Approval
"Ano ba yan? Bakit ang hirap naman nong exam natin sa math." Sabi ko habang liniligpit ang mga gamit ko. "Alam mo Shantal, wala na nga talaga akong pag-asa maka pasa sa math subject na Yan!" Natatawang sabi ni Irene habang relax lang na nakaupo sa harap ko.
Kung kaya pa ni Irene ngumiti ako naman hindi. I'm not really maarte in school but I also don't want to fail. Like hello? Sino ba ang gusto mag fail? "Don't stress about it, gurl. Fourth year highschool palang ta'yo and may ilang taon kapa para maka bawi like pagdating natin ng SHS tsaka college and I'm sure you'll graduate with honors." Sabi nya habang inaayos ang buhok nya. Irene is super kikay, hindi sya lumalabas ng bahay nila ng hindi naka light make-up. I rolled my eyes at her dahil wala talaga syang pakialam sa studies nya, chill lang. If she pass, then good, if she doesn't, better luck next time ang motto ng babaeng ito samantalang ako naman ay ito overthinking and stressed.
"Oh there's your prince charming! Just shrug it off Shantal! Ano ka ba, I'm sure you'll pass it." Aniya habang tumatayo at kinukuha ang bag nya at nilagpasan ako. Before I could turn around naramdaman ko na kaagad ang pag yakap sa aking bewang.
"Hey.. " I shivered hearing his deep manly voice.
God knows kung gaano ko kamahal ang lalaking to.
I smiled as he hugged me tighter. "Boo, stop it! Baka may makakita satin' ma punta nanaman tayo' sa guidance!" I said laughing as I faced him. Then I saw his handsome face, perfect jaw, matipuno, moreno, matangkad, matangos na ilong, what more could I ask for? My man is full package. Mabait si Tristan, gentleman at family oriented. Bonus nalang ang kagwapohan nya. "Come on. Lunch na ta'yo nagutom talaga ako sa ginawa namin sa science lab tagal namin natapos." Aniya habang kinukuha sa kamay ko ang mga libro ko. "Aweee, kawawa naman baby ko." Biro ko habang kinukurot ang pisngi nya habang naka pout. I love teasing him, he's so cute.
"Hay nako! Sana may makakita sa inyo na teacher at dalhin kayo sa guidance. Wag nga kayong PDA!" Sabi ni Irene at inirapan kami ni Tristan. "Bitter ka lang kasi wala kang love life!" Pabiro na sinabi ni Tristan at pinagsalikop ang mga daliri namin at nag tungo na sa cafeteria.
"Nandito na pala ang mag sweetheart!" Ito na handa na ako sa walang kupas na kantyaw ng mga kaibigan ni Tristan na sila, James, benji, at tyke habang inirapan lang kami ni Roxanne.
Roxanne likes Tristan and she hates me dahil kami ni Tristan. Desperada to'ng babaeng to eh. Binaliwala ko nalang sila at tinawanan habang hindi ko nalang pinansin si Roxanne. "Babe, I'll get us some food." Sabi ni Tristan at hinalikan ang noo ko bago umalis para bumili ng makakain namin. Alam ko na kahit hindi ko tinitignan si Roxanne ay nakatingin sha sa akin.
Jealous bitch.
"Kung makakapatay ang titig, girl matagal ka ng patay." Bulong ni Irene sakin' at alam ko na agad ang ibig nyang sabihin. "Lol, don't mind her. Eh, si Tristan nga hindi sha pinapansin, ako pa kaya?" I replied laughing at sinabayan na ako kaagad ni Irene.
Pag balik ni Tristan ay dala-dala na nya ang paborito naming dalawa. Chicken curry! "Hmmm ang bango!" Compliment ko sa pagkain habang kinukuha ito sa tray at agad na tumabi si Tristan sa akin. "Let's eat." Aniya at nag simula na kaming kumain.
"Tristan, ito nga pala. Brownies para sa'yo, bake ni mommy yan." Na ngingiting sabi ni Roxanne. Aba talaga naman, ang kapal talaga. Sa harap ko pa talaga? Bag'o pa ako maka pagsalita ay naunahan na ako ni Benji, "Grabe tapang naman. Harap harapan talaga. Have some respect naman. Can't you see? May girlfriend na yong tao!" pabirong sabi ni Benji ngunit may bahid ng galit sa boses ni Benji. Obvious naman ata na ayaw nila kay Roxanne but we are all keeping up with her in respect kay Tristan.
Yes, Si Roxanne ay kabarkada nila but nasama lang sya sa kanila dahil kay tristan. Anak si Roxanne ng family friend nila Tristan at wala syang ibang kilala dito sa school kundi si Tristan kaya ayon at napasama na sya.
I glared at roxanne making sure she notices me. Really? That's how you wanna play it?
