Chapter 43 - CHAPTER 41

Now playing: Dulo - The Juans

Elena's POV

Walang ibang magpagdalhan sa akin sin Mae at Cybele maya dinala na lang muna nila ako sa isang Coffee Shop at doon pinakalma.

Hinayaan lamang nila ako sa pag-iyak at maibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi rinnsila masyadong nagsasalita at patuloy lamang si Mae sa oaghagod ng likod ko hanggang sa tuluyang tumahan ako.

Marahil alam nila na walang kahit na anong words ang makakapagpakalma sa akin sa mga sandaling ito. O walang kahit anong salita ang pwede maghilom sa sama ng loob na nararamdaman ko.

Hindi ko kasi lubos akalain na kaya akong i-deny ni Kassandra ng ganun. Hindi ko kayang isipin na magagawa niya akong itanggi sa harap ng maraming tao.

Sa halip na hawakan niya ang mga kamay ko sa harap ng iba eh tinalikuran pa niya ako na para bang hindi niya sinabing mahal niya ako.

Ang bilis naman niyang makalimot.

Ganun lang ba ako kadaling sukuan at bitiwan?

Nabibigatan ba siya sa responsibility ng relasyon namin?

O sadyang hindi niya lang ako kayang panindigan o maging ang relasyon namin?

Ang daya niya!

Ang daya-daya niya. Sana hindi niya na lang sinimulan kung hindi naman pala niya kayang panindigan ang relasyon na ito.

Lalong sumasama ang loob sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina.

Ang daming tanong sa isip ko na tanging siya lang ang makakasagit ngunit hindi ko alam kung willing pa ba siyang kausapin ako.

Natigilan ako sandali noong makita ko si Roxanne na pumasok sa Cafe habang iginagala ang mata sa paligid.

At noing sandaling nahanap na kami ng kanyang mga mata ay mabilis lang lumapit sa amin.

"Elena, pwede ba kitang makausap?" Tanong nito sa akin bago napasulyap kina Mae at Cybele.

"Privately." Dagdag pa niya.

Agad din akong napatingin sa dalawa. Nagkatinginan sina Cybele at Mae bago sabay na tumayo.

"Lipat na lang kami sa kabilang table." Paalam ng kaibigan ko. Kaya naman agad na lumipat sila sa kabilang bakanteng table.

Naupo si Roxanne na tila ba balisa at hindi makatingin sa akin.

Ngunit hindi naman iyon nagtagal nung tumikhim siya. Inayos muna nito ang kanyang posture bago muling nagsalita.

"I'm sorry." Iyon agad ang unang salita na lumabas sa labi niya. Napahinga ako ng malalim. Pinipigilan na muling maiyak.

"I'm really really sorry, Elena." Pagpapatuloy niya.

"Wala ka na bang ibang sasabihin kundi sorry?" Pamimilosopo ko sa kanya.

"I'm sorry, pero kung ano man ang meron sa inyo ni Kassandra, kailangan niyo nang itigil." Pahayag niya. "Dating you will put Kassandra's career at risk. So, you need to seperate for the moment." Napailing ako sa sinabi ni Roxanne. Hahawakan ko rin sana ang kamay nitong nasa ibabaw ng lamesa ngunit mabilis niyang binawi iyon.

"No. Please, Roxanne---"

"Hindi na rin ikaw ang magiging personal Chef niya muna ngayon. Pinuputol na ni Kassandra ang kontrata na meron kayong pinirmahan at babayaran ka na lang ng buo---"

"NO!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Mabuti na lang at nakatalikod ako mula sa ibang customer kaya hindi nila ako makilala. Dahil sure akong may makakakilala sa akin dahil kumakalat ang litrato ko sa lahat ng news at social media ngayon.

"Hindi ako naniniwala hangga't hindi siya ang nagsasabi niyan." Dadag ko pa bago tuluyan na muling pumatak ang aking mga luha.

Napahinga siya ng malalim. "Don't get me wrong. I love you. At gusto ko rin na maging masaya kayong dalawa. Pero ito kasi ang desisyon ni Kassandra." Paliwanag niya.

"And as much as I want you to be together, wala akong magagawa dahil ayoko ring mawala na lang ng basta yung lahat ng pinaghirapan niya. Pati na rin ang pinaghirapan ko bilang manager niya. Gusto mo bang mangyari yun?" Pagpapatuloy niya bago tuluyang tumayo.

