Now playing: Sunrise - Faime
Elena POV
Papalapit pa lamang ako sa gate ng St. Claire University, ang school kung saan ako nag-aaral, ay pinagtitinginan na kaagad ako ng mga estudyante.
Iyong iba naman ay pinagtatawanan na agad ako kahit na wala pa namang nangyayari.
Hindi ko maiwasan ang mapalunok ng mariin sa aking sarili. Habang mayroong malakas na kaba na naman sa aking dibdib. Napapahawak din ako ng mahigpit sa magkabilaang strap ng back pack ko.
Inihahanda ko na naman kasi ang aking sarili sa mula sa matinding matatamo mula sa mga estudyanteng nangbu-bully sa akin.
Ilang taon na ba nilang ginagawa ito sa akin?
Isa?
Dalawa?
Tatlong taon?
Hanggang ngayon na Senior High na ako. Ginagawa pa rin nila ito sa akin. Eh buong high school life ko yata eh binu-bully lamang ako sa school na ito.
Napakamemorable ng high school life ko, 'di ba?
Hindi ba talaga sila nagsasawa sa pangngungutya sa akin? Sa maraming taon at araw-araw na pinagtatawanan nila ako, hindi ba nauumay ang mga bunganga nila sa katatawa sa akin? Sa mga ginagawa nila sa akin?
Sabagay, hindi ko naman kasi talaga sila masisisi eh. Ang taba-taba ko naman kasi talaga. Ang panget ko na, ang taba ko pa ng sobra. Plus, napakaitim ko pa. 'Di ba?
Well, hindi naman masasabing mahirap ang pamilya namin. Hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap. Pero sapat iyon para makakain kami sa araw-araw at nakakabayad ng tution dito sa University na ito.
Pero sino nga naman kasi ang may gustong makipagkaibigan sa akin? Wala! kasi lahat ng mga estudyante rito, takot sa magkakaibigang sina Annia Lapuz, Cybel Corporal at Luna Escalante.
Sila-sila lang naman kasi ang nagbibida-bidahan sa eskwelahang ito eh. Pero kahit na anong pagmamalupit pa ang gawin nila sa akin, hinding-hindi nila ako mapapaalis sa university na ito.
Aba! Kahit naman na paborito akong i-bully rito, ako naman ang nangunguna palagi sa lahat ng klase. Valedictorian kaya 'to nung Junior High. Kaya isa iyon sa dahilan kung bakit hindi nila ako magawang paalisin rito. Mga estudyante lang naman ang may ayaw sa akin, pero 'yung mga teachers, ako ang paborito.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa aking sarili nang maisip iyon habang naglalakad papasok ng gate. Ngunit agad din naman na nahimasmasan noong bigla na lamang akong nadulas kasabay ang pagbuhos sa akin ng isang timbang tubig na punong-puno ng yelo.
Awtomatikong nanginig kaagad ako sa lamig at tinulungan ang sarili na makabangon. Pero bigo ako dahil mayroong tumulak sa akin mula sa likuran. Pinagpapasa-pasahan nila ako habang nagtatawanan ang mga ito.
"Boo! Boo! Boo!"
"Ang pangte mo talaga! Negra pa!"
"Umuwi ka na lang kaya!"
"Bakit kasi pumapasok ka pa rito? You're not belong here! Eww! Gross!"
Gano'n ang araw-araw na eksena ko sa eskwela. Ngunit kahit na isang beses, never nila akong napaiyak. Mukha lang naman akong mahina sa panlabas pero strong naman ako sa loob. Iniisip ko na lang, may katapusan din ang lahat ng ito. At oo, malapit na ang araw na iyon dahil makakapagtapos na rin ako ng Senior High at tuluyan ko na ring lilisanin ang eskwelahang ito.
Pagkatapos kasi nila akong pag-tripan, at kapag tumunog na ang bell. Nagkakanya-kanya na rin naman silang magsi-alisan dahil kailangan na nilang pumasok sa kanilang mga klase.
Habang ako naman ay dimidiretso na muna sa may CR para makapagpalit ng uniform. Oo, palagi akong may dalang extrang uniform na pamalit. Hindi naman kasi ako pwedeng pumasok sa aking mga klase na basang-basa o marumi ang suot.
Ang panget ko na nga tapos ang baho ko pa.
Sa may CR malapit sa gym ako dumiretso. Wala kasing masyadong gumagamit ng CR doon kaya doon ako madalas magpalit. Pero papasok pa lamang ako sa CR nang makita ko si Cybele na nakangisi habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Natigilan ako sa aking paghakbang bago napalunok ng mariin.
Napaatras ako ng dalawang beses, pero bigla na lamang mayroong humablot sa bag ko mula sa likuran.
"And where do you pink you're going, Piggy?" Malditang tanong naman sa akin ni Annia habang binubuksan ang bag ko.
Narinig ko naman na tumatawa si Luna habang naglalakd papalapit sa akin. Magkasama na sila ngayon ni Cybele.
