Chereads / Vampire ' s Love / Chapter 4 - Chapter 4: news

Chapter 4 - Chapter 4: news

* Taliyah Pov*

Yung ng yari ng isang araw! nagawa kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko napigilan ang paglabas ng mga pangil ko  mabuti nalang at nakalayo agad ako sa bahay nila harper nakatikim nga ako ng sariwang dugo pero nagkaroon naman ako ng problema, sino kaya ang taong yun at bakit may bampira ring pagala gala sa lugar nato? nagmula kaya sya sa angkan ng mga alvares? o nagmula sa angkan ko? pero kahit na nagmula sya sa anngkan ko panigurado makikilala ako nun pero hindi! hindi kaya, isa kaya sya sa mga naghahanap sakin para patayin ako? pero kng isa man sya sa kanila bat hindi nya ako nagawang galawin? napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa gulong gulo na ako

" oyy nabalitaan nyo ba?"

"ang alin?"

"yung babae na natagpuan kahapon malapit sa bus station "bahagya naman akong natigilan sa paglalakad ng marinig iyon mula sa mga kaklase kong nakatayo sa hallway.

"ah.. yun ba? nakakatakot ang ngyari sa babaeng yun sabi sa balita my kagat daw ang leeg ng babae at ang masklap pa nun, halos maubusan na ito ng dugo ng dahil sa sobrang putla nito"

"nakakatakot naman anu kayang klaseng hayup ang may gawa nun?"

"andaming nagsasabi na kagagawan daw yun ng isang bampira eh!"

"eh!!! Vampire? totoo ba sila? kasi  ang sabi sabi ng mga matatanda  kathang isip lang naman daw ang mga bampira at hindi sila totoo"napayuko  ako at bahgyang tinitigan ang mga kamay ko. hindi totoo? ang mga bampira? eh anu kami? mga kagaya nilang tao na walang kamatayan at nabubuhay lang sa dugong nakukuha namin mula sa mortal?

"pero kung wala talagang mga bampira papanu mo maipapaliwanag ang ngyari sa babaeng yun? anu namang klaseng hayup ang gagawa nun?"

"huli ka"napasalampak ako sa sahig ng dahil sa gulat kay harper"ikaw??"galit na baling ko rito"bat parang anlalim ng iniisip mo?"natigilan naman ako at bahagyang natahimik"wala lang to pagod lang siguro ako"sabay tayo ko at nagpagpag nag umpisa nakong maglakad at bumuntot naman to sakin "oyy taliyah bat bigla ka nalang umalis nung isang araw?"natigilan naman ako sa paglalakad ng dahil sa tanong nito" hindi mo ba nagustuhan ang atmosphere sa bahaya namin?"malungkot na mukha nito" sorry ah!! hindi ko alam na hindi ka pala sanay sa mga ganong lugar pasensya na"yuko nito ihumihingi sakin ng tawad ang isang mortal kahit wala naman itong ginagawang masama.kakaiba to ah.."ang totoo nyan hindi naman yun ang dahilan"mahinahong saad ko panu ko ba ipapaliwang sa tong to na dahil sa nakakita at nakaamoy ako ng dugo kaya ako umalis agad?"alam mo bang, yun ang unang pagkakataon na may isang kaibigan na  inaya akong tumuloy sa bahay nila."

"huh?"-Harper

"sa buong buhay ko wala pa akong nakikilalang tao na patutuluyin ako sa bahay nila kahit na hindi pa nya ako tuluyang nakikilala. ikaw ang kaunaunahang tao na gumawa sakin nun kaya masaya ako nung gabing yun "

