Now playing: Maling Panahon - Arthur Miguel
Elena's POV
Tulala at hindi parin ako kumikibo noong makarating kami ni Luna sa tapat ng apartment ko.
Ni parang ayaw kong bumaba ng sasakyan at ihakbang ang mga paa ko papasok ng gate dahil alam kong wala akong ibang makikita sa apat na sulok ng apartment ko kundi si Kassandra.
Alam ko kasi na mapupuno lamang ako ng pag-aalala.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong pwedeng gawin para man lang makalapit o maalagaan siya.
I silently pray na sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Ngunit alam ko deep inside and in my heart na totoo ang lahat ng nangyayari. At wala akong ibang kailangan gawin kundi ang magpakatatag para kay Kassandra.
"Kung ayaw mong pumasok sa loob, pwede namang dun ka na muna sa condo ko." Mahinang sabi ni Luna bago ako inabutan ng panyo.
Nagtatanong ang mga mata na tinignan ko siya atsaka sa hawak niya.
Panahinga siya ng malalim.
"Umiiyak ka na naman." Tsaka siya na mismo ang nagpunas ng luha sa aking pisngi noong hindi ko kinuha ang panyo mula sa kanya.
"Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'wag ka nang umiyak. O bawal kang umiyak. Because I understand how you feel. And I'm sorry about what happened earlier." Pagpapatuloy pa niya bago napabaling sa ibang diresyon. "Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang ginawa sa'yo ni Auntie. But don't worry, I'll handle that pati na rin 'yung witch naming kaibigan." Tukoy nito kay Annia.
"But you know what? I hate seeing you cry." Atsaka inis na muling nagbaling ito ng kanyang tingin muli sa akin. "Because I'm used to seeing you strong. You didn't let anyone push you around like when we were in high school. I never even saw you cry when we used to bully you." Dagdag pa niya. "But now? I don't know."
Muling napahinga siya ng malalim.
"You really love her, do you?" Tanong nito sa akin. "I mean...Kassandra."
Napatango ako bilang sagot.
Ganoon din siya napatango-tango ng maraming beses bago mabilis na muling binawi ang mga mata sa akin.
"Ouch!" Pabirong sabi niya habang napapahaplos sa kanyang kaliwang dibdib. "And now...she even your weakness."
Napayuko lamang ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat na sabihin sa kanya.
Pagkatapos noon ay binalot na kami ng nakakabinging katahimikan.
Nagulat na lamang ako nang buhayin nitong muli ang makina ng kanyang sasakyan.
"L-Luna, ibaba mo na ako. U-Uuwi na ako." Mahina ang boses na wika ko dahil inaamin kong wala na talaga akong energy pa lalo ngayon.
Ngunit tila ba wala itong narinig at nagpatuloy lamang sa kanyang pagmamaneho.
"Too late dahil nasa highway na tayo."
"Saan ba tayo pupunta?"
But again, hindi na naman ako nito sinagot.
Hindi na lamang ako muling kumibo dahil kahit makipagtalo, wala na rin akong lakas pa.
Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang convenience store.
Mabilis na pinatay ni Luna ang makina at bumaba ito ng sasakyan. Akala ko papasok na siya sa loob ng store pero umikot ito sa passenger seat at pinagbuksan ako ng pintuan.
Tahimik na bumaba na lamang din ako bago kami pumasok sa loob ng nasabing tindahan.
Pagkatapos ay gentlewoman na inalalayan niya akong maupo roon.
"Spicy or hindi?" Tanong nito sa akin bago lumapit sa mga cup noodles na nandoon.
"I think spicy." Sagot nito sa sarili niyang katanungan noong hindi pa rin ako kumikibo.
Kumuha siya ng dalawa atsaka siya lumapit sa water dispenser para lagyan ito ng mainit tubig.
"You need to eat dahil wala ka pang kain na kahit na ano." Wika niya.
Maingat niyang inilapag ang mga ito sa tapat ko bago muling umalis, marahil para bayaran ang kanyang nakuha.
