* Harper Pov *
" Kamusta na pakiramdam mo?"sabay baba ko ng bag ko at umupo sa tabi ni Taliyah " yeah " maikling tugon lang nito habang nakapangalumbaba" nga Pala ito oh!!" Abot ko Dito ng Isang baunan " Anu Yan?" Titig lang nito sa baunan" puto bumbong pinabibigay ni mama" lapag ko sa mesa
" eh!!! Anung puto bumbong?"
Napairap Naman Ako sa tanong nito" hay nako rich daughter tikman mo nalang"bukas ko ng baunan at inabutan ito ng plastic spoon. Kinuha nya Naman to at nagsandok at tinikman" ohh.. anung lasa?" Taas kilay ko tumingin lang to sakin na walang mababasang emosyon" Sige subukan mong sabihin na Hindi masarap kakalbuhin kita" taas kilay na banta ko rito " ehehehe" ngisi lang nito Babaeng to talaga Hindi ba talaga mahilig sa matamis to?
" Good morning magagandang dilag" napaangat Naman kmi ng ulo ng biglang umupo si sa harapan namin si Cassius ganun din si Athan na sa libro lang Ang atensyon." Anung maganda sa Umaga?" Taas kilay ni Taliyah" well tinatanong paba Yan edi Ako, " sabay hagod nito sa buhok
" Wala namang ibang magandang tignan sa Umaga kundi Ako lang no!" Cassius
" Masyado ka namang confident sa sarili mo Cassius " natatawang Saad ko" syempre Naman Ang mga magagandang lalaki na tulad ko eh!!! Dapat lang may self confidence " pagyayabang nito.
"Self confidence ba tawag sa mga pangit na feeling pogi" sabay subo ni Taliyah ng pagkain bahagya Naman Akong natawa sa sinabi nito mahahalata mo talaga sa babae kung ayaw sa lalaki eh HAHAH " Ang harsh mo Naman sakin Taliyah" sabay pout ni Cassius
"Mukhang masarap to ah!!" Pareho kaming napatingala at napatingin Kay jasper ng kunin nito Ang hawak ni Taliyah na kutsara at kumain ng puto bumbong " wahhh ansarap nga " tuwang tuwa na Saad nito " talaga? nagustuhan mo? Ako may gawa Nyan" ngisi ko.
"Luhh masarap? Patikim ahh" sabay nganga ni Cassius sinubuan Naman to jasper " wahhh oo nga masarap nga " sang ayon Naman ni Cassius nakakatuwa Naman nagustuhan ng Vlademir brothers Yung gawa ko.
"Seriously? Hindi ba kayo sinabihan ng parents nyo na wag kayong kakain ng pagkain na Hindi Naman sa inyo" bahagya Naman kaming natigilan at napatingin Kay Taliyah na nakakunot Ang noo. " Ah... Hehe Ngayon lang kasi kami nakatikim ng gantong pagkain kaya tinikman ko" kamot kamot ulong Saad ni Jasper" Anu Kaba Taliyah wag Kang madamot paluto ka nalang ulit Kay Harper" sabay agaw Naman ni Cassius Kay jasper at kinain ito. tumayo si Taliyah at lumapit Kay Cassius at walang pasabing kinuha Ang kutsara na hawak ni Cassius " oyy bakit?" Takang tanong Naman ni Cassius " Wala akong pakielam sa pagkain pero sa kutsarang ginagamit ko Meron" irap nito Kay Cassius at nilagpasan ito at tinungo basurahan " oyy anung gagamitin ko Dito" reklamo ni Cassius " use your hand, that's it" sabay balik ni Taliyah sa kinauupuan nito at muling nangalumbaba." Ansama Naman ng ugali ng Babaeng to" reklamo ni Cassius habang nakatitig Kay Taliyah at Puno Ang bibig.
" Bakit? may problema ka sakin?" Taas kilay na titig ni Taliyah Kay Cassius
" May araw karin" nguso nito
" Haha naku Cassius hayaan mo na,Yan maupo kana " sabay paupo ni Jasper Kay Cassius " Mali Naman kasi talaga na ginamit natin Yung ginagamit na kutsara ng Isang dalaga eh kaya Mali Ako hehe sorry Tali" ngisi nito Kay Taliyah tumitig lang si Taliyah sa kanya at muling ibinalik Ang titig sa block board. Haha parang asot pusa Naman Ang mga to!