Mabilis na lumapit siya sa akin at niyakap ako. Pero hindiniyon nagtagal.

"I'm really sorry. Pumunta lang ako para sabihin yan dahil hindi pa kaya ni Kassandra na harapin ka ngayon lalo at napakainit ng media." Ani niya bago tuluyang tumalilod na. Hindi na rin ito nagpaalam pa sa mga kaibigan namin at dire-diretso nang umalis.

Habang ako naman ay muling naiwan na luhaan. Paulit-ulit na tinatanong kung ano ba talaga ang worth ko kay Kassandra. Bakit naman sa sobrang bilis ng mga pangyayari eh ganito pa kasakit lahat?

Pwede bang hinay-hinay lang?

Iisa lang ang puso ko eh. Hindi ko kayang i-take lahat ng isahan at biglaan.

Pwede bang huwag naman niyang ipagsabay-sabay na para bang hindi man lang ako naging importante sa buhay niya?

Parang kahapon lang ayaw niya akong masaktan at ingat na ingat siya sa nararamdaman ko, tapos ngayon kung sagtan niya ako kulang na lang durugin niya ako ng buhay eh.

Ang sakit sakit naman nito.

Hindi ba talaga niya naiisip ang nararamdaman ko?

Grabe naman.

Wala na naman akong ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Halos kulang na lang lumuwa na ang mata ko sa kakaiyak.

Hindi ko na kasi alam paano at saan ibabaling ang sakit. Ang sakit sakit ng mga nangyayari ngayon. Para akong mababaliw knowing na pwede naman niya ako ipaglaban pero hindi niya man lang magawang subukan.

Hindi ko naman sinasabing piliin niya ako kaysa sa career niya. Pero sana kahit konting pakikipaglaban para sa relasyon namin, makita at maramdaman ko sa kanya. Pero wala.

Pagsuko ang tanging paraan niya.

Baka mas lamang ang takot niya na masira ang career niya kaysa ang mahal niya ako.

At iyon ang isa sa bagay na hindi ko matanggap.

Pagkatapos kong kumalma muli at inihatid na ako nina Mae at Cybele sa apartment ko.

At habang mag-isa ako roon, hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip.

Gusto kong takasan ang lahat ng ito, umalis at iwan lahat ng mga nangyari rito at umuwi na lang sa Palawan.

Pero kahit na ganun na ang nangyayari sa amin ni Kassandra, ayoko pa rin siyang sukuan at basta bitiwan na lang.

Kahit ubos na at wala na ang pride ko, gusto ko pa rin siyang kausapin. Kung pwede magmakaawa gagawin ko, huwag lamang siya tuluyang mawala sakin.

Ngunit kahit na ano yatang hiling ko na huwag na munang magwakas ang kwento na meron kami ni Kassandra ay pilit na itong ipinagkakait ng tadhana sa akin. Ilang beses ko siyang pinuntahan sa mga lugar na alam kong pwede ko siyang makita pero bigo ako.

Maging sa Penthouse kung saan iyon ang alam ko na huling lugar na pwede niyang puntahan sa maghapon, ay wala rin siya rito.

Nagmistulang stalker din ako sa labas ng station nila dahil inaabangan at hinihintay ko siyang lumabas pero bigo pa rin ako.

Iniiwasan ko sina Mae at Cybele o maging si Luna dahil pakiramdam ko pagsasabihan lamang ako ng mga ito. O pagbabawalan sa pinaggagawa ko.

Alam ko naman kasing concern lamang sila sa akin. Pero hindi rin nila ako masisisi, gusto ko pa rin namang isalba ang relasyon na ito.

Dahil hangga't hindi ako pumapayag na tuluyan kaming maghiwalay ay meron at meron akong matatawag na 'KAMI' ni Kassandra. She's still my girlfriend at girlfriend niya ako.

Kaya ngayon, ito na ata ang pang limang araw na hinahabol-habol at hinahanap ko siya. Wala na akong choice kundi puntahan siya ng gabi sa Penthouse niya.

Alam ko sa mga sandaling ito ay wala na siyang ibang gagawin kundi ang magpahinga.

Maingat na pumasok ako sa loob ng building. Mula sa entrance hanggang sa elevator ay maingat akong naglalakad na huwag mapansin o makilala ng guards. Dahil maging dito sa mismong bahay niya ay pinagbabawalan ako na pumunta.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag nang marating ko ang mismong pintuan ng unit niya.