Ngunit may ilang minuto na ang nakalilipas hindi pa rin nakakabalik si Luna. And who knows kung saan pa siya nagpunta pagkatapos magbayad ng dalawang cup noodles. Alam kong hindi niya ginamit ang kanyang sasakyan dahil naka-park pa rin ito kung saan kami bumaba kanina.
Napatingin ako sa labas ng glass wall noong basta na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Agad na nagpalinga-linga ako sa paligid.
Nasaan na ba kasi 'yung babaeng 'yun?
Tatayo na sana akong muli para hanapin siya noong biglang namatay ang ilaw ng convenience store.
"Hays! Nag-brown out pa." Dismayadong bulong ko sa aking sarili.
Pero kusa na lang akong natigilan noong makita ko si Luna na merong bitbit na isang plate ng pinagpatong-patong na cupcakes, kung saan merong birthday candle sa pinakatuktok nito.
Awtomatikong nanlaki rin ang aking mga mata nang mapansin na basang-basa siya ng ulan.
"Luna! Basang-basa ka!" Agad na saway ko noong tuluyang makalapit siya sa akin.
"It doesn't matter. Pwede kong tuyuan ang sarili ko mamaya." Nakangiting wika niya.
"Paano kapag nagkasakit ka---"
"Hindi ako magkakasakit." Putol nito sa akin bago bumaba ang tingin niya sa kanyang hawak.
Napalunok ako noong sumunod din ang aking mga mata sa hawak niya.
Medyo nahihiya na binigyan niya ako muli ng isa pang ngiti.
"Sorry..." Paghingi niya ng tawad. "I tried to find a nearby cake shop before midnight." Napatingin ako sa orasan na nasa wall, alas dose tres na pala ng umaga at nagpalit na ang petsa.
"But none were open, so I decided to make these cupcakes and give them to you instead." Dagdag pa niya.
"Alam kong hindi ito kasing special ng dapat surprise sa'yo ni Kassandra... but I hope you like it, El." Tsaka niya ako muling binigyan ng pinaka-warm na ngiti na kaya n'yang ibigay sa akin.
Iyong ngiti na alam niyang mako-comfort ako.
Iyong ngiti na nagsasabing...
"I know you're not happy today dahil sa nangyayari, but still, you deserve to be greeted with a happy birthday. So... happy birthday, Elena!" Maligayang pagbati sa akin ni Luna at nakikita kong mula sa puso ang ginagawa niya.
Napalunok ako bago napatingala sa itaas. Hindi na dapat ako umiiyak ngayon pero wala eh. Hindi ko naman mapigilan ang maluha.
Natawa ako ng mahina at pabirong hinampas siya ng marahan sa kanyang braso.
"Thank you, Luna." Pigil ang pag-iyak na wika ko ngunit pagbagsak na ang mga luha. "Nag-effort at nagpabasa ka pa talaga sa ulan para lang makahanap ng mabibilhan ng cakes." Dagdag ko pa bago mabilis na pinunasan ang luha na tuluyang pumatak sa aking pisngi.
"Maliit na bagay lang 'yun kung para naman sa'yo." Nakatitig na tugon niya.
"Oh siya, make a wish and blow your candle." Pag-iiba niya ng usapan at para na rin mawala ang namumuong awkward sa pagitan namin. "Baka kasi mainip sa Kuya at palabasin na tayo." Dagdag na bulong pa niya dahil hanggang ngayon ay naka-turn off pa rin ang ilaw.
So, hindi pala talaga brown out. Pinasadya niya lang na ipapatay ang ilaw. Komento ko sa aking isipan.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay natawa ako at agad na sinunod ang sinabi niya.
Wala naman akong ibang wish ngayon kundi... fast recovery para sa taong mahal na mahal ko at sana ay magkamalay na siya dahil gusto ko na siyang makita at maalagaan.