* Taliyah Pov *
Nakakainis talaga mga to Wala Naman talaga akong pakielam sa pagkain pero Yung gamitin nila Ang kutsara na ginamit ko Hindi ok Yun " oyy lutuan nalang kita ulit bukas ah!" Tabig ni Harper sa balikat ko sinulyapan ko Naman to at napabuntong hininga habang nakapangalumbaba "wag na alam mo namang Hindi Ako mahilig sa matamis pero salamat sa dinala mo" ngiting turan ko.
" Ah.. Sige " ngiti Naman nito natutuwa Ako kasi sa tagal ko sa mundong to ni Isang beses Wala akong naging kaibigan na katulad ni Harper sana pagnalaman nya Ang totoo kung katauhan Hindi magbago Ang tingin nya sakin.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Naglalakad Ako sa hallway ng bigla akong natigilan sa harap ng pinto ng Isang office nung unang beses na dumaan Ako Dito may iba akong naramdaman na para bang may hndi ordinaryong tao sa loob nito pero Ngayon Wala na akong ibang nararamdaman.
"Anung Meron?" Napalingon Ako ng bigla na lamang may nagsalita Mula sa likuran ko at bumungad sakin Ang seryoso mukha ni Athan na nakatingin sa pinto at hawak hawak Ang librong binabasa nito.
"Anung ginagawa mo Dito?" Kunot noong talikod ko rito.
" Sinusundo ka"
"Ha? Bat mo Naman Ako susunduin?" Takang tanong ko sinara nito Ang librong binabasa nya at hinawakan Ang hood ng jacket ko at walang pasabing hinila Ako." Bitawan mo nga Ako San mo ba Ako dadalhin?" Inis na pagpupumiglas ko." Tumahimik ka at sumunod nalang" seryosong Boses nito napanguso nalang Ako at Hindi na kumontra pa at hinayaan ko nalang na hilahin Ako nito. San bako dadalhin ng lalaking to?
Ng makarating na kami sa Isang room ay walang pasabing hinawakan nito Ang balikat ko at pinatayo Ang ng tuwid na akala Moy estatwa." Andito na Ang layas mong estudyante" bahagya Naman Akong napatingin sa paligid ng nakatitig sakin Ang mga kaklase ko anung room to?
" Miss Eleazar, don't you know what time your chemistry subject is?" Napalingon Naman Ako sa nagsalita at bahagya Akong natulala sa bumungad sakin Ang Isang lalaki.
" Done staring me?" Napakurap kurap Naman Ako ng mata at napabalik sa ulirat ng muli itong magsalita " amh... I'm sorry mag Ccr lang Sana Ako nakalimutan Kong may kasunod pa palang subject I'm sorry " Yuko ko.
" Ok take your seat" buntong hininga nito dali dali Naman Akong lumapit Kay Harper at umupo sa tabi nya." Kanina kapa kasi hinahanap dahil sa attendance kaya nag volunteer na si Athan na hanapin ka" bulong ni Harper.
" Bat Naman sya pa Ang na volunteer na maghanap sakin? Anu namang nakain Nyan?" Taas kilay ko." Hindi ko alam eh HAHA pero Tali Yung bago nating teacher sa chemistry tignan mo Ang pogi nya" kinikilig na Saad ni Harper bahagya Naman Akong napasulyap sa bago naming teacher na nagdidiscuss sa harapan Yung amoy nya parang kaamoy ng kung sino sa loob ng office nayun Hindi kaya sya yun.
" Ok that's it for today make sure to answer your assignment class dismiss" sabay ligpit nito ng kanyang gamit Wala manlang akong narinig sa mga diniscuss nya palabas nato ng pinto ng bahagya Ako nitong sinulyapan at tuluyan ng lumabas ng room.
"Oyyy type mo si sir no!" Sino ni Harper sa tagiliran ko" pinagsasabi mo?"masamang tingin ko rito." Iba kasi Ang titig mo Kay sir Mula Kanina na para bang na love at first sight ka ng Makita mo sya ayieee girl Ikaw ah!" Pang aasar nito sakin parang sira Naman to.
