema mo, Miss?" Irap nya pa sa'kin. Aba! Magsabunutan kaya kami nito?!

Pinapakalma ko ang sarili ko nang bigla syang magsalita ulit. "Kung wala ka namang sasabihin makaka alis ka'na! Nakakaistorbo ka sa'min ng boyfriend ko eh!" Masungit na saad nya.

"Excuse me?! Talagang iistorbohin ko kayo ng KUYA ko dahil mag gagabi na! Tska magkasabay kaming umuwi ng KUYA ko e!" Inis na sabi ko. Kita ko ang gulat sa mukha nya at ngumiti ng matamis sa'kin.

"Oh! So, you must be Aisha?" Inirapan ko naman siya. Tsk. Di kami close para sabihin nya ang First name ko noh!

"Sorry, but can you just give us some time? Magpapa alam lang ako dito sa Kuya mo." Ngiti nya sa'kin. Tsk. Ang Plastic!

"Alright. By the way, Mukha kang barbie." Ngiti ko sa kanya. Girl, Plastican tayo dito!

"Thanks!" Nginiwian ko naman sya at umalis na sa harap nila.

Tsk. Ano ba naman 'to. Mukha talagang Barbie eh! Ang Plastic!

Nang makapag paalam sila sa isa't isa ay pinasakay na ako ni kuya sa kotse nya at hindi na nya mapigilan ang mapatawa ng malakas.

"What?!" Inis na tanong ko sa kanya. Tawa lang ang isinagot nya sa'kin.

Kainis!

Pagkauwi namin sa bahay ay naabutan namin si Daddy na nakaupo sa sofa, may binabasa ito sa folder. Sumeryoso naman kami ni Kuya at lumapit kay daddy, bumeso lang ako sa kanya. Nakita kong lumabas ng kusina si Mommy at nakangiting lumapit sa'kin. Niyakap ko naman sya ng mahigpit at ginatihan nya din ako ng yakap.

I Miss my Mom!

Lagi nalang kasi namin silang hindi naaabutan ni Kuya eh, lagi kasi silang nasa trabaho or di kaya madaling araw na ang uwi.

"Mom, maaga po ang uwi nyo ngayon ah?" Ngumiti naman sya sa'kin bago sumagot.

"Wala kasi masyadong pasyente ngayon" Masayang tumango naman ako bago pumunta sa lamesa para kumain. Inilapag na ng mga katulong namin ang ulam at kanin sa hapag at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang si Dad tsaka si Kuya, samantalang kami ni Mommy ay Kwentuhan ng kwentuhan.

"Mommy, dapat po kayo ang kasama ko mag mall eh. Ang pangit ka bonding ni Kuya. Walang taste!" Nakangusong sabi ko kay Mommy.

Sinamaan naman ako ng tingin ng kapatid ko.  "Pano, lagi tayong ginagabi dahil napaka tagal mong mamili, tska may taste ako for your information. Ikaw lang ang walang taste at sa kaibigan ko pa!" Nilakihan ko naman sya ng mata para matigil na sya sa pagsasalita dahil baka matanong pa ni Mommy ang tungkol dun.

At ang loko, ngumisi lang sa'kin!

Tumawa naman si Mommy sa'min at napailing nalang. Tumikhim naman si Dad, kaya napatahimik kaming lahat.

"How's your grade Luke?" Tanong ni Daddy kay Kuya. Natahimik naman ako para hindi madamay. Tumikhim naman si Kuya bago sumagot.

"It's fine, dad. Napagsasabay ko naman po ang pag babasketball at pag aaral ko."

"Great! Alam nyong ayoko ng disappointment sa pamilyang ito. Bakit ba hindi ka nalang kasi mag focus sa pag aaral mo at wag na mag basketball, Luke?" Ani Daddy.

"Don't worry Dad, kaya ko pong pagsabayin ang ginagawa ko." Tumango nalang si Daddy at hindi na sumagot.

Buti at hindi ako tinanong ni Dad, dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Kahit sa simpleng tanong nya lang nahihirapan na akong sumagot dahil, ayaw nya ng disappointment..

Don't forget to Vote and Comment!