Sinubukan kong i-open ang pintuan pero mali ang passcode. Sinubukan ko pa iyon ng isang beses pero mali pa rin talaga.

Ibig sabihin lamang noon ay nag-change code na siya.

Kaya naman wala akong choice kundi ang paulanan ng pindot ang doorbell.

Hanggang sa tuluyang magbukas ang pintuan ngunit laking gulat ko na hindi ang mukha ni Kassandra ang bumungad sa akin. Hindi rin Roxanne, hindi rin si Annia o maging ang ina ni Kassandra.

Kundi isang lalaki na nasa mid 30's.

Sinabi nito sa akin na siya na ang bagong nakatira roon tatlong araw na ang nakalilipas at hindi nito kilala ang babaeng hinahanap ko.

Hanggang sa pabagsak na pinagsaraduhan ako nito ng pinto.

Wala sa sariling lumabas na lamang ako muli ng building na iyon at naglakad patungo sa Park habang malayang umaagos ang luha sa aking mga pisngi.

Nanghihina ako.

Pakiramdam ko pinagsakluban na ako ng langit at lupa.

Dama ko rin ang panginginig ng buong katawan at mga tuhod ko.

Gusto kong magsisigaw at magwala habang paulit-ulit na isinisigaw ang salitang 'Bakit?'

Bakit niya nagawa sa akin lahat ng ito?

At talagang sinigurado niya na hindi ko na siya mapupuntahan pa dahil umalis na rin siya sa mismong bahay niya. Lumipat na siya.

May nagawa ba akong mali?

May kulang ba sa akin?

Dahil ba hindi ko siya napuntahan at nabantayan sa Hospital? Paano ko naman magagawa iyon eh pinagtatabuyan ako ng magulang niya.

Ang sakit sakit na. Hindi ko na alam kung anong gagawin pa. Wala na akong naiiwang choice ngayon kundi ang sumuko.

Iyon na lamang ang tanging naiiwan sa akin.

Pero kahit na iyon na lang ang natitirang choice para sa akin, hindi ko pa rin iyon pipiliin. Gagawa pa rin ako ng ibang choice at iyon ay ang subukan pa ulit.

Kahit isa na lang.

Kahit isa pa.

Ilalaban ko pa rin ito.

Sa sobrang pag-iyak ko habang naglalakad ay nanlalabo na rin ang paningin ko. Siguro dala na rin ng sobrang paghapdi ng mga mata ko sa ilang araw na pag-iyak.

Nung makarating ako sa Park, doon, para akong nananaginip sa nadatnan ko.

It seems like a dream to me pero alam kong totoong si Kassandra ang nakikita ko ngayon.

Bigla akong nabuhayan ng dugo. Paalis na ito. Hindi niya ako nakita kaya naman mabilis na hinabol ko siya at kaagad na niyakap ng mahigpit mula sa kanyang likuran.

Walang salita ang gustong lumabas sa labi ko kundi panay paghikbi. Ni kahit pangalan niya, hirap akong banggitin dahil na rin nahihirapan na akong huminga sa sobrang pag-iyak. Ang tanging kaya ko lamang gawin ay yakapin siya ng sobrang higpit dahil sa takot na muli siyang mawala sa paningin ko.

Ngunit kahit anong higpit ng yakap ko, kung gusto niyang kumawala ay magagawa at magagawa niya. Kaya pwersahang tinanggal niya ang mga bisig kong nakayapos sa kanya. At kunot noo itong humarap sa akin.

Iyak na iyak na ako sa harapan niya. Pero siya, parang wala lang sa kanya na nasasaktan ako. Na nakikita niyang hindi na ako makahinga sa pag-iyak.

Ang lamig ng mga tingin niya at wala akong mabasa na kahit na anong emosyon mula sa mga mata niya.

Nasasaktan ako sa paraan kung paano niya ako tignan ngayon. Parang dahan-dahan na pinupunit ang puso ko. Parang sinasabi ng mga mata niya na sumuko na ako.

Pero paano kung ayoko?

Pilit na kinakalma ko ang aking sarili sa paghikbi upang makapagsalita.

"S-S-Sabihin mong...s-sabihin mong hindi totoo a-ang sinabi ni Roxanne. Please! S-Sabihin mong hindi ka pumapayag n-na...m-maghiwalay tayo. Please." Sabay hawak ko sa magkabilaang braso niya habang siya nama'y walang emosyon na napaiwas lamang ng tingin mula sa akin.