" Kung Ako Sayo itigil mo yang nararamdaman mo dahil ka papasa sa panlasa ng kuya namin" bahagya Naman nanayo Ang Tenga ko sa kakaibang na rinig ko Mula Kay Athan.
"Hindi papasa sa panlasa ng kuya mo? Anung pinagsasabi mo? Ako may feelings sa kuya mo? Tsk' nahihibang kana ba? Sino namang tamuho yang sinasabi mong kuya mo na nagustuhan ko?" Irap ko Dito.
" Yung teacher na pinagpapantasyahan mo" ngiting Saad ni Jasper napanganga Naman Ako sa sinabi nito " eh!! Kuya nyo Yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko" yup sya si kuya Keiran Felix Vlademir Ang pangalawang kuya namin " natatawang Saad ni Jasper.
" Ngayon alam mo na, kaya kung Ako Sayo itigil ko nalang yang kakapantasya mo dahil mababaliw ka lang sa taong kahit kailan Hindi mapapasayo"sulyap ni athan sakin.
" Anu bang pinagsasabi mo lalaki ka! Hindi ko Naman pinagpapantasyahan yang kuya nyo no! Atsaka sino nagsabi sayo na may gusto Ako sa taong Yun" cross arm ko.
"Pansin ko sa mga mata mo,"
" Ehh hibang Kaba Athan?"
" kung panu ka makatitig sa kanya Jan nagsisimula na unti unti Kang mahuhulog sa kanya"seryosong Saad nito.
" Tsk' pwede ba Athan Wala akong alam sa pinagsasabi mo atsaka tsk' Ako magkakagusto? Ni Minsan Hindi pa sumagi sa isipan ko Ang mga bagay nayan" irap ko Dito totoong ni Minsan Hindi ko pa naramdaman Yang sinasabi nila na love sa limang daang taon na pag iisa at pamamalagi ko sa mundong to ni Minsan Hindi ko naramdaman Yan dahil walang ibang laman Ang pusot isip ko kundi Ang makapanghiganti sa clan na sumira ng perpekto kung buhay at Wala akong ibang intindi kundi Ang magpalakas para sa para mabawi Ang mga nasasakupan Kong inalila ng clan na Yun.
" Natahimik ka ata?!" Napakunot Naman Ako ng noo na tinitigan si Athan " Wala Kang pakielam" irap ko Dito kinuha ko Ang bag ko at binitbit na palabas ng pinto.
" Oyy San ka pupunta?" Rinig Kong pahabol ni Harper Hindi ko nalang to pinansin na tuloy tuloy lang na naglakad sa hallway nakakainis Yung lalaking Yun akala mo Naman eh!! Experto sa love, love nayan tsk' kalokohan lang Naman Yan
Bogsshhh**
Napaupo Ako sa sahig ng dahil sa parang may matigas na poste akong nabangga" aray" hawak ko sa noo ko." Are you ok?" Napatingin Naman Ako sa palad na nakalahad sa harapan ko kanino kamay kaya to? Pagtingala ko ay bumungad sakin Ang walang emosyong mukha ni sir Keiran
" Ah... Naku sir sorry Po" sabay tayo ko at yumuko Yuko sa harapan nito Hindi ko na tinanggap Ang kamay nito eh!!! Ayoko kasing hinahawakan Ako.
"San Kaba kasi pupunta? Mukhang Hindi pa tapos Ang klase nyo?" Mahinahong Turan nito napatayo Naman Ako ng tuwid at bahagyang napabuntong hininga ng maalala Kong naiinis Pala Ako Kay Athan.
" Ah... magpapalamig lang ng ulo" iwas ko Dito at nag umpisa ng maglakad.
" Magpapalamig ka ng ulo may alam akong Lugar" natigilan Naman Ako sa paglalakad at bahagyang napalingon rito. Ang kalmado nya Kanina na akala ko eh Hindi marunong ngumiti pero Ngayon nakangiti sya sakin.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
* Keiran Pov *
Nagulat Ako ng Makita sya na Hila Hila ni athan papasok ng room Hindi Ako makapaniwala sya na ba Yan? Hindi ko lubos akalain na makakalapit Ako sa kanya ng ganito sa mga lumipas na taong palagi lang Ako nakatanaw sa kanya Mula sa malayo Ngayon Hindi ko inaasahan na makakalapit Ako sa kanya ng ganito.
