"Tara takoyaki," Natatawang sabi ni Lanz.
Kanina pa n'ya sinasabi 'yon I mean nila di ko ma-gets tawa naman nang tawa sila Maki gagi tumawa nga rin si Gav e, yung pigil na tawa. Alam kong green joke yon pero di ko talaga gets hayop.
"Bakit? ano yon Gav di ko gets," Tanong ko kay Gav, umiling lang s'ya habang natatawa parin.
"Wala yon."
"Ano nga yon si Gav oh parang di tayo mag kaibigan ah," Pagpilit ko pa. Humarap sya sakin at ibinigay ang buong atensyon n'ya.
"Wag na nga, pang lalaking topic yon.. bastos kaya wag na," Sabi nya at tinakpan ang dalawang tenga ko gamit ng palad nga at nag lakad, ako naman ay pa atras ang lakad.
"Lakad na nga lang ang aayusin mo di mo pa magawa," Sabi ni Gav at siniringan si Madison nabunggo kasi sya samin ang gago ni Gav kami nga tong di nag-lalakad ng ayos eh, taray talaga.
"Tangina nito ni Gav inuuna mo nga yung landi eh," Sabi ni Madison siniringan lamang s'ya ni Gav.
Nandito kami sa sulok, nakasandal ako sa pader habang sya ay naka tayo sa harap ko with matching taas kilay gago buti hindi to napapa-away napaka sungit ng hayop na yan.
"oh ano," Sabi ko ng naka taas ang kilay, trying to level his aura duh di ako papakabog no. Ang gago naka tayo lang sa harap ko at naka cross ang kamay sa dibdib tanginanto lakas ng trip sa buhay naka titig ba naman sakin ng seryoso, sinasapian na naman ata.
Tumalikod na lamang s'ya habang naka pamulsa at umupo sa upuan n'ya sa dulo kaya sinundan ko s'ya at umupo sa tabi non at nag cellphone na lang wala kasi kaming teacher ngayon dahil malapit na mag Christmas party nag de-decorate na lang ng room.
Habang nag-iiscroll sa fb nakita ko yung post ni Madison na picture 1 minute ago ang caption pa ay "Ang landi nung nasa likod ko tangina di nga ko stress sa acads na iinggit naman ako wala na talaga kong mapaglagyan dito sa mundong ibabaw grabe." 20 reacts na agad at halos heart o di kaya ay wow react iniissue na rin kami sa comsec.
Nando'n kami ni Gav sa likod ang unang picture ay nasa tenga ko ang kamay n'ya ang pangalawang picture naman ay naka tingin s'ya sakin habang naka cross ang braso sa dibdib.
hinaha react ko na lang ito at nag comment.
Kiara Morin Dixon
akowo sinapian lang yan si Gav iniissue n'yo pa sakin kahit ganyan yan kaibigan ko yan.(biggest regret)
hinaha react naman ng iba ang comment ko samantalang sinad react naman ito nina Madison, Rea at Jeff.
Madison Ann Adler
No comment.
Realyn Igos
No comment (2)
Jeffer Acheron
No comment (3)
Kiara Morin Dixon
Ang weird
n'yo.
Pagtapos mag-comment ay nag scroll na lang ulit ako nang biglang nag notif ang comment ni Gav sa post ni Marinel.
Gavin Archer Brewer
Ang gwapo ko talaga.
Madison Ann Adler
Gago ka higante
na-screenshot ko
'yon!
Realyn Igos
Pa-send
Jeffer Acheron
(2)
Kiara Morin Dixon
Hoy ano yan!
pa-send din ako.
"Hoy Gav ano yung cinoment mo ha," Sabi ko aba mahirap na baka kung anong sinabi n'ya tungkol sakin no!
"Wala yon ang chismosa mo talaga," Sabi n'ya habang nag-iiscroll sa cellphone n'ya.
"Ang ganda mo." Pa-bulong na sabi nya ano raw? di ko narinig!
"Huh? di ko narinig alam mo iniisip ko na may sira na d'yan sa utak mo pag walang ka-kwenta kwentang bagay halos marinig ng buong mundo tapos kapag naman sagot sa tanong ko parang magkabilang mundo ang layo natin, di ko marinig!" Sabi ko, tumawa lang s'ya. Seryoso dadalhin ko na to sa mental.