Pagkaraan ng ilang sandali ay binlow ko na ang candle. Kasabay noon ang muling pagbukas na ng ilaw.
Ang galing naman dahil timing talaga ang pagbalik nito.
Pagkatapos noon ay sabay na naming pinagsaluhan ni Luna ang walong cupcakes na binili at pinagpatong-patong niya, pati na rin 'yung cup noodles na ngayon ay medyo malamig na ang sabaw.
Hindi ko man ito naubos at dalawang cupcake lang din ang nakain ko ay sobrang nagpapasalamat ako kay Luna dahil nandiyan siya sa tabi ko. Merong nagpapaalala sa akin na hindi ko dapat pabayaan ang sarili ko, lalong-lalo na ngayon na mas kailangan ni Kassandra na maging matatag at malakas ako.
"Thank you..." Pasasalamat ko kay Luna noong makahinto kaming muli sa tapat ng gate ng apartment ko.
Pagkatapos naming magpatila ng ulan ay agad na niyaya ko na rin siyang umuwi. Alam ko kasi na bukod sa akin ay kailangan na rin niyang magpahinga.
Alas dos na ng madaling araw noong makarating kami rito sa apartment ko.
Napalunok lamang si Luna bago ako nginitian ng may pagkaalanganin.
"O-Of course. P-Para kay Kassandra." Nauutal na sagot nito bago napatikhim pa sa dulo.
"H-Hindi ka pa ba papasok?" Dagdag na tanong n'ya.
"Ah, yes, papasok na. Thanks again, Luna." Muling pasasalamat ko pa bago tuluyang bumaba na ng sasakyan.
Pero nakakailang hakbang pa lamang ako palapit sa gate nang marinig ko ang pagbukas at pagsara muli ng pintuan ng sasakyan niya.
"Uhhh, Elena?"
Agad na napalingon ako.
"Yes?"
"C-Can I stay here? I-I mean kung...kung okay lang sa'yo? Aalis din ako before 6AM." Tanong nito. Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi para pigilan ang nagbabadya kong pag ngisi dahil parang kanina pa nauutal si Luna sa harap ko.
Hindi ako sanay.
"S-Sure!" Walang nagawa na pumayag na lang din ako dahil kahit papaano eh sinamahan niya naman ako at ipinagmaneho mula pa sa Zambales, plus pinagsindi ng kandila para sa birthday ko.
Pagpasok namin sa loob ng unit ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod na ako.
Hinayaan ko na lang din si Luna kung saan niya gustong matulog. Kung sa sofa ba sa sala or sa kwarto ni Kassandra.
And the next thing I knew... nagising na lang ako noong bandang alas nuebe na ng umaga.
Hindi ko alam na ganoon pala katagal ang naitulog ko.
Kahit hindi ko alam kung anong magiging itsura ko eh mabilis na lumabas ako ng aking kwarto para i-check kung nakaalis na ba si Luna o hindi pa.
Pero katulad ng inaasahan ko ay wala na nga ito. Nakaalis na siya.
Awtomatikong napalingon ako sa kusina noong mapansin na parang merong tinatakpan na pagkain sa center island. Kunot noo na lumapit ako rito para i-check.
At tumambad sa akin ang american breakfast na medyo mainit-init pa. Halatang bagong luto ito dahil bakas din sa aking kusina na merong gumamit rito.
Means, kaaalis-alis lamang ni Luna.
Mabilis na hinablot ko 'yung notes na nakita kong nakapatong sa ibabaw ng tray kung saan nakalagay ang pagkain.
"Even a chef deserves to be cooked for and taken care of, so please eat this and don't forget to rest. - L "
Napapalunok na naupo na lamang ako sa upuan na nasa harap ko.
Ayokong maging assuming pero sana...sana ginagawa pa rin ni Luna ang lahat ng ito para kay Kassandra.
Para sa kaibigan niya.
Kasi kung higit pa roon...hindi ko na alam.
Because I don't want to hurt her, I cannot reciprocate the effort that she is giving me.