" Dito Ako sa rooftop pumupunta pag Wala akong magawa sa office ko ansarap ng hangin Dito Hindi ba?" Ngiting baling ko sa kanya sinulyapan lang Ako nito ng bahagya at muling ibinaling Ang paningin sa kaulapan.
" Sabihin mo bat gusto mong magpalamig ng ulo? May Galit ka ba sa Isang tao?" Pamulsa ko.
Rinig ko Naman Ang malalim na paghinga nito at pagbuga nito." Yung si Athan sinisira Ang araw ko eh!! Nakakainis Ang bakulaw nayun" inis na Saad nito Bahagya Naman Akong natawa sa sinabi nito. "Minsan lang mang inis ng tao si Athan at sa dinami rami ng tao Ikaw pa talaga Ang napili nyang inisin" natatawang Saad ko.
" Huh?" Takang tanong ko."Ang totoo Nyan Hindi Naman sya ganyan kahit kanino kasi sa aming magkakapatid sya lang Yung parang may sariling Mundo at kahit kailan Hindi sya nakikipag usap samin pero Sayo bigla akong natawa kasi bigla lumabas Ang pagiging mapang asar nya" natatawang Saad ko.
" Eh!!! Alam mo mas ok ng manahimik nalang sya sa tabi at magpaka busy sa mga libro nya keysa sa bwisitin Ako magkakaroon pa ng silbi Ang buhay nya"
"Hanggang Ngayon sa aming Lima sya parin Ang kinaiinisan mo Hindi parin nagbabago" ngiting Saad ko.
" Huh? " Takang tingin nito sakin napaiwas Naman Ako ng tingin ng Hindi sinasadyang magkasalubong Ang mga paningin naming dalawa. " Ah... Wala Yun sya nga Pala Sige ha! Balik nako sa office ko at Ikaw bumalik kana rin sa susunod na klase mo" ngiting talikod ko rito ng makarating Ako sa pinto ay bahagya Akong napalingon sa kanya " nga Pala kung may mga Wala Kang naiintindihan sa mga dinidiscuss ko let me know handa akong tulungan ka sa lahat " ngiting talikod ko rito at naglakad sa hallway bahagya Akong napahinto ng mag ring Ang phone ko at Sabi na nga tatawag Ang taong to!
"Nakita mo na sya?" Bungad nito sakin
" Yeah walang pinagbago kagaya parin ng dati" Saad ko sa kabilang linya.
"Well what do you think? Ipaalam na ba natin sa kanila?" Muling Saad ko.
" No! Not now, Hindi ko alam Ang kalalabasan nito pagnalaman nila na matagal na natin syang sinusubaybayan at Hindi ko alam Ang magiging reaction nila pag Nalaman nilang Ako Ang may dahilan kung bat tayo nabura sa alaala nya "
" Anu ba kasing dahilan bat mo pa ginawa Yun?" Buntong hininga ko
" Alam mo na Ang sagot sa tanong mo Keiran para to sa kaligtasan nya" Tama sya ginawa nya Yung disisyon nayun ng Hindi manlang napag isipan ng husto matapos Ang digmaan 500 daang taon na Ang nakakalipas maspinili nyang burahin Ang alaala nito Samin para sa kapakanan nya.
Pero ansakit ng nararamdaman ko ng nakakausap ko sya Kanina parang Ang awkward na nakikipag usap Ako sa taong walang kaalam alam ng katotohanan na kami Ang mga taong walang nagawa para protectahan sya.
"Alalayan mo lang sya sa lahat Keiran malapit na Ang pagpula ng buwan mahihirapan tayo sa kanya pagnagkataon"
" Sige wag Kang mag alala Ako ng bahala sa kanya" sabay baba ko ng tawag malapit na Ang pagpula ng buwan kaya maskailangan naming pagtuunan ito ng pansin.