"eh!! kung ganun nagcoconfess ka ngayon dito kay taliyah?"gulat na tanong ko
"Oo"tango naman nito bahagya ko namang narinig ang pagtawa ni taliyah"ha! miss taliyah may nakakatawa ba sa sinabi ko?"baling nito kay taliyah"amh.. naku wala naman"lapit nito kay marco"ang totoo nyan thank you dahil sa dinami rami ng babae sa university eh!! ako yung napusuan mo, pero hindi ako ang tamang babae para sayo dahil ang pusot isip ko ay nakatuon sa ibang bagay kaya pasensya na"ngiting saad nito.
"ganun ba? naiintindihan ko'' anya
"mabuti naman"ngiting saad ko
"naiintindihan ko na hindi kapa ready ngayon kaya maghihintay ako hanggang sa pumayag kana miss taliyah"bahagya naman naestatwa si taliyah sa kinatatayuan nito kaya bahagya rin akong natawa"sige miss taliyah hanggang sa muli"patakbong kaway nito.
"mukhang gustong gusto kanya talaga"natatawang saad ko napabuntong hininga naman ito na nilagpasan ako"wag mo nalang ipaalam kay harper to baka asarin nanaman ako nun"bagsak balikat na saad nito
"halata kay marco na gustong gusto kanya bat hindi mo nalang payagan?"nilingon naman ako nito ng may masamang tingin"gaya nga ng sabi ko nakatuon sa ibang bagay ang pusot isip ko hanggat hindi ko nagagawa ang mga balak ko hindi ko hahayaang mahulog o mainlove ako kahit kanino"at muling talikod nito sakin mga balak? anung ibig nyang sabihin?
sinundan ko lang itong maglakad hanggang sa nakarating na kami sa kinaroroonan nila cassius"antagal nyo naman san ba kayo galing?"salubong ni harper ''jan lang sa tabi tabi"sabay upo ni taliyah sa bench. " wag mong sabihin na kaya lumayo kayo samin para makapagsarili?"cold na boses ni athan. anu bang pinagsasabi ng lalaking to?
"tama ka eh!! anu naman ngayon? may problema ka dun?"masamang tingin na pukol nito kay athan isa pato si taliyah eh mang iinis pa talaga eh"wala anu namang pakielam ko kung magharutan kayong dalawa kapag wala kami"mahinahong saad nito
"ehermm something fishie here"sabay siple ni cassius
"ikaw"nagpipigil na saad ni taliyah."tsk' bwiset tara na harper umuwi na tayo nakakabwiset kasama ang iba jan"irap nito kay athan"ah.. si-sige uwi na kami ba-bye"harper
"sige ingat kayo sa pag uwi"kaway ko rito.
"tara na "sabay tayo naman ni athan sinundan na namin ito papuntang parking lot si athan palagi nya nalang iniinis si taliyah anu bang problema ng isang to? pero ang sinabi ni taliyah kanina na nakalaan na ang pusot isip nya sa ibang bagay at hinding hindi nya hahayaan na mahulog ang loob nya kahit kanino at anung ibig nyang sabihin na hanggat hindi nya nagagawa ang balak? anung balak nya?