"May baon ka pala talagang uniform ha?" Wika ni Annia. Nung makita niya na nasa loob ng bag ko ang extrang unifom na dala ko, habang nakabalot ito sa plastic bag para hindi mabasa kung sakaling paliliguan nito ako ng tubig, gaya ng nangyari sa akin kanina sa gate.
"Aba! Mautak." Dagdag naman ni Luna. Bago ito lumapit sa akin at mabilis na tinulak-tulak ang noo ko.
"A-Annia, please. Nag-iisa ko na lang na extrang uniform 'yan." Biglang pakiusap ko kay Annia noong makitang may inilabas itong lighter mula sa bulsa ng palda niya.
Pero sa halip na makinig ito ay mas lalo pa siyang natuwa. Bakit nga ba kasi nag-e-expect pa akong pakikinggan niya ako?
"Tanga! Alam mo namang hindi kita pakikinggan, 'di ba? Like duh! We're not friends para makinig ako sa'yo." Pagmamaldita pa rin nito.
"Tss! Sunugin mo na 'yan. Come on! Male-late na tayo sa klase natin." Dagdag pa ni Cybele bago ako dinuraan at agad itong tumaama sa paa ko.
Napapahinga na lamang ako ng malalim. At sa kauna-unahang pagkakataon. Sa tinagal-tagal nilang binu-bully ako. Noon lamang tumulo ang luha ko nang makitang lumiliyab na sa apoy ang uniform ko.
Napapailing na lamang ako habang lumuluha.
"Aweee! Iyakin naman pala 'to eh!" Kunwaring umiiyak na sabi ni Luna.
"Bye bye uniform!" Nakangising wika ni Annia bago nila ako pinagtawanang tatlo.
"Tanga mo kasi! Ba't di ka na lang umalis sa University na'to? O kaya umakyat ka dun sa pinakamataas na building tapos tumalon ka. Nakakasuka na kaya 'yang pakmumukha mo!" Dagdag pa ni Cybele.
"Eh kahit yata salamin mababasag kapag nanalamin ka eh! Hahahaha!" Pahabol ni Annia at muli na naman nila akong pinagtawanang tatlo.
Pagkatapos noon ay tumalikod na sila mula sa akin. Habang ako naman ay hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko, habang tinitignan ang nagliliyab pa rin hanggang ngayon na uniform ko.
Pero kahit na anong gawin nila, hindi pa rin ako susuko. Hindi naman kasi 'yun ang hadlang para hindi ako magpatuloy sa pag-aaral eh. Dahil mas gusto ko ang makapagtapos.
Konting tiis na lang. Alam kong malalampasan ko rin ito.
Hindi ko lang maiwasang mag-alala dahil mukha na akong basang sisiw ngayon. Ang dungis-dungis ko. Ayaw kong malaman ng mga magulang ko na ganito ang nangyayari sa akin sa University na ito.
Never ko kasing ipinaalam sa kanila ang mga kaganapan dito. Nakiusap na rin ako sa mga teacher ko na kung pupwede 'wag na nilang ipaparating sa mga magulang ko dahil ayaw kong mag-alala sila. Isa pa, mas gusto kong makapagtapos sa eskwelanahang ito para makakuha ng scholarship pag-college ko.
Mabuti na lang at meron akong extrang pera kahit na papaano. Sumaglit na lamang ako sa pinakamalapit na laundry shop at doon pinalabhan ng mabilisan ang uniform ko.
Ayoko kayang umuwi ng ganito ang suot. At mas lalong ayaw kong pumasok sa klase na marumi ang suot dahil mas lalo na naman nila akong pagtitripan.
Pinili ko na lang muna na lumiban sa unang araw ng klase. Alam ko naman na wala pang masyadong lesson kapag ganitong unang linggo ng pasukan. Kakausapin ko na lang mamaya ang teacher ko sa unang subject pagdating para makapagpaliwanag na rin.
---
Kinubukasan, gano'n ulit ang nangyari. Pero ngayon naman, hindi na ako pinaliguan ng tubig, pero sinabuyan naman ng maraming harina sa aking uniform.
Ewan ko. Minsan gustong-gusto ko na ring sumigaw sa kanila. Gustong-gusto ko na ring magbitaw ng masasakit na salita. Pero hindi ko magawa. Mas pinipili ko ang manahimik kasi alam kong masama ang gumanti sa kapwa.
Nakita ko rin may sa gate ang best friend kong si Mae. Pero kahit na gustong-gusto niya akong tulungan. Hindi niya magawa. Isa pa, ayaw ko rin na tulungan niya ako dahil madadamay siya.
Ang nag-iisang rules kasi ni Annia, ang sino mang tutulong sa akin ay mabu-bully rin. Syempre ayaw ko namang mangyari 'yun sa kaibigan ko. Kaya mas okay nang ako na lang ang araw-araw na i-bully nila, 'wag lamang siyang madamay.
