* Athan Pov *
"Hanggang Ngayon Wala parin kayong balita kung nasan na Ang Babaeng yun?" Sabay upo ni ambrosia sa tabi ko at kumapit na parang linta " andito nanaman Ang malanding to" bulong ni Cassius " pareho lang Naman kayo malandi kaya wag Kang mainis Cassius" natatawang Saad naman ni jasper
" Anung masamang hangin Naman Ang nagdala Sayo Dito ambrosia?" Kunot noong tanong ko rito.
" Anu Kaba mahal ko Ngayon na ngalang ulit tayo nagkita nagsusungut kapa sakin, Hindi mo ba Ako namiss" halik nito sa pisngi ko.
" Sino Naman kayang sira Ang gustong gusto ka Makita?"natatawang bulong ni Jasper. "Mukha yatang nakalimutan nyo na Ang inutos sa inyo ng aking ama?" Kunot noong Saad nito. " Wag Kang mag alala ambrosia Hanggang Ngayon hinahanap parin namin sya matinik Ang Babaeng Yun kaya Ang hirap hanapin" kalmadong Saad ni kuya Keiran.
"Tsk Hanggang Ngayon si zen parin Ang target nyo? Hindi nyo na ba sya titigilan nakuha nyo na Ang lahat sa kanya magulang nya, nasasakupan nya pati ba Naman karapatan nyang mabuhay kukunin nyo rin? Lahat nalang ba talaga ng pag mamay Ari nya balak nyong kunin?" Inis na Saad ni Jasper.
" Aba... Antapang mo Naman jasper, mukhang nakakalimutan mo ata kung San ka lulugar? " Sabay tayo ni Ambrosia.
" Alam ko Ang Lugar ko ambrosia na Isa Ako sa mga tagapagtanggol ng reyna pero tsk' Hindi Ikaw Ang Reyna ko." Jasper.
" Masyado mo talagang kinikilalang Reyna Ang hampas lupang Babaeng Yun" ambrosia.
" Dahil sya lang Reyna namin at Hindi ikw Yun" singit Naman ni Cassius.
" Tsk' mga walang kwenta, kinikilala nyong Reyna Ang Babaeng tumakas para sa sariling kaligtasan at iniwan Ang nasasakupan nya, Yun ba Ang totoong pagiging Reyna? Walang kwenta" ambrosia.
" At kayo? Hindi bat mga kaibigan nya kayo? Kung totoong kaibigan sya bat nya kayo pinabayaan?" Sabay cross arm nito. Bahagya Naman natahimik Ang dalawa ng dahil sa sinabi ni ambrosia.
"Ngayon Hindi kayo makasagot dahil totoo na Wala syang pakielam sa inyo sarili nya lang iniisip nya kaya kung Ako sa inyo kalimutan nyo nalang Ang Babaeng Yun dahil kahit kailan Hindi na nya kayo babalikan" ambrosia.
"Tsk' pwede ba ambrosia Hindi sya katilad mo na makasarili tsk, mukhang nakakalimutan mo Isang hamak na alipin kalang na nagnakaw ng karapatan ni zen" jasper.
" Ikw? Baka gusto mong magpahinga ng panghabambuhay sa loob ng kabaong mo?"ambrosia
" Tumahimik kana jasper" saway ni kuya Keiran.
"Gawin mo! Wala akong pakielam dahil Kahit kailan Hinding Hindi kita kikilalanin na reyna ng mga bampira dahil para sakin Isang hamak na aliping magnanakaw kalang ambrosia," lumapit si Jasper Kay ambrosia at namulsa sa harap nito "sisiguraduhin kung maibabalik lahat Kay zen Ang mga ninakaw nyo isinusumpa ko Yan"sabay talikod nito at padabog na sinara Ang pinto.
" Ang lalaking Yun"inis na Saad ni ambrosia.