"huh? talaga kahit kailan wala kapang nagiging kaibigan na ginawa yun?"-harper

"wala eh!!"hawak ko sa noo ko  nilalayuan nila ako sa tuwing nalalaman nila ang tunay kung katauhan may mga naging kaibigan ako pero matagal ng panahon yun ng huli kaming mga nagkita masyado pakong bata nunng mangyari ang lahat ng yun."salamat sayo harper at sya nga palang yung dahilan ng mabilisang pagalis ko sa bahay nyo ang totoo nyan natakot kasi ako ng makakita ako ng dugo kaya nagmadali akong umalis"natatawang kamot kamot ko sa ulo ko kailangan kong magpalusot " eh!!! takot ka sa dugo?"naestatwang tanong nito"ah hehe oo ehh pakiramdam ko kasi bumabaliktad ang sikmura ko at nananayo ang balahibo ko pag nakakaamoy at nakakakita ako ng dugo pasensya na hindi ko sinabi sayo"kamot kamot ulo na saad ko

"ikaw bat hindi mo agad sinabi sakin?"alog alog nito sakin"eh!! hindi ka naman nagtatanong eh"natatawang turan ko

"siraulo ka talagang babae ka naku, pero! tali next time magsabi ka sakin ng mga ayaw at gusto mo para mabago natin"mahinahong saad nito"bilang kaibigan mo nandito lang ako pagkailangan mo ng tulong " himala matino kausap ang babaeng to ngayon " kaya kung gusto mo ng kausap pag may problema ka andito lang ako 500 ang singilan bawat oras pagmagsasabi ka sakin ng problema"hayup ganun parin pala walang pinagbago naglakad nalang ako at iniwan ito "oyy sandali "habol nito'' kung gusto mo naman ng  kasamang maggala 1k ang isang araw tas ikaw ng bahala sa pagkain at sa lahat ng gastos"napasapo nalang ako ng noo ng dahil sa taong to puro sya pera nabubuhay lang ata to para mag ipon ng salapi eh!! hay nako"oyy hoy nakikinig kaba? magandang offer yun sasaya kana kikita pako hehe"ewan ko sayo 

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

"hi magandang umaga sa inyo mga binibini"napalingon kami at bigla naman kumunot ang noo ko ng bumungad samin ang vlademir brothers ayoko talaga sa amoy ng magkakapatid nato eh!!

"magandang umaga sa inyo"bati ni harper sa kanila

"anu namang ginagawa ng mga popular student na tulad nyo sa isang pipitsuging park na katulad nito?"kunot noong tanong ko rito.

"ha?pipitsugin? ang park nato? anu bang pinagsasabi mo taliyah alam mo bang ang park nato ay isang napakagandang park sa mundo"Cassius

"napakaganda na to sayo?"ngiwi ko

"Oo dahil alam mo bang dito ang tamang lugar para sa mga taong nag iibigan tulad natin"sabay hawak ni cassius sa pisngi ko

"huh? pinagsasabi mo?"

"dito natin sisimulan ang pagsasanib pwersa ng ating mga damdamin mahal kong taliyah halika lumapit ka sakin at namnamin mo ang tamis ng aking mga labi"nakakadiri naman ang pinagsasabi ng lalaking to! may sakit ba to sa utak o sadyang baliw lang talaga to?

pak*

"aray anu bang problema mo athan bat mo naman ako hinampas"baling nito kay athan na seryoso lang ang mukha habang hawak hawak ang librong pinanghampas nya sa ulo ni cassius.

"nasaktan ka na ng dahil dun? ang hina mo palang nilalang"athan

"ako mahina?halika suntukan nalang tayo para malaman mo kung sino ang mahina sating dalawa"

"abat wala kang galang na bata ka ah!! hinahamon mo ba talaga ang masmatanda sayo? ha! cassius"ng pipigil na galit na saad ni athan"ah... hahaha nagbibiro lang naman ako kapatid"ngayon nagbibiro kana? diba antapang antapang mo? bat hindi mo ilabas yang tapang mo ngayon ginaganahan pa naman akong burahin yang mukha mo"galit na saad nito dalidali namang pumunta sa likuran ko si cassius at nagtago''taliyah iligtas moko mula sa kamay ng kapatid kong mapang api"eh!!! sira ulong to ginawa pakong taguan nya"ah.. ngayon magtatago ka sa likod ng babae? lalaki ka ba talaga ha! cassius?"