Mabuti na lang at may mga guard na dumating para awatin at sawayin silang lahat. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakbo patungo ulit sa lugar kung saan alam kong safe ako.
Sa likod ng gym.
Hindi ko maiwasang ma-stress at mapahilamos sa aking mukha. Nag-iisa ko na nga lang na uniform ito tapos sasabuyan pa ng harina.
Napapakagat sa labi na naupo ako sa bench na naroon habang napapasabunot sa aking buhok.
Bahala na! Hihintayin ko lamang na mag-bell at papasok ako sa klase kahit na marumi ang suot ko. Sabi ko sa aking sarili.
Hindi nagtagal ay tumunog na nga ang bell. Mabilis na tumayo ako sa kinauupuan ko nang bigla na lamang akong natigilan noong makita ko si Kassandra, na nakatayo sa harapan ko, habang may seryosong mukha na nakatitig sa akin.
Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin. Si Kassandra ay napapabilang din sa grupo nina Annia. Matagal na silang magkakaibigan at ang alam ko, magkababata na talaga sila. Siya rin ang pinakatahimik sa kanila.
At para sa akin, siya rin ang pinakamaganda.
Sana all na lang maganda at kasing sexy niya. Ani ko sa aking sarili.
Madalas siyang kasama nina Annia, pero pagdating sa mga kalokohan ng mga kaibigan niya, bigla siyang nawawala. Katulad na lang ng pambu-bully ng mga kaibigan niya sa akin.
Mabilis na napayuko ako dahil sa malalim na pagtitig niya sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok.
Ano ba? Male-late na ako sa klase pero hanggang ngayon nandito pa rin ako. Para bang may kung ano sa mga paa ko na hindi ko na ito muling maihakbang pa dahil nasa harapan ko si Kassandra.
Narinig ko itong napabuntong hininga. Ramdam ko rin na nasa akin pa rin ang kanyang mga mata. Ayoko kasing tumingin ulit sa mukha niya. Masyadong nakaka-intimadate 'yung mga tingin niya. Lalong-lalo na 'yung ganda niya.
Samantalang ako chaka na, marami pang tigyawat sa mukha.
Awtomatiko akong napakapit ng mahigpit sa strap ng bag ko noong sandaling inihakbang nito ang kanyang mga paa palapit sa akin. Kusa na lamang din na napapikit ang dalawang mga mata ko ng mariin. Inaakala na sasampalin niya ako or what.
Syempre, kaibigan nito sina Annia. Hindi malabo na pati siya ay gano'n din ang ugali.
Pero nagulat na lamang ako noong wala akong natamo na kahit isang sampal mula sa kanya.
"Here." Wika nito.
Dahan-dahan na iminulat ko ang aking mga mata. At laking gulat noong bumungad sa akin ang kulay puting panyo na inaabot niya. Muli akong napalunok ng mariin.
Hindi ko magawang kunin sa kamay niya 'yung inaabot niya sa akin. Dahil parang tangang nakatitig lamang ako sa napakakinis at maputing kamay nito.
Kaya naman muli siyang napahinga ng malalim. At siya na mismo ang nagpunas ng panyo sa mukha ko. Nilinis niya ang maruming mukha ko na panay harina na nagmistulang polbo sa itsura ko.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi matulala sa magandang mukha ni Kassandra. Pagkatapos ay bigla na lamang akong nasinok kaya mabilis na tinakpan ko ang aking bibig gamit ang dalawang kamay ko.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba iyon o namamalikmata lamang ba ako? Pero nakita ko na gumuhit ang maliit na ngiti sa gilid ng kanyang labi. Bago nito kinuha ang kamay ko at nilagay doon ang kanyang panyo.
Mabilis na napayuko ako para tignan 'yung binigay niya. May tatak pa na 'Kassandra Zoe Moreno' sa may gilid nito. Halata na para lang talaga sa kanya ito at pinasadya pang ipagawa.
"Isuli mo na lang sakin sa susunod." Sabay talikod na sabi nito at mabilis ang mga hakbang na umalis na.
Habang ako naman ay parang tanga pa rin na napapatulala sa panyo na ibinigay niya. Noon ko lamang napansin na parang may nakaipit sa loob ng panyo.
Gayon na lamang ang gulat ko nang makita kong may one thousand pesos na nakaipit rito. Mayroon ding maliit na note na nakalagay.
'Take your uniform to the laundry. Mukha kang pulubi.'
Napapakagat na lamang ako sa aking labi habang binabasa ng paulit-ulit ang note. Hayyy! Hindi tuloy ako nakapagpasalamat. Ano ba, Elena!
Ngunit agad din akong napangiti nang ma-realize na hindi pala siya kasing heartless ng mga kaibigan niya.
Kaya kahit yata hanggang sa pag-uwi at pagtulog ko, nakangiti ako habang inaalala ang nangyari. Lalo na 'yung ginawang kabutihan ni Kassandra sa akin.
Na hanggang sa pagtulog ko rin ay katabi ko ang panyong ipinahiram niya sa akin.