"Z-Zoe...please. Nakikiusap ako, 'w-wag mo namang gawin ito."

I used her name, Zoe. Kasi baka dahil doon lumambot siya. Kasi ako lang naman ang hinahayaan niyang tumawag sa kanya noon, 'di ba? Baka dahil doon mabago ko ang isip niya.

Napalunok siya ng mariin at dahan-dahan na muling tinignan ako sa aking mga mata. "I'm sorry." Paghingi niya ng tawad.

"But it's true." Diretsahang dagdag pa niya.

Mariin na napailing ako.

"No, please." Pakiusap ko at yayakapin sana siyang muli nang itulak niya ako.

Iyong tulak na sa sobrang lakas ay napaupo ako sa damuhan.

"Don't make it hard for us, Elena." Mariin ang boses na wila niya. "We're done." Tatalikod na sana siya nang muli akong magsalita.

"Gano'n na lang 'yun?" Tanong ko sa kanya. "S-susuko ka na lang ng basta-bata? Hindi mo man lang ba ilalaban 'yung meron tayo?" Napipiyok sa dulo na tanong ko sa kanya and swear, rinig na rinig sa boses ko ang lahat ng hinanakit at sama ng loob na meron ako para sa kanya.

"Ang duwag mo naman!" Dagdag ko pa.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay tuluyang tinalikuran pa rin niya ako at inihakbang ang kanyang mga paa.

"Kapag humakbang ka pa ng isang beses tapos na talaga tayo. Break na talaga tayo!" May pagbabanta na wika ko.

Ngunit katulad sa inaasahan ko ay inihakbang nga nito ng isang beses ang kanyang paa, dalawang beses, tatlo, apat at hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo patungo sa kanyang sasakyan na naka-park sa may hindi kalayuan.

Para na naman akong tanga na lalong naiyak habang tinitignan 'yung taong mahal ko na tinalikuran ako at humakbang papalayo.

At sa mga sandaling ito, alam kong wala na talagang pag-asa. At kahit ilang beses ko pa itong gustuhing ilaban at ipanalo, kung ayaw na niya, ayaw na niya.

Kahit na bigyan ko pa siya ng maraming dahilan para huwag sumuko, hindi na niya ako pakikinggan dahil ayaw na niya.

At alam kong hinding-hindi ko maipapanalo ang isang laban na mag-isa ko lang na inilalaban. Tapos 'yung taong pinaglalaban ko, sumuko na.

Sa sobrang pag-iyak ko pati yata langit gusto akong damayan dahil bigla na lamang din bumuhos ang malakas na ulan.

At swear, kahit gustuhin ko man ang tulayo at sumilong para hindi mabasa ng ulan ay hindi ko magawa dahil maging ang mga binti ko ay sobrang naghihina pa para tumayo.

Kaya habang bumubuhos ang ulan ay ibinubuhos ko rin lahat ng sakit na aking nararamdaman. At hinihiling na sana ay mawala na ito at tangayin kasabay ng ulan at hangin para bukas, masaya na akong muli.

Kasi hindi ko alam kung paano kakayanin. Hindi ko alam paano gigising ulit sa umaga na wala ng kami ni Kassandra. Pagod na ako. Ayoko nang umiyak ng umiyak sa taong mas piniling bitiwan ako kaysa ang ipaglaban.

Sa sobrang pag-iyak ko habang nakayuko, hindi ko namalayan na meron palang tumatakbo papalapit sa akin para payungan ako.

Mabilis na lumuhod siya sa harap ako. Hindi inaalala kung mababasa at madudumihan ang suot niya basta niyakap niya lang ako ng mahigpit na mahigpit.

Habang paulit-ulit na binabanggit ang katagang, 'sorry'.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm really, really, sorry. Pero hindi ko pala kaya." Paulit-ulit na sinasabi niya iyon habang yakap ako ng mahigpit. Hinayaan na lamang din niyang mabasa ang sarili ng ulan.

"I'm sorry, piggy. I am willing to put everything behind just for you. I'm sorry, I hurt you so bad." Muling paghingi niya ng tawad.

Dahil sa huling sinabi niyang iyon ay mas lalong napangawa ako. Siguro dahil 'yung kirot at hapdi na nararamdaman ko kanina sa aking dibdib ay biglang napalitan ng sobrang saya.

Tinapos kaagad ng ulan ang sakit na nararamdaman ko at hinila ng hangin si Kassandra pabalik sa akin.