"Hay...Ang init Naman Dito makalabas na ngalang" natatawang Saad ni Jasper at lumabas din ito.
" Mga walang modo" nggagalaiting Turan nito.
Tumayo Ako at kinuha Ang jacket ko sa sofa." Wait San ka pupunta?'"
"Wala Kang pakielam kung San Ako pupunta" seryosong Saad ko na lumabas ng kwarto tsk' Hinding Hindi talaga mawala Wala ng Galit ni Jasper sa Babaeng Yun kahit Ako Galit din sa Babaeng Yun dahil sa kanila kung bakit nagkaganito Ang buhay ni zen.
( FLASH BACK )
Ika sampu ng kaarawan ni zen at dun inannounced ng hari na kaming Limang mag kakapatid Ang pinili nyang maging tagapag tanggol ni zen Bata palang mag kakaibigan na kaming anim palagi kaming naglalaro ng habulan tuwing Gabi lahat ng magagandang memories sa kanya namin naranasan pero sa Hindi inaasahan ng bigla na lamang lumusob Ang mga alvares halos magbaha ng dugo sa buong mansion nagmamadali kung hinanap sa loob si zen dahil nag aalala Ako dahil panigurado pupuntiryahin sya ng mga alvares.
Hinanap ko sya sa buong mansion pero kahit Anung hanap ko ay Hindi ko sya mahanap. Hanggang sa nakarating Ako sa basement at dun ko nakita si kuya Lazarus na buhat buhat si zen at Kasama si kuya Keiran lumabas sila sa pintuan kaya dali dali ko silang sinundan Hanggang sa makarating kami sa gitna ng kagubatan ibinaba nito si zen na walang tigil sa kaiiyak.
"Zen..para sa kaligtasan mo gagawin ko to" mahinahong haplos ni kuya Lazarus sa pisngi ni zen. " Lazarus sigurado Kaba Dito? Na buburahin mo Ang alaala nya tungkol satin? " Bahagya Naman Akong natigilan sa sinabi ni kuya Keiran Ang alaala ni zen tungkol Samin aalisin ni kuya Lazarus?
"Ito Ang kailangan kung gawin para sa kanyang kaligtasan dahil pagtumuntong ng tamang edad si zen at naaalala pa nya tayo Hindi ko alam pero panigurado gagawa at gagawa sya ng paraan para mabalikan tayo maslalo lang syang mapapahamak ng dahil satin" rinig Kong paliwanag ni kuya Lazarus napaupo nalang Ako sa likod ng Puno ayoko man na Hindi na kami maalala ni zen pero kailangan para sa kaligtasan nya.
Hindi nako lumingon pa sa kanila Hanggang sa nakalayo nako at nakabalik sa mansion Ang lahat ay nakaluhod na sa harapan ng bagong hari at Yun ay si Rodolfo alvares Isang anak ng alipin na naging matalik na kaibigan ng hari. Napatitig Ako sa tabi nito at nakatayo sa gilid nito Ang Isang batang babae at Yun ay si ambrosia Esme Alvarez. Napaluhod Ako ng bigla na lamang akong hilahin ni Cassius at sabay kaming lumuhod sa pekeng hari kinasusuklaman ko Ang mga alvares kahit na Ang aming ama ay walang nagawa para iligtas Ang buhay ng kanyang kaibigang hari
( End Of Flashback )
Napahiga nalang Ako damuhan ng maalala Ang mga Yun kamusta na kaya sya siguro Isang ganap na dalaga na sya Ngayon. Pagnakita nya Ako magbabalik kaya Ang alaala nya? Mamahalin kaya nya Ako? Andaming tanong sa utak ko na Hindi masagot sagot hanggat Hindi kami nagtatagpo
Napapikit na lamang Ako at ninamnam Ang sarap ng hangin na dumadampi saking balat" anung ginagawa mo Jan?" Napamulat Ako ng may marinig akong Boses " zen?"napamulat Ako at ng dahil sa gulat ko ay agad akong napatayo at tumama Ang ilong ko sa noo ng kung sino
" Aray.." daing nito " Anu ba kasing gina-'" natulala Ako ng bahagya ng bumungad sakin si Taliyah na nakaupo at hinihimas himas Ang noo nito akala ko si zen si Taliyah lang Pala" sorry, bat ka kasi ng gugulat?"Nguso ko " eh!! Hindi Naman kita ginugulat eh " Anya.