"joke lang nga yun hindi ka naman mabiro eh!! "cassius

"oyy itigil nyo nayan baka magkasakitan pa kayo eh"awat ni harper

parang asot pusa naman tong mga middle child parang sila - bahagya akong natigilan ng bumalik sa alala ko yung mga araw na naglalaro kami ng habulan at nagtago sa likuran ko si-anu ngang pangalan nila? bat sa dinami rami ng makakalimutan ang mga pangalan pa nila? halos lahat naman ng ngyari sa nakaraan naaalala ko pa pero bat pagdating sa kanila, bat hindi ko maalala kung sino ngaba sila? at kung anu ngaba ang pangalan nila? napahawak ako ng bahagya sa ulo ko ng makaramdam ako ng pagkirot

"ok kalang?"lapit sakin ni jasper natigilan naman sa pagtatalo ang dalawa at bahagyang napatingin sakin

" ok lang ako "saad ko at kinuha ang bag ko"sigurado kaba na ok kalang tali?"pag aalalang lapit naman sakin ni harper. "kailangan ko lang siguro na magpahinga mauuna na kaming umuwi sa inyo"saad ko "sige ingat kayo "ngiting saad ni jasper''ah.. babye sa inyo"nagumpisa na kaming maglakad ni harper mapunta sa pinagparkan ko ng sasakyan anu kayang ngayari bat pagdating sa part na yun hindi ko maalala ang mga pangalan nila.

"sure kabang ok kalang tali?" binalingan ko naman ng paningin si harper na mababakas sa mukha nito ang pag aalala hindi ko namalayan na nagmamaneho na pala ako papalayo sa park''ok lang ako wag kang mag alala"ngiting saad ko. ang mga taong hindi ko kilala ay bigla bigla nalang sumusulpot sa alaala ko ng hindi ko malamann kong anung dahilan.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

*jasper Pov *

Bigla nalang syang napahawak sa ulo nya ng hindi naming malamang dahilan " ok lang kaya sya?"nag aalalang tanong ko"anu kaba jasper wag kangang mag alaala sa kalagayan ng mga mortal mga mahihina sila kaya madali talaga silang kapitan ng sakit kaya wag mo ng sayangin ang Oras mo sa  kakaisip sa kanya dahil mamamatay rin naman ang mga mortal nayan hindi na yan bago sa kanila"anya ni cassius "grabe ka naman magsalita cassius kaibigan narin naman natin sya kaya karapatan nyaring makuha ang pag aalala natin sa kanya at isa pa ang babaeng yun kakaiba sya ibang iba sya sa mga mortal na nakilala ko. kakaiba ang nararamdam ko sa kanya na para bang sila ni zen ay iisa''

"ha? anu bang pinagsasabi mo jasper? imposible yun isang hamak lang na mortal ang babaeng yun kaya papanung magiging si zen yun?"cassius

"tama ka imposible nga yun pero yun ang nararamdaman ko"saad ko

''anu kaba masyado kalang nangungulila sa kanya kaya natutuon ang pansin mo sa iba at dun mo binubuhay sa katauhan ng iba si zen alam mo jasper 500 taon ang nakakalipas nung sumiklab ang digmaan at mula ng mangyari yun nawalan na tayo ng balita mula sa kanya kung buhay ba sya o patay na"cassius

"itigil nyo na ang walang makabuluhang usapan nayan dahil hindi tayo uusad pag puro nakaraan lang ang inaalala nyo"cold na saad ni athan"naku ikaw bayan athan imposible naman na hindi mo rin inaalala yun dahil sa pagkakaalam ko maliban kay kuya lazarus at kuya keiran isa karin sa-" cassius

"subukan mong ituloy pupunitin ko yang bunganga mo"athan

"wag kang mag alaala secret lang naman nating dalawa yun eh HAHAHA halika na nga umuwi na tayo"inakbayan nya si athan at patawa tawa itong umalis anu bayung secreto ng dalawang to? napabuntong hininga nalang ako