Gurl, how low.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami sa mga kaibigan namin para pumasok na sa klasi. Hindi kami pagkaklase ni Tristan dahil ahead sya sakin' ng two years. He's graduating Senior high school soon. "I'll see you later baby." Aniya at hinalikan na ako sa noo at umalis na. Na una na si Irene sa classroom dahil may gagawin pang assignment samantalang ako natapos ko na kagabi pa.
Bago pumunta sa classroom ay dumaan muna ako sa CR para mag hugas ng kamay. Pagka bukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad si Roxanne na nag huhugas din ng kamay. Talagang sa high school building pa sya nag CR pwede naman sa SHS building. Ngumiti ako sa kanya bilang pag bati because even if she's a bitch, I have good manners but tinaasan nya lang ako ng kilay habang inaayos na ngayon ang mahaba at maganda nyang buhok.
Maganda si Roxanne, sosyal, maputi, pouty lips at masasabi ko talaga na hindi mahirap na gustohin sya. Habang nag huhugas ako ng kamay ay tinitigan nya nanaman ako.
"Yes?"
I asked staring back at her. I'm a good person pero hindi ko rin sya uurungan.
"You don't deserve, Tristan." Panimula nya and I couldn't help it but laugh sarcastically at her.
"So, sino ang deserving sa kanya? Ikaw?" Natatawa kong sabi habang kinukuha ang tissue.
"Doesn't mean dahil nasa sa'yo sya ngayon, sa'yo na sha palagi!" She yelled and my eyes widened at her reaction.
Ang desperada naman!
"Whatever Roxanne. I trust tristan at alam ko na Mahal nya ako. I know we're both young but we're trying to make things work for the both of us. We've got our parents support at hindi namin kailangan ng suporta mo!" Sabi ko at ngayon mas hinarap ko na sya. She smirked because she knew she was getting into my nerves.
"At hindi kami nag mamadali roxanne kasi hindi naman ako desperada katulad mo." Pahabol ko at agad na syang tinalikuran.
Wala akong panahon sa desperadang yon.
"Oh, what happened? Parang handang handa kang pumatay ng tao ah!" Natatawang salubong ni irene sakin nung naka pasok na ako sa classroom. I sighed and rolled my eyes and sat down beside her.
"Roxanne is getting into my nerves!"
I told Irene about my encounter with Roxanne a while ago at aba! Mas galit pa sya sakin, talagang susugorin nya sana si Roxanne.
"Irene, please don't. Don't stoop down to her level." I said stopping her and just in time our teacher arrived and she zipped her mouth as we listened in class.
"Bye, babe!" Sabi ni Tristan ng bumaba na ako sa sasakyan nila. Ganito kami everyday, after school ihahatid nya ako sa bahay. "Bye, I love you so much." I replied waving at him. "I love you so much more!" He smiled waving at me at nag simula na akong mag lakad patungo sa front door namin pagka pasok ko ay umalis na sila kasama ang driver nya.
Pagka pasok ko sa mala mansyon namin na bahay ay tumambad na kaagad sa akin ang receiving area na walang tao.
"Grandma?"
I called out while placing my bag on the floor. "Ay ma'am natutulog ang Lola nyo. Masama ang pakiramdam." Sabi ng isa sa mga katulong namin.
Agad akong nakaramdam ng takot at kirot sa puso ko.
My lola is everything to me. She never left my side and because of her I feel like I can do anything with her beside me.
I am Shantal Georgina Samson Sy. Not your typical rich girl dahil hindi ako englishera.
Nag-iisang anak ng mga magulang ko na matagal ng hiwalay. May kanya kanyang buhay na sila. Si mommy nasa ibang bansa with her fiancee at si daddy na walang ibang inatupag kundi ang negosyo naming chain of malls. Si Lola ang nagpalaki sa akin. She's my mom and my dad. Wala na ang lolo ko matagal na hindi ko na nga sya matandaan kaya ito si Lola sa akin binibigay lahat ng attensyon nya. She loves me so much and I love her so much too. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin' kung mawawala sya.
Yes, mayaman kami at nakukuha ko lahat ng gusto ko. But I'm not spoiled dahil kontento ako, tho my parents spoil me with money and material things because they couldn't give me the love and attention that I want at kay lola ko lang nakukuha ito. Kaya naman when I met Tristan, mas naging maganda ang buhay ko. Mahal na Mahal ko si Tristan, itataya ko ang buhay ko sa kanya. Ganyan ko sya kamahal.
I was in first year highschool when I met Tristan. New student sya non, sila ni Roxanne sa Isang international School na pinapasokan ko dito sa Cebu. Yes, taga Cebu kami. Pagkakita na pagkakita ko kay Tristan non, may kakaiba akong naramdaman, I don't know? Puppy love? But one thing was for sure. I want him. I wanted him to notice me.
Tristan Damon Rosemontt, anak ng isang successful man sa Marine Industry, Captain ang dad nya and they also have a business. Their business isn't as big as ours but it's still good. Napa ka family oriented, God fearing, mabait, maginoo, at sobrang gwapo ni tristan. We were introduced to each other because of this play sa school noon, we were both part of it. Main cast kami pareho. That's how the friendship started at nag tuloy tuloy na. He was third year that time at before matapos ang school year na yon. He confessed to me, at niligawan na nya ako.