Sinulyapan ko lang ito kaya bahagyang nagkasalubong Ang mga mata naming dalawa" Anu ba kasing ginagawa mo Dito? Andami daming ibang Lugar bat Dito kapa na padpad?" Iwas tingin ko.
"napadaan lang Naman Ako ng napansin kitang nakahiga Dito kaya kita nilapitan" irap nito. " Anu namang rason bat Moko lalapitan?close ba tayo?" Taas kilay ko" abat napatayo nalang ito at napacross arm na tinalikuran Ako
" Tama ka Hindi Naman tayo close bat kita lalapitan? Sige na, Jan ka na mukhang maeestorbo ko lang Ang tahimik mong Mundo" Anya at nag umpisa ng maglakad.
" Amh... Sandali" pigil ko rito " bakit? May kailangan ka?" Taas kilay na lingon nito Bahagya Naman Akong napabugga ng hangin at nginitian ito. Tumitig lang ito sakin ng bahagya at nakasimagot na lumapit sakin at walang pasabing hinampas Ang noo ko.
"Anu bang problema mo?" Hawak ko sa noo ko" pwede ba wag ngingiti, nakakakilabot ka" naghihimas ng braso na Saad nito." Minsan na ngalang Ako ngumiti Hindi mo pa ma appreciate " kunot noong iwas ko ng tingin Dito at tumingin sa malayo.
"Ay kailangan bang ma appreciate yun?" Ngiwi nito sabay upo sa tabi ko. Nakabuntot hininga nalang Ako ng dahil sa Babaeng to kakaiba sya ibang iba sa mgababaeng mortal. Bahagyang namang natahimik Ang paligid Hanggang sa basagin nya ito.
" Anu ba kasing ginagawa mo Dito?" Napakunot Naman Ako ng noo na tinapunan ito ng tingin" bakit ganyan ka makatingin?"
" Ang ingay ingay mo" kunot noo ko" eh!! Bawala magtanong?" Irap nito. " Napabuntong hininga Naman Ako at napahiga nalang muli sa damuhan at nakipag titigan sa malawag na kalangitan. Ansarap magpahinga sa mga gantong Lugar." Hoy Hindi Kaba naboboring?" Muli nanamang napakunot Ang noo ko ng muli naaman itong magsalita" hoy.. athan Wala kabang balak na magsaya manlang Kasama mga kapatid mo?" Muling tanong nito." Hoy Athan si sir Keiran nga Pala nasa Bahay nyo ba?" Hindi ko na matiis Ang pangungulit na tanong ng Babaeng to napaupo Ako at tinitigan ito ng masama " bakit? " Ngisi nito agad Kong hinawakan Ang magkabilang pisngi nito ata walang pasabing hinila.
" Ang ingay ingay mo"
" Aray.... Bitawan mo Ang pisngi ko masakit" hampas hampas nito sa braso ko ng maialis nito Ang kamay ko sa pisngi nya ay para itong batang naghihimas sa namumula nyang pisngi kaya bahagya Akong natawa sa kanya " bwiset ka" sigaw nito at sabay tayo" Ang cute mo Pala eh!!" Natatawang Saad ko " che... Bwiset ka may araw ka rin " sigaw nito habang papalayo natatawang tumayo Naman Ako at patakbong sinundan ito." Hintayin Moko sabay na tayong umuwi" pahabol ko" che... Ewan ko sayo" sigaw nito.