At first hindi pa pumayag ang parents namin but we proved to them that we're good for each other. Na walang mangyayari sa amin besides, ang bata bata pa namin.
"Tito, I vow to take good care of your daughter. We both know our limitations. Hindi kami nag mamadali, all we want is assurance and security na kami lang." Ani ni Tristan habang nag di-dinner kasama ang family namin both. We're trying our best to convince our parents about us. Na payagan kami.
"Mom, dad, Tito, tita, Tristan really really makes me happy. He completes me. I know mga bata pa kami pero doesn't mean na hindi na kami pwede makaramdam ng ganito. Mahal namin ang isa't isa, you might be wondering if kailangan ko ba talaga syang sagutin, then yes. Kailangan po, kasi hindi ko kaya na walang assurance. I Hope you understand that we're each other's inspiration aside from our families." Paliwanag ko habang umaasa. I looked over at Tristan and he smiled at me.
Seryoso naman siguro sya sa akin noh?
"Well, so far this is the first time I've seen my daughter this happy. Siguro mabuti ka nga para sa anak ko. Tristan, your tita and I trust you with our daughter. Do not disappoint us." Sabi ni daddy habang ngumingiti at hindi ko mapigilan tumili sa saya na nararamdaman. I stood up and hugged both my parents. "Thanks dad, mom!" I say happily and kissed them both.
I've been with Tristan for a year now. Malapit na rin matapos ang school year na ito and Tristan's graduating. Sa buong relasyon namin ni Tristan ay wala syang ibang ipinakita at ipinaramdam sa akin kundi pagmamahal.
He's my happiness.
He's always by my side in times of trouble and happiness. He makes me whole. I will always support tristan kahit ano pa ang gusto nya'ng gawin nandito lang ako. I'll be his number one fan, his cheerleader, his muse, his everything. Kahit mga bata pa kami sure na ako kay Tristan, alam ko na wala na akong ibang mamahalin pa kundi sya lang. At alam ko ganyan din sya sa akin.
Sikat si Tristan sa school at maraming babae ang nagkaka gusto sa kanya pero okay lang sakin kasi secured ako eh. Kahit kailan hindi pinaramdam ni Tristan sa akin na may rason para mag selos ako.
Mahal nya ako and I trust him.
Kami lang ang para sa isa't isa.
At mamahalin ko sya hanggang sa dulo ng walang hanggan.
"Manang, paabot ng sugar please." Paki usap ko kay manang habang hinahalo ko ang ginagawang cake.
I'm baking blueberry cheesecake dahil paborito to ni grandma and of course ni Tristan. He loves my blueberry cheesecake, actually hindi talaga mahilig si Tristan sa mga cake but ever since he tasted my own version of blueberry cheesecake lage na nya itong hinahanap.
"Okay. I'm done na! Manang, please ikaw na bahala dito you know what to do. Thank you." Sabi ko habang tinatanggal ang apron ko at lumabas na nga kitchen at dumiretso sa dining table for dinner.
Natigilan ako ng makitang walang ibang tao sa table at tanging ang nakabantay na dalawang kasambahay lang ang nandun. "Hindi kakain si grandma?" I asked pulling my chair and sat down. "Nagpadala nalang po sya ng pagkain sa kwarto nya at wag nyo na daw sya alalahanin kumain na daw po kayo." Sabi ni leng na kasambahay namin. I nodded and decided to check on her later. I took out my phone and texted Tristan first.
To: Tristan ❤️
Nag dinner ka na? ano ginagawa mo jan?
I put my phone down and started eating and my phoned vibrated indicating that there's a new message.
From: Tristan ❤️
Malapit na kami mag dinner. Nandito kasi sila roxanne. But don't worry okay?
oh, really? I'm not really worried and I trust Tristan so much.
To: Tristan ❤️
Oh, okay. Eat well and drink lots of water and tell Roxanne I said hi. :)
I shrugged it off and continued eating. Hindi ko naubos ang food ko nawalan ako ng gana. Sino ba ang gaganahan kumain habang nag iisa sa napakalaking hapag kainan. After eating I went to grandma's room but she was asleep already so I went to my room and took a long bath in my tub to relax and went to bed.
I was about to sleep when my phone rang and I saw Tristan's name on it. "Hey. Did i wake you up?" I smiled hearing his voice. "Not at all boo. How was dinner? nandyan pa ba sila roxanne?" I replied sitting up and resting my head sa header. He sighed before saying anything, "Yeah, she's so annoying. Umalis nako dun sa living room kasi nandon sya and I don't want you to worry. I know grabe ka mag overthink and I don't want to give you reasons para mag selos." Parang may kumirot sa puso ko sa sinabi nya kirot dahil sa sobrang saya.
Habang tumatagal mas minamahal ko ng grabe si Tristan. I don't know